Wednesday, March 19, 2008

NON-LETHAL WEAPONS PARA SA MGA PULIS, IMINUNGKAHI

IMINUNGKAHI NG ISANG KONGRESISTA NA GUMAMIT NA LAMANG ANG MGA PULIS NG NON-LETHAL WEAPONS PARA MAISULONG ANG TINATAWAG NA GUN-LESS SOCIETY SA BANSA.

SINABI NI NUEVA ECIJA REP EDNO JOSON NA SA ILALIM NG KANYANG HB02206, IMPORTANTE ANG “TOTAL GUN BAN” SA BANSA KUNG SAAN GAGAMITIN NA LAMANG ANG RUBBER BULLETS AT IBA PANG HINDI NAKAKAMATAY NA BALA AT ARMAS NG MGA MIYEMBRO NG PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP).

IPINALIWANAG NI JOSON NA MARAMING BUHAY ANG NASASAYANG, PARTIKULAR SA LARANGAN NG PULITIKA DAHIL SA KABIGUAN NG KINAUUKULAN NA KONTROLIN ANG PAGDADALA AT PAGGAMIT NG MGA NAKAMAMATAY NA SANDATA SA BANSA.

INIHAYAG NAMAN NG MGA OPISYAL NG ASSOCIATION OF FIREARMS DEALERS O AFAD SA BANSA NA MAS DELIKADO ANG TOTAL GUN BAN DAHIL MAWAWALAN NG DEPENSA ANG MGA SIBILYAN SA MGA KRIMINAL KUNG SAAN PAPATAYIN RIN NITO ANG KANILANG HANAPBUHAY.

NAGPAHAYAG NG PANGAMBA SI JOSON DAHIL NANANATILI PA UMANO ANG IRESPONSABLENG PAGGAMIT NG BARIL MULA SA DUMARAMING KRIMEN SA KABILA NG PAGSASAILALIM SA MGA ITO SA REHISTRO AT IBA PANG MAHIGPIT NA REGULASYON.

SINUPORTAHAN NAMAN NI NANDY PACHECO, MULA SA GRUPONG GUN-LESS SOCIETY, ANG PANUKALA NI JOSON DAHIL SA PAGDAMI NA NG LOOSE FIREARMS.

FOR THOSE WHO BELIEVE IN GUN CONTROL, NO EXPLANATION IS NECESSARY. BUT FOR THOSE WHO DO NOT BELIEVE, NO EXPLANATION IS POSSIBLE, ANI PACHECO.

IPINALIWANAG NI JOSON NA KABILANG SA NON-LETHAL WEAPONS ANG DEVICES, PARAPHERNALIA, EQUIPMENT, GADGETS O MGA KATULAD NA HINDI LIFE THREATENING NA GINAGAMIT PARA MA-DISABLE, MA-PARALYZE O MAGING SHOCK ANG TAO.

Free Counters
Free Counters