Friday, September 27, 2019

Maglalaan na ang gobyerno ng dagdag na pondo para sa polio vaccine sa susunod na taon

Sinabi ni Deputy Majority Leader Bernadette Herrera, naglaan na ang House Committee on Appropriations ng additional na P250 Million sa 2020 para sa bakuna sa sakit na polio sa mga batang may edad 5 taon pababa. 
Kukunin ang alokasyon para sa bakuna sa polio sa ilalim ng emergency fund ng Department of Health. 
Ayon kay Herrera-Dy, binawi ng World Health Organization (WHO) ang pagkakaalis sa atin sa mga bansang polio free. 
Subalit nanawagan naman ang lady solon sa mga magulang na kahit itinuturing pa rin na polio-free ang bansa ay hindi ito dapat ipagsawalang bahala at pabakunahan pa rin ang mga anak. 
Nilinaw ng solon na hindi ito experiment lang dahil napatunayan nang epektibo ang polio vaccine mula pa noong Sept. 29, 1979 kung saan aabot sa 2 bilyong mga bata ang nakaiwas sa sakit.

Rufus Rodriguez: Mga restrictions sa foreign investments sa 1987 Constitution, pinag-aaralan na

Pinag-aaralan na ngayon ng House Committee on Constitutional Amendments na tanggalin ang mga restrictions sa foreign investments na nakapaloob sa 1987 Constitution. 
Sinimulan na rin ng komite sa pangunguna ni Constitutional Amendments Chairman at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang pagdinig sa pag-amiyenda sa Saligang Batas. 
Kaugnay dito, suportado ng Joint Foreign Chambers of the Philippines (JFC) ang pag-amiyenda sa restrictive economic provisions na nakapaloob sa Saligang Batas na pumipigil na makapasok ang pamumuhunan sa bansa. 
Ilan sa mga mahahalagang economic provisions sa 30 taon nang charter ang Articles 12, 14 at 16.
Sa ilalim ng kasalukuyang Konstitusyon, ang mahigpit na mga probisyon para makapasok ang pamumuhunan sa bansa ay pumipigil sa paglago ng ekonomiya na nagreresulta sa kawalan ng trabaho, kawalan ng kompetisyon, pagtaas ng mga presyo ng produkto at serbisyo, at mabagal na pag-usad ng bansa. 
Hinikayat ng grupo na alisin na ang mahigpit na probisyon na hindi na inilalagay ang katagang "unless otherwise provided by law."
Iminungkahi pa ng JFC na maaaring maglagay ng restrictions sa foreign investment sa pamamagitan ng pagpapasa ng batas o executive order para madali lamang amyendahan hindi katulad ng Konstitusyon.

Defensor: Hindi sila mangingiming bumanat sa mga senador kung may babanatan ng mga ito ang sinumang kongresista kaugnay sa isyu ng pork barrel insertions

Nananawagan si Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor sa mga Senador na huwag munang magpalabas ng kahit anumang pahayag hinggil sa isyu ng pork barrel insertions sa 2020 proposed national budget.
Sa isang forum sa Quezon City, iginiit ni Defensor na kung "ceasefire" ang nais ng mga senador ay wala na dapat pang patama na lalabas laban sa mga kongresista.
Sinabi ni Defensor na kinausap na niya si Senate Majority Floor Leader Migz Zubiri na tumalima ang kanilang hanay sa ceasefire gaya ng kanilang ginagawa sa Kamara.
Ayon pa sa kongresista, hindi sila mangingiming sumagot at tumira pabalik sa mga Senador kung may babanatan sa mga miyembro ng Kamara kaugnay sa isyu ng pork insertions.
Iginiit pa ng solon na mistulang nagiging punching bag na ang Kongreso sa isyu ng pork barrel at hindi nila hahayaang mangyari ito ngayong 18th Congress.

Pagpasara ng isang POGO company dahil sa paglabag sa batas ng bansa, ilinatuwa ng isang mambabatas

