Tuesday, April 26, 2016

Mandatory PhilHealth coverage para mga PWD, itinutulak sa Kamara

Mariing itinulak ni Quezon City Representative Alfredo Vargas ang kanyang panukala, ang HB06251 na magmamando sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na i-enrol ang lahat na mga may kapansanan o yaong tinatawag na mga PWD o persons with disability sa National Health Insurance Program (NHIP) ng nabanggit na tanggapang pamahalaan.

Sinabi ni Vargas na ang pag-amiyenda sa RA 7277, as amended, na kilala bilang Magna Carta for Persons with Disability ay magmamando sa PhilHealth na ang lahat na mga PWD ay kailangang maisama na maging miyembro ng naturang programa dahil may iilan pa ring mga may kapasanang hindi nai-enroll sa NHIP.

Ayon sa kanya, ang pondo para sa naturang programa ay manggagaling sa proceeds sa koleksiyon ng sin tax batay na rin sa probisyon ng RA10351 na kilala bing Sin Tax Reform Law of 2012.

Idinagdag pa ni Vargas na ang mga PWD ay kumakatawan sa isa sa mga sector kung saan prayoridad sila sa health development na binanggit sa 1987 Constitution batay na rin sa
Social Justice and Human Rights clause.

Mga mahahahalang panukala, ipapasa bago tuluyang mag-sara ang Konreso sa Hunyo

Nakatakdang ipasa sa pangatlo at pinal na pagbasa dito sa Kamara de Representantes ang ilang mga mahahalagang panukalang batas na may kaugnayan sa edukasyon, kalusugan, paggawa at human resource development bago tuluyang magtapos ang ika-labing-anim na Kongreso ng Pilipinas sa darating na Hunyo ng kaslukuyang taon.

Sa mga nalalabing iilang mga araw na sesyon ng Kapulungan na mag-uumpisa sa ika-23 ng Mayo hanggang sa adjournment sine die nito sa June 11, mangyaring maging abala ang mga mambabatas sa pagpasa ng mga naturang panukala.

Tinukoy ng liderato ng Kamara ang dalawampung mga panukala na kanilang na-identify, karamihan nito ay mga national bills ang significance na mayroong nauna nang nabanggit na mga paksa.

Ang nakatakdang Joint Congressional Canvass ng mga boto na siyang magdi-determina sa opisyal na mga nanalo sa mga posisyong presidente at bise-presidente at ang kanilang magiging pinal na aksiyon hinggil sa mga naturang panukala, bagaman at kulang sa panahon, ay seguradong magdudulot ng kapaguran sa mga lider at miyembro ng dalawang kapulungan.

Naririto ang iilan sa mga panukalang nakatakdang kanilang ipasa:

1) HB 5616 – An Act regulating and modernizing the practice of Pharmacy in the Philippines, repealing for the purpose R.A. No. 5821, otherwise known as the Pharmacy Law.

2) HB 6414 – An Act Strengthening further the special Program for Employment of Students, amending for the purpose Sections 1, 2, 3 and 5, and repealing Section 4 of R.A. 9547, amending R.A.  7323, otherwise known as the “Special Program for Employment of Students” (SPES).

3) HB 6410 – An Act instituting the Magna Carta of Day Care Workers and providing funds therefor;

4) HB 6415 – An Act institutionalizing the nationwide implementation of the Jobstart Philippines Program;

5) HB 6416 – An Act providing assistance to new graduates by waiving government fees and charges collected in connection with the issuance of documents required in their application for employment;

6) HB 6418 – An Act prohibiting discrimination against any individual in employment on account of age, providing penalties therefor;

7) HB 6421 – An Act Strengthening, modernizing and aligning the practice of Agricultural Engineering in the country into the internationally recognized practice of Agricultural and Biosystems Engineering, and appropriating funds therefor, repealing for the purpose R.A. 8559, otherwise known as the “Philippine Agricultural engineering Act of 1998”;

8) HB 6422 – An Act integrating palliative and Hospice care into the Philippine Health Care System;

9) HB 6423 – An Act strengthening the continuing Professional Education Program and appropriating funds therefor;

10) HB 6424 – An Act instituting policies for the protection and welfare of Caregivers in the practice of their profession;

11) HB 6425 – An Act instituting the Magna Carta of Filipino Seafarers;

12) HB 6428 – An Act declaring Filipino Sign Language as the National Sign Language of the Filipino Deaf and the official Language of government in all transactions involving the deaf, and mandating its use in all public schools, broadcast media, and workplaces;

13) HB 6431 – An Act rationalizing government intervention in labor disputes by adopting the essential services criteria in the exercise of the assumption of jurisdiction on certification power of the Secretary of Labor and Employment, and decriminalizing violating thereof, amending for this purpose Articles 278, 279 and 287 of Presidential Decree 442, as amended, otherwise known as the Labor Code of the Philippines; and

14) HB 6331 – An Act institutionalizing and strengthening Public-Private Partnerships, and appropriating funds therefor.

Thursday, April 21, 2016

Mabigat na parusa para sa mga kontrabando sa mga pihitan, pabibigatin pa

Hiniling ngayon ng isang mambabatas na papatawan ng mas mabigat na parusa ang sinumang magbigay, tumulong o magkubli sa pagpasok ng anumang uri ng kontranado sa loob ng mga pihitan sa buong bansa.

