RPPt Ex-PCSO GM Garma kulong sa Kamara
Ipinag-utos ng Quad Committee ng Kamara de Representantes ang pagkulong kay dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma hanggang sa matapos ang isinasagawa nitong pagdinig o hanggang sa makipagtulungan ito sa komite.
Ito ay matapos na aprubahan ng komite na i-cite in contempt si Garma dahil sa kanyang mga hindi malinaw na mga sagot sa mga tanong ng mga kongresista sa isinagawang pagdinig nitong Huwebes.
Si Garma ay iniugnay ng apat na testigo na humarap sa pagdinig sa pagpatay sa tatlong nakakulong na Chinese drug lord sa loob ngDavao Prison and Penal Farm (DPPF) noong 2016.
Sa mosyon ni Abang Lingkod Rep. Joseph Stephen Paduano, chair ng House Committee on Public Accounts, ipina-contempt ng komite si Garma dahil sa paglabag sa Section 11(c) ng House Rules of Procedure Governing Inquiries in Aid of Legislation.
Sinundan ito ng mosyon ni 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez na ikulong si Garma sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City matapos sabihin ni Laguna Rep. Dan Fernandez, co-chairman ng Quad Comm, na puno na ang detention facility ng Kamara de Representantes.
Nagmosyon naman si 1Rider Partylist Rep. Bonifacio Bosita na ipadala na lang si Garma sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Quezon City.
Matapos ang ilang minutong talakayan, sinabi ni Fernandez na mayroon ng mapupuwestuhan si Garma sa detention center ng Kamara kaya binago ni Gutierrez ang mosyon nito.
Nilinaw naman ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, chair ng Committee on Dangerous Drugs at overall head ng Quad Committee, na maaaring mapaaga ang paglabas ni Garma kung makipagtulungan ito sa ginagawang pagsisiyasat.
“If she changes her mind and she suddenly cooperates, then the committee will be more than willing to accommodate her motion for reconsideration,” sabi ni Barbers
Sa kanyang interpelasyon, nadismaya si Paduano sa mga tugon ni Garma sa tanong tungkol sa kanyang relasyon kay dating Pangulong Duterte at ang kanyang mabilis na pagkakatalaga sa PCSO matapos magretiro sa pulisya noong 2019.
Tinukoy ni Paduano na sa kabila nang may iba pang kwalipikadong aplikante, mabilis nakuha ni Garma ang naturang pwesto.
Paulit-ulit na inusisa si Garma sa kaniyang pagiging malapit kay Duterte, na noong una ay tumangging sumagot hanggang sa kinastigo ni Paduano na magbigay ng direkta at malinaw na sagot.
“I will ask you, are you special and close to the President, former President? Yes or no na po? Walang personal? Yes or no na po?” Giit ni Paduano
Sagot ni Garma, “Mr. Chair, I’m not close. Ang-floating pa nga ako during his time,” na pinatutungkulan ang panahon na siya ay nawalan ng posisyon sa kasagsagan ng termino ni Duterte bilang alkalde ng Davao noong 2011.
Pero hindi kumbinsido si Paduano na inisa-isa ang mga matataas na pwestong hinawakan ni Garma.
“But after that, lahat na position mo juicy… Palipat-lipat ka doon sa Davao. You cannot be deployed as CIDG in Region 7 if you’re not close to the President,” ani Paduano.
Sa kanilang huling palitan, pina contempt ni Paduano sa Garma na inakusahan niyang umiiwas sa pagbibigay ng sagot sa kanyang tanong.
Ipinatawag si Garma sa pagdinig matapos maiugnay sa pagpatay sa mga Chinese drug lord na sina Chu Kin Tung (a.k.a. Tony Lim), Li Lan Yan (a.k.a. Jackson Li), at Wong Meng Pin (a.k.a. Wang Ming Ping) sa loob ng DPPF. (END)
——————————-
Malapit na relasyon nina ex-PCSO GM at dating Pangulong Duterte idiniin ng mga mambabatas
Naniniwala ang mga kongresista na mayroong malapit na relasyon sina dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma at dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Itinatanggi naman ni Garma na close sila ng dating Pangulo na nagtalaga sa kanya sa PCSO.
Si Garma ay inakusahan na siyang nasa likod ng pagpatay kina Chu Kin Tung, alyas Tony Lim; Li Lan Yan, alyas Jackson Li; at Wong Meng Pin, alyas Wang Ming Ping na nakakulong sa Davao Prison and Penal Farm (DPPF) noong 2016.
Magkakasunod na inusisa sa nina Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrix” Luistro, Taguig Rep. Amparo Maria “Pammy” Zamora, Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez, at Antipolo Rep. Romeo Acop si Garma sa pagdinig ng Quad Committee ngayong Huwebes tungkol sa kanyang karera bilang opisyal ng PNP hanggang sa maging general manager ng PCSO
Natanong ni Luistro si Garma sa kanyang naging pag-aaral, serbisyo sa PNP pati na ang pagiging pinuno ng Women’s Desk sa Davao City Police department, sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at bilang hepe ng pulisya sa Cebu City noong panahon ng pagpapatupad ng Duterte war on drugs.
“I wish to maintain my statement, Mr. Chair, na bago po ma-appoint ang isang opisyal ng PNP sa isang area of jurisdiction, sa general practice, we always consult the local chief executive,” sabi ni Luistro na pinatutungkulan si dating Davao City Mayor Rodrigo Roa Duterte noong panahon ng pagkakatalaga ni Garma sa pulisya.
“In other words, Mr. Chair, I wish to state that the reason why almost the entire career in PNP of Col. Garma was spent in Davao, the reason why she was appointed in Cebu City as city director and the reason why he was appointed as PCSO General Manager is because pinagkakatiwalaan po siya ng ating dating pangulo, former President Rodrigo Roa Duterte,” ani Luistro.
Natuklasan sa pagdinig na hinawakan ni Garma ang ilang posisyon sa pulisya ng Davao City kasama ang pagiging station commander ng Sasa at Sta. Ana sa Davao City, pinuno ng Women’s Desk ng Davao City Police at bilang police administration officer ng Davao City police station.
“Ang maliwanag po, Colonel, ay malaki ang tiwala sa inyo ng dating Pangulo,” ani Luistro.
Sumentro naman si Zamora sa mga artikulo sa pahayagan tungkol kay Garma at sa kanyang dating asawa na si Roland Vilela na inakusahang nanggahasa ng 17-taong gulang na commercial worker noong 2005.
Sabi pa ng mambabatas na batay sa mga ulat ay umapela pa si Garma sa noo’y Mayor Duterte na mapanatili ang kanyang dating asawa sa Davao City bilang bahagi ng pulisya.
“Because countless articles, merong Rappler, iba’t iba pa nagsasabi dito na naging hingahan niyo ng sama ng loob nung panahon na ‘yun si Mayor Duterte and thus earning his trust,” tanong ni Zamora kay Garma.
“Hindi po totoo yan,” tanging tugon ni Garma.
“The reason why you were appointed for PCSO General Manager is because the President trusted you that you can discharge the functions of this office, tama po? Dagdag pa ni Zamora
“It is possible, Mr. Chair,” ani Garma.
Inalala din ni Garma ang ilang detalye ng pakikipaghiwalay kay Vilela at ibinahagi rin ang pagaalala sa kalagayan ng kanyang anak na may special disability.
