Friday, March 28, 2008

CIVIL SERVICE ELIGIBILITY PARA SA KAWANI NG PAMAHALAAN NA MAY 15 TAON NA

IPINAHAYAG KAHAPON NG CHAIRMAN NG HOUSE COMMITTEE ON CIVIL SERVICE NA SILA SA KOMITE AY GUMAGAWA NG AKSIYON PARA MAPABILIS ANG PAGKAKAPASA NG PANUKALANG MAGGAGAWAD NG CIVIL SERVICE ELIGIBILITY SA MGA KAWANI NG PAMAHALAAN NA TULOY-TULOY NA NAKAPANILBEHAN SA GOBYERNO NG LABINGLIMANG TAON.

SINABI NG ILOILO REP RAUL GONZALEZ JR NA DAPAT NANG MAIPASA ANG HB02920 SA LALUNG MADALING PANAHON UPANG MABIGYAN NG KAHALAGAHAN ANG NAKASAAD SA SALIGANG BATAS NA NAGUUTOS PARA SA PAGBIBIGAY NG BENEPISYO AT ADVANCEMENT SA MGA MARGINALIZED GOVERNMENT WORKER AT EMPLEYADO.

BAGAMAT IPINAGUTOS SA RA 6950 NA GAWARAN NG CIVIL SERVICE ELIGIBILITY ANG MGA KAWANI NG PAMAHALAAN NA MAY PROVISIONAL O TEMPORARY APPOINTMENT MATAPOS ANG MGA ITO MAKAPAG-SERVE NG PITONG TAON, HINDI UMANO DITO NAPASAMA ANG MGA MAY HAWAK NA CASUAL/CONTRACTUAL, CO-TERMINUS AT IBA PANG LEGITIMATE REGULAR PLANTILLA POSITIONS.

MAITUTURING DAW NA EXPANDED BENEFITS SA MGA NATURANG EMPLEYADO, AYON PA KAY GONZALAEZ, KUNG MAISAMA SILA SA GAGAWARAN NG NABANGGIT NA ELIGIBILITY DAHIL NARARAPAT NAMAN DAW NA I-RECOGNIZE ANG KANILANG TAPAT NA PANILBIHAN SA GOBYERNO AT PARA DIN NAMAN UMANGAT ANG KANILANG KAPAKANAN SA PANINILBEHAN.

PRICE ACT, DAPAT NANG REPASUHIN

UPANG MAPAIGTING ANG AKSIYON NG PAMAHALAAN LABAN SA PATULOY NA PAGTAAS NG PRESYO NG LANGIS AT BIGAS, NANAWAGAN KAHAPON SI HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES PARA REBYUHIN ANG RA 7581 NA KILALA SA KATAWAGANG PRICE ACT PARA SA POSIBLENG PAGPAPATAAS NG PATAW NA PARUSA SA HOARDING AT PROFITEERING.

SINABI NI SPEAKER NOGRALES NA DAPAT LAMANG REBYUHIN ANG NABANGGIT NA BATAS UPANG MALAMAN KUNG PAPAANO MA-DISCOURAGE KUNG HINDI MAN TULUYANG MAPUKSA NA ANG ILEGAL NA PAGMAMANIPULA NG MGA PRESYO NG PANGUNAHING BILIHIN LALU NA SA PANAHON NA ANG GOBYERNO AY KUMAKAHARAP SA PATULOY PA RING PAGTAAS NG PRESYO NG LANGIS AT BIGAS.

AYON PA SA KANYA, MABABA LAMANG UMANO ANG PARUSA SA KASALUKUYANG BATAS PARA SA MGA TAONG LUMABAG SA ILLEGAL NA PRICE MANIPULATION NG MGA BASIC COMMODITY NA PAGKAKAKULONG NG LIMA HANGGANG LABINGLIMANG TAON NA MAY KAAKIBAT NA PENALTY NA LIMANG LIBO HANGGANG DALAWANG MILYONG PISO LAMANG.

DAPAT LAMANG UMANONG PAGARALAN NG KONGRESO KUNG PAPAANO DAGDAGAN PA NG NGIPIN ANG BATAS UPANG MADISCOURAGE ANG MGA TRADERS NA MAGSAGAWA PA NG PARICE MANIPULATION AT TULUYAN NANG MAPUKSA GANITONG ILEGAL NA GAWAIN.

Wednesday, March 26, 2008

HILING NI MAWANAY NA PROTECTIVE CUSTODY, TINANGGIHAN

TINANGGIHAN KAHAPON NG KAMARA DE REPRESENTANTES ANG KAHILINGAN NI ADOR MAWANAY NA SUMAILALIM SA PROTECTIVE CUSTODY NANG IGIIT NA HINDI BAHAGI NG TRABAHO NG INSTITUSYON ANG MANGALAGA SA MGA SAKSI.

SA HALIP, IPINASA NI HOUSE SERGEANT-AT-ARMS BRIG GEN HORACIO LACTAO SA DEPARTMENT OF JUSTICE (DOJ) ANG KAHILINGAN NI MAWANAY NA IPINADALA NITO KAY SPEAKER PROSPERO NOGRALES SA PAMAMAGITAN NG TEXT MESSAGE DAHIL UMANO SA PAGBABANTA SA KANYANG BUHAY.

IGINIIT NI MAWANAY NA PINIPILIT UMANO SIYA NI SEN PANFILO LACSON NA TUMESTIGAO KAUGNAY SA MAANOMALYANG NATIONAL BROADBAND NETWORK DEAL AT HINILING NA DOKTORIN UMANO ANG MGA DOKUMENTO TUNGKOL SA SINASABING BANK ACCOUNTS.

NILINAW RIN NI LACTAO NA IMPOSIBLENG MAKAPAGPADALA NG LIHAM SI NOGRALES KAY JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALES PARA IENDORSO SI MAWANAY DAHIL NASA ESTADOS UNIDOS PA ITO NANG GAWIN ANG KAHILINGAN.

SA ISANG TEXT MESSAGE, SINABI NI NOGRALES NA NATURAL SA KANYA ANG TUMULONG KUNG SAAN REFERRAL LAMANG NAMAN ANG MAGAGAWA NIYA SA KASO NI MAWANAY NA HINDI NAMAN KONGRESISTA.


HUWAG IPAGBAWAL ANG SPORT NA BOXING

IPINANUKALA NG ISANG MAMBABATAS NA MARINIG DIN ANG DAMDAMIN NG MGA BOKSINGERO SA PANGUNGUNA NI PEOPLE’S CHAMP MANNY PACMAN PACQUIAO KAUGNAY SA PANUKALANG GANAP NA IPAGBAWAL ANG BOXING AT MGA KATULAD BILANG PORMA NG PALAKASAN SA BANSA.

INAMIN NI BACOLOD CITY REP MONICO PUENTEVELLA NA IKINAGULAT NIYA ANG HB03743 NI NUEVA ECIJA REP EDNO JOSON NA NAGLALAYONG IPAGBAWAL ANG BOXING AT MGA KATULAD NA SPORT DAHIL NAGTUTURO LAMANG UMANO ITO NG KULTURA NG KARAHASAN.

SINABI NAMAN NI CAVITE REP JOSEPH EMILIO ABAYA NA PROTEKSIYON SA MGA BOKSINGERONG PROPESYUNAL KATULAD NG PROTECTIVE GEAR SA AMATEUR ANG DAPAT NA GAWIN NG KINAUUKULAN SA HALIP NA GANAP NA IPAGBAWAL ANG BOXING AT MGA KATULAD.

NAGPAHAYAG NAMAN NG KALUNGKUTAN SI ABAYA SA KATOTOHANANG HIGIT NA NAMAMAYAGPAG SA BOXING ANG USAPIN NG MALAKING HALAGA NG SALAPI AT MAGING ANG KARAHASAN SA BAKBAKAN NA MISTULANG BINABAYARAN NGAYON NG MGA MANONOOD.

NAUNANG IGINIIT NI JOSON ANG PANINIWALANG HINDI BAHAGI NG OBLIGASYON NG PAMAHALAAN SA PROMOSYON NG PALAKASAN SA ILALIM NG ARTICLE XV, SECTION 19 [I] NG KONSTITUSYON ANG PAGTATAGUYOD NG MARARAHAS NA SPORTS, PARTIKULAR ANG BOXING.

SA PANUKALA NI JOSON, PAPATAWAN NG ANIM NA BUWAN HANGGANG 12 TAONG PAGKAKABILANGGO ANG SINOMANG LALABAG SA PANUKALA KUNG SAAN MAY KAUKULAN RING MULTA.


LUPANG PANG-AGRIKULTURA, DAPAT HUWAG GANMITIN PARA SA SUBDIBISYON

ISINISI NI VALENZUELA REP MAGTANGGOL GUNIGUNDO II SA KAWALAN NG MATINDING LAND USE PLAN NG KASALUKUYAN AT NAGDAANG PAMAHALAAN ANG SULIRANIN SA KRISIS SA MAHAL NA PRESYO NG BIGAS SA BANSA MATAPOS ANG WALANG PATUMANGGANG KUMBERSIYON NG LUPANG AGRIKULTURAL SA KOMERSIYAL NA GAMIT.

AYON SA KANYA, ITO UMANO ANG NAGBUNSOD SA PATULOY NA PAGSULPOTAN NG SUBDIVISIONS, MALLS AT IBA PANG KOMERSIYAL NA ESTABLISYAMENTO SA MGA DATING LUPANG AGRIKULTURAL.

GANITO RIN ANG NAKIKITANG PROBLEMA NI AGUSAN DEL SUR REP RODOLFO PLAZA NA NAGSABING NAGSISIMULA NANG MAGBAYAD ANG BANSA SA WALANG PATUMANGGANG KOMERSIYALISYON NG MGA LUPAIN NANG HINDI INIISIP ANG PANG-MATAGALANG EPEKTO SA AGRIKULTURA.

NANINIWALA SI PLAZA NA MALAKI ANG MAITUTULONG NG MINDANAO PARA MAGING FOOD BASKET NG BANSA.

DAPAT UMANONG PAIGTINGAN NG PAMAHALAAN ANG PAGPAPAIBAYO NG MGA LUPANG PANG-AGRIKULTURA SA MINDANAO UPANG MAPALITAN ANG YAONG MGA GINAMIT PARA SA INDUSTRIYA AT PABAHAY, DAGDAG PA NI PLAZA.

AYON NAMAN KAY PALAWAN REP ABRAHAM MITRA, MARAMI UMANO ANG IBAT-IBANG URI NG BIGAS SA MGA PALENGKE KAYA IMPOSIBLENG MAY KAKAPUSAN.

HINILING NAMAN NI GUNIGUNDO SA PAMAHALAAN NA DAGDAGAN ANG PONDONG AYUDA SA MGA MAGSASAKA AT ALISIN ANG KONTROL SA PRESYO NG PALAY NA MAY MATAAS NA URI.

NAIS NAMAN NI PARANAQUE REP ROILO GOLEZ NA GAMITIN ANG P40 BILYONG PONDO NA HINIRAM PARA SA PROGRAMA SA PAGLINANG NG BIOFUELS UPANG SOLUSYUNAN ANG KRISIS SA BIGAS DAHIL KULANG ANG ILALAAN NG PAMAHALAAN NA P1.5 BILYON BILANG AYUDA SA PRODUKSIYON NG BIGAS.

Tuesday, March 25, 2008

Personal na Panalangin Para Kay Cory

Nais magpahayag ng pitak na ito ang maramdaming pakikibahagi nito sa pamilya ng Aquino sa kanilang taimtim na pagdarasal para sa kagalingan at mabilis na pagpanumbalik ng kalusugan ni dating Pangulong Cory Aquino.

Si Cory ay isang tunay na huwaran ng hindi natitinag na pananampalataya, di matularan sa kanyang pagkakaroon ng malalim na pananalig sa demokrasya at di mapantayang kompiyansa sa Filipino.

Kami ay nananalig na diringgin ng Mabuting Panginoon ang dalangin ng buong sambayanan na bigyan siya ng ganap na kagalingan, ayon sa Kanyang pagnanais. Amen.

Monday, March 24, 2008

PROGRAMANG PAGTATANIM NG BIGAS SA MGA KURPORASYON

IMINUNGKAHI KAHAPON NI PALAWAN REP ABRAHAM MITRA SA TINAGURIANG 100 TOP CORPORATIONS SA BANSA NA MAGLUNSAD ANG MGA ITO NG MGA PROGRAMA SA PAGTATANIM NG BIGAS NA MAAARING KONSUMUHIN NG KANILANG MGA EMPLEYADO.