Ikinatuwa ni ACT-CIS Partylist at kasalukuyang Chairman ng House Committee on Games and Amusement Rep Eric Go Yap ang pagpapasara sa Great Empire Gaming and Amusement Corp. (GEGAC) dahil sa hindi pagbabayad nito ng tamang buwis at inaasahang madami pang kasunod sa mga darating na panahon. 
Sinabi ng mambabatas na hindi daw nasayang ang kanilang apgod pagod at pinaglalaban dahil sa simula pa lamang ng siya ay manungkulan bilang Chairman ng Committee on Games and Amusement, consistent mano siya sa pagsasabi na ang POGO operators ay dapat magbayad ng tamang buwis at ibigay ang nararapat para sa pamahalaan.
Ayon sa kanya, wala dapat tayong pipiliin at papanigan bagama’t siya ay hindi anti-POGO pero tinitiyak niya na siya ay pro-Filipino.
Idinagdag pa nito na sa nakalipas na mga buwan,  may mga ginagawa na umano silang hakbang para makatulong sa kampanya ng pamahalaan laban sa mga tax-evading POGO companies kung kaya't siya daw ay nagpapasalamat sa BIR at sa Department of Finance dahil sa kanilang pagtugon sa mga panawagang ito.
Ayon sa mga awtoridad, ang GEGAC ay ipinasara dahil sa paglabag sa tax code ng bansa.
Ang kanilang mga tanggapan sa labas ng Subic Freeport Zone sa Eastwood Quezon City at Parañaque City ay hindi VAT-registered.
Samantalang ang mga banyagang namamasukan dito ay malaya sa obligasyon ng pagbabayad ng buwis dahil sa kawalan ng withholding tax na pinapataw sa kanila.
Ikinatuwa ni ACT-CIS Partylist at kasalukuyang Chairman ng House Committee on Games and Amusement Rep Eric Go Yap ang pagpapasara sa Great Empire Gaming and Amusement Corp. (GEGAC) dahil sa hindi pagbabayad nito ng tamang buwis at inaasahang madami pang kasunod sa mga darating na panahon. 

Sinabi ng mambabatas na hindi daw nasayang ang kanilang apgod pagod at pinaglalaban dahil sa simula pa lamang ng siya ay manungkulan bilang Chairman ng Committee on Games and Amusement, consistent mano siya sa pagsasabi na ang POGO operators ay dapat magbayad ng tamang buwis at ibigay ang nararapat para sa pamahalaan.

Ayon sa kanya, wala dapat tayong pipiliin at papanigan bagama’t siya ay hindi anti-POGO pero tinitiyak niya na siya ay pro-Filipino.

Idinagdag pa nito na sa nakalipas na mga buwan,  may mga ginagawa na umano silang hakbang para makatulong sa kampanya ng pamahalaan laban sa mga tax-evading POGO companies kung kaya't siya daw ay nagpapasalamat sa BIR at sa Department of Finance dahil sa kanilang pagtugon sa mga panawagang ito.

Ayon sa mga awtoridad, ang GEGAC ay ipinasara dahil sa paglabag sa tax code ng bansa.

Ang kanilang mga tanggapan sa labas ng Subic Freeport Zone sa Eastwood Quezon City at Parañaque City ay hindi VAT-registered.

Samantalang ang mga banyagang namamasukan dito ay malaya sa obligasyon ng pagbabayad ng buwis dahil sa kawalan ng withholding tax na pinapataw sa kanila.

Tulong ng mga Barangay Health Workers, hinimok para masugpo ang pagkalat ng Polio Virus sa bansa

Hinimok ng Kamara ang mga Barangay Health Workers sa buong Pilipinas para makatulong sa Department of Health (DOH) upang masugpo ang pagkalat ng Polio Virus sa bansa.
Sinabi ni BHW Partylist Rep. Nica Co, mainam na magkaroon ng close coordination ang mga BHW sa Health Depatment upang maagapan sa ground ang mga pinoy na may sintomas ng naturang virus.
Nakikipag-ugnayan narin si Co kasama ang BHWs sa buong Pilipinas para sa aktibong information campaign kasama ang mga Local Government Units (LGU) para ituro ang tamang kalinisan at hygiene lalo sa mga mahihihirap na lugar sa bansa kung saan prone pagmulan ng ibat-ibang sakit.
Tinitingnan din ng mambabatas ang pagbibigay ng supplemental funds sa DOH para sa epektibong implementasyon ng mga programa kontro polio.
Sa kasalukuyan, ay patuloy ang panawagan ng administrasyon sa mga magulang na pagkatiwalaan ang vaccination program ng pamahalaan dahil ito lamang ang proteksyon na maibibigay ng estado para sa kabataan laban sa mga nakamamatay na sakit sa bansa.