Napansin naman ni Suarez na ang mga hinawakang posisyon ni Garma sa PNP ay ‘plum areas’, na kung wala aniyang pamamagitan si Duterte ay hindi madaling makuha ang posisyon sa Davao City, Cebu City, at PCSO.
“Kung talagang totoo kayo sa posisyon na pinangangalagaan ninyo ang anak ninyo, hindi nyo siya ilalagay sa alanganin. Tiwala kayo na ‘pag nag-resign kayo – which was a gamble given that you still had ten more years of active service – you were sure, in your heart, that you will not put the welfare of your daughter in any harm,” ani Suarez
“Therefore, you applied for the position of PCSO (General Manager), a position so plum and so sweet that only the handpicked chosen ones of the President will be given,” sabi pa niya
Sumali si Garma sa PCSO noong July 15, 2018 matapos magretiro sa PNP noong June 2019 matapos ang 24 na taong serbisyo sa pulisya.
Kinuwestyon naman ni Acop si Garma kung bakit pinli nitong mag-retiro agad sa serbisyo gayong may sampung taon na lang siyang kailangan bunuin.
“This representation, I think, would also believe that na ikaw ay nag-optional retirement because you knew for a fact that you can get the position in the PCSO,” ani Acop. (END)
——————————-
Kongresista inakusahan si ex-PCSO GM Garma na direktor ng pagpatay sa 3 nakakulong na Chinese drug lord
Inakusahan ni Surigao del Sur 2nd District Rep. Johnny Pimentel si retired Police Col. Royina Garma na siyang 'direktor' sa likod ng pagpatay sa tatlong Chinese drug lords na nakakulong sa Davao Prison and Penal Farm (DPPF) noong 2016.
“Si Col. Garma ang nagsilbing ‘director’ ng pagpatay sa tatlong Chinese drug lords noong 2016,” tahasang sinabi ni Pimentel sa kanyang interpelasyon kay Garma sa pagdinig nitong Huwebes ng House Quad Committee, na nagsasagawa ng pagdinig kaugnay ng extrajudicial killings sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Sa pagdinig ng Quad Comm, apat na testigo ang nagturo kay Garma na siyang direktang nagbigay ng mga utos sa operasyon para patayin ang mga Chinese druglords na sina Chu Kin Tung, alyas Tony Lim; Li Lan Yan, alyas Jackson Li; at Wong Meng Pin, alyas Wang Ming Ping.
Kasama sa mga testigong ito ang hitmen na sina Leopoldo 'Tata' Tan Jr. at Fernando 'Andy' Magdadaro, na nagsagawa ng mga pagpatay; dating DPPF warden Supt. Gerardo Padilla; at dating pulis na si Jimmy Fortaleza, kaklase ni Garma sa Philippine National Police Academy (PNPA).
Sa testimonya nina Tan, Magdadaro, at Padilla, itinuro ng mga ito na si dating Pangulong Duterte ang nag-utos ng pagpatay sa mga hinihinalang Chinese drug lords bilang bahagi ng kanyang kampanya kontra droga.
Sa unang pagkakataon na pagharap sa Quad Committee, itinanggi ni Garma ang mga alegasyon na nag-uugnay sa kanya sa pagpatay ng mga Chinese nationals.
Itinanggi rin ni Garma ang sinasabing 'malapit' siya kay dating Pangulong Duterte, na nagtalaga sa kanya bilang general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) matapos siyang magbitiw sa PNP noong 2018."
Duda naman ang ilang mambabatas sa kaniyang pagtanggi, na naniniwalang hindi siya maitatalaga sa mataas na posisyon sa PCSO o mapo-promote sa mga mahalagang posisyon sa pulisya, kabilang ang pagiging administrative officer ng Davao City police, kung hindi siya malapit kay dating Pangulong Duterte, na matagal na nagsilbing alkalde ng Davao City.
Sa kanyang interpelasyon, sinabi ni Pimentel na si Garma ay mayroong kaugnayan sa mga pangunahing tao na sangkot sa operasyon sa DPPF.
“Inamin niya na siya mismo ang nagbigay ng mga direktiba. Tatlong beses silang nag-usap ni Jimmy Fortaleza para siguruhin na magiging maayos ang operasyon,” ayon kay Pimentel, na tumutukoy sa pag-amin ni Garma na nakipag-usap siya kay Fortaleza.
Ngunit itinanggi ni Garma na ang mga pag-uusap na ito ay may kaugnayan sa plano na patayin ang mga Chinese drug lords.
Ayon kay Pimentel na base sa mga sinumpaang salaysay ng mga naunang testigo, kung saan inilatag niya ang serye ng mga pagtawag at pakikipag-usap na ginawa ni Garma na nag-ugnay sa kanya sa pagsasagawa ng mga pagpatay.
Ang unang pakikipag-ugnayan, ayon kay Pimentel ay naganap noong July 2016 ng bisitahin ni Garma si Fortaleza kasama ang ilang pang mga Colonel na sina Villilla at Grijaldo.
Sa pakikipagkitang ito, ipinaalam umano ni Garma kay Fortaleza ang nalalapit na operasyon laban sa mga Chinese inmates sa DPPF.
“Inamin po ni Col. Garma kanina, dalawang beses niya po inamin na totoo na nakipagkita siya kay Jimmy Fortaleza at sinabi niyang magkakaroon ng operation,” ayon kay Pimentel.
Ikalawa, ayon kay Pimentel ay ang tawag ni Garma si Fortaleza at hilingin na maka-usap si Padilla.
Sinabi rin umano ni Garma kay Fortaleza na magdala ng cellphone upang direktang maka-usap si Padilla.
“Sinabihan ni Col. Garma si Col. Padilla na huwag silang makialam sa operation na gagawin sa Davao Penal Colony [now DPPF],” saad pa ni Pimentel, na higit pang nagpapakita aniya sa naging papel ni Garma sa operasyon.
Ang ikatlong pagkakataon naman ay ang tawag ni Garma noong Agosto 8, 2016, pagkatapos ng isang pulong sa himpilan ng Criminal Investigation and Detection Group sa Davao, kung saan diumano'y kinumpirma ang pinal na plano para sa mga pagpatay.
“Sinabihan niya si Jimmy Fortaleza, ‘may mga tao na kami diyan,’ referring to the executioners already in place to carry out the killing of the Chinese prisoners," paliwanag pa ni Pimentel.
Ang huling pag-uusap sa pagitan ni Garma at Fortaleza ay naganap noong Agosto 11 bago patayin ang mga preso.
Ayon kay Pimentel, inutusan ni Garma si Fortaleza na tiyakin na ang mga Chinese prisoners ay makakain at maalagaan bago ang kanilang kamatayan.
“Tumawag uli si Col. Garma at sinabihan si Fortaleza, ‘Huwag mong pabayaan yung tatlong bilanggo, bigyan mo ng pagkain,’" ayon pa kay Pimentel.
Binigyan diin ni Pimentel ang kahalagahan ng mga nabunyag, na nag-uugnay sa mga aksyon ni Garma nang direkta sa mga pagpatay at sa pagmaniobra sa pagpaslang.