ITO ANG HILING NI MITRA SA GITNA NG PAGTAAS NG PRESYO NG BIGAS KATULAD NG MGA PRODUKTONG PETROLYO NA PATULOY RIN NA TUMATAAS SA PANDAIGDIGANG MERKADO.

NANINIWALA SI MITRA NA MALAKI ANG MAGAGAWA PARA MANATILING KALMADO ANG PRESYO NG BIGAS KUNG HINDI NA MAKIKIAGAW ANG MGA LIBU-LIBONG KAWANI NG TOP 100 CORPORATIONS KASAMA NG KANILANG PAMILYA SA SUPLAY NG BIGAS SA MERKADO.

DAPAT UMANONG I-REQUIRE LAHAT NG MALALAKING KUMPANYA NA KASAMA SA TOP 100 CORPORATIONS NA MAGTANIM PARA SA KANILANG MGA EMPLEYADO AT PAMILYA PARA HINDI NA SILA MAKIKIAGAW PA SA CURRENT LOW SUPPLY, AYON PA SA MABABATAS

SA PARTE NI HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES, NAIS NITONG MAGTULONG-TULONG ANG MGA KONGRESISTA SA MINDANAO SA PAGLIKHA NG MGA PROYEKTO PARA GAWING RICE BASKET NG BANSA ANG MINDANAO.

NANINIWALA SI MITRA NA MALAKI ANG MAGAGAWA NG INISYATIBO NG TOP 100 CORPORATIONS DAHIL MAYROON SILANG SAPAT NA PONDO PARA GAWIN ANG KANYANG PANUKALA.

IDINAGDAG NITO ANG KAHALAGAHAN NA MANATILING KABALIKAT NG PAMAHALAAN ANG MGA NANGUNGUNANG KOMPANYA SA PAGTULONG SA IBAT-IBANG PROBLEMA NG BANSA.


BOKSING, MARAHAS NA URI NG PALAKASAN

NAIS NG ISANG KONGRESISTA NA IPAGBAWAL ANG BOXING COMPETITIONS AT IBA PANG MARARAHAS NA PALAKASAN SA BANSA, SA KABILA NG TAGUMPAY NA TINAMO NI PEOPLE’S CHAMP MANNY PACQUIAO

ITO ANG NAKAPALOOB SA HB03743 NA INIHAIN NI NUEVA ECIJA REP EDNO JOSON DAHIL SA PANINIWALANG HINDI BAHAGI NG OBLIGASYON NG PAMAHALAAN SA PROMOSYON NG PALAKASAN SA ILALIM NG ARTICLE XV, SECTION 19 [I] NG KONSTITUSYON ANG PAGTATAGUYOD NG MARARAHAS NA SPORTS.

SINABI NI JOSON NA BATAY SA POLISIYA NG ESTADO NA NAKAPALOOB SA SALIGANG BATAS, ANG PROMOSYON NG PALAKASAN PARA SA PAGPAPAIBAYO NG ISANG MALUSOG AT ALERTONG MAMAMAYAN KUNG KAYAT NAIS NIYANG IBAYONG MAIPAGBAWAL ANG BOKSING.

AYON SA KANYA, DELIKADONG PORMA UMANO NG PALAKASAN ANG BOKSING KUNG SAAN MARAMING BOKSINGERONG MGA FILIPINO ANG NAMAMATAY AT HINDI KAGAYA NG IBANG SPORTS, ANG PAKAY DITO AY ANG SAKTAN ANG KALABAN NA MAY PANGUNAHING LAYUNING I-KNOCK DOWN ITO AT MAGING UNCONSCIOUS.

SA ILALIM NG KANYANG PANUKALA, PAPATAWAN NG ANIM NA BUWAN AT ISANG ARAW HANGGANG ANIM NA TAONG PAGKAKAKULONG AT MULTANG P200 HANGGANG P6,000 ANG SINOMANG MAPAPATUNAYANG DIREKTANG LUMALAHOK SA BOXING COMPETITION O EXHIBITION NG LABAN.

MAS MABIGAT NA ANIM NA TAON HANGGANG 12 TAONG PAGKAKABILANGGO NAMAN ANG KAPARUSAHAN SAKALING NAMATAY ANG LUMABANG BOKSINGERO, AYON SA PANUKALA.

GAYUNPAMAN, NAKASAAD SA PANUKALA NA HINDI KASAMA SA PAGBABAWALAN ANG BOXING NA ITINUTURO SA MGA KASAPI NG ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES (AFP) AT PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) BILANG BAHAGI NG SELF-DEFENSE TRAINING SA KANILANG TRABAHO.

BATAS HINGGIL SA PAGGAMIT NG MOTORSIKLO, IPINANUKALA

KADALASANG NAGING DAHILAN AT RASON NG MGA AKSIDENTE SA SASAKYAN NA MAY KAUGNAYAN SA MOTORSIKLO AY ANG PAGIGING HIGH SA IPINAGBABAWAL NA GAMOT AT PAGMAMANIHONG LASING.

DAHIL DITO, NAGHAIN SI ALBAY REP RENO LIM NG ISANG PANUKALANG BATAS NA MAGLALATAG NG ISANG EDUCATIONAL PROGRAM PARA SA MGA DRAYBER NG MOTORSIKLO KASUNOD SA PAGTAAS NG BILANG NG MGA AKSIDENTENG SANHI NG PAGMAMANIHO NITONG MAY DALAWANG GULONG LAMANG NA SASAKYAN.

TINUKOY NI LIM ANG ISINAGAWANG PAGAARAL NG METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY (MMDA) NA NAGSASABING ANG MOTORSIKLO ANG MAY PINAKAMATAAS NA ANTAS NG AKSIDENTENG IKINAMATAY SA LANSANGAN NA MAY 122 MOTORSIKLO O 23.6 NA PORSIYENTO NG TOTAL FATALITIES BAWAT ARAW NA NAUUGNAY SA VEHICULAR ACCIDENT SA METRO MANILA PA LAMANG.

SINABI NI LIM NA HINDI UMANO MAIPAGKAKAILA NA ANG MGA NAGMOMOTORSIKLO AY BUMUBUO NG ISANG MALAKING BILANG NG PAGKAPINSALA AT PAGKAMATAY SA MGA GUMAGAMIT NG LANSANGAN.

KAYA, AYON SA KANYA, MARAPAT LAMANG UMANONG MAGKAROON NG ISANG KOMPREHENSIBONG BATAS HINGGIL SA TRANSPORTASYON LALU NA SA PRIBILIHIYONG PAGGAMIT NG ANUMANG URI NG BEHIKULONG MOTOR.

Sunday, March 23, 2008

BANYAGANG BIYAHE NG MGA SOLON, HIHIGPITAN NA

HIHIGPITAN NG KAMARA DE REPRESENTANTES ANG PAGGUGOL SA BANYAGANG BIYAHE NG MGA KONGRESISTA AT MAGING ANG MAGARBONG PAGTANGGAP SA MGA BANYAGANG DIGNITARIES.

TINIYAK NI HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES NA SUSURIING MABUTI NG KANYANG LIDERATO ANG MGA AAPRUBAHANG BIYAHE AT MAGING ANG PAMAMARAAN NG PAGTANGGAP SA MGA BANYAGANG OPISYAL.

MAGUGUNITANG DAAN-DAANG MILYONG PISO ANG GINAGASTOS NG KAMARA DE REPRESENTANTES MULA SA PAMPUBLIKONG SALAPI PARA SA IBAT-IBANG BIYAHE NG MGA KONGRESISTA NA KARANIWANG TINITINGNAN NG MGA TAO NA ISANG PORMA NG PAMAMASYAL NG MGA MAMBABATAS.

KUNG MADALAS BUMIYAHE ANG KANYANG PINALITANG SI SPEAKER JOSE DE VENECIA JR, SINABI NI NOGRALES NA WALA SIYANG PLANONG IKUTIN ANG BUONG MUNDO HABANG NASA POSISYON.

SINABI NI NOGRALES NA GAGAWIN NIYANG SENTRO NG KANYANG LIDERATO ANG ISYU NG TRANSPARENCY AT EPEKTIBONG PAMAMAHALA UPANG MAIANGAT ANG HINDI MAGANDANG IMAHE NG KAMARA DE REPRESENTANTES.

IBINALIKTANAW PA NI NOGRALES NA GINAGAMIT ANG PAMPUBLIKONG PONDO SA BIYAHE SA IBAYONG-DAGAT NG SPEAKER AT MGA MIYEMBRO NG KANYANG DELEGASYON NA KINABIBILANGAN NG MGA KONGRESISTA, STAFF AT MAGING ANG MEDIA COVERAGE CREW.


TATAASAN ANG KAPARUSAHAN SA PORNOGRAPIYA

PAPATAWAN NG ISANG MILYON PISONG MULTA O MABILANGGO NG HABAMBUHAY ANG MGA TAONG NASA LIKOD NG OBSCENE, PORNOGRAPHIC AT IMMORAL NA MGA AKTIBIDAD SA BANSA.

SA ILALIM NG PANUKALANG BATAS, NAIS NIPARTY LIST REP JOEL VILLANUEVA NA MAGKAROON NG “UPDATING” SA MGA UMIIRAL NA BATAS UPANG MAKATUGON SA MAKABAGONG TEKNOLOHIYA NA LALONG NAGLALANTAD NG PORNOGRAPIYA SA PUBLIKO, PARTIKULAR SA MGA KABATAAN.

SINABI NI VILLANUEVA NA TINATAWANAN LAMANG NG MGA MAPANGHAMONG LUMALABAG NA INDIBIDWAL AT GRUPO ANG UMIIRAL NA BATAS LABAN SA KALASWAAN.

BASE SA ESTADISTIKANG NAKUHA NI VILLANUEVA, NAITALA ANG 365,602 PORNOGRAPHIC VCDS, DVDS, AT VHS NA NAKUMPISKA NG PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) NA TINATAYANG NAGKAKAHALAGA NG P14,733,467.00 AT NAGRESULTA SA PAGSASAMPA NG 120 KASO.

BUKOD SA MURANG GASTOS SA PRODUKSIYON, ISINISI NI VILLANUEVA SA MAHINANG BATAS ANG TALAMAK NA PORNOGRAPIYA KATULAD NG NAKAPALOOB SA ARTICLE 201 NG REVISED PENAL CODE KUNG SAAN UMAABOT LAMANG SA HINDI HIHIGIT SA P12, 000 O PAGKAKAKULONG NG HINDI LALAMPAS SA ANIM NA TAON ANG KAPARUSAHAN.

ISINISI RIN NI VILLANUEVA SA MAKABAGONG TEKNOLOHIYA ANG PAGLALA SA SULIRANIN SA PORNOGRAPIYA KUNG SAAN 53 NATIONAL TELECOMMUNICATIONS COMMISSION (NTC) REGISTERED INTERNET SERVICE PROVIDERS (ISPS) NA MAYROONG TINATAYANG 800,000 SUBSCRIBERS ANG NAITALA, HINDI KASAMA DITO ANG LIBU-LIBONG CYBERCAFES AT PREPAID NET CARD PROVIDERS.



PAGMAMALTRATO SA MGA HAYOP, TATAASAN ANG KAPARUSAHAN

TATAASAN NA ANG IPAPATAW NA KAPARUSAHAN SA MGA TAONG NAPAPATUNAYANG NAGSAGAWA NG PAGMAMALTRATO SA MGA HAYOP.

ITO ANG IMINUNGKAHI NI SORSOGON REP SALVADOR ESCUDERO SA KANYANG PANUKALA, HB03534, NA MAY LAYUNING AMIYENDAHAN ANG REPUBLIC ACT NO 8485, ANG ANIMAL WELFARE ACT NA KASALUKUYANG NAGPAPATAW LAMANG NG PAGKAKAKULONG NG MAGMULA ANIM NA BUWAN AT HINDI HIHIGIT SA ISANG TAON O ISANG LIBONG PISONG MULTA LAMANG.

SA PANUKALA NI ESCUDERO, ANG MGA VIOLATOR SA BATAS AY IKUKULONG NG DI BABABA SA ISANG TAON AT HINDI HIHIGIT SA APAT NA TAON AT PAGMUMULTAHIN NG LIMA HANGGANG SAMPUNG LIBONG PISO SA BAWAT PAGSASAGAWA NG PAGMAMALATRATO SA MGA HAYOP.

