Tuesday, March 18, 2008

MAHABANG BISA NG PASAPORTE

IPINANUKALA SA KARAMA ANG MAS MAHABANG BISA NG PASAPORTE SA BANSA MULA SA KASALUKUYANG LIMANG TAON TUNGONG 10 TAON.

NAIS NI ANAK MINDANAO REP. MUJIV HATAMAN NA MAGSAGAWA NG PAGDINIG ANG HOUSE COMMITTEE ON FOREIGN AFFAIRS SA POSIBILIDAD NA REBISAHIN ANG REPUBLIC ACT 8239 O PHILIPPINE PASSPORT ACT OF 1996 SA HANGARING BAWASAN ANG GASTUSIN NG MGA FILIPINO SA RENEWAL NG KANILANG PASAPORTE.

NANINIWALA SI HATAMAN NA MAGSISILBING MALAKING REGALO SA MGA FILIPINO, PARTIKULAR SA OVERSEAS FILIPINO WORKER’S (OFW’S) ANG PANUKALANG BATAS.

ISANG MAGANDANG REGALO ITO SA ATING MGA KABABAYAN LALO NA SA OFW’S PARA HINDI NA SILA MASYADONG MAAABALA, MABABAWASAN PA ANG KANILANG GASTUSIN, ANI HATAMAN.

SA PARTE NI TAWI-TAWI REP. NUR JAAFAR, NANGANGAMBA SIYANG MABABAWASAN NAMAN ANG KIKITAIN NG GOBYERNO MULA SA PAG-PROSESO NG PASAPORTE KUNG PAPALUSUTIN ANG PANUKALA.

NAUNANG SINABI NG DFA NA DAPAT ISAALANG-ALANG NG PANUKALA ANG USAPIN SA ISYU NG SEGURIDAD.

NABATID SA DFA NA INAASAHANG MAGKAKAROON NG PAGBABAGO SA TINATAWAG NA ‘BIOMETRIC FEATURES’ O MAHAHALAGANG IMPORMASYON SA ISANG APLIKANTE NG PASAPORTE KAYA HINDI DAPAT DOBLEHIN SA LIMANG TAON ANG PAGIGING BALIDO NG TRAVEL DOCUMENT.

BUKOD DITO, IDINAGDAG NG DFA NA MASOSOLUSYUNAN RIN ANG REKLAMO SA MABAGAL NA PAG-PROSESO NG PASAPORTE SA PAMAMAGITAN NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA NA TIYAK NA MAGPAPA-IKLI SA PANAHON AT HIGIT NA MAGIGING MURA ANG PAGKUHA NITO.


Free Counters
Free Counters