“It is now clear that Garma was not only aware of the operation but was actively managing the situation, from planning to execution," giit pa ni Pimentel. (END)
——————————-
Dating warden ng Davao kinumpirma pagbati sa kanya ni PRRD kaugnay ng pagpatay sa 3 nakakulong na Chinese drug lord
Kinumpirma ng dating warden ng Davao Prison and Penal Farm na binati siya ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte matapos na mapatay ang tatlong drug lord na nakakulong sa ilalim ng kanyang kustodiya.
Sinabi ito ni Supt. Gerardo Padilla, kasalukuyang tagapamuno ng Directorate for Reformation ng Bureau of Corrections sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City, sa isinumite nitong supplemental affidavit noong Setyembre 4.
Ang naturang supplemental affidavit ay sumusuporta sa pahayag ni Leopoldo “Tata” Tan Jr. sa kanyang sinumpaang salaysay noong Agosto 21 kung saan tumawag umano si dating Pangulong Duterte matapos pagsasaksakin nina Tan at Fernando “Andy” Magdadaro ang tatlong Chinese drug lords gabi ng Agosto 13, 2016.
Ang naturang mga biktima ay sina Chu Kin Tung, alyas Tony Lim; Li Lan Yan alyas Jackson Li; at Wong Meng Pin alyas Wang Ming Ping.
Ayon kay Padilla, nabasa niya ang sinumpaang salaysay ni Tan na nagsabi na dumating si Padilla sa piitan kung saan nila pinatay ni Magdadaro ang Chinese drug lords matapos ang insidente.
Sabi pa sa salaysay na tumawag si Duterte habang siya at si Magdadaro ay nakaposas at naglalakad papunta ng investigation section ng kulungan.
“Pinapatotohanan ko ang sinabi ni Tata na noong papunta kami sa investigation section ay tumunog ang cellphone ko, at ito ay sinagot ko. Ang tumawag sa akin ay si dating Presidente Rodrigo Roa Duterte at sinabing, ‘Congrats, Superintendent Padilla, job well done. Pero grabe yung ginawa, ginawang dinuguan’,” sabi ni Padilla.
“Pagkatapos akong tawagan in dating Presidente Duterte, sinabihan ko ang mga kasama ko na, ‘Tumawag si Presidente, nag-congrats sa akin’,” dagdag pa niya.
Pag-amin ni Padilla, itinanggi niya ang tawag ni Duterte noong una dahil sa takot para sa kaligtasan niya at ng kanyang pamilya na naninirahan sa Davao City.
“Napilitan lamang ako sabihin sa aking counter-affidavit dated August 27, 2024 na wala akong natanggap na tawag galing kay dating Presidente Duterte for the security and safety of my family and myself,” giit niya.
Sa ikalawang supplemental affidavit na nilagdaan noong Setyembre 9, sinegundahan ni Padilla ang mga salaysay ng dating pulis na si Jimmy Fortaleza patungkol sa kung paano nangyari ang mga pagpatay.
Sabi ni Fortalez, unang linggo ng August 16, tinawagan siya ng noo’y Police Col. Royina Garma para makausap si Padilla. Pumunta aniya siya sa warden’s office para iabot ang telepono kay Padilla ngunit hindi na narinig ang pag-uusap ni Padilla at Garma.
“Ang mga salaysay na ito ni Jimmy M. Fortaleza ay pinapatotohanan ko dahil ito ay talagang nangyari habang ako ay nasa-assign sa Davao Prison and Penal Farm noong 2016,” sabi ni Padilla
“Habang kami ay nag-uusap ni Col. Royina Garma sa telepono nang mga oras na iyon ay sinabi niya na, ‘Huwag kang makikialam, may mga tao kami diyan sa loob. Alam mo naman na programa ito ni Presidente Durterte sa drug war’,” saad niya
Sa pagkakatanda pa niya bago patayin ang tatlong Chiense, isang Col. Edilberto Leonardo ang nagpapunta sa kaniya sa Davao CIDG (Criminal Investigation and Detection Group) office.
“Pagdating ko sa station ay nadoon na si Col. Garma. Kinausap ako ni Col. Leonardo ng mga 30 minutes at sinabi na, ‘Papapatay na namin ang tatlong Chinese na nandoon sa Davao Prison and Penal Farm, mag-cooperate ka na lang.’ Habang kami ay nag-uusap ay pinangakuan ako ng promotion,” wika ni Padilla
“Ang lahat ng sinabi ko sa salaysay na ito ay karagdagan sa mga nauna kong salaysay. Ang mga ito ay pawang katotohanan lamang at walang sino man ang nagturo o nag-impluwensiya sa akin para sabihin ito,” giit pa niya
Sinasabing malapit si Garma kay Duterte na siyang nagtalaga sa kaniya bilang Philippine Charity Sweepstakes Office general manager matapos magretiro sa serbiysop
Isa siya sa mga resource person ng Quad Comm ng Kamara na na-iimbestiga ngayon sa pagkakaroon ng extra-judicial killings, iligal na droga at iligal na operasyon ng Philippine offshore gambling o POGO. (END)
———————————
Pulis na sabit sa pagpatay sa 3 Chinese drug lord ipinaaresto ng quad comm
Ipinag-utos ng Quad Committee ng Kamara de Representantes ngayong Huwebes ang pag-aresto kay Police Master Sergeant Arthur “Art” Narsolis, na isinasangkot sa pagpatay ng tatlong Chinese drug lord sa loob ng Davao Prison and Penal Farm (DPPF) noong 2016, na sinasabing ipinag-utos ng dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ipina-contempt ng komite si Narsolis dahil sa paulit-ulit na hindi pagdalo sa pagdinig ng komite na nag-iimbestiga sa extrajudicial killings sa implementasyon ng madugong war on drugs ng administrasyong Duterte.
Ipinag-utos ng pinagsanib na komite, sa pangunguna ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, na madetine si Narsolis hanggang sa matapos ang imbestigasyon bago alisin ang kanyang contempt order.
Mismong si Surigao del Sur 2nd District Rep. Johnny Pimentel, ang nagmosyon para ipa-contempt si Narsolis dahil sa paglabag sa Section 11(a) ng House Rules of Procedure Governing Inquiries in Aid of Legislation.
Sumentro ang imbestigasyon sa pag-amin ng mga inmate na sina Leopoldo Tan Jr. at Fernando Magdadaro, na sinabing sila ang pumatay sa tatlong Chinese national.
Noong panahong iyon ay kakasimula pa lang ng kontrobersyal na kampanya kontra iligal na droga ng nakaraang administrasyon.
Kinilala ang mga biktima bilang sina Chu Kin Tung (aka Tony Lim), Li Lan Yan (aka Jackson Li), at Wong Meng Pin (aka Wang Ming Ping), na nagsisilbi ng sintensya dahil sa paglabag sa batas sa iligal na droga kasama na ang oeprasyon ng laboratoryo ng droga sa Parañaque City.
Sa mga sinumpaang salaysay, sinabi ni Tan na binisita siya ni Narsolis na kanyang klase sa pagpupulis noong Hulyo 16 para patayin ang tatlong Chinese inmates at sinabing may basbas ito mula sa mataas na mga opisyal.
Tinukoy pa nila na sinabi ni Narsolis na ang panuya bilag "isang manok kada ulo" o P1 milyon kada Chinese.