SINABI NI ESCUDERO NA MASYADONG MABABA ANG PARUSANG KAAKIBAT SA KASALUKUYANG BATAS KUNG KAYAT HINDI ITO NAGING HADLANG SA MGA TAONG LUMABAG SA NABANGGIT NA BATAS AT PAULIT-ULIT ITONG NILALABAG NG MGA OFFENDER.

IDINAGDAG PA NI ESCUDERO NA AYON PA RAW SA MGA LUMALABAG, MAS MABABA PA ANG KANILANG IBINABAYAD SA PAMAHALAAN KAYSA SA STANDARD NA KANILANG PADULAS SA MGA PULIS NA HUMUHULI SA KANILA HABANG SILA AY MAYROON HOT CARGO KAGAYA NG MGA ASO.

AYON SA KANYA, RESPONSIBILIDAD DIN UMANO NG MGA MAMAMAYAN NA SEGURUHIN ANG KAPAKANAN NG MGA HAYOP SA BAWAT SANDALI.

Saturday, March 22, 2008

DISKUWENTONG IGINAGAWAD SA ELDERLY, TATAASAN

TATAASAN NA ANG DISKUWENTONG IGINAGAWAD SA MGA SENIOR CITIZEN NG ESTABLISIYEMENTO, SERBISYO AT NEGOSYO MAGMULA 20 NA GAGAWIN NANG 25 PORSIYENTO PARA MATULUNGAN ANG MGA ELDERLY NA MAIANGAT ANG KANILANG PURCHASING POWER DAHIL NABAWASAN ITO SA KADAHILANANG PAGPAPATUPAD NG EXPANDED VALUE ADDED TAX O EVAT.

SINABI NI MAKATI REP MAR-LEN ABIGAIL BINAY NA DAHIL SA IMPLEMENTASYON NG EVAT, INDIRECTLY, NABAWASAN NA RIN ANG SUPORTA NG ESTADO SA MGA SENIOR CITIZEN SAPAGKAT TUMATANGGAP NA LAMANG ANG MGA ITO NG KALAHATI SA 20 PORSIYENTONG DISKUWENTO NA PARA SA KANILA SA ILALIM NG SENIOR CITIZENS ACT NA IPINATUTUPAD.

DAHIL DITO, KAILANGAN UMANONG REBISAHIN ANG RA09257 UPANG MAKAPAG-ENJOY NAMAN ANG MGA MATATANDA SA BENEPISYONG IDINUDULOT NG BATAS SA KANILA, KAYAT INIHAIN NIYA ANG HB02399 UPANG MAIPANUMBALIK ANG NAWALA NILANG KAKAYAHANG BUMILI NA TINABONAN NA LAMANG NG EVAT IMPLEMENTATION.

BATAY SA PANUKALA, ANG DISCOUNT NA 25 % SA GROSS SELLING PRICE AT VAT OR YAONG TINATAWAG NA PERCENTAGE TAX NA IPINAPATAW NG MGA ESTABLISIYEMENTO, HOTEL AT MGA KAHALINTULAD NA SERBISYO AT ANG PAGBILI NG MGA GAMOT PARA SA EKSKLUSIBONG GAMIT NG MATANDA, AY IGAGAWAD SA KANILA.

ISANG MINIMUM NA 25% DIN NA DISCOUNT DIN ANG IGAGAWAD SA MGA ELDERLY, PLUS PERCENTAGE TAX SA MGA MEDICAL, DENTAL AT DIAGNOSTIC AND LABORATORY FEES, KASAMA NA RIN ANG PROFESSIONAL FEES NG ATTENDING DOCTOR SA LAHAT NA MGA MEDICAL FACILITIES AT PRIOBADONG OSPITAL.

Friday, March 21, 2008

KARAMIHANG MGA PUBLIC SCHOOL SITES, SQUATTERS

IBINUNYAG KAHAPON NI CAGAYAN DE ORO REP RUFUS RODRIGUEZ NA KARAMIHAN SA PAMPUBLIKONG PAARALAN SA BANSA AY NAG-ISQUAT O MGA ESKUWATER LAMANG SA MGA HINDI TITULADONG MGA ARI-ARIAN.

SINABI NI RODRIGUEZ NA ANG IBIG SABIHIN NITO, ANG MGA ESKUWELAHANG ITO AY SQUATTERS, SA TOTOO LANG, DAHIL ANG MGA ITO AY WALANG LEGAL NA KARAPATAN SA PAG-AARI NG MGA INUKUPAHANG MGA LUPA NITO.

TINUKOY NI RODRIGUEZ ANG ISANG PAG-AARAL NG DEPARTMENT OF EDUCATION O DEPED NA MAYROON PA UMANONG UMAABOT SA 8,011 MGA DI TITULADO AT 6,257 MGA DI REHISTRADONG SCHOOL SITES SA BUONG BANSA.

AYON SA KANYA, ITO UMANO ANG NAGBUNSOD SA KANYA NA MAGHAIN NG HB03599 NA MAY LAYUNING SABAYSABAY NA MATITULUHAN ANG LAHAT NA MGA LUPAING KASALUKUYANG GINAGAMIT BILANG PUBLIC SCHOOL SITES.

IDINAGDAG PA NG SOLON NA KARAMIHAN SA MGA SITES AY KUNG HINDI MAN MINAMAYARI NG MGA LOKAL NA PAMAHALAAN AY PINAPA-UPAHAN NG MGA PRIBADONG INDIBIDWAL SA GOBYERNO.

ANG MASAKLAP PA UMANO DITO AYON SA KANYA, ANG MGA LUPAING ITO AY MINSAN VERBALLY DONATED LAMANG KAYA WALANG LEGAL AT ANGKOP NA DOKUMENTO NA SUMUSUPORTA SA TRANSFER NG PAGAARI, AT SA SANDALING NAMAMATAY ANG DONOR, ANG KANILANG MGA IREDERO AY NAGSASGAWA NA NG OWNERSHIP CLAIM SA LUPA KAYA TULOY NAGRERESULTA ITO NG COURT LITIGATION.

MARAPAT LAMANG UMANO AYON SA KANYA NA MAGAWARAN NG ISANG MANDATORY TITLING ANG LAHAT NA MGA LUPA NA GINAGAMIT BILANG PUBLIC SCHOOL SITES UPANG MAGKAROON ANG MGA AWTORIDAD NG ESKUWELAHAN NG DIRECT CONTROL AT SUPERVISION SA MGA LUPANG INUKUPAHAN NG MGA ESKUWELAHAN.


Thursday, March 20, 2008

P500 BUWANANG HOUSING ALLOWANCE, IMINUNGKAHI

PAGKAKALUOBAN NG LIMANG DAANG PISONG BUWANANG ALLOWANCE PARA SA KANILANG PANGANGAILANGANG PABAHAY ANG LAHAT NA MGA GURO SA PAMPUBLIKONG PAARALAN, MGA MIYEMBRO NG PAMBANSANG PULIS AT HUKBO NG SANDATAHANG LAKAS NG PILIPINAS AT IBA PANG MGA KAWANI NG PAMAHALAAN

ITO ANG IMINUNGKAHI NI MANILA REP AMADO BAGATSING SA KANYANG INIHAING HB03603 SA KAMARA DE REPRESENTANTES NA SIYANG AAYUDA SA HOUSING PROGRAM NG GOBYERNO NA MAY LAYUNING MAIANGAT ANG ANTAS NG PAMUMUHAY NG MGA GOVERNMENT WORKER.

SINABI NI BAGATSING NA MAY PANANAGUTAN ANG PAMAHALAAN NA TULUNGANG MATUGUNAN ANG KARAINGAN NG MGA MAMAMAYAN KASAMA NA RITO ANG MGA NAGTATRABAHIO SA PAMAHALAAN NA KALIMITAN AY MABABA LAMANG ANG SAHOD AT KAKARAMPOT LAMANG ANG NATATANGGAP NA TAUNANG BENEPISYO KUMPARA SA KANILANG COUNTERPART SA PRIBADONG SEKTOR.

NGUNIT, NAKASAAD SA PANUKALA NA TATAGURIANG HOUSING ALLOWANCE ACT NA ANG COVERAGE NITO AY YAONG MGA NAG-OOKUPA NG MGA POSISYON NA MAY SALARY GRADE 25 LAMANG AT PABABA, MAGING REGULAR MAN, TEMPORARY O CASUAL ANG KANILANG EMPLOYMENT.

AYON PA KAY BAGATSING, MALAKING BILANG UMANO SA MGA EMPLEYADO NG GOBYERNO AY HINDI NAKAKAYANANG MABIGYAN NG DESENTENG TAHANAN ANG KANILANG MGA PAMILYA.

TINUKOY DIN NIYA ANG ISANG PAG-AARAL NA TUMATAYA SA BABANG TATLONG LIBONG PISO LAMANG KADA BUWAN ANG KARANIWANG NAGING TAKE-HOME PAY NG MGA KAWANI NG PAMAHALAAN UPANG GAMITIN PARA SA KANILANG TAHANAN, PANGANGAILANG SA ESKUWELA AT KAHIT PARA SA PAMBAYAD SA MGA PAGKAKA-UTANG.

Wednesday, March 19, 2008

PANTAY NA SPORTS OPPORTUNITY SA KABABAIHAN RIN

BILANG PAGPAPAHALAGA SA NAGING BAHAGI NG MGA KABABAIHAN SA KAUNLARAN NG BANSA AT UPANG MASEGURO ANG PANTAY NA PAGTRATO NG BATAS SA KANILA, IMINUNGKAHI NI CAGAYAN DE ORO REP RUFUS RODRIGUEZ NA BIGYAN NG PANTAY NA OPORTUNIDAD PANGKALAKASAN O ANG EQUAL ATHLETIC OPPORTUNITY KAGAYA NG SCHOLARSHIP AT IBA PANG MGA BENEPISYO PARA SA MGA BABAE NA KADALASANG NATATAMO NG MGA KALALAKIHAN LAMANG.

SINABI NI RODRIGUEZ NA MATAGAL NANG ISYU ITO NA HINDI MAN LAMANG NAPANSIN NG LIPUNAN NGUNIT SIYA UMANO AY NABAHALA NA SAPAGKAT ANG TINATAWAG NA GENDER DISCRIMINATION AY PATULOY PA RING SINASAGAWA.

AYON KAY RODRIGUEZ, ANG LARANGAN NG PAMPALAKASAN O SPORTS AY HINDI LAMANG NAGDUDULOT NG PAGKAKABUKLOD NG MGA TAO KUNDI ITO AY NAGPAPAIBAYO RIN NG IBA PANG MGA ASPETO NG KATAUHAN PARA SA KAPWANG KASARIAN, MA-LALAKI MAN MO MA-BABAE.

SA KATUNAYAN PA NGA ANIYA, ANG PHYSICAL AT EMOTIONAL HEALTH NG MGA BABAENG LUMALAHOK SA PAMPALAKASAN AY MAS MAGANDA PA KUMPARA SA MGA DI NAGPA-PARTICIPATE SA SPORTS AT GANUN NA RIN ANG PAGGANDA NG KANILANG MGA ACADEMIC ACHIEVEMENT.

SA LARANGAN NG PALAKASAN, HINDI RIN UMANO MAIWASAN NA MAYROON PA RING SEX DISCRIMINATION AT TUNAY NA MAYROONG GAP O PUWANG SA PAGITAN NG AVAILABLE ATHLETIC OPPORTUNITIES SA KABABAIHAN AT SA KALALAKIHAN.

SA KANYANG MUNGKAHI, DAPAT UMANONG TITINGNAN GAWING BATAYAN NG LAHAT NA MGA PAARALAN, KOLEHIYO AT UNIBERSIDAD ANG KASARIAN NG KABUUANG POPULASYON NG ESKUWELAHAN SA PAGGAGAWAD NG ATHLETIC SCHOLARSHIP SA NARARAPAT NA MGA ESTUDYANTE.

PAGBABA NG RETIREMENT AGE, TINUTULAN NG GSIS

TINUTULAN NG GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM O GSIS ANG PANUKALANG BATAS NA NAGLALAYONG IBABA SA 55 ANG 65 TAONG GULANG NA ANG MANDATORY AGE RETIREMENT SA GOBYERNO DAHIL TIYAK NA BIBIGAT DIUMANO ANG KANILANG RESPONSIBILIDAD SA PAMAMAGITAN NG PAGBALIKAT NG SA MALAKING HALAGA NG MAHABANG PANAHON NG GASTUSIN SA PENSIYON NG MGA ITO.

