LUPANG PANG-AGRIKULTURA, DAPAT HUWAG GANMITIN PARA SA SUBDIBISYON
ISINISI NI VALENZUELA REP MAGTANGGOL GUNIGUNDO II SA KAWALAN NG MATINDING LAND USE PLAN NG KASALUKUYAN AT NAGDAANG PAMAHALAAN ANG SULIRANIN SA KRISIS SA MAHAL NA PRESYO NG BIGAS SA BANSA MATAPOS ANG WALANG PATUMANGGANG KUMBERSIYON NG LUPANG AGRIKULTURAL SA KOMERSIYAL NA GAMIT.
AYON SA KANYA, ITO UMANO ANG NAGBUNSOD SA PATULOY NA PAGSULPOTAN NG SUBDIVISIONS, MALLS AT IBA PANG KOMERSIYAL NA ESTABLISYAMENTO SA MGA DATING LUPANG AGRIKULTURAL.
GANITO RIN ANG NAKIKITANG PROBLEMA NI AGUSAN DEL SUR REP RODOLFO PLAZA NA NAGSABING NAGSISIMULA NANG MAGBAYAD ANG BANSA SA WALANG PATUMANGGANG KOMERSIYALISYON NG MGA LUPAIN NANG HINDI INIISIP ANG PANG-MATAGALANG EPEKTO SA AGRIKULTURA.
NANINIWALA SI PLAZA NA MALAKI ANG MAITUTULONG NG MINDANAO
DAPAT UMANONG PAIGTINGAN NG PAMAHALAAN ANG PAGPAPAIBAYO NG MGA LUPANG PANG-AGRIKULTURA SA MINDANAO UPANG MAPALITAN ANG YAONG MGA GINAMIT PARA SA INDUSTRIYA AT PABAHAY, DAGDAG PA NI PLAZA.
AYON NAMAN KAY PALAWAN REP ABRAHAM MITRA, MARAMI UMANO ANG IBAT-IBANG URI NG BIGAS SA MGA PALENGKE KAYA IMPOSIBLENG MAY KAKAPUSAN.
HINILING NAMAN NI GUNIGUNDO SA PAMAHALAAN NA DAGDAGAN ANG PONDONG AYUDA SA MGA MAGSASAKA AT ALISIN ANG KONTROL SA PRESYO NG PALAY NA MAY MATAAS NA URI.
NAIS NAMAN NI PARANAQUE REP ROILO GOLEZ NA GAMITIN ANG P40 BILYONG PONDO NA HINIRAM PARA SA PROGRAMA SA PAGLINANG NG BIOFUELS UPANG SOLUSYUNAN ANG KRISIS SA BIGAS DAHIL KULANG ANG ILALAAN NG PAMAHALAAN NA P1.5 BILYON BILANG AYUDA SA PRODUKSIYON NG BIGAS.
<< Home