Layunin ng HB05312 na inihain ni Cavite Representative Roy Loyola na matuldukan na ang katiwalian sa mga prison facility na paulit-ulit na nagaganap sa pamamagitan ng pagpapataw ng mas mabigat pang kaparusahan na kinakailangan upang mapaganda ang prison system ng bansa.

Ang panukalang ito, ayon pa sa mambabatas, ang unang hakbang na kinakailangang gawin sa ating mga pihitan at tiwala siya niya na ang pagpataw ng mas mabigat na parusa ay makapag-bibigay takot sa sinumang may balak na gawin ng nasabing krimen.

Tinukoy ni Loyola ang mga sumusunod: dangerous drugs, controlled precursors at chemicals, laboratory equipment at iba pang mga drug paraphernalia, inuming nakakalasing, pera, signal jammers at iba pang mga communication gadgets bilang mga kontrabando batay na rin sa batas.

Wednesday, April 20, 2016

National Public School Database, itatatag

Ipinanukala sa Mababng Kapulungan ang pagtatatag ng National Public School Database upang maisaayos ang proseso ng pag-ienrol at ang gawaing administratibo ng mga guro ay maging mas epesiyente.

Ayon sa inihaing HB05974 ni Valenzuela City Representative Sherwin Gatchalian, layunin nito magkaroon ng National Public School Information Office na siyang mag-develop at magmintina ng isang database na naglalaman ng impormasyon hinggil sa isang estudyante kagaya ng mga grado sa eskuwela, personal data, good moral record at improvement tracking.

Sinabi ni Gatchalian na ang naturang panukala ay hindi lamang magsesilbe bilang isang bahagdan para sa proteksiyon o safekeeping ng mga mag-aaral kundi pati na rin ang pagkakaroon ng pagpapaibayo ng mabilis na public access to edukasyon.

Sa ilalim ng panukala, tanging ang mga school administratior ang bibigyan ng kapangyarihan na magkaroon ng access sa mga datus na nakapaloob sa naturang database.

Tuesday, April 19, 2016

Gawing boluntaryo at hindi na cumpolsory sa mga teacher ang manilbihan sa eleksiyon, ganap na na batas

Naging ganap na na batas ang naunang panukala sa mababang kapulungan, ang HB05412, na may layuning gawing boluntaryo na o non-compulsory na para sa mga guro sa pampublikong paaralan na maninilbihan bilang mga kagawad o yaong tinatawag na electoral boards o EBs sa halalan tuwing nagaganap ang eleksiyong lokal at nasyonal.

Natakalatag din sa batas ang mga benepisyo sa mga magsisilbe sa eleksiyon kung saan ang Chairperson of Electoral Boards ay makatatanggap ng P6,000.00, Members of Electoral Boards ay P5,000.00, DESO ay P4,000 at Support staff ay P2,000.00.

Dati-rati, requirement para sa mga public school teachers na magsilbe tuwing nagaganap ang halalan batay na rin sa dating batas hinggil sa eleksiyon.

Nilagdaan ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang naturang batas, ang Republic Act No. 10756 noong nakaraang ika-8 ng Abril 2016,  hudyat na ito ay handa nang ipatupad sa darating na eleksiyon.

Ang batas ay pinamagatang “An Act Rendering Election Service Non-Compulsory for Public School Teachers, Authorizing the Appointment of Other Qualified Citizens, Providing for Compensation and Other Benefits."

Monday, April 18, 2016

Mga probisyon sa legal separation, palalawigin

“Hindi mawawalang-bisa sa pamamagitan ng legal separation ang paghihiwalay ng mag-asawa, ngunit ito ay makakapawi sa pagdurusa ng naaagrabiyadong partido.” Ito ang tinuran ng dalawang mambabatas sa kanilang paghain ng panukala, ang HB05238.

Sinabi nina Gabriela partylist Represenatives Emmi de Jesus at Luzviminda Ilagan, mga may-akda ng naturang panukala, na sakaling maipasa ang kanilang proposal, palalawigin nito ang mga batayan sa legal separation sa pamamagitan ng pagbibigay ng opsiyon sa kabiyak, lalu na ang esposa o babae, na maka-iwas o umalis sa isang magulong pagsasama.

Isa sa mga mahahalagang probisyon na nais isama sa batas ay ang pagsasama sa mga batayan o grounds para sa legal separation ang physical, psychological, financial or economic or sexual violence, o anupamang serious banta o attempt to inflict violence against the petitioner, a common child, or a child of the petitioner.

Iginiit ng mga mambabatas na ang mga naturang amiyenda sa batas ay naaayon na rin sa Magna Carta of Women na ipinasa na upang makamit at mapaganda pa ang mga karapatan ng mamamayan sa kanilang pantaong dignidad.

Night high school sa bawat distrito, ipinanukala

Magkakaroon na ng night high school ang bawat congressional district sa buong bansa upang mabigyan ang mga kabataan ng access o paraan sa basic education.

Inihain ni Representative Alfredo Vargas ng ika-limang distrito ng Quezon City ang kanyang panukala, ang HB06493 at kanyang sinabi na ang pagbukas at pagtatag ng night high school ay maaaring magiging solution sa problemang dropout o pagliliban sa pag-aaral ng mga kabataan.

Ayon kay Vargas, ang kanyang panukala ay batay na rin sa polisiya ng Estado na protektahan at palawigin ang karapatan ng bawat mamamayan upang magkaroon sa di-kalidad na edukasyon sa lahat ng antas at ang edukasyon ay dapat abot ng lahat.
Free Counters
Free Counters