Monday, March 24, 2008

BATAS HINGGIL SA PAGGAMIT NG MOTORSIKLO, IPINANUKALA

KADALASANG NAGING DAHILAN AT RASON NG MGA AKSIDENTE SA SASAKYAN NA MAY KAUGNAYAN SA MOTORSIKLO AY ANG PAGIGING HIGH SA IPINAGBABAWAL NA GAMOT AT PAGMAMANIHONG LASING.

DAHIL DITO, NAGHAIN SI ALBAY REP RENO LIM NG ISANG PANUKALANG BATAS NA MAGLALATAG NG ISANG EDUCATIONAL PROGRAM PARA SA MGA DRAYBER NG MOTORSIKLO KASUNOD SA PAGTAAS NG BILANG NG MGA AKSIDENTENG SANHI NG PAGMAMANIHO NITONG MAY DALAWANG GULONG LAMANG NA SASAKYAN.

TINUKOY NI LIM ANG ISINAGAWANG PAGAARAL NG METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY (MMDA) NA NAGSASABING ANG MOTORSIKLO ANG MAY PINAKAMATAAS NA ANTAS NG AKSIDENTENG IKINAMATAY SA LANSANGAN NA MAY 122 MOTORSIKLO O 23.6 NA PORSIYENTO NG TOTAL FATALITIES BAWAT ARAW NA NAUUGNAY SA VEHICULAR ACCIDENT SA METRO MANILA PA LAMANG.

SINABI NI LIM NA HINDI UMANO MAIPAGKAKAILA NA ANG MGA NAGMOMOTORSIKLO AY BUMUBUO NG ISANG MALAKING BILANG NG PAGKAPINSALA AT PAGKAMATAY SA MGA GUMAGAMIT NG LANSANGAN.

KAYA, AYON SA KANYA, MARAPAT LAMANG UMANONG MAGKAROON NG ISANG KOMPREHENSIBONG BATAS HINGGIL SA TRANSPORTASYON LALU NA SA PRIBILIHIYONG PAGGAMIT NG ANUMANG URI NG BEHIKULONG MOTOR.
Free Counters
Free Counters