Values Formation Program, ipinanawagan na suportahan ng mga Catholic Schools sa buong bansa

Nananawagan si Ombudsman Samuel Martires sa lahat ng mga Catholic Schools sa bansa na suportahan ang Values Formation Program na kanilang ini-endorso ngayon sa lahat public colleges and universities.
Ang panawagan ay ginawa matapos lumagda kahapon sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Commission on Higher Education, Office of the Ombudsman (OMB) at ang University of the Philippines (UP) System para e-promote ang pagtuturo ng values at moral formation sa mga estudyante.
Ayon kay Martires, wala ni isang Catholic School ang tumugon sa kanilang panawagan na suportahan ang "ethics education" kaya patuloy siyang nananawagan sa mga ito lalo na sa mga malalaking institusyon sa bansa.
Punto ni Martires, mahalaga na maipamulat sa mga estudyante ang kagandahang asal, pagdisiplina sa sarili, katapatan at pagka- makadiyos na magagamit ng mga ito sa kanilang pagtanda.
Sa huli, nagpapasalamat naman si Martires sa pamunuan ng UP dahil sa kabila ng mga batikos sa nasabing institusyon dahil sa pagtuturo umano ng komunismo sa mga estudyante ay ito pa ang unang tumugon sa kanilang panawagan.

Wednesday, September 25, 2019

Ilan pang mga ahensya ang makikinabang sa P9.5 Billion institutional amendments na gagawin sa 2020 Budget

Ipinahayag ni House Majority Leader Martin Romualdez na iilan pang mga ahensya ang makikinabang sa P9.5 Billion institutional amendments na gagawin sa 2020 Budget
Sinabi ni Romualdez na bukod sa idadagdag ang P3 Billion dito para pambili ng palay ng mga magsasaka, mabibigyan din ng karagdagang alokasyon ang DILG at PNP. 
Gagamitin naman ito sa development outlays para sa operasyon sa pagpapatayo ng elementary, junior, senior high schools at construction of day care centers sa buong bansa. 
Mayroon ding dagdag na pondo para sa natural resources conservation development program at protective areas development management ng DENR. 
Ilan pa sa mga ahensya na magbebenepisyo ay ang DOH, National Center for Mental Health, Quick Responde Fund (QRF) ng UP-PGH, gayundin ang DOTr, Dangerous Drugs Board (DDB), Philippine Sports Commission (PSC), budgetary support para sa government corporations, at local government units (LGUs).
Ang kabuuang P9.5 Billion na ililipat na pondo ay huhugutin sa P5.7 Billion na pondo oara dapat sa Barangay at SK election at sa P3.7 Billion right of way funds ng DPWH.

DS Catro: Dapat pangalanan ni Sen Lacson ang kanyang source sa diumano’y pork barrel insertions sa 2020 GAB

Hinamon ni Capiz Rep. Fredenil Castro si Senator Panfilo Lacson na pangalanan at ilantad kung sinuman ang source nito sa impormasyon na mayroong pork barrel insertions sa 2020 budget para sa 22 Deputy Speakers at sa ibang mga mambabatas.
Sinabi ni Castro, tukuyin at iharap sa Kamara kung sinuman ang kongresista na sinasabi ni Lacson na pinagmulan ng nasabing misinformation.
Pinagpiprisinta din ni Castro kung sinuman ang source ni Lacson ng ebidensya na verified at authenticated.
Binigyang diin ni Castro na bukod sa parliamentary courtesy ay constitutional duty ni Lacson ang alamin kung tama ang impormasyon bago ito ilabas sa media.
Ayon pa sa mambabatas na nasisira ang reputasyon ng Kamara dahil lamang sa mga nakakarating sa senador na mga sabi-sabi lamang ng kanyang mga sources.
Aniya, nakahanda sila sa Mababang Kapulungan na i-scrutinize ng Senado ang kanilang budget at hindi sila naaapektuhan sa mga akusasyon dahil bago ipasa ang P4.1 Trillion budget ay tiniyak na wala itong pork, parking at lumpsum funds.

Tuesday, September 24, 2019

Hiniling ng mga kongresistang may-akda ng panukalang pagtatatag ng Department of Disaster Resilience (DDR) na agad itong aprubahan sa komite.

Pinaumpisahan nang talakayin ng House Committees on Government Reorganization at Disaster Management ang mahigit dalawampung mga panukala na may kaugnayan sa pagkakaroon ng hiwalay na departamento na tututok sa mga natural at man-made calamities. 
Sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda, halos pare-pareho lamang ang nilalaman ng mga panukala kaya dapat na madaliin na ang pagapruba sa panukala na ipapalit sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC. 
Ayon pa sa kanya, kailangan na umanong magkaroon na ng national agency na siyang magsi-centralize sa rehabilitation, rescue, response, recovery at reconstruction tuwing may kalamidad. 
Idinagdag pa ng solon na hindi na dapat maulit ang nangyari noong Typhoon Yolanda kung saan libu-libo ang namatay at milyun-milyong ari-arian ang nasira. 
Paliwanag naman ni Magdalo Partylist Rep. Manuel Cabochan, dapat nang palitan ang NDRRMC dahil wala itong sariling workforce, pondo, at resources na kadalasang kinukuha lamang sa iba't ibang ahensya.