UMAASA SI GSIS SENIOR VICE-PRESIDENT ENRIQUETA DISUANCO NA MAPAG-AARALAN PA NG HUSTO ANG HB03202 NA ISINULONG NI NORTH COTABATO REP BERNARDO PIÑOL JR. NA NAGLALAYONG IBABA SA 55 ANG 65 NA COMPULSORY RETIREMENT AT GAWING 55 ANYOS ANG 60 TAONG GULANG NA OPTIONAL RETIREMENT.

BAGAMA’T MAGANDA ANG MOTIBO NI PINOL SA KANYANG PANUKALA PARA BIGYAN NG OPORTUNIDAD ANG MGA BATANG MANGGAGAWA AT PAKINABANGAN NG MGA RETIRADO ANG KANILANG PINAGHIRAPANG RETIREMENT PAY, SINABI NI DISUANCO NA NAPAKABIGAT NAMAN ANG KANILANG BABALIKAT RESPONSIBILIDAD.

IPINALIWANAG NI DISUANCO NA MAPIPILITAN ANG GSIS NA BALIKATIN ANG 10 TAONG BENEPISYO NG MGA RETIRADO KUNG IBABABA SA 55 ANG MANDATORY AGE OF RETIREMENT MULA 65.

BASE SA DATOS NG GSIS, LUMALABAS NA NAGBABAYAD ANG GSIS SA ISANG RETIRADO NG KANILANG PENSIYON MULA 13 HANGGANG 17 TAON KUNG SAAN 23,000 ANG NAGRERETIRO BAWAT TAON NA MAY AVERAGE NA P7,000 BUWANANG PENSIYON.

NGUNIT, IGINIIT NAMAN SA MGA KONGRESISTA NI CIVIL SERVICE COMMISSION DIRECTOR ARIEL G. RONQUILLO NA KAPAKI-PAKINABANG ANG PANUKALA NI PINOL.

SINABI NI RONQUILLO NA MAINAM ITO PARA SA BANSA DAHIL ANG BATANG HENERASYON NA SIYANG HAHALILI AT AYON SA PAG-AARAL ANG MGA BATANG MANGGAGAWA AY MAS TUNAY NA MGA PRODUKTIBO PA.

MATATANDAANG IBINALITA NA NATIN DITO SA ATING HIMPILAN NA NAIS NI PIÑOL NA AMYENDAHAN ANG REPUBLIC ACT 8291 O REVISED GOVERNMENT SERVICE INSURANCE ACT OF 1997 UPANG MAGKAKAROON NG OPORTUNIDAD ANG MGA RETIRADO SA BATANG EDAD NA MAKAPAG-ISIP NA PUMASOK SA NEGOSYO HABANG MALAKAS PA ANG KATAWAN HABANG MAS MAAGANG OPORTUNIDAD SA MGA BATA.


NON-LETHAL WEAPONS PARA SA MGA PULIS, IMINUNGKAHI

IMINUNGKAHI NG ISANG KONGRESISTA NA GUMAMIT NA LAMANG ANG MGA PULIS NG NON-LETHAL WEAPONS PARA MAISULONG ANG TINATAWAG NA GUN-LESS SOCIETY SA BANSA.

SINABI NI NUEVA ECIJA REP EDNO JOSON NA SA ILALIM NG KANYANG HB02206, IMPORTANTE ANG “TOTAL GUN BAN” SA BANSA KUNG SAAN GAGAMITIN NA LAMANG ANG RUBBER BULLETS AT IBA PANG HINDI NAKAKAMATAY NA BALA AT ARMAS NG MGA MIYEMBRO NG PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP).

IPINALIWANAG NI JOSON NA MARAMING BUHAY ANG NASASAYANG, PARTIKULAR SA LARANGAN NG PULITIKA DAHIL SA KABIGUAN NG KINAUUKULAN NA KONTROLIN ANG PAGDADALA AT PAGGAMIT NG MGA NAKAMAMATAY NA SANDATA SA BANSA.

INIHAYAG NAMAN NG MGA OPISYAL NG ASSOCIATION OF FIREARMS DEALERS O AFAD SA BANSA NA MAS DELIKADO ANG TOTAL GUN BAN DAHIL MAWAWALAN NG DEPENSA ANG MGA SIBILYAN SA MGA KRIMINAL KUNG SAAN PAPATAYIN RIN NITO ANG KANILANG HANAPBUHAY.

NAGPAHAYAG NG PANGAMBA SI JOSON DAHIL NANANATILI PA UMANO ANG IRESPONSABLENG PAGGAMIT NG BARIL MULA SA DUMARAMING KRIMEN SA KABILA NG PAGSASAILALIM SA MGA ITO SA REHISTRO AT IBA PANG MAHIGPIT NA REGULASYON.

SINUPORTAHAN NAMAN NI NANDY PACHECO, MULA SA GRUPONG GUN-LESS SOCIETY, ANG PANUKALA NI JOSON DAHIL SA PAGDAMI NA NG LOOSE FIREARMS.

FOR THOSE WHO BELIEVE IN GUN CONTROL, NO EXPLANATION IS NECESSARY. BUT FOR THOSE WHO DO NOT BELIEVE, NO EXPLANATION IS POSSIBLE, ANI PACHECO.

IPINALIWANAG NI JOSON NA KABILANG SA NON-LETHAL WEAPONS ANG DEVICES, PARAPHERNALIA, EQUIPMENT, GADGETS O MGA KATULAD NA HINDI LIFE THREATENING NA GINAGAMIT PARA MA-DISABLE, MA-PARALYZE O MAGING SHOCK ANG TAO.

Tuesday, March 18, 2008

DAHIL GALIT KAY NINONG?

HINDI PA RIN MALINAW KUNG KAILAN BABALIK SA PARTIDONG LAKAS-CMD SI PRESIDENTIAL SON AT PAMPANGA REP JUAN MIGUEL ARROYO NA NANANATILING ON-LEAVE SA KABILA NG PAGKAKASIBAK NG KANYANG NAKAGALIT NA NINONG SA KASAL NA SI DATING HOUSE SPEAKER JOSE DE VENECIA JR BILANG PANGULO NG NABANGGIT NA PARTIDO.

SINABI NI ARROYO NA NANANATILI ANG KANYANG ALYANSA SA PARTIDO HABANG KANYANG IPINAHAYAG NA NANAISIN NA LAMANG UMANO NIYA SA KASALUKUYANG MAGING ISANG INDEPENDENT, NGUNIT NASA LAKAS-CMD PA RIN NAMAN AT HINDI NIYA ALAM KUNG KAILAN UANO SIYA BABALIK BILANG AKTIBONG MIYEMBRO NITO.

ITO AY BUNSOD NA RIN SA KANYANG PAGKA-IRITA SA KANYANG NINONG UPANG MAG-LEAVE ITO SA PARTIDO DAHIL SA BANGGAAN NG KANILANG ANGKAN SA MAANOMALYANG NATIONAL BROADBAND NETWORK DEAL.

IPIANGTAPAT NG NAKBABATANG ARROYO NA IKINOKONSIDERA UMANO NIYA ANG KANYANG SARILI BILANG INDEPENDENT AT MUKHANG MAS MAKAKABUTI UANO ITO SA KANYA PARA SIYA MAKAPAGTRABAHO LALO BILANG CHAIRMAN NG HOUSE COMMITTEE ON ENERGY.

MAGUGUNITANG PINALITAN NI HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES SI DE VENECIA BILANG PRESIDENTE NG PARTIDO KUNG SAAN NAHIRANG NAMAN ANG PANGASINAN SOLON BILANG PRESIDENT EMERITUS.

UMAASA NAMAN SI NOGRALES NA BABALIK NA SA LAKAS-CMD SI ARROYO SA ILALIM NG KANYANG LIDERATO AT ITO NA UMANO MAGING HUDYAT NA MABUKSAN ANG PINTO NG PAGSASANIB NG LAKAS-CMD AT NG KABALIKAT NG MALAYANG PILIPINO O KAMPI.

WHISTLE-BLOWER BA O MARKETING SPECIMEN GATHERER SI LOZADA?

KUNUWESTIYON NI PRESIDENTIAL SON AT PAMPANGA REP JUAN MIGUEL ARROYO ANG TUNAY NA PAKAY NI JUN LOZADA BILANG WHISTLEBLOWER DAHIL MISTULANG SIRANG PLAKA NA UMANO ITONG UMIIKOT SA IBAT-IBANG PANIG NG BANSA PARA SA KANYANG TINAGURIANG “CARAVAN OF TRUTH” UPANG BAKBAKAN ANG PAMAHALAAN KAUGNAY SA MAANOMALYANG NATIONAL BROADBAND NETWORK DEAL.

SINABI NI REP ARROYO NA NAKAKALITO NA UMANO NA SI LOZADA KUNG TALAGANG WHISTLEBOWER BA ITO NA NAGHAHANAP NG KATOTOHANAN O NANGANGALAP LAMANG NG MARKETING SPECIMEN NA GINAGAMIT PARA SA PAMPULITIKANG AMBISYON NG IILANG INDIBIWAL AT GRUPO.

KUNG TALAGANG KATOTOHANAN ANG PAKAY NI LOZADA, SINABI NI ARROYO NA DAPAT SA KORTE ITO NAGPUPUNTA AT HINDI SA MEDIA PARA MAGKALAT NAMAN NG PROPAGANDA.

IDINAGADG NI ARROYO ANG PANGANGAILANGAN NA BEREPIKAHIN ANG LAHAT NG SINASABI NI LOZADA BAGO ITO GANAP NA GAWING BAYANI SA MATA NG PUBLIKO.

AYON PA SA KANYA, SA PAGHAHANAP NG KATUTUHANAN, DAPAT LAMANG UMANONG MABIGYAN NG PATAS NA PAGKAKATAON ANG AKUSADO AT ANG NAGAAKUSA AT HINDI DAPAT MAGING MAPILII SA PINAKIKINGGAN PARA MAGING OBJECTIVE ANG MAGING PANANAW NG MGA NAGMAMASID.

PONDO NG OWWA AT OFWS, IIMBESTIGAHAN

IIMBESTIGAHAN NG KAMARA DE REPRESENTANTES KUNG PAPAANO GINUGOL NG OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION (OWWA) ANG PONDO NITO PARA TUGUNAN ANG MGA PANGANGAILANGAN NG OVERSEAS FILIPINO WORKERS (OFWS) SA NAKALIPAS NA MGA TAON.

SA ISANG HEARING NG HOUSE COMMITTEE ON OVERSEAS FILIPINO, INIUTOS NI PASIG CITY REP. ROMAN ROMULO, VICE CHAIRMAN NG KOMITE, SA MGA KINATAWAN NG OWWA NA IBIGAY SA KOMITE ANG FINANCIAL STATEMENT NG AHENSIYA.

ITO AY BUNSOD NA RIN SA MOSYON NI VALENZUELA REP. REX GATCHALIAN NA NAUNANG NAIRITA SA KINATAWAN NG OWWA SA PAGDINIG KAMAKAILAN NANG WALANG MAIPRISINTANG MGA DOKUMENTO ANG AHENSYA.

DISMAYADO SI GATCHALIAN DAHIL MAHIGIT ISANG BUWAN NA ANG NAKALIPAS NANG KANILANG HINGIN SA OWWA ANG PINANSIYAL NA POSISYON NG AHENSIYA NA MISTULANG HINDI NAMAN PINAPANSIN UMANO NG KINAUUKULAN.

HINDI NAMAN NAGBIGAY NG DAHILAN SI GATCHALIAN SA PAKAY NG KANYANG KAHILINGAN DAHIL SA KAGUSTUHANG MABERIPIKA MUNA ANG IMPORMASYON NA KANYANG NATANGGAP KAUGNAY SA REKLAMO SA PAGGUGOL NG PONDO NG OFW’S.

NGUNIT, NAGPAHIWATIG SI GATCHALIAN NA HINDI MALAYONG MAY SUMABOG UMANONG KONTROBERSIYA SA OWWA HINGIL SA PAGGASTOS NG PONDO.

MAGUGUNITANG NANININGIL ANG OWWA NG $25 SA MGA UMAALIS NA OFW KUNG SAAN TINATAYANG BILYUN-BILYONG PISO ANG NAITABI.

KAUGNAY NITO, IKINAGULAT NAMAN NG MGA KONGRESISTA ANG IMPOSMASYON NA HINDI NAUUBOS NG DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS (DFA) ANG LEGAL ASSISTANCE FUNDS (LAF) NA NAGUGUGOL SA PROBLEMANG LEGAL NA KINAKAHARAP NG SINOMANG OFW.