Ani Tan, inutusan siya ni Narsolis na humanap ng makakatuwang kaya niya kinuha si Magdadaro.
Kapwa sila inilipat sa kaparehang selda ng target na mga Chines bago gawin ang pagpatay noong Agosto 13, 2016
Inakusahan din ni Tan si dating Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Royina Garma, na noo’y nasa Criminal Investigation and Detection Group ng Davao, na sangkot din sa pagpatay.
Tinuro niya si Garma bilagn isa sa mga ‘boss’ ni Narsolis at sinabi pang may relasyon ang dalawa. (END)
————————————
RPPt Sagot ni VP Sara ang scripted hindi ang budget hearing— House leaders
Hindi umano ang mga kongresista kundi si Vice President Sara Duterte ang mayroong script na sinusunod sa isinagawang deliberasyon ng panukalang 2025 budget ng Office of the Vice President (OVP) noong Agosto 27.
Ayon din kina Assistant Majority Leader Paolo Ortega V (La Union, 1st District) at Deputy Majority Leader Jude Acidre (Tingog Party-list) bibigyan ng angkop na pondo ang OVP upang magampanan ang mandato nito.
Sinabi ni Ortega na ang tanging script na napansin nito sa pagdinig noong Agosto 27 na ang scripted ay ang sagot ni Duterte na hindi na nito gagamitin ang oportunidad na maipagtanggol ang panukalang 2025 budget ng OVP.
Kapag tinatanong tungkol sa confidential fund, ang sagot naman ni Duterte ay pinapunta ang OVP para sa deliberasyon ng panukalang 2025 OVP budget.
“Meron po akong nakitang may script, paulit-ulit po ‘yung sagot niya binabasa niya ‘yung script niya,” ani Ortega sa isang press conference nitong Miyerkoles.
“Kami po wala po kaming script, wala naman pong scenario, wala naman pong ganun, pero lahat po ng sagot [ng Vice President] binabasa po ‘yung script. ‘Yun lang po masasabi ko,” dagdag pa ni Ortega.
Hindi sumipot si Duterte sa pagdinig ng panukalang OVP budget noong Setyembre 10 at sa halip ay naglabas ito ng video kung saan nito sinabi na mayroong sinusunod na script sa pagdinig ng House panel sa badyet.
Sinabi naman ni Acidre na mayroong kalayaan ang mga kongresista na magtanong at mang-usisa sa badyet.
“It’s a very convenient reason to claim we’re working off a script. In an appropriations committee meeting, there are around fifty people, coming from different persuasions, different districts, and different perspectives. Galing naman siguro ng scriptwriter na kaya niyang pag-isahin ang lahat,” ani Acidre.
Dagdag pa nito, “The Vice President chose to make these accusations through media in an obviously scripted television interview. Kung marami naman siyang sasabihin, bakit hindi niya sinabi nung nandito siya sa Kongreso?”
Nagpahayag din si Acidre na gumawa ng video si Duterte sa halip na sagutin ang mga tanong kaugnay ng kanyang paggamit ng pondo ng bayan.
“Kami ang gumawa ng tama para sa taong bayan, ensuring transparency with confidential funds, pero kami pa ang ini-impute na may ginawang kamalian. The House took the step to make these funds more transparent, and now we are being accused of using this as a political attack against the Vice President,” sabi ni Acidre.
Iginiit rin ni Ortega na walang personalan o pamumulitika sa pag-usisa sa paggamit at panukalang pondo.
“Nakita naman natin na very constructive ‘yung House when it came to questions, nothing personal, nothing political. Alam niyo naman, sa House of Representatives, very demure, very mindful ‘yung members. Walang kahit anong diversionary tactics,” paglilinaw ni Ortega.
“Ang trabaho namin ay magbusisi at magtanong, at ang trabaho nila ay i-presenta ‘yung budget at sagutin ‘yung mga tanong. Ganun lang naman po kasimple,” sabi pa nito.
Kuwestyunable naman para kay Acidre ang timing ng paglabas ng video ni Duterte.
“Naghahanap sila ng script, pero ang tanong namin, bakit ang isang television interview na obviously parehong subject, parehong interviewer, parehong set, inextend pa ng tatlong araw at released in sync with the proceedings in Congress? Mas alam ng taong bayan kung sino ang may script,” dagdag pa ni Acidre. (END)
———————————
RPPt VP Sara, pa-victim - Rep Ortega
Diretsahang sinabi ni House Majority Leader at La Union 1st District Rep Paolo Ortega V na ang mga isyung kinakaharap ngayon ni Vice President Sara Duterte ay sarili niyang kagagawan, salungat sa sinasabi nito na pinupuntirya siya at ang kanyang tanggapan.
“Karamihan nung mga sinabi niya, parang siya nag-a-attack sa sarili niya, parang self-inflicted kasi,” ayon kay Ortega sa ginanap na pulong balitaan sa Kamara de Representantes.
Ayon pa kay Ortega, “In the House of Representatives, from the start, kahit sa presscon, kung may issues man, we stick with the issues. Kung may critique man, after we look into the deeper content, we offer solutions. Issue-based lang po talaga, kitang kita naman po iyon.”
Ang tugon ni Ortega ay kaugnay na rin sa alegasyon ni Duterte na siya ay pinupuntirya, at sa mga kumakalat na tsismis na hindi bibigyan ng pondo ang Office of the Vice President (OVP) sa susunod na taon.
Sinabi pa ni Duterte na siya ay inaatake dahil siya ay potensyal na tumakbo sa pagkapangulo sa 2028 elections.
Iginiit naman ni 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez na walang katotohanan na pulitika ang nasa likod ng pagsusuri ng ginawang paggastos ng budget at panukalang budget ng OVP.
“Maybe that’s the playbook of the previous administration, but as far as I’m concerned, I don’t care who the president will be in 2028. What matters to us now is the current budget,” ayon kay Gutierrez.
Sumang-ayon naman ni Deputy Majority Leader at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre sa naging pahayag ni Ortega, kung saan binigyang-diin nito na nananatiling tapat ang Kamara sa pagbibigay ng kinakailangang pondo para sa OVP habang pinapanatili ang pagiging transparent sa proseso.
“Our duty is to the people. I don’t think Congress will ever compromise the need to strengthen the mandate of every office, including the OVP. But since the Vice President has chosen not to explain it herself, we will turn to the Constitution and ensure her role receives the resources required,” ayon kay Acidre.
Sa panig naman ni Assistant Majority Leader at Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong, sinabi nito na hindi tama ang mga paratang na pamumulitika.
“I think the ones accusing us of politicking are the ones actually doing the politicking,” ayon kay said Adiong, ang itinalagang sponsor ng OVP budget sa pagtalakay nito sa plenaryo.
Binigyang-diin ni Adiong na ang mga talakayan sa budget ng House Committee on Appropriations, na hindi sinipot ni VP Duterte noong Martes, ay isang mahalagang bahagi ng trabaho at tungkulin ng mga mambabatas, na isang paraan upang matiyak na ang pondo ng gobyerno ay ginagamit nang maayos at ayon sa batas.
“I think the ones that are accusing us of politicking are the ones who are actually doing the politicking,” paliwanag pa ni Adiong.
Sinabi pa nito, na wala pa sa isipan ng mga mambabatas sa Kamara ang usapin ng halalan lalo’t napakalayo pa ng taong 2028.