Paratang na karagadagang P1.6B diumano ang para sa 22 Deputy Speakers sa loob ng 2020 GAB, pinabuaanan ni Speaker Cayetano

Mariing pinabulaanan ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang balita na nanggaling sa isang blogger na may request na karagadagang P1.6B ang para sa 22 Deputy Speakers sa loob ng 2020 General Appropriations Bill (GAB).
Sinabi ni Cayetano na fake news ang balita dahil hindi sa distrito o sa constituents ng mga Deputy Speaker mapupunta ang nasabing pondo.
Paliwanag ni Cayetano, para sa pagpopondo sa research ng legislative ang additional funding, dagdag na mga empleyado at komite gayundin sa improvement ng facilities. 
Layon aniya ng hinihiling na dagdag na pondo na maging pro-people ang pasilidad ng Kamara gayundin ang mabigyan ng budget ang Congressional Policy and Budget Research Department para sa epektibo at mabilis na pagbuo ng mga panukala. 
Magugunita na sa proposed P14 Billion na pondo ng House of Representatives para sa 2020, ay humirit ng dagdag na P1.6 Billion si House Committee on Accounts Chairman Abraham Bambol Tolentino para maipagpatuloy ang mga programa ng Kamara.

Gullas: Heritage schools restoration project ng DepEd, bubuhosan ng P2.4B na pondo

Mayroong P384 milyon na pondo ang Department of Education (DepEd) na gagamitin nito para sa pagpapaayos o rehabilitasyon ng mga makasaysayang pampublikong paaralan sa iba't-ibang bahagi ng bansa sa susunod na taon. 
Bukod dito, sa kasalukuyang ay nasa P2.06 bilyon ang badget ng naturang ahensiya na para sa "heritage schools conservation and restoration works" nito kabilang ang tinaguriang 'Gabaldon school houses'. 
Ito ang ipinabatid ni House Committee on Land Use Chairman at 1st Dist. Cebu Rep. Eddie Gullas, miyembro ng House Committee on Appropriations, kung kaya sa kabuuan aniya ay nasa P2.4 bilyon ang gagastusin ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte para mapanatiling nagagamit ng kabataang Filipino ang pamanang mga silid-aralan.
Ayon kay Gullas, sa kabuuan ay umaabot sa 1,800 ang bilang ng tinatawag na 'Gabaldon school blocks', at 140 dito ay matatagpuan sa kanilang lalawigan.
Bilang miyembro ng 1907 Philippine Assembly, isinulong noon ni Isauro Gabaldon, ang paglalaan ng P1 milyon para sa konstruksyon ng' school houses' sa mga baryo gamit ang matitibay na materyales.

Garin: Fake news tungkol sa bakuna ang dahilan kung bakit natatakot at nag-aalinglangan ang mga magulang na pabukanahan ang kanilang mga anak

Isinisi ni dating Health Secretary at ngayo'y Iloilo Representative Janette Garin sa mga nagpapakalat ng fake news tungkol sa bakuna ang pagbabalik ng sakit na Polio sa bansa.
Ayon kay Garin, dahil sa mga umaastang eksperto sa Dengvaxia ay tumaas ang bilang ng mga natatakot o nag-aalinlangan nang magpabakuna.
Pinalabas umano nila sa media na dapat katakutan ang epektibong bakuna na ngayo'y ginagamit sa dalawampu't isang bansa kasama na ang Estados Unidos at European Union.
Nakompromiso rin aniya ang school immunization program habang mas pinipili na ng mga magulang na huwag magpunta sa doktor at sa barangay health centers na nagresulta sa outbreaks gaya ng tigdas, Japanese encephalitis, dengue at ngayon ay polio.
Paliwanag pa ni Garin, sa halip na magdeploy ng health experts ang DOH at pigilan ang pag-usbong muli ng polio ay mas umiral ang takot na masampahan ng kaso sa pagsasabi ng katotohanan.
Pagmamalaki pa ng kongresista, noong 2014 kung kailan nauso ang polio sa Syria at Pakistan dahil sa kawalan ng tiwala sa vaccination program ay agad kumilos ang DOH at binakunahan ng anti-polio ang mga bata sa mga paaralan.