PAKAY SANA NI GATCHALIAN SA KANYANG HB00701 NA MAGLAAN NG KARAGDAGANG P30 MILYON SA LAF NG DFA UPANG MAKAPAGBIGAY NG LEGAL ASSISTANCE SA PROBLEMADONG OFW’S SA ABROAD.

MALAKI ANG HINALA NG MGA KONGRESISTA NA POSIBLENG HINDI ALAM NG OFW’S NA MAAARI SILANG LUMAPIT SA MGA EMBAHADA PARA MAKAHINGI NG LEGAL NA TULONG DAHIL SA MAY PONDO PARA DITO AT LUMILITAW NA HINDI NAGAGAMIT LAHAT.


PALIWANAG HINGGIL SA PORK BARREL

IKAKAMPANYA NGAYONG MAHAL NA ARAW NG MGA KONGRESISTA ANG PAGPAPALIWANAG SA PUBLIKO NG POSITIBONG PAKINABANG SA IBAT-IBANG MGA LALAWIGAN SA BANSA NG KONTROBERSIYAL NA PORK BARREL NA SINASABING PANGUNAHING SOURCE UMANO NG KICKBACK SA PAMAMAGITAN NG MALAKING KOMISYON NG MGA MAMBABATAS.

SINABI NI HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES NA MAGANDANG PAGKAKATAON ANG MAHAL NA ARAW PARA MALIWANAGAN ANG PUBLIKO TUNGKOL SA BENEPISYO NG PUBLIKO SA PORK BARREL.

SA KATUNAYAN, SINABI NI NOGRALES NA NAG-IMPRENTA PA SILA SA KAMARA DE REPRESENTANTES SA TULONG NI ALBAY REP. EDCEL LAGMAN, CHAIRMAN NG HOUSE COMMITTEE ON APPROPRIATIONS, NG BABASAHING “UNDERSTANDING THE PORK BARREL” PARA MALAMAN NG PUBLIKO ANG KABUTIHANG DULOT NITO.

KAILANGAN LAMANG UMANO NA PAIGTINGIN ANG TRANSPARENCY AT PAGPAPALIWANAG SA MGA TAO NA MAHALAGA ANG PORK BARREL AT MALI ANG KANILANG NEGATIBONG PANANAW DITO, ANI NOGRALES

IPINALIWANAG NI NOGRALES NA ISANG PARAAN ANG KANILANG PAGPAPALIWANAG NA GINAGAWA SA PORK BARREL PARA IBANGON ANG IMAHE NG KAMARA DE REPRESENTANTES KUNG SAAN GAGAMITIN RIN NILA ANG INTERNET.

KUMBINSIDO SI NOGRALES NA UNTI-UNTING MABABAGO ANG HINDI MAGANDANG PAGTINGIN NG PUBLIKO SA INSTITUSYON.

UMAASA SI NOGRALES NA MAGKAKAROON NG POSITIBONG PAGBABAGO SA UNANG 100 ARAW NIYA SA POSISYON.


MAHABANG BISA NG PASAPORTE

IPINANUKALA SA KARAMA ANG MAS MAHABANG BISA NG PASAPORTE SA BANSA MULA SA KASALUKUYANG LIMANG TAON TUNGONG 10 TAON.

NAIS NI ANAK MINDANAO REP. MUJIV HATAMAN NA MAGSAGAWA NG PAGDINIG ANG HOUSE COMMITTEE ON FOREIGN AFFAIRS SA POSIBILIDAD NA REBISAHIN ANG REPUBLIC ACT 8239 O PHILIPPINE PASSPORT ACT OF 1996 SA HANGARING BAWASAN ANG GASTUSIN NG MGA FILIPINO SA RENEWAL NG KANILANG PASAPORTE.

NANINIWALA SI HATAMAN NA MAGSISILBING MALAKING REGALO SA MGA FILIPINO, PARTIKULAR SA OVERSEAS FILIPINO WORKER’S (OFW’S) ANG PANUKALANG BATAS.

ISANG MAGANDANG REGALO ITO SA ATING MGA KABABAYAN LALO NA SA OFW’S PARA HINDI NA SILA MASYADONG MAAABALA, MABABAWASAN PA ANG KANILANG GASTUSIN, ANI HATAMAN.

SA PARTE NI TAWI-TAWI REP. NUR JAAFAR, NANGANGAMBA SIYANG MABABAWASAN NAMAN ANG KIKITAIN NG GOBYERNO MULA SA PAG-PROSESO NG PASAPORTE KUNG PAPALUSUTIN ANG PANUKALA.

NAUNANG SINABI NG DFA NA DAPAT ISAALANG-ALANG NG PANUKALA ANG USAPIN SA ISYU NG SEGURIDAD.

NABATID SA DFA NA INAASAHANG MAGKAKAROON NG PAGBABAGO SA TINATAWAG NA ‘BIOMETRIC FEATURES’ O MAHAHALAGANG IMPORMASYON SA ISANG APLIKANTE NG PASAPORTE KAYA HINDI DAPAT DOBLEHIN SA LIMANG TAON ANG PAGIGING BALIDO NG TRAVEL DOCUMENT.

BUKOD DITO, IDINAGDAG NG DFA NA MASOSOLUSYUNAN RIN ANG REKLAMO SA MABAGAL NA PAG-PROSESO NG PASAPORTE SA PAMAMAGITAN NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA NA TIYAK NA MAGPAPA-IKLI SA PANAHON AT HIGIT NA MAGIGING MURA ANG PAGKUHA NITO.


SUPORTA SA HUDIKATURA

SINABI NI HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES NA PAGKAKALOOBAN NG KARAGDAGANG RETIREMENT BENEFITS SA MGA MIYEMRBO NG HUDIKATURA BILANG GANTI SA KANILANG SERBISYO SA PAGPAPANATILI NG HUSTISYA SA BANSA.

AYON KAY NOGRALES, MAKATWIRANG MAGKAROON NG SAPAT NA SUPORTA ANG MGA RETIRADONG JUSTICE AT HUWES, SA ILALIM NG KANYANG HB00882, SA PANAHON NG KANILANG PAGTANDA SA PAMAMAGITAN NG PAG-AMYENDA SA ILANG PROBISYON NG REPUBLIC ACT NO. 910.

NOONG HULYO 13, 2004, IBINALIKTANAW NI NOGRALES NA INATASAN NG SUPREME COURT SA PAMAMAGITAN NG EN BANC RESOLUTION ANG COURT ADMINISTRATOR NA TULUNGAN ANG RETIRED JUDGES ASSOCIATION SA PAGLUSOT NG AMENDATORY LAW SA RA 910 UPANG MATIYAK NA AWTOMATIKONG MAKIKINABANG SA UMENTO SA PENSIYON ANG MGA RETIRADONG HUWES TUWING MAY UMENTO O KARAGDAGANG SUWELDO SA MGA AKTIBONG MIYEMBRO NG HUDIKATURA.

NALAMAN RIN KAY NOGRALES ANG SUPORTA NG SC PARA PONDOHAN ANG PAGKAKAIBA NG BUWANANG PENSIYON NG MGA RETIRADONG HUWES MULA SA JUDICIARY DEVELOPMENT FUND (JDF).

PORK BARREL, DAPAT MAIPALIWANAG

BILANG BAHAGI NG ISANG MALAWAKANG TRANSPARENCY REFORM AGENDA, IPINAG-UTOS NI HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES SA LAHAT NG MGA MIYEMBRO NG KAMARA DE REPRESENTANTES NA MAGSAGAWA ANG MGA ITO NG MGA PAMPUBLIKONG PAGDINIG SA KANILANG MGA NASASAKUPAN UPANG BUKAS NA MAIPALIWANAG KUNG SAAN NAPUPUNTA ANG KANILANG MGA PONDO NG PORK BARREL.

SINABI NI SPEAKER NOGRALES NA KANYA UMANONG HINIKAYAT ANG KANYANG MGA KASAMAHAN NA MAG-CONDUCT NG PUBLIC O TOWN HALL MEETINGS SA LOOB NG KANILANG DISTRITO O PARTY LIST CONSTITUENCIES UPANG MAIPALIWANAG ANG PAGGAMIT NG KANILANG PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND O YAONG TINATAWAG NA PDAF.

NAUNA RITO, NAGPAMUDMOD NA ANG KAMARA NG MGA PAMPHLET NA PINAMAGATANG "UNDERSTANDING THE PORK BARREL" NA INAKDA NI ALBAY REP EDCEL LAGMAN, CHAIRMAN NG HOUSE COMMITTEE ON APPROPRIATIONS, AT KASAMA ANG SPEAKER BILANG COAUTHOR NITO NA MAY LAYUNING MATULUNGAN ANG MGA MAMBABATAS NA MAIPALIWANAG SA MGA MAMAMAYAN ANG KAHALAGAHAN NG COUNTRYWIDE DEVELPMENT.

HINILING NA RIN NG SPEAKER ANG DEPARTMENT OF EDUCUCATION O DEPED NA GAMITIN ANG NABANGGIT NA PAMHLETS BILANG BAHAGI NG MGA READING MATERIAL SA MGA FOURTH YEAR HIGH SCHOOL STUDENTS SA KANILANG SOCIAL STUDIES SUBJECTS, GANUN NA RIN SA MGA KOLEHIYO SA PARTE NAMAN NG COMMISSION ON HIGHER EDUCATION. O CHED.

UPANG MAALIS NA UMANO ANG HENERASYON NG MISCONCEPTION NG MGA HINGGIL SA PORK BARREL, DAPAT TUWID NANG MA-EDUCATE UMANO ANG MGA MAMAMAYAN KUNG ANO BA TALAGA ANG KAHALAGAHAN NG PAGTULONG SA MGA TAO SA PAMAMAGITAN NG PORK BARREL, PARTIKULAR NA RITO ANG MGA YAONG NASA KANAYUNAN.

Monday, March 17, 2008

PAMBABATIKOS NI JAMBY, BINATIKOS

MAAARING SI SEN JAMBY MADRIGAL AY NAGMAMAANGMAANGAN LAMANG O DILI KAYA AY SIMPLENG KULANG LAMANG ITO NG COMPREHENSION SKILLS UPANG TUMAAS ANG GALIT NITO HINGGIL DOON SA NAGING DESISYON NG COMMISSION ON APPOINTMENTS O CA NA APRUBAHAN ANG 24 NA MGA ARMY AT NAVY GENERALS AT COLONELS NOONG NAKARAANG LINGGO.

ITO ANG NAGING REAKSIYON NI AGUSAN DEL SUR REP RODOLFO PLAZA, ISANG MIYEMBRO RIN NG CA, HABANG KANYANG HINAMON SI MADRIGAL NA I-PRUWEBA ANG KANYANG SINABING ANG HOUSE CONTINGENT SA CA AY ISANG MAFIA AT ITO AY NASUSUHULAN UPANG AKSIYUNAN ANG MGA APPOINTMENT NG MGA OPISYAL NG PAMAHALAAN NA DUMADAAN SA KOMPIRMASYON NG CA.

SINABI NI PLAZA NA MASYADONG IRESPONSABLE UMANO ANG NAGING AKUSASYON NI MADRIGAL NA MAAARING SIYA AY NAGMAMAANGMAANGAN LAMAMNG PARA MAYROON SIYANG RASON NA MAKIPAG-AWAY SA IBA PANG MGA MIYEMBRO NG CA AT MAPANSIN NG MEDIA O DILI KAYA AY KULANG LAMANG SIYA SA PAG-IINTINDI SA MGA PANGYAYARI SA LOOB NG CA NOONG NAKARAANG MIYERKULES

NAG-REAK SI PLAZA SA NAGING ALEGASYON NI MADRIGAL SA ISANG RADIO INTERVIEW NA ANG HOUSE CONTINGENT SA CA AY UMAASTA DIUMANONG PARANG ISANG MAFIA AT ANG MGA KOMPIRMASYON AY "ON A PAY PER PROMOTION" BASIS.

SINABI NI PLAZA NA INAANTABAYANAN LAMANG UMANO NIYA NA MAG-OBJECT SI MADRIGAL NOON SA MOSYON NIYANG APRUBAHAN ANG KOMPIRMASYON NG 24 NA MGA MILITARY OFFICIALS NGUNIT HINDI NAMAN NITO GINAWA ANG PAGHADALANG SA KANYANG NAGING AKSIYON.

IDINAGDAG PA NI PLAZA NA PARANG SINADYA UMANO NI MADRIGAL NA HINDI MAG-OBJECT PARA LAMANG ITO MAGKAROON NG RASON NA BATIKUSIN ANG DESISYON NG PLENARYO.