“What’s urgent for us is ensuring that the entire bureaucracy can function effectively, and to do that, we need to approve the budget,” ayon kay Adiong.
Dagdag pa nito, “We need to address the people’s needs in terms of funding and programs, and ensure that vital programs receive the proper funding. Ganun lang po.” (END)
——————————
RPPt DML Acidre: VP Sara binalewala ang constitutional duty sa hindi pag-sipot sa pagtalakay ng hinihinging P2B pondo
Tinuligsa ni Deputy Majority Leader Jude Acidre ang hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa pagtalakay ng Committee on Appropriations sa hinihinging P2.037 bilyong pondo ng tanggapan nito para sa 2025.
Sinabi ni Acidre na ang pag-isnab ni Duterte ay pagbabalewala rin sa kanyang mandato sa ilalim ng Saligang Batas na magkaroon ng pananaguutan sa paggamit ng pondo ng bayan.
“The Vice President’s deliberate snub of the budget hearing shows a blatant disregard for her constitutional duty to answer to Congress and the Filipino people. This isn’t just about skipping a meeting—it’s about intentionally avoiding accountability, which is fundamental to public service," sabi ni Acidre.
Kinondena ni Acidre, na tagapangulo ng House Committee on Overseas Workers Affairs, ang aksyon ng bise na tahasang paglabag aniya sa pangunahing prinsipyo ng pamamahala at pananagutan.
“Public service is not a privilege; it is a responsibility. VP Sara’s absence is a remiss of her constitutional duty to ensure transparency and accountability in the use of taxpayers’ money,” giit ni Acidre. “This act of dodging scrutiny undermines the very essence of democratic governance, which relies on checks and balances.”
Diin pa niya na bilang ikalawang pinakamataas na opisyal ng bansa, dapat ay magsilbing ehemplo ng accountability ang Ikalawang Pangulo.
“As public officials, we are expected to answer tough questions and face the scrutiny that comes with handling public funds. The Vice President’s refusal to do so is an affront to the very principles that underpin our democracy. Her actions are not just disappointing—they are alarming,” punto pa ng mambabatas.
Sinabi pa ni Acidre na ang Kongreso, bilang isang oversight body, ay responsable sa pagtiyak na ang pondo ng bayan ay nagagamit ng tama.
Ang pagtanggi aniya ni Duterte na dumalo sa pagdinig ay nagdudulot ng maraming pagkuwestyon sa kung paano pinamamahalaan ng OVP ang pondong inilaan sa kanila.
“The Constitution mandates that all government officials, especially those who handle large amounts of public funds, must be transparent and accountable. Her decision to skip this hearing is a clear attempt to dodge that responsibility,” ani Acidre.
Dagdag pa niya: “If the Vice President cannot stand before Congress to explain how her office intends to use taxpayer money, then she is failing in her most basic duty as a public servant. The people deserve better. They deserve a leader who values accountability and transparency.” (END)
———————————
RPPt Young Guns ng Kamara kinondena hindi tamang asal na ipinakita ni VP Sara
Mariing kinondena ng mga lider ng Young Guns ng Kamara de Representantes ang tahasang hindi pagdalo ni Vice President Sara Duterte sa pagdinig ng panukalang P2.037 bilyong pondo na hinihingi ng Office of the Vice President (OVP) para sa susunod na taon.
Ayon kina House Assistant Majority Leaders Jil Bongalon (Ako Bicol Party-list), Jay Khonghun (Zambales, 1st District), at Francisco Paolo Ortega V (La Union, 1st District) isang pambabastos sa legislative process at sa sambayanang Pilipino ang hindi pag-sipot ni Duterte sa budget hearing.
Tuwirang tinawag ni Bongalon na kaduwagan at kawalan ng pananagutan ang hindi pagdalo ni Duterte.“It is disheartening to see the Vice President avoid the scrutiny that comes with public office. Her actions show a lack of respect not only for Congress but for every Filipino,” saad niya.
“If she cannot face the very institution responsible for overseeing government funds, how can she claim to serve the people effectively?” dagdag ni Bongalon “Hindi ito ugali ng isang tunay na pinuno, para siyang batang nagtatago kapag napapagalitan.”
Tinuligsa naman ni Khonghun ang inasal ng bise presidente na hindi lang isang kawalan ng paggalang kundi isa ring maling asal ng isang indibidwal na nasa mataas na posisyon.
“Her absence is not just an insult to Congress but to the Filipino people who deserve answers about how their money is being spent. This act of snubbing the budget deliberation reeks of a bratty attitude unbecoming of someone holding the second highest office in the land,” ani Khonghun.
“Dapat siyang humarap at magpaliwanag, hindi umiiwas na parang bata. Hindi ito ang ugali ng isang opisyal na seryoso sa kanyang mandato,” saad pa niya.
Para naman kay Ortega binalewala ng bise presidente ang prinsipyo ng pamumuno at serbisyo publiko dahil sa hindi niya pakikibahagi sa mahalagang proseso ng pagbuo ng pambansang badyet.
“Nakababahala at hindi katanggap-tanggap na sa kabila ng mga seryosong isyung kinakaharap ng kanyang tanggapan, hindi nagpakita si VP Sara sa hearing ng OVP budget,” wika ni Ortega.
Pagpapatuloy pa niya, “Ito ay malinaw na kawalan ng respeto sa proseso ng budget deliberations. Hindi ito ugali ng isang lider na may malasakit sa bayan. Kung walang itinatago, bakit siya umiiwas?”
Hindi pinalagpas ng Young Guns ang pagbabalewala ng bise presidente sa transparency at accountability, bagay na hindi anila katanggap-tanggap sa isang pinagkatiwalaan na umupo sa public office.
Nanawagan din ang mga mambabatas na huwag na itong magtago sa kanyang posisyon at harapin ang Kongreso para ipaliwanag kung paano gagamitin ng OVP ang panukalang pondo nito, bagay na obligasyon niya sa bawat Pilipino.
“Public service is not a privilege, it’s a responsibility. If she refuses to fulfill her duty to be transparent and accountable, then she does not deserve the trust of the people,” punto nila. (END)
——————————-
RPPt VP Sara mambubudol— House appropriations committee chairman
Inakusahan ng tagapangulo ng House of Representatives committee on appropriations si Vice President Sara Duterte na mambubudol kaugnay ng alegasyon nito na siya at si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang may kontrol ng pambansang pondo.
“Again pangbubudol na naman po ‘yan. Napakalaking pambubudol, akala nila ang taong bayan hindi matalino, matalino po,” tugon ni Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co nang mahingan ng reaksyon sa paratang ni VP Duterte.
Ani Co, nasa higit 300 miyembro ng Kamara at 24 na senador ang nagdedesisyon sa taunang pondo ng bayan.
“Unang-una po ang miyembro po ng Appropriations is around 139, ang vice-chair po is around 56, ang congressman po is 300. Mayroon po tayong mga Senador na 24,” sabi pa niya.
Mayroon din aniyang bicameral conference committee na binubuo ng miyembro ng Kamara at mga senador na pa-plantsa sa magkaibang bersyon ng panukalang pambansang pondo na inaprubahan ng Kamara at Senado.