Speaker Cayetano: Priority legsilative measures ni Pangulong Rodrigo Duterte, sunod na tututokan sa Kamara

Naniniwala ang liderato ng Kamara na ngayong pasado sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang 2020 General Appropriations Bill o GAB ay makakapag focus na ang mga kongresista sa mga priority bills ng Duterte administration. 
Sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na ang  maagang pagkakapasa sa 2020 (GAB) ay magbibigay daan sa Kamara upang   i-exercise nito ang kanilang oversight functions sa mga kasalukuyang proyekto at programa ng  iba't ibang government agencies sa ilalim ng 2019 budget.
Ayon pa kay Cayetano, may pagkakataon pa rin aniya ang mga  kongresista na magpasa ng mga tax at revenue measures na magpopondo sa mga programa para sa susunod na taon. 
Kaugnay nito ay inihayag naman ni House Majority Leader Martin Romualdez na nagsagawa na sila ng Legislative-Executive Coordinating Council (LECC) kung saan tinalakay ang legislative agenda ng Malakanyang.Kabilang  sa mga napagkasunduan sa isinagawang pulong ang pagpasa sa Salary Standardization Law (SSL) 5, pagtatatag ng Department of Overseas Filipino Workers (OFWs), pagpapaliban ng Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) elections at ang pagkakaloob ng free legal assistance sa mga kasapi ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sunday, September 22, 2019

Herrera-Dy: Kakulangan ng pondo para sa nationwide polio immunization program, hindi mahirap punan

Kumpyansa si Bagong Henerasyon Partylist Rep Bernadette Herrera-Dy na hindi mahirap punan ang kakulangan ng pondo para nationwide polio immunization  program ng pamahalaan.
Sa ginanap na launching ng End Polio Forever in the Philippines na isang partnership program ng Rotary Club International at Department of Health (DOH) sinabi ni Dy na base sa Health Department, kakailanganin ng nasa 800 Million pesos na budget upang mabakunahan ng anti polio vaccine ang aabot sa 5.5 million na mga kabataan sa buong Pilipinas. 
Sinabi ni Dy na bagama’t may nakalaang pondo  para dito sa ilalim ng budget ng DOH ay dapat parin aniyang makamit ang 100% na immunization rate kontra polio sa buong bansa kung kaya maging siya mismo ay tutulong para mapunan ang kakulangan sa pondo. 
Ayon pa sa mambabatas hindi dapat makuntento sa  72% na anti-polio vaccination rate lalo pa at nabuhay na naman ang naturang  usapin  kasunod ng naitalang kaso ng polio sa Lanao Del Sur kung isang 3 taong gulang na batang babae ang kumpirmadong tinamaan ng sakit.
Kaugnay nito ay nanawagan naman ang solon sa mga magulang na  huwag matakot na pabakunahan ang kanilang mga anak dahil safe ang bukana at nakapagpagaling na aniya ng nasa 2 bilyong katao ito.

Tolentino: Dagdag na pondo ng House of Representatives, hiniling

Nananawagan si House Committee on Accounts Chairman Abraham "Bambol" Tolentino na madagdagan ng P1.6 Billion ang 2020 budget ng House of Representatives.
Sinabi ni Tolentino na dahil sa abala sa kampanya ang mga mambabatas sa nagdaang eleksyon kaya ang Department of Budget and Management (DBM) ang naghanda sa 2020 budget ng kamara na kulang para sa operating expenses sa susunod na taon.
Ayon sa mambabatas, pagkatapos ng 2019 SONA ay hindi inasahan na magtatalaga ng karagdagang mga Deputy Speakers at bagong mga committee kaakibat niyan ang dagdag na mga staff at empleyado kaya kulang ang proposed budget ng mababang kapulungan.
Sa ilalim ng 2020 General Appropriations bill, nasa  P14-B lamang ang alokasyon ng House of Representatives na pinadagdagan ng mambabatas.
Wala namang nag interpellate sa mosyon ng solin na dagdag pondo para sa Kamara.