Wednesday, March 12, 2008

PAGBABABA NG COMPULSORY RETIRMENT AGE, GAGAWING 55 YEARS OLD NA

PABORABLE SA MGA MAGRERETIRO SA GOBYERNO SA SANDALING MAISABATAS NA ANG PANUKALANG INIHAIN NI NORTH COTABATO REP BERNARDO PINOL JR, ANG HB03032, NA MAY LAYUNING IBABA ANG COMPULSORY RETIREMENT MAGMULA ANIMNAPUT LIMANG TAON AT GAGAWING MAGING LIMAMPUT LIMANG TAONG GULANG NA LAMANG AT PARA SA OPTIONAL NAMAN NA 60 YEARS OLD AT GAWING 50 YEARS OLD NA LAMANG, DAHIL BATA PA SILANG MAG-ENJOY NG RETIRMENT BENEFITS NILA.

SINABI NI PINOL NA BAGAMAT ANG RETIREMENT BENEFITS AY ITINAKDA SA BATAS, KARAMIHAN SA MGA MAGRERETIRO BATAY SA KASALUKUYANG BATAS AY HINDI NA NILA MA-ENJOY ANG MGA BENEPISYO DAHIL KUNG HINDI MAN SILA MASYADONG MATANDA NA UPANG GUMAMIT NG RETIREMENT PAY NILA AY SILA AY MGA MAYSAKIT NA DAHIL SA KATANDAAN, KUNG KAYAT ANG NATURANG MGA BENEFITS AY NAGAGAMIT NA LAMANG SA KANILANG PAGPAPAGAMOT.

AYON PA SA SOLON, SA KABILANG DAKO NAMAN, KUNG BATA PA UMANONG MAG-RETIRE ANG ISANG KAWANI, SIYA AY MAS HANDA PANG HUMARAP SA MGA HAMON NG PANIBAGONG ANTAS NG KANYANG BUHAY MAGING SA PAG-VENTURE SA SARILI NIYANG NEGOSYO AT GAGAMITIN NIYA ANG KANYANG TALENTO PARA SA PRIBADONG GAWAIN AT ANG KANYANG ECONOMIC VALUE AY MAS MATAAS PA KAYSA SA ISANG 65 YEAR-OLD NA RETIRADO.

IDINAGDAG PA SI PINOL NA ANG ISANG MABABANG RETIREMENT AGE AY MAKAPAGGAWAD NG PAGKAKATAON SA MGA BATANG HENERASYON NA NAIS MANUNGKULAN SA GOBYERNO AT ITO UMANO AY MAKAPAGBIBIGAY NG TINATAWAG NIYANG “AGILITY AND IDEALISM” SA PANUNUNGKULAN SA PAMAHALAAN.

Tuesday, March 11, 2008

TAUNANG PRODUCTIVITY BONUS SA PRIBADONG SEKTOR

IPINANUKALA NI CAVITE REP JOSEPH EMILIO ABAYA SA KONGRESO NA MAGPASA NG BATAS NA MAGMAMANDO SA MGA PRIBADONG KUMPANYANG MAGBIGAY NG TAUNANG PRODUCTIVITY BONUS SA LAHAT NG MGA MANGGAGAWA UPANG MAIPAGPAIBAYO ANG MAGKATUWANG NA BENEPISYO AT INDUSTRIYAL NA KATIWASAYAN SA PAGITAN NG LABOR AT NG MANAGEMENT.

SINABI NI ABAYA NA ANG PAGBIBIGAY NG INSENTIBONG PRODUCTIVITY BONUS PARA SA MGA MANGGAGAWA AY HINDI LAMANG MAGSISILBENG ISANG KARAGDAGANG KITA KUNDI ITO AY BILANG ISANG INSENTIBO NA RIN PARA MAPAGANDA ANG PRODUKSIYON NA SIYANG MAGING BENEPISYO NA RIN SA MGA MAMUMUHUNAN.

AYON SA KANYA, ANG MGA PROBISYON NG SALIGANG BATAS NA MARIING NAGSASABI NA GAWARAN NG PROTEKSIYON ANG KAPAKANAN ANG MGA MANGGAGAWA AT KILALANIN SILA BILANG PANGUNAHING PUWERSA SA PAG-UNLAD NG EKONOMIYA AY MATUTUGUNAN NA RIN KUNG ANG KANYANG PANUKALA, ANG HB03391 AY TANGKILIKING IPASA NG MGA MABABATAS.

DITO NA UMANO MAIIWASAN ANG DI PAGKAKAUNAWAAN AT KOMPRONTASYON HINGGIL SA BATAYAN AT MAHAHALANG ISYU TUNGKOL SA SAHOD, BENEPISYO AT KONDISYON NG TRABAHO NA KALIMITANG NAGING BUNSOD NG MABABANG PRODUKSIYON, DAGDAG PA NG SOLON.

ANG TAGUMPAY NG BAWAT NEGOSYO ANIYA AY PALAGING NAKABATAY SA MAGANDANG RELASYON AT KOOPERASYON SA PAGITAN NG MGA MANGGAGAWA AT NG KORPORASYON.

Monday, March 10, 2008

NAULILANG MGA ANAK NG SUNDALO, MAGKAKAROON NG EDUCATIONAL BENEFITS

MAGKAKAROON NA NG KASEGURUHANG MAKAPAG-ARAL ANG MGA NAULILANG ANAK NG SUNDALO NA NAGBUWIS NG KANILANG BUHAY LABAN SA MGA REBELDENG ELEMENTO AT NAMATAY IN THE LINE OF DUTY, BILANG PAGTANAW SA MGA GINAWANG KABAYANIHAN NG MGA ITO.

ITO ANG NILALAMAN NG PANUKALANG BATAS, ANG HB03556, NA INIHAIN NI ILOCOS NORTE REP ROQUE ABLAN, JR NA TATAGURIANG "AN ACT PROVIDING FOR EDUCATIONAL BENEFITS FOR THE MINOR CHILDREN OF SOLDIERS WHO ARE KILLED BY INSURGENTS OR SLAIN IN THE LINE OF DUTY" NA SIYANG GAGAWAD NG BENEPISYO SA PAG-AARAL PARA SA MGA MINOR DE EDAD NA MGA ANAK NG SUNDALONG NASAWI BAGO PAMAN MAIPASA ANG PANUKALANG ITO AT YAONG MGA NAABUTAN SA PAGKAKAPASA NITO.

SINABI NI ABLAN NA SAKLAW DIN SA PANUKALA ANG MGA BENEPISYARYONG INABOT NA NG AGE OF MAJORITY HABANG TUMATANGGAP PA SILA NG MGA BENEPISYO NGUNIT HINDI PA NAKOMPLETO ANG KANILANG SECONDARY EDUCATION.

IDINAGDAG PA NG SOLON NA NAKAPALOOB DIN UMANO SA KANYANG PANUKALANG ANG TUITION AT ISANG REASONABLE ALLOWANCE PARA SA MGA LIBRO, SCHOOL SUPPLIES, TRANSPORTASYON, DAMIT AT PAGKAIN.

PAGGAMIT NG UNIPORME NG MILITAR, IPAGBABAWAL NA

NAIS NG ISANG MAMBABATAS NG CEBU NA TATAASAN NA ANG KAPARUSAHAN SA MGA TAONG WALANG PAHINTULOT NA GAGAMIT, SUSUOT AT GAGAWA NG MGA UNIPORME NG PULIS AT MILITAR KAUGNAY SA MGA KRIMENG NAGAGANAP.

ITO ANG LAYUNIN NG PANUKALA NI DEPUTY SPEAKER RAUL DEL MAR NG LUNGSOD NG CEBU, ANG HB03620, NA PAPATAW NG HINDI BABABA SA P5,000 AT HIHIGIT SA P20,000 O PAGKAKAKULONG NG HINDI BABABA SA LIMANG TAON AT DI LALAGPAS SA SAMPUNG TAON SA MGA TAONG LALABAG SA PROBISYON NG BATAS.

SINABI NI DEL MAR NA ANG KASALUKUYANG BATAS HINGGIL DITO AY DAPAT NANG AMIYENDAHAN UPANG MAHADLAGNAN AT TULUYANG MASAWATA NA ANG MGA KREMING NANGYAYARI SA BANSA BUNSOD SA PAGGAMIT NG MGA UNIPORME NG SANDATAHANG LAKAS NG PILIPINAS (AFP) AT NG PAMBANSANG KAPULISAN (PNP).

AYON SA KANYA, KAHIT PINAIIRAL NA ANG MGA PROBISYON SA LOOB NG ESPESYAL NA BATAS AT NG REVISED PENAL CODE, HINDI PA RIN UMANO NAHAHADLANGAN ANG MGA SINDIKATONG KRMINAL AT INDIBIDWAL SA PAGGAMIT NG MILITARY O PULIS HABANG KANILANG ISINASAGAWA ANG MGA ILLEGAL AT LABAG SA BATAS NA MGA GAWAIN.

NAGPAHAYAG DIN SI DEL MAR NG PAGKA-ALARMA SA PAGTAAS NG BILANG NG MGA CIVILIAN NA NAKIKITANG GUMAGAMIT NG MGA KASUOTANG KAGAYA NG MGA MILITAR AT PULIS KAHIT SILA AY NASA PAMPUBLIKONG LUGAR NG KANYANG SINABI NA ANG NATURANG MISREPRESENTATION AY NAGDUDULOT DIN NG PAGKASIRA NG REPUTASYON NG MGA MILITAR AT PULIS.

AYON SA KANYA, ANG MILITARY LOOK AY NAGING FASHONABLE NA RIN UMANO KUNG SAAN IILANG MGA IMITATION NG MGA UNIPORME AY IBINIBENTA AT NAKADISPLAY NA RIN SA MGA DEPARTMENT STORE.

Sunday, March 09, 2008

PDI 2008-03-09 front page

Saturday, March 08, 2008

3 BILYONG PISO LAAN PARA SA PABAHAY, ININDORSO NI SPEAKER NOGRALES

INIDORSO NI HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES ANG PANUKALANG MAGLALAAN NG TATLONG BILYONG PISONG SPECIAL FUND ANG PAMAHALAAN NA MAY LAYUNING TUTUGON SA PANGANGAILANGAN NG MAY 126,230 PAMILYANG KAHINDIKDINDIK NA NANINIRAHAN SA MGA ESTERO AT BASURAHAN AT IBA PANG MGA DELIKADONG LUGAR SA LOOB NG METRO MANILA.

SINABI NI NOGRALES NA ANG TATLONG TAONG PROGRAMA NG MGA MAMBABATAS SA KAMAYNILAHANG NA MAGLAAN NG NABANGGIT NA PONDO AY TUTUGON SA MGA PROBLEMA NG MGA PAMILYANG APEKTADONG NG DEMOLISYON NA SIYANG NAGING MATAGAL NANG SULIRANIN NG MGA INFORMAL SETTLERS.

DAHIL DITO, PINAPURIHAN NG SPEAKER SI HOUSING AND URBAN DEVELOPMENT COMMITTE CHAIRMAN RODOLFO VALENCIA SA AGARANG PAGGAWAD NG AKSIYON NG NATURANG KOMITE MATAPOS ISINAGAWA ANG ISANG PUBLIC HEARING NOONG NAKARAANG MIYERKULES UPANG BUMUO NG TECHNICAL WORKING GROUP (TWG) PARA MAI-FINE-TUNE ANG MGA DETALYE NG NASABING PROGRAMA.

AYON KAY SPEAKER NOGRALES, BAYAT SA GOVERNMENT STATISTICS SA METRO MANILA, MAY 14,132 PAMILYA ANG NANIRAHAN SA MGA ESTERO, 11,340 SA GILID NG RILES, 67,949 SA GILID NG WATERWAYS, 14,132 MALAPIT SA TRANSMISSION LINES, 2,821 MALAPIT SA AIRPORT AT 16,506 SA MGA LUGAR NG PRIORITY DEVELOPMENT, DUMP SITES, MWSS AT MGA PALENGKE.