“Mayroon pong miyembro ng bicameral conference committee after the budget deliberation ng House and Senate…almost 30 po ang nag-aattend diyan in public,” dagdag niya.
“So, hindi po totoo iyan. Kung nagagawa niya po iyan sa Davao, sa confidential fund na lustayin in 11 days…kayang-kaya niya din po yang gawin kapag siya po ang naka-upo at ang kanyang mga pananakot sa aming mga Kongresista, hindi na po ito dapat palagpasin,” giit ni Co.
Hindi dinaluhan ni Vice President Duterte ang ikalawang pagdinig ng Appropriations committee sa panukalang badyet ng Office of the Vice President para sa 2025 na nagkakahalaga ng P2.037 bilyon.
Sa halip nagpadala si Duterte ng liham kay Speaker Romualdez at Co kung saan kanyang sinabi na naisumite na ng kanyang tanggapan ang lahat ng dokumentong kailangan para suportahan ang kanyang panukalang badyet.
Nang matanong sa umano’y korapsyon ng bise presidente, tugon ni Co, “Well, ano po yan common knowledge na po iyan, matagal na po. Kahit sa Davao tahimik lang dahil secret martial law po sa Davao alam po natin yan.”
Suportado naman aniya ito ng mga ulat at pagsusuri ng Commission on Audit.
“So yung mga sinasabi po natin, lumabas na po sa COA. Ilang beses po iyang audit observation memo (AOM), notice of disallowance. Bago ka po dumating sa notice of disallowance sa AOM pa lang po nakita na po natin iyan,” sabi niya.
Hiniling ng Kamara ang audit report dahil na rin sa humihingi ng mas mataas na pondo ang bise presidente.
“Sinubukan po natin iyan (and) last year pang tignan pero hindi po iyan nakikita noong 2022. Malaki na po, hindi pa po nagkakaganito ang sitwasyon hinihingi na po iyan ng Kongreso dahil masyado na pong sobrang laki ang confidential fund na hinihingi niya. Not only that at other services po,” pagbabahagi pa niya. (END)
—————————-
RPPt Acidre kinastigo ang pang-go-‘ghost’ ni VP Sara sa Kamara; Kahalagahan ng checks ang balance ipinaalala
Kinastigo ni Deputy Majority Leader at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre ang Office of the Vice President sa hindi nito pagsipot sa budget briefings ngayong Martes kasabay ng pagbibigay diin na ang tradisyon ng pagtalakay sa pambansang pondo ay mahalagang bahagi ng pagkilala sa checks and balance, na sandigan ng demokratikong lipunan.
Sa kanyang manipestasyon sa House committee on appropriations, sinabi ni Acidre: “The tradition of parliamentary courtesy or, properly speaking, it should be inter-branch courtesy because parliamentary courtesy is only afforded to the Senate as the other chamber of Congress.”
Matatandaan na nagkalat si VP Sara Duterte sa nakaraang budget hearing noong nakaraang buwan matapos paulit-ulit na iwasan ang mga mahahalagang tanong tungkol sa hinihinging P2.037 bilyong pondo ng OVP para sa 2025 at sa ginawang paggastos ng pondo noong 2022 at 2023.
Una nang tinanong ni Acidre ang bise presidente noon kung paano niya balak gamitin ang kanyang pondo ngunit isang generic at walang laman na tugon ang ibinalik sa kaniya.
“It is not a condition that’s above the Constitution, it’s bound by the principles inherent therein. It does not absolve Congress of the duty to review, to examine, to study, the proposed budgets of the agency. Nor does it provide an alibi for an agency of the government to perform its obligation to report to Congress every year,” saad ni Rep. Acidre.
“The rules of parliamentary or inter-branch courtesy is simple: It’s all based on mutual courtesy. And if you can see how the House behaved during the last hearing, I am confident that we have afforded every courtesy to the Office of the Vice President,” dagdag niya.
“It doesn’t have to be the person, but the office we should put in high regard. And I don’t think the House or this committee was remiss in that obligation. But the question is, has the Vice President extended the same courtesy to the members of the House of this Committee? Her absence today is a clear manifestation that she does not intend to provide the same courtesy to us.”
“Her statements, even outside this hall, even outside Congress, would also tell otherwise. Maybe we wonder why this is the first time this committee has not extended inter-branch courtesy to a sitting Vice President. Is it not also because this is the first time that we have a Vice President who has also unfairly and brazenly disrespected the lower chamber?”
“Just last night, an interview of the Vice President was released imputing and raising accusations against the leadership of the House on a matter that would have been best defended here in this Committee. But unfortunately, the Vice President has decided to ignore the long-standing obligation of a government official of reporting to Congress. And instead preferred to address the matter in a television interview. I don’t know where the courtesy is in that.”
“The budget hearing is not just a mere technical exposition of figures, of budgets, of amounts. Hindi lang po tayo dito nag-uusap kung magkano ang pera na kailangan ng agency, magkano ang ating gagastusin at paano natin gagastusin. Ito ay isang sacred ritual na pumupunta rito ang representatives ng governemnt agencies ng ehekutibo, para ilahad, hindi lang yung kanilang budget kundi ang kanilang pulisiya, direksyon, at programa na nais nilang i-implement. Ito lang po ang pagkakataon ng kongreso para ma-examine, hindi lang yung pondong kailangan nila, kundi pati na rin ang direksyon ng kanilang pamumuno in their respective agencies.”
“As I said this is a sacred ritual. I think it is such a sacrilege for a government agency to disregard it. Yes, we agree with the tradition of inter-branch courtesy. But I made no oath to uphold that. The only oath that I remember I made was uphold the Constitution and the principle that a public office is a public trust. With that, we must uphold the democratic process of checks and balance upon which this democracy is founded upon,” pagtatapos niya. (END)
——————————-
RPPt VP Sara posibleng maharap sa kasong katiwalian, kung hindi maipapaliwanag paggastos ng confidential, DepEd funds
Maaaring maharap si Vice President Sara Duterte sa kasong graft kung mabibigo itong ipaliwanag ang ginawang paggastos sa P73.2 milyong intelligence fund at P12.3 bilyong pondo ng Department of Education (DepEd) na sinita ng Commission on Audit (COA).
Kasabay nito ay hiniling ni House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe sa COA na maglabas ng pinal na ulat sa lalong madaling panahon hinggil sa mga kuwestyunableng paggastos ng naturang mga pondo gayundin ng rekomendasyon nito.
“More than just allegations of mismanagement, she may be held liable for graft, for possible violation of the anti-graft laws, if she cannot adequately explain and justify the adverse findings, and if the COA does not accept her explanations and justifications,” ayon kay Dalipe.
Batay sa mga ulat, sinabi ni Dalipe na ipinasosoli ng COA kay VP Duterte ang P73.2 milyong halaga ng confidential fund na bahagi ng P125 milyong confidential fund na naubos sa loob lamang ng 11 araw noong 2022 o paggastos na P11.36 milyon kada araw.
Sinabi pa ni Dalipe na hinihingan din ng COA si Duterte, bilang kalihim ng edukasyon, at iba pang mga opisyal ng DepEd na isauli sa gobyerno ng P12.3 bilyon para sa mga gastusin na pinagdududahan ang legalidad.
Ang Bise Presidente ay nagsilbing kalihim ng DepEd nang magsimula ang Marcos administration hanggang sa magbitiw noong July 19.