Friday, September 20, 2019

Biazon: Pagbabago sa stratehiya ng pamahalaan sa war on drugs, iminungkahi at ibaling na lamang ang atensiyon nito sa paglilinis sa hanay ng law enforcement

Naniniwala si Muntinlupa City Representative Ruffy Biazon na panahon na para baguhin ng administrasyon ang stratehiya nito sa war on drugs at ibaling na ang atensyon sa paglilinis sa hanay ng law enforcement.
Kasunod ito ng ibinunyag ni dating CIDG Chief Benjamin Magalong sa Senate hearing na may mga ranking PNP officials na sangkot sa pagre-recycle ng ilegal na droga na nakukumpiska sa mga lehitimong operasyon.
Hiniling ni Biazon na ibalik ng Department of Budget and Management ang tinapyas na pondo ng PDEA para magamit ang 1.545 billion pesos sa hiring, training at pagbili ng equipment na kailangan ng isanlibong drug enforcement officers.
Bukod pa ito sa karagdagang x-rays at drug detection scanners na magpapaigting sa kakayahan ng ahensya na gawin ang mandato nito.
Paliwanag ng kongresista, para masawata ang problema sa tinaguriang ninja cops at iba pang enforcers na sangkot sa negosyo ng ilegal na droga ay kailangang bumuo ng puwersa na sumailalim sa masusing pagsasanay at kumpleto sa gamit.
Nakakalungkot aniya na sa kabila ng pagsisikap ng gobyerno na masugpo ang droga sa bansa ay nasasayang ang resources dahil sa mga tiwaling law enforcers na nilalason ang lipunan sa pamamagitan ng pagbebenta ng recycled na droga.
Ang ginawa ring pag-amin ni PDEA Director General Aaron Aquino ay patunay umano na totoo ang haka-haka na talamak na ang criminal activities ng mga law enforcement personnel na lalong nagpapakumbinsi sa karamihan na palpak ang war on drugs.

ML Romualdez: Mga programa ng administrasyon para mapaangat pa ang buhay ng mga mahihirap sa bansa

Suportado ng 2020 budget ang mga programa ng administrasyon para mapaangat pa ang buhay ng mga mahihirap na Pilipino sa bansa.
Ito ang iginiit ni House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez sa nalalapit na pagpasa ng kamara sa 2020 Genera Appropriations Bill (GAB) sa third and final reading.
Ani Romualdez, suportado nila sa kongreso ang karagdagang pondo para sa subsidies at grants na layong wakasan ang problema ng kahirapan sa bansa na siya nakapaloob ngayon sa 2020 budget bill.
Tiniyak din ni Romualdez na sinasalamin ng 2020 budget ang mga programa ng Pangulo na nakabatay sa interes at nais na pagbabago ng mga Pilipino.
Sa ngayon ay certified urgent na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang House Bill 4228 o ang 2020 GAB kaya maaari na aniya itong maaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa sa kamara bukas.

Salceda: 2020GAB, puwede nang pumasa sa pangatlo at pinal na pagbasa bago mag-break ang Kongreso

Maari nang aprubahan ng Kamara de Representantes ang HB4228 o ang 2020 General Appropriations Bill sa pangatlo at pinal ng pagbasa matapos itong sirtipikahang urgent bill ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang ipinahayag ni Albay Rep Joey Salceda kahapon dahil ang panukala ay 100% na tugma sa isinumiteng National Expenditure Program (NEP) kaya ay maaari na aniya itong ipasa sa third and final reading ngayon.
Sa kasalukuyan, hindi pa nakakapasa sa 2nd reading ang 2020 GAB at patuloy pa ang plenary deliberations nito sa ibat-ibang ahensya ng pamahalaan.
Sa naunang timeline ng Kamara, dapat maisumite sa Senado ang budget bill bago ma-break ang session break ang Kongreso sa Oktubre a4.
Nauna namang lumiham ang Malacanang kina House Speaker Alan Peter Cayetano at Senate President Vicente Tito Sotto III para ipasa sa lalong madaling panahon ang panukalang pondo.

Rep Eric Go Yap: Appointment of Mr Bantag bilang Director-General ng Bureau of Corrections, aprubado sa kanya

Malugod na tinanggap ni ACT-CIS Partylist Rep Eric Go Yap ang appointment ni dating Parañaque City Jail warden Gerald Bantag bilang bagong Director-General ng Bureau of Corrections.
Sinabi ni Yap na sa kabila ng mga kontrobersiyang bumabalot sa BuCor at sa mga panawagan para sa paghirang ng isang competent at isang corrupt-free na lider nito, siya ay umaasa na si Bantag ay kuwalipikado sa posisyon.
Ayon sa kanya, panahon na marahil umano para magkaroon ng isang mamumuno sa BuCor na may karanasan at kabisado ang bawat sulok ng ahensyang ito.
Idinagdag pa niya na hangad daw ng mga mamamayan na hindi lang niya basta takpan ang mga umaalingasaw na katiwalian sa loob ng BuCor, sa halip ay dapat mahanap nya ang pinagmumulan nito at ayusin ito agad. 
Ayon pa sa kanya, tiwala umano siya sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtatalaga kay Mr. Bantag sa kabila ng mga napabalitang kaso na kinakaharap nito.
Ngunit hinamon niya si Director-General Bantag na linisin ang ahensya at tiyakin na hindi ito magiging kasangkapan ng katiwalian.