MARAPAT LAMANG UMANONG MAGAWARAN NG SOCIAL JUSTICE ANG MGA UNDERPRIVILEGED AT MGA WALANG BAHAY NA MGA MAMAMAYAN NG ESTADO BAGAMAT SA KABILANG DAKO NAMAN AY HINDI RIN PIPIGILIN ANG PROGRESO NG BANSA SA PAMAMAGITAN NG PAGGIBA NG MGA KABAHAYAN SA MGA ESTERO, RILES AT IBA PANG MGA LUGAR NA GAGAMITIN NG PAMAHALAAN SA NGALAN NG KAUNLARAN NG BAYAN.

on-board

PDI 2008-03-08 front page



Friday, March 07, 2008

LAND ADMINISTRATION LAW, DAPAT REBISAHIN

KAILANGANG MAGSAGAWA NG ISANG CONGRESSIONAL REVIEW UPANG I-UPDATE ANG MGA LUMA NANG PROBISYON NG BATAS HINGGIL SA LAND ADMINSITRATION NG BANSA, ITO ANG MARIING SINABI NI HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES HABANG TINUKOY NIYA ANG NAPAULAT NA ANNUAL REVENUE LOSES NA UMABOT SA 9.5 BILYONG PISO SA LOCAL REAL PROPERTY TAXES MAGMULA TAONG 2000 HANGGANG TAONG 2005.

SINABI NG SPEAKER NA SUSUPURTAHAN NG KONGRESO ANG INISYATIBA NG OPISYAL NG MGA LOKAL NA PAMAHALAAN NA MAGPASA NG ISANG KOMPREHENSIBONG REMEDIAL LEGISLATION PARA IWASTO ANG MABABANG KOLEKSIYON NG LOCAL PROPERTY TAXES.

ISINAGAWA NI NOGRALES ANG COMMITMENT NA ITO MATAPOS ANG KANYANG MALAWAK NA KONSULTASYON SA MGA LIDER NG LEAGUE OF MUNICIPALITIES OF THE PHILIPPINES (LMP) NA PINAMUNUAN NI BINALONAN MAYOR RAMON GUICO NANG ANG NAHULI AY NAG-COURTESY CALL SA SPEAKER NOONG NAKARAANG MARTES.

IPNAHAYAG NG SPEAKER NA SA KASALUKUYAN, MAY WALONG MGA PANUKALANG INIHAIN SA NA KAMARA DE REPRESENTANTES HINGGIL SA NABANGGIT NA USAPIN AT ITO UMANO AY BINABALANGKAS NA NG COMMITTEE ON GOVERNMENT REORGANIZATION NA PINAMUMUNUAN NI ZAMBOANGA CITY REP ERICO BASILIO FABIAN.

AYON KAY NOGRALES, ANG PANGUNAHING DAHILAN UMANO SA MABABANG REVENUE INPUT AY ANG KASALUKUYANG INEFFICIENT COLLECTION SYSTEM, UNDERSATATED VALUES OF ASSESSED REAL PROPERTIES KUMPARA SA MARKET VALUES, AT ANG LOCAL ECONOMIC DEVELOPMENT.

MARAPAT LAMANG UMANONG MAGKAROON NG MAGANDA, RATIONALIZED AT SYSTEMATIC NA RECORDING NG MGA LUPA, PAGTITITULO NG MGA ITO, DOCUMENTATION AT SISTEMANG PANG-IMPORMASYON NG MGA LOKAL NA PAMAHALAAN UPANG MATUGUNAN ANG MGA NABANGGIT NA PROBLEMA.

“HEALTHY PLACES ACT”

PARA MAISAAYOS ANG KALIDAD NG KALUSUGAN AT KAPALIGIRAN NG MGA PAMAYANAN SA BUONG BANSA, HINILING NI ARC PARTY-LIST REP NARCISO SANTIAGO III SA KANYANG PANUKALA, ANG HB03373 NA TATAGURIANG “HEALTHY PLACES ACT”, NA IPAG-UTOS SA MGA AHENSIYANG PAMAHALAAN NA SUPORTAHAN ANG HEALTH IMPACT ASSESSMENT AT MAGSAGAWA NG AKSIYON HINGGIL DITO.

SINABI NI SANTIAGO NA ANG KAPALIGIRAN SA MGA TAHANAN AT MGA PAMAYANAN AY ARAW-ARAW NA KUMAKAHARAP NG BANTA SA KALUSUGAN NG MGA MAMAMAYAN.

AYON SA KANYA, LAYON NG KANYANG PANUKALA NA MAPROTEKSIYUNAN AT MAISULONG ANG KARAPATAN NG TAO NA MAMUHAY SA ISANG BALANSE AT MALUSOG NA KAPALIGIRAN.

ITATATAG ANG ISANG INTER-AGENCY WORKING GROUP SA NATURANG PANUKALA UPANG BALANGKASIN ANG ENVIRONMENTAL HEALTH CONCERNS NA PARTIKULAR NA MAKAKA-APEKTO SA DISADVANTAGED POPULATION.

MARIING SINABI NG SOLON NA KAILANGANG MAGKAROON NG PAGSASALIKSIK HINGGIL SA PANGKALAHATANG INISYATIBA UPANG MATUKOY ANG UGNAYAN SA PAGITAN NG GENERAL ENVIRONMENT AT NG KALUSUGAN NG MGA MAMAMAYAN SA BUONG BANSA.

IDINAGDAG PA NI SANTIAGO NA MAHALAGA UMANONG SEGURUHIN NA ANG MGA KOMUNIDAD AY LUMAHOK SA MGA DISKUSYON HINGGIL SA PANGKALAHATANG KALUSUGAN NA UMAAPEKTO SA KANILANG BUHAY.

KALSADA SA SUBDIBISYON, GAMITIN NA RIN NG PUBLIKO

PARA MABAWASAN ANG LUMALALANG PROBLEMANG PANGTRAPIKO, IPINANUKALA NI CAGAYAN DE ORO REP RUFUS RODRIGUEZ SA PUNUKALANG KANYANG INIHAIN, ANG HB03575, NA BUKSAN ANG MGA KALSADA SA SUBDIBISYON SA LOOB NG METRO MANILA UPANG GAMITIN NG PUBLIKO PARA SA VEHICULAR TRAFFIC.

DAHIL DITO, HINIKAYAT NI RODRIGUEZ ANG PRIBADONG SEKTOR NA UMAMBAG NAMAN NG KANILANG BAHAGI NA TUMULONG SA PAMAHALAAN NA MATUNGUNAN ANG LUMALALANG TRAFFIC CONGESTION SA KAMAYNILAHAN.

INIREKOMENDA NG MAMBABATAS SA MGA SUBDIBISYON NA KOMULEKTA NG ISANG RASONABLENG BAYAD SA MGA DUMADAANG BEHIKULO NG HINDI TATAAS SA LIMANG PISO BAWAT SASAKYAN BAWAT DAAN O TATLONG DAANG PISO KADA TAON BAWAT SASAKYAN UPANG GAMATIN ITO SA PAGMINTINA NG KANILANG MGA KALSADA AT PAMBAYAD SA KANILANG DAGDAG NA SECURITY PERSONNEL.ITINULAK NI RODRIGUEZ ANG AGARANG PAGKAPASA NG NATURANG PANUKALA HABANG KANYANG BINATIKOS ANG TRAFFIC PLANNERS NG MGA NAKARAANG ADMINISTRASYON NA NAGING BIGO SA GANAP NA PAGKARESOLBA NG NABANGGIT NA PROBLEMA.

PDI 2008-03-07 front page



Thursday, March 06, 2008

SUPORTA SA MGA RETIRED JUDGE, ISINULONG NG BAGONG SPEAKER

IPINANUKALA MISMO NI HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES SA KAMARA DE REPRESENTANTES, SA PAMAMAGITAN NG HB00882, NA MABIGYAN NG KARAGDAGANG RETIREMENT BENEFITS ANG MGA MIYEMBRO NG HUDIKATURA UPANG MATUGUNAN ANG KANILANG MGA PANGPINANSIYAL NA PANGANGAILANGAN AT MASUPORTAHAN ANG LUMALAWIG PANG EDAD NG MGA ITO.

SINABI NI SPEAKER NOGRALES NA NOONG TAONG 2004, SA ISANG EN BANC RESOLUTION, IPINAG-UTOS UMANO NG KATAASTAASANG HUKUMAN SA COURT ADMINITRATOR NA TULUNGAN ANG RETIRED JUDGES ASSOCIATION SA KANILANG KAHILINGAN NA REBISAHIN ANG RA 910 UPANG ANG MGA RETIRADONG HUWES AY MAKAPAG-ENJOY NG AWTOMATIKONG DAGDAG SA KANILANG PENSIYON ALINSABAY DIN SA TUWING TUMATAAS ANG SUWELDO NG MGA INCUMBENT OR ACTIVE JUDGES.

AYON SA SPEAKER, ANG NATURANG INISYATIBO AY ISA SA MGA PRRIORITY REFORMS UMANO NA IPINUPURSEGING MAITULAK AT MAIPASA NG 14TH CONGRESS AT KOMPIYANSA UMANO SIYA NA ITO AY SEGURADONG AANI NG SUPORTA NG KANYANG MGA KASAMAHANG MAMBABATAS.

IDINAGDAG PA NI NOGRALES NA ANG KORTE SUPREMA DAW AT NAGBIGAY-KASEGURUHAN NA MAPONDUHAN NITO ANG DEPERENSIYA NG KASALUKUYANG BUWANANG PENSIYON NG MGA RETIRADONG JUDGES GALING SA JUDICIARY DEVELOPMENT FUND (JDF) PARA ANG KANILANG MGA PENSIYON AY MAIPANTAY DIN SA SAHOD NG MGA INCUMBENT JUDGE.

WALANG PAHINTULOT NA TEXT MESSAGES NG TELECOM COMPANIES

HINILING NI REP MARCELINO TEODORO NG LUNGSOD NG MARIKINA ANG PAGSISIYASAT HINGGIL SA MGA REKLAMO NG MGA CONSUMER NA ANG MGA TELECOMMUNICATION COMPANY AY NAGPAPADALA NG MGA UNSOLICITED TEXT MESSAGE NA NAG-AALOK NG KUNG ANO-ANONG MGA SERBISYO.SINABI NI TEODORO NA SA KASALUKUYAN AY WALA PANG GANAP NA GUIDELINE HINGGIL SA MGA PAGPAPADALA NG UNSILICITED TEXT MESSAGE SA MGA MOBILE TELEPHONE SUBSCRIBER AT NA KAILANGAN UMANONG MAGTATAG NG MGA GUIDELINE UPANG MAPROTEKTAHAN ANG INTERES NG MGA SUBSCRIBER.

AYON SA KANYA, HINDI LAMANG SAGABAL AT ESTURBO SA MGA GINAGAWA NG SUBSCRIBER ANG PAGTANGGAP NG MGA NATURANG TEXT MESSAGE KUNDI ITO AY NAGDADAGDAG SA GASTUSIN DAHIL SINISINGIL NG KOMPANYA ANG BILL SA MAY ARI NG CELL PHONE.

IDINAGDAG PA NI TEODORO NA AWTOMATIKONG BINABAWAS SA AVAILABLE LOAD NG SUBSCRIBER ANG BILL KAHIT HINDI NITO SINASAGOT ANG MENSAHE NGUNIT KUNG SASAGUTIN NAMAN ANG MGA ITO, PAULIT-ULIT NANG MAGTE-TEXT ANG KOMPANYA PARA PAGKAKAKITAAN ANG CONSUMER.

PDI 2008-03-06 front page



Wednesday, March 05, 2008

ECOLOGICAL ZONES: MGA ILOG AT WATERWAYS SYSTEM

IDIDEKLARA BILANG ECOLOGICAL ZONES ANG MGA ILOG, RIVER SYSTEMS, MGA BAYBAYING DAGAT O BEACHES AT WATERWAYS SA SANDALING MAIPASA NA ANG PANUKALANG BATAS NA INIHAIN NI CAGAYAN DE ORO CITY REP RUFUS RODRIGUEZ UPANG MAGKAROON NG AKSIYON TUNGO SA PAGPAPATUPAD NG NATIONAL LAND USE POLICY AND PLANNING NG BANSA.

SINABI NI RODRIGUEZ NA ANG KASALUKUYANG KINAKAHARAP NA KRITIKAL NA PROBLEMA SA KAPALIGIRAN NG BANSA, ANG TINATAWAG NA ENVIRONMENTAL DEGRADATION NG MGA ILOG AT WATERWAYS, ANG NAGBUNSOD UMANO SA KANYANG PAGHAIN NG PANUKALANG ITO.

AYON SA KANYA, ANG PAGKASIRA NG MGA NATURANG RESOURCES AY HINDI LAMANG BANTA UMANO SA PUBLIC SAFETY NGUNIT ITO NA ANG NAGING DAHILAN SA KAMATAYAN NG ILANG MGA MAMAMAYAN.