Sa pagsusuri ng COA sa P125 milyong intelligence fund ng OVP, napansin ang ilang mga iregularidad, kabilang ang pagkaantala sa pagsusumite ng liquidation reports, mga hindi tamang petsa ng notarization, at bigong pagsusumite ng kinakailangang accomplishment reports sa mga kaugnay na opisina sa itinakdang panahon.
Sinabi pa ng lider ng Kamara na ang pinakamalinaw na isyu ay ang hindi maipaliwanag na disallowance, na umaabot sa higit sa kalahati ng mga confidential funds na ginamit ng OVP noong 2022.
"This raises serious questions about the propriety of how these funds were used. The fact that ₱73 million was flagged means that the public deserves answers. If the Vice President's office cannot explain or rectify these discrepancies, this could lead to more than just administrative penalties. It could point to criminal liability for graft," saad nito.
Ipinakita pa ng pagsusuri ng COA na ang liquidation ng confidential funds para sa 2023 ay patuloy na iniimbestigahan, na may dalawang Audit Observation Memorandums (AOMs) na inilabas para sa unang tatlong quarter.
Binanggit ni Dalipe na bagama’t wala pang naitalang notice of disallowance, ang mga AOMs ay nagpapakita ng mga malalaking kakulangan na kailangang isaayos upang maiwasan ang posibleng disallowances sa hinaharap.
Hinimok din ng kongresista ang mga kaugnay na ahensya, partikular ang COA at Kongreso, na may kapangyarihang magbantay sa pondo ng gobyerno, na seryosohin ang mga nabulgar sa pagsusuri sa mga intelligence funds ng OVP at mga gastusin ng DepEd.
Sinabi niya na ang pagsusuri at imbestigasyon sa mga paggastos ay dapat ipagpatuloy hanggang sa matukoy ang buong katotohanan
“No one, regardless of position, is above the law. If public funds were misused, we owe it to the Filipino people to hold those responsible accountable,” giit pa ni Dalipe.
Hiniling din sa COA na gumawa ng pinal na ulat na may kasamang rekomendasyon, sinabi ni Dalipe na dati, kapag ang mga pampublikong opisyal ay hindi nagbabalik ng mga nakansela o hindi pinayagang gastusin, ang COA ay nag-uulat sa Office of the Ombudsman para sa karagdagang aksyon.
Kamakailan lamang, sinabi niya na isang alkalde ng bayan ang iniutos na tanggalin ng Ombudsman kahit na nagbayad ito ng bahagi ng mga gastusing itinuturing na hindi awtorisado ng COA.
“So I am asking the COA to submit its final report the Office of the Ombudsman and Congress ASAP. It rules should apply to all public officers, regardless of rank,” saad pa nito.
Batay sa ulat ng COA sa DepEd para sa 2023, ang huling buong taon na pinamunuan ni VP Duterte ang ahensya, naglabas ang COA ng mga notice of suspension na umaabot sa P10.1 bilyon, mga notice of disallowance na nagkakahalaga ng P2.2 bilyon, at mga notice of charges na nagkakahalaga ng P7.38 milyon dahil sa paglabag sa umiiral na mga batas at regulasyon.
Sinabi ng COA na inatasan nito ang pamunuan o mga opisyal ng DepEd na pinamamahalaan ni Duterte, na ibalik ang mga pondo at pumayag silang gawin ito.
“We recommended, and the management agreed, to cause the immediate settlement of the suspensions, disallowances, and charges in accordance with the revised RRSA (Rules and Regulations on Settlement of Accounts),” ayon sa ulat ng COA. (END)
——————————
RPPt Paggastos ng P125M confidential fund ni VP Sara masahol pa sa Napoles PDAF scam— Rep Co
Mas masahol pa umano ang ginawang paggastos ni Vice President Sara Duterte sa P125 milyong confidential fund nito sa loob ng 11 araw noong 2022 kung ikukumpara sa PDAF scam ng convicted na si Janet Napoles.
Ito ang sinabi ni House appropriations committee chairman Zaldy Co kasabay ng pagsasabi na ang inilabas na video ni Duterte ay isa nanamang diversionary tactic.
“Obvious na diversionary tactic [ang sinabi ni Duterte]. Nililihis niya ang issue kasi ayaw niyang magpaliwanang,” sabi ni Rep. Co, ang kinatawan ng Ako Bicol party-list sa Kongreso.
Sa pagdinig nitong Martes sa hinihinging P2.037 bilyon budget ni Duterte para sa 2025, iginiit ni Rep. Co ang kahalagahan na malaman kung saan ginagastos ang pondo ng bayan.
Batay sa ulat, sinabi ni Rep. Co na naglabas ng notice of disallowance ang Commission on Audit laban sa P73 milyong confidential fund na ginastos ni Duterte noong 2022. Ang P73 milyon ay bahagi ng P125 milyong confidential fund na naubos ni Duterte sa loob lamang ng 11 araw.
“Tinalo pa ang Napoles fund na 60 days ginastos ang pera,” sabi ni Rep. Co.
Ang tinutukoy ni Rep. Co ay si Janet Napoles, ang negosyante na itinurong utak sa P10 bilyong Priority Development Assistance Fund (PDAF) Scam. Si Napoles ay kasalukuyang nakakulong kaugnay ng naturang scam.
“Waldas at lakwatsa ang lumalabas… nangurakot. Diversionary tactic, nililihis kasi ayaw niyang magpaliwanag. Nagsabi ang COA na mali ang paggastos nito. Kulelat ang mga bata, sirang pagkain at nutribun para sa mag-aaral. Malala ang panunungkulan. Di pumapasok sa DepEd sa gitna ng kapalpakan,” sabi ni Co na ang pinatutungkulan ay si Duterte na dating kalihim ng Department of Education.
Pinuna rin ni Rep. Co ang napakarami umanong bodyguard ni Duterte, na pinakamarami sa kasaysayan ng Pilipinas.
“Sasabihin niyang simpleng tao lang siya pero mahigit 400 bodyguards. Siya ang kaisa-isang VP na may ganung kadaming security, may sarili pang Vice Presidential security group—very first time sa history ng Pilipinas. Pang-iinsulto ito at pag-aaksaya sa resources ng gobyerno,” sabi ni Co.
Hindi rin pinalagpas ni Rep. Co ang kawalan ng galang ni Duterte sa Kongreso na inatasan ng Konstitusyon upang silipin ang paggastos sa pondo ng bansa.
“Hindi siya sanay sa pagbubusisi ng budget. Ang hindi niya pagdalo sa budget hearing ay kawalan ng respeto at paggalang sa mga kinatawan ng bayan. Meron pang winalanghiyang mga sagot sa mga tanong. Pang-iinsulto ito sa mga kongresista na ginagawa lang ang kanilang trabaho,” wika pa ni Rep. Co.
Sa pagdinig, pinuna rin ni Rep. Doris Maniquiz (2nd District, Zambales) ang paggastos ng tanggapan ni Duterte P53 milyon para sa mga satellite office nito na inuulit lamang naman ang trabaho ng mga regional offices ng Departments of Social Welfare and Development, Health, Labor and Employment, at Technical Education and Skills Development Authority.