Pingungunahan ni Rep Romulo ang TWG na gagawa ng moral uprightness program bill

Bumuo ang House Committee on Basic Education and Culture sa ilalim ni Pasig Rep. Roman Romulo bilang chairman ng isang Technical Working Group (TWG) na siyang gagawa ng consolidated bill para magkaroon ng moral uprightness program sa bansa.
Limang panukalang batas na ang naihain ngayon sa Kamara na layong magtayo ng moral uprightness program  para sa lahat ng mga Pilipino.
Layunin ng TWG na buuhin ang salient features ng batas para ituro ang national values, good manners at moral uprightness.
Magugunita na inihain ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang House Bill No. 1 para itayo ang mga programang magsusulong ng kagandahang asal.
Si Palawan 2nd District Rep Cyrille Abueg-Zaldivar ay kasama sa mga mangunguna sa Technical Working Group na bubuo sa panukala.

Thursday, September 19, 2019

2020 General Appropriations Bill (GAB) sinertipikahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang urgent measure

Sinertipekahang ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang urgent measure ang House Bill 4228 o ang panukalang P 4.1 Trillion pesos na pambansang pondo para sa susunod na taon.
Sa tinanggap na komunikasyon ni House Speaker Alan Peter Cayetano na ipinadala ng Office of the President sa Kamara, ipananawagan ng Pangulo na madaliin ang pag-apruba sa proposed 2020 national budget upang maipagpatuloy ng pamahalaan ang mga proyekto at programa na paglalaan ng pondo.
Kasabay din nito ang pininiyak ng Pangulo sa Kongreso na kailangang mayroong sapat na pondo ang gobyerno para magampanan ang mandato nito.
Batay sa Saligang batas, ang isang panukala ay sinertipikahang ‘urgent’ ng Pangulo ng bansa ay maari na itong ipasa sa ikalawa at ikatlo at pinal na pagbasa ng dalawang kapulungan sa loob lamang ng isang araw.
Una nang nagpahayag ang liderato ng Kamara sa ilalim ng pamununo ni Speaker Cayetano na target nilang matapos ang budget deliberations bago mag-recess ang Kongreso sa a-singko ng Oktubre.

Cabatbat: Posibleng smuggling ng pork products ang dahilan ng pagpasok ng ASF sa bansa

Sinabi ni Magsasaka Partylist Rep Argel Cabatbat na posibleng "smuggling" ng pork products ang dahilan kung bakit nakapasok sa bansa ang African Swine Fever o ASF.
Ayon kay Cabatbat, mahigpit ang mga panuntunan ng Department of Agriculture laban sa pagpasok ng mga pork products galing sa mga bansang laganap ang ASF kaya walang dahilan para magkaroon ng ganitong swine virus sa Pilipinas.
Aniya, posibleng nalusutan ng contaminated products na naging carrier ng ASF ang mga otoridad kaya nalalagay ngayon sa peligro ang local swine industry kung saan nasa 12.5 Million na baboy ang nanganganib na makontamina nito.
Idinagdag pa ng solon na hindi nakaka-apekto sa tao ang virus subalit nilinaw niya na kahit naluto na, o na-process na ang produktong carrier ng ASF, maaari parin itong kumapit sa isang baboy sa pamamagitan ng direct body fluid contact.