TINUKOY NIYA ANG ULAT NG BLACKSMITH INSTITUTE NA NAKA BASE SA NEW YORK NOONG NAKARAANG BUWAN NA NAGSASABING ANG RIVER SYSTEM NG MARILAO, UBANDO AT MEYCAUAYAN SA BULACAN AY ANG PINAKA-POLLUTED SA DEVELOPING WORLD DAHIL ANG INDUSTRIAL WASTE AY BASTA NA LAMANG ITINAPON SA MGA ILOG NITO NA SIYA NAMANG PINAGKUKUNAN NG INUMING TUBIG AT AGRICULTURAL WATER SUPPLY NG MGA NAKATIRA ROON.

IDINAGDAG PA NIYA NA ANG NATURANG PROBLEMA AY LUMAWAK PA SA ISYU NG PAGKABIGO NG PAMAHALAAN SA PAGPATUPAD AT ENFORCEMENT NG MGA POLISIYA AT BATAS PANGKAPALIGIRAN.

PDI 2008-03-05 front page



Tuesday, March 04, 2008

sponsored by:

ALTERNATIVE RENEWABLE ENERGY, IPINANUKALA

HINIKAYAT NI PAMPANGA REP CARMELO LAZATIN SI PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO NA MAGTATAG NG ISANG COMPOSITE TEAM O PINAGSANIB NA KUPUNAN NA MAGSASAGAWA NG PAGAARAL HINGGIL SA PAGTATATAG NG MGA MINI-HYDROELECTRIC PLANT SA MGA MAHAHALAGANG LALAWIGAN SA BUONG BANSA AT IPAG-UTOS SA DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES (DENR) AT DEPARTMENT OF ENERGY (DOE) NA TUGUNAN ANG LUMALALANG PROBLEMA SA PAG-ANGKAT NG LANGIS, EKONOMIYA AT KAPALIGIRAN.

SA HR00453, SINABI NI LAZATIN NA ANG DEPLITION NG FUEL RESOURCES SA MUNDO AY ANG NAGING SANHI NG PAGTAAS NG PRESYO NITO AT NA NAGBUBUNSOD NA RIN SA PAGTAAS NG MGA BASIC COMMODITIES SA BUONG BANSA.

AYON SA KANYA, KAILANGAN UMANONG ANG MGA NABANGGIT NA ISYU AY MAY ALTERNATIBONG PAMAMARAAN PARA SA ENERHIYA UPANG MASUSTINE ANG PANGANGAILANG ITO SA PAMAMAGITAN NG TINATAWAG NA RENEWABLE ENERGY.

SA KANYANG PAGHAIN NG RESOLUSYON, LAYUNIN UMANO NIYANG MABAWASAN ANG PAGIGING DEPENDENT NG BANSA SA FUEL O LANGIS AT MATUGUNAN ANG PANGANGAILANGANG MAKAHANAP NG IBA PANG MGA ALTERNATIBONG PARAAN SA ENERHIYA.

IDINAGDAG PA NIYANG ANG HYDROELECTRIC POWER AY TINURING UMANONG ISANG EPESIYENTENG ALTERNATIVE SOURCE NG RENEWABLE ENERGY NA MAAARING I-EXPLOIT DAHIL EKONOMIYA ITO AT MABABA LAMANG ANG POLUSYONG MAIDUDULOT NITO.



PDI 2008-03-04 front page



Monday, March 03, 2008

COMBAT DUTY PAY SA AFP, TATAASAN

NAGHAIN SI SORSOGON REP JOSE SOLIS NG ISANG PANUKALA, ANG HJR0012, NA MAY LAYUNING TATAASAN ANG BUWANANG COMBAT DUTY PAY NG LAHAT NA MGA OFFICER AT ENLISTED PERSONNEL NG SANDATAHANG LAKAS NG PILIPINAS NA NAGTATAKDA NG DALAWAMPUT LIMANG PORSIYENTO SA KANILANG MGA BASE PAY.

SINABI NI SOLIS NA ANG P240.00 O DALAWANG DAAN AT APATNAPUNG PESONG TINATANGGAP NG MGA NATURANG MIYEMBRO NG SANDATAHANG LAKAS AY HINDI NA MAITUTURING NA INSENTIBO PARA SA MGA SUNDALO KUMPARA SA KANILANG MGA NAKAKAHARAP NA PANGANIB SA KANILANG BUHAY MAGAMPANAN LAMANG ANG KANILANG MGA TUNGKULIN.

AYON SA KANYA, ANG PINAKAHULING INCREASE NA IGINAWAD NG PAMAHALAAN SA KASUNDALOHAN AY LABING PITONG TAON NA ANG NAKALILIPAS SA PAMAMAGITAN NG EO NO. 1017 NA NILAGDAAN NOONG IKA-22 NG MARSO 1985 PA KUNG KAYAT KAILANGAN NA UMANONG MA-UPGRADE ANG NATURANG ALLOWANCE.

IDINAGDAG PA NI SOLIS NA ITINAKDA UMANO SA SALIGANG BATAS NA MAGKAKAROON NG PROPESYUNALISMO SA LOOB NG SANDATAHANG LAKAS AT ANG SAPAT NA RENUMERATION AT MGA BENEPISYO SA MGA MIYEMBRO NITO AY ISANG PRIME CONCERN NG ESTADO.

PAGBABABA NG COMPULSORY RETIRMENT AGE, GAGAWING 55 YEARS OLD NA

PABORABLE SA MGA MAGRERETIRO SA GOBYERNO SA SANDALING MAISABATAS NA ANG PANUKALANG INIHAIN NI NORTH COTABATO REP BERNARDO PINOL JR, ANG HB03032, NA MAY LAYUNING IBABA ANG COMPULSORY RETIREMENT MAGMULA ANIMNAPUT LIMANG TAON AT GAGAWING MAGING LIMAMPUT LIMANG TAONG GULANG NA LAMANG AT PARA SA OPTIONAL NAMAN NA 60 YEARS OLD AT GAWING 50 YEARS OLD NA LAMANG, DAHIL BATA PA SILANG MAG-ENJOY NG RETIRMENT BENEFITS NILA.

SINABI NI PINOL NA BAGAMAT ANG RETIREMENT BENEFITS AY ITINAKDA SA BATAS, KARAMIHAN SA MGA MAGRERETIRO BATAY SA KASALUKUYANG BATAS AY HINDI NA NILA MA-ENJOY ANG MGA BENEPISYO DAHIL KUNG HINDI MAN SILA MASYADONG MATANDA NA UPANG GUMAMIT NG RETIREMENT PAY NILA AY SILA AY MGA MAYSAKIT NA DAHIL SA KATANDAAN, KUNG KAYAT ANG NATURANG MGA BENEFITS AY NAGAGAMIT NA LAMANG SA KANILANG PAGPAPAGAMOT.

AYON PA SA SOLON, SA KABILANG DAKO NAMAN, KUNG BATA PA UMANONG MAG-RETIRE ANG ISANG KAWANI, SIYA AY MAS HANDA PANG HUMARAP SA MGA HAMON NG PANIBAGONG ANTAS NG KANYANG BUHAY MAGING SA PAG-VENTURE SA SARILI NIYANG NEGOSYO AT GAGAMITIN NIYA ANG KANYANG TALENTO PARA SA PRIBADONG GAWAIN AT ANG KANYANG ECONOMIC VALUE AY MAS MATAAS PA KAYSA SA ISANG 65 YEAR-OLD NA RETIRADO.

IDINAGDAG PA SI PINOL NA ANG ISANG MABABANG RETIREMENT AGE AY MAKAPAGGAWAD NG PAGKAKATAON SA MGA BATANG HENERASYON NA NAIS MANUNGKULAN SA GOBYERNO AT ITO UMANO AY MAKAPAGBIBIGAY NG TINATAWAG NIYANG “AGILITY AND IDEALISM” SA PANUNUNGKULAN SA PAMAHALAAN.


PDI 2008-03-03 front page


Sunday, March 02, 2008

ISANG MILYONG BAHAY SA LOOB NG LIMANG TAON

UPANG MARESOLBAHAN NA ANG SULIRANIN SA KAKULANGAN NG PABAHAY SA BANSA, NAGPASYA ANG COMMITTEE ON HOUSING NG MABABANG KAPULUNGAN NG KONGRESO NG PILIPINAS NA MADALIING IPASA ANG ISANG CONSOLIDATED NA PANUKALANG BATAS NA MATATAKDANG MAGTATAG NG ISANG MILYONG BAHAY SA LOOB NG LIMANG TAON.

SINABI NI ORIENTAL MINDORO REP RODOLFO VALENCIA, CHAIRMAN NG NATURANG KOMITE, NA KASALUKUYAN NA NILANG BINALANGKAS ANG PAGPASA NG MGA COMPLIMENTARY LEGISLATIVE MEASURES NA MAY LAYUNING TUTUGON SA KASALUKUYANG BACKLOG NA 1.2 MILYONG HOUSING UNITS AT ANG HINAHARAP PANG PANGNGAILANGN NG 2.5 MILYONG MGA BAHAY PA.


AYON SA KANYA, KAILANGAN UMANONG MAGTATAG NG 61,600 UNITS NG MGA BAHAY BAWAT BUWAN O 2,503 TAHANAN BAWAT ARAW PARA SA SUSUNOD NA TATLO HANGGANG LIMANG TAON UPANG MAKA-CATCH-UP SA HOUSING BACKLOG NG ATING BANSA.

DAHIL DITO, NAGBABALA SI VALENCIA NA KUNG HINDI MARESOLBAHAN KAAGAD ANG PROBLEMANG PABAHAY, MAGIGING MALAKING SULIRANING SERYOSO ANG KAKAHARAPIN UMANO ANG ATING BANSA SA SUSUNOD NA MGA DEKADA.

IPNAHAYAG NI VALENCIA NA NAKAPAGTATAG NA UMANO ANG HOUSING AND URBAN DEVELOPMENT COORDINATING COUNCIL O HUDCC NG ISANG TASK FORCE NA MAGSASAGAWA NG PAGAARAL SA PANUKALANG BATAS UPANG MAGLATAG NG MGA GUIDELINE PARA SA GABNAP NA IMPLEMENTASYON NG NATIONAL HOUSING PROGRAM SA LOOB NG TATLUMPONG ARAW.

PDI 2008-03-02 front page



Saturday, March 01, 2008

PICTURE-BASED HEALTH WARNINGS SA MGA TOBACCO PRODUCT

NAGHAIN SI NORTHERN SAMAR REP PAUL DAZA NG PANUKALANG BATAS, ANG HB03364, NA MAGMAMANDO SA LAHAT NG MGA TOBACCO COMAPANY SA BUONG BANSA NA GUMAMIT NG MALINAW, COLORED AND GRAPHIC PICTURE-BASED O MALA-LITRATONG MGA BABALA O WARNING SA MGA PRODUKTONG TABAKO UPANG MAIPAALAM SA PUBLIKO ANG MASAMANG EPEKTO NG PANINIGARILYO, KASAMA ANG MAGING EPEKTO SA TINATAWAG NA SECOND-HAND SMOKE.

SINABI NI DAZA SA KANYANG PAGHAIN NG NATURANG PANUKALA NA ANG MGA BABALANG ITO AY MAGBIBIGAY IMPORMASYON HINGGIL SA MGA MASAMANG RESULTA NG PANINIGARILYO AT MAGGAGAWAD NG KAALAMAN KUNG PAPAANO MAPAGANDA AT MAIPALAWIG PA ANG KANILANG KALUSUGAN KUNG HINDI NA SILA MANIGARILYO.

INIREKOMENDA NI DAZA ANG KAKAIBANG DESINYO NG HEALTH WARNING NA ITO NA MAY MGA LITRATO NG MASASAMANG EPEKTO NG PANINIGARILYO UPANG SA BAWAT SANDALI UMANONG ANG ISANG MANINIGARILYO AY BUBUNOT NG SIGARILYO SA PAKETE, PAULIT ULIT DIN NIYA UMANONG MAKIKITA ANG LITRATONG KAAKIBAT SA KAHA NITO.

IDINAGDAG PA NI DAZA NA ANG GASTUSIN SA PAG-IMPRINTA NG NATURANG MGA LITRATO SA PAKETE AY AAKUHIN NG MGA KUMPANYA NG TABAKO NA WALA NAMANG GASTOS PARA SA PAMAHALAAN.

PDI 2008-03-01 front page



Free Counters
Free Counters