“Dun sa OVP natin, lumalabas na 53 million ang lease niya per annum na kung tutuusin ay duplication lang ng line agencies natin,” sabi ni Maniquiz. (END)
—————————-
RPPt House leader kay VP Sara: Patunayan na hindi ‘spoiled brat’, irespeto pag-usisa sa badyet
Hinamon ng mga lider ng Kamara de Representantes si Vice President Sara Duterte na patunayan na hindi ito spoiled brat sa pamamagitan ng paggalang sa proseso ng badyet at pagsagot sa mga tanong upang malinawan ang ginawa nitong paggastos ng pondo ng bayan.
Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations sa ₱2.037-bilyong badyet ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2025, paulit-ulit na tumanggi si Duterte na sagutin kung papaano nito ginastos ang ₱125 milyong confidential fund nito na naubos sa loob ng 11 araw noong Disyembre 2022.
Sinabi ni House Deputy Majority Leader Jude Acidre na dapat prayoridad ng Bise Presidente ang transparency at accountability bilang isang opisyal ng gobyerno.
“Bakit ka nagpapaliwanag sa labas VP? Dito sa budget process ka magsalita sa ngalan ng transparency at accountability dahil pera ng taymbayan ang pinag-uusapan dito. Pumunta ka bukas (Tuesday) Vice President Duterte sa hearing. The budget hearings ensure that public funds are allocated responsibly and that agencies, including the OVP, justify their expenses,” paliwanag ni Acidre.
Iginiit ni Acidre na ang pag-usisa kung papaano ginagastos ang pondo ng taumbayan ay hindi isang pag-atake sa OVP kundi bahagi ng proseso upang maprotektahan ang pondo ng bayan.
“If she claims not to be a ‘spoiled brat,’ she must prove it by respecting the process and providing the answers we need to evaluate her office’s budget,” dagdag pa nito.
Iginiit naman ni Assistant Majority Leader at Taguig 2nd District Rep. Amparo Maria “Pammy” Zamora named ang pagtalakay sa badyet ay hindi tungkol sa kung ano ang nais na makuha o marinig ng mga kongresista kundi kung papaano nagamit ang pera ng taumbayan.
“It is our duty to ask tough questions, and it’s her duty as an elected official to respond thoroughly and with clarity,” sabi ni Zamora. “Dismissing our queries as ‘patutsada’ undermines the process and the institution we are all part of. We ask for professionalism.”
Ayon naman kay Assistant Majority Leader Jil Bongalon ang pagtatanong ng mga kongresista kaugnay ng badyet ay hindi dapat ituring ni Duterte na personal na pag-atake sa kanya.
“The refusal to answer questions about the confidential funds only raises more concerns,” punto ni Bongalon. “If she believes she has done no wrong, she should welcome the chance to explain her office’s actions. Public service requires transparency and humility, especially in handling public funds.”
Muling tatalakayin ng House Committee on Appropriations ang panukalang ₱2.037 bilyong badyet ng OVP sa Martes, Setyembre 10. (END)
———————————-
RPPt VP Sara dapat sagutin sablay na implementasyon ng P5.6B school feeding program
Dapat umanong sagutin ni Vice President Sara Duterte ang sablay na implementasyon ng P5.6 bilyong school feeding program sa panahon ng kanyang pamumuno sa Department of Education (DepEd).
Ayon kina House Assistant Majority Leaders Jay Khonghun (Zambales, 1st District) at Paolo Ortega V (La Union, 1st District), mga lider ng Young Guns ng Kamara de Representantes dapat sagutin ni Duterte ang ulat ng Commission on Audit (COA) dahil hindi pamumulitika ang isyu kundi ang pagkakaroon ng pananaguitan sa paggastos sa pondo ng bayan.
Sinabi ng mga mambabatas na dapat ding tigilan na ni VP Duterte ang paggawa ng mga alegasyon gaya ng "Makabayan-Marcos-Romualdez" alliance upang matakpan ang mga isyu na dapat nitong sagutin.
Ayon sa ulat na inilabas ng COA, sa implementasyon ng DepEd feeding program noong 2023 ay mayroong mga inaamag at pinamamahayan ng insekto na mga nutribun at mga panis na gatas na ipinamigay sa 10 rehiyon ng bansa.
“Imbes na magturo ng iba, mas mainam na harapin ni Vice President Duterte ang katotohanan. Nasa P5.6 bilyong halaga ng pagkain ang nasayang at hindi napakinabangan ng mga bata. Bilang lider ng DepEd noon, dapat siniguro niyang tama ang magiging implementasyon ng proyekto. Malinaw na command responsibility ito. Hindi ito usapin ng pulitika, kundi ng wastong paggamit ng pondo ng bayan,” sabi ni Khonghun.
Ipinunto naman ni Ortega ang kahalagahan ng mga proyekto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., katuwang si Speaker Ferdinand Martin Romualdez upang matulungan ang mga mahihirap na Pilipino.
Tinukoy ni Ortega ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) kung saan direktang iniaabot ng gobyerno sa mga mahihirap na pamilya ang tulong.
Sa pinakahuling BPSF na ginanap sa Davao City, P1.2 bilyong halaga ng cash assistance at government service ang ibinigay sa 250,000 benepisyaryo. Ito ang ika-23 yugto ng BPSF na sinimulan noong nakaraang taon.
“These are the types of programs making a real difference. Under the leadership of President Ferdinand Marcos Jr. and with the strong support of Speaker Romualdez, the administration is bringing tangible relief to struggling families. This is also reflected in the recent drop in inflation,” sabi ni Ortega.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, naitala ang inflation rate ng bansa sa 3.3% noong Agosto, mas mababa kumpara sa 4.4% na naitala noong Hulyo, at dulot ito ng pagbagal ng pagtaas ng presyo ng pagkain at gastos sa transportasyon.
Sa unang walong buwan ng 2024, ang inflation rate ay nasa 3.6% mas mababa sa 5.3% na naiatala sa kaparehong panahon noong 2023. Pasok ito sa target ng gobyerno na 2% hanggang 4%.
“Patuloy ang administrasyon, kasama si Speaker Romualdez, sa pagtulong sa mga mahihirap at pagpapagaan ng buhay ng ating mga kababayan. Pero kailangan ding sagutin ni VP Sara ang mga pagkukulang noong siya ang namuno sa DepEd. Ang mga nasayang na pondo ay malaking kawalan para sa mga batang dapat ay nakinabang,” punto ni Ortega.
Sinabi ni Khongun na ang pagsagot sa mga puna ng COA ay hindi pamumulitika kundi ginagawa upang maging transparent ang paggastos ng pera ng taumbayan at ang pagkakaroon ng pananagutan sa paggasta.
Habang patuloy na tinutugunan umano ng administrasyon ang mga problema ng bansa, sinabi ni Khonghun na dapat tinutugunan ni VP Duterte ang ginawa nitong paggastos sa pondo ng taumbayan at ang pagkabigo ng liderato nito na matulungan ang mga estudyante ng angkop na nutrisyon.
“Hindi ito usapin ng pulitika, kundi ng transparency at accountability. Karapatan ng publiko na malaman kung ano ang nangyari sa bilyun-bilyong pisong pondo na dapat sana ay napakinabangan sa mga batang nangangailangan,” dagdag pa ni Khonghun. (END)
<< Home