Minority Leader Abante: Dagdag sa 2020 budget ng MMDA, hiniling

Sinabi ni House minority leader at Manila 5th District Rep Bienvenido Abante na karapatdapat mabigyan ng sapat na pondo ang Metro Manila Development Authority (MMDA).
Ipinahayag ito ni Abante kasunod ng nangyaring pagbawas sa pondo ng MMDA para sa 2020 na mayroon lamang P 4.11 billion mula sa kasalukuyang budget na P 7.61 billion.
Ayon pa sa mambabatas, ang malaking cut sa 2020 budget ng MMDA ay tiyak makakapekto sa operasyon ng ahensya partikular sa 697 million pesos na inilaang budget para sa salary increase ng nasa 8,000 empleyado nito.
Kaugnay nito, ikinagulat din ng kongresista na mula sa 9,000 monthly salary ng traffic enforces ay nakakapag-uwi lamang ang mga ito ng 8,000 kita buwan-buwan at wala ring benipisyong natatanggap tulad ng GSIS at security of tenure.
Bukod pa dito ay napagalaman din na 25% lamang ng mga MMDA empolyees ang mayroong plantilla positions habang 75 % naman ay nagtarabaho sa ilalim ng job order basis lamang.
Dahil dito, sinabi ni Abante na sa sobrang liit ng kanilang kinikita ay hindi aniya nakakapagtaka kung bakit tumtanggap ng lagay o nasasangkot sa pangngotong ang ilang mga traffic enforces .
Sa huli ay umaasa si Abante na ikonsedera din ng kanyang mga kapwa mambabatas sa mayorya ang panawagang ito na dagdagan pa ang pondo ng MMDA dahil hindi aniya makaturungan ang sitwasyon ng mga empleyado nito.

Wednesday, September 18, 2019

Veloso: Paulit-ulit na paggawa ng krimen o recidivist, hindi kasama sa makaka-avail ng GCTA

Tutol si House Committee on Justice Chairman Vicente Veloso sa pagsama ng MGA recidivist o mga indibidwal na nakagawa ng krimen nang paulit-ulit sa mga presong hindi na makakapag-avail ng Good Conduct Time Allowance o GCTA.
Matapos ilabas ang revised implementing rules and regulations ng GCTA Law ay kinuwestyon ni Veloso ang pagkakabilang ng recidivists sa mga hindi mabibigyan ng pagkakataong makalaya ng mas maaga sa sentensya.
Sinabi ni Veloso na dapat huwag isama ang recidivists na nakagawa lang ng petty crimes kahit paulit-ulit ang mga ito ng krimen.
Sa binabalangkas na amendments ng kongresista ay nais nitong limitahan sa convicted criminals na reoffenders ng kasong ang sentensya ay reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong ang hindi maaaring makinabang sa GCTA.
Dedepende sa classification o bigat ng nagawang krimen kung pagbibigyan ang isang reoffender.
Pinababawasan din ni Veloso ang bilang ng araw ng mababawas sa kada good behavior ng isang preso buwan-buwan kung saan sa unang dalawang taon ng pagkakabilanggo ay limang araw ang makakaltas mula sa kasalukuyang dalawampung araw.
Sa ikatlo hanggang ikalimang taong imprisonment ay sampung araw na lang ang ibabawas mula sa dalawampu't tatlo habang sa mga nakakulong ng lima hanggang sampung taon ay labinlimang araw ang ikakaltas mula sa dalawampu't lima.
Hindi naman kasama sa proposed amendments ni Veloso ang mga kriminal na matagal nang nakulong.

Tuesday, September 17, 2019

Salceda: Department of OFW, marapat lamang na i-prioritize ng Kongreso batay sa SONA ni Pangulong Duterte

Hinihimok ni Albay Rep. Joey Salceda ang kongreso na ipasa sa lalong madaling panahon ang Department of OFW Bill sa halip na unahin ang Department of Disaster Resilience Bill.
Ayon kay Salceda, number 4 sa priority ng LEDAC Meeting ang OFW Dept. Bill kaya nararapat itong iprayoridad lalo pa at patapos na ang budget deliberations sa kamara.
Binigyang diin pa ni Salceda ang bigat ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang 2019 SONA na ipasa sa lalong madaling panahon bill.
Sa ngayon ay tinatalakay na ng kamara sa pinakaunang pagkakataon ngayong 18th Congress ang panukala.

Rep Taduran: Panukalang paglikha ng Department of OFW, pinamamadali

Nais ng mga mambabatas na madaliin ang pagpasa  ng mga panukalang batas na lilikha ng hiwalay na ahensya na tututok sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers.
Sa joint hearing ng House Committees on Government Reorganization at Overseas Workers' Affairs, sinabi ni ACT-CIS Party-list Representative Niña Taduran na napapanahon nang isabatas ang Department of OFW bill para matigil na ang pang-aabuso sa mga migrant worker.
Ayon sa kanya, sa bigat ng dinadala ng mga OFW na nawawalay sa kanilang mga pamilya, nahaharap din sila iba't ibang isyu tulad ng problema sa legal na dokumento, nananakit na mga employer, at mapagsamantalang embassy personnel.
Dahil dito, kailangan na umano ng isang ahensyang ang tanging mandato ay protektahan ang kapakanan ng mga OFW na maaaring takbuhan ng mga nabibiktima sa ibang bansa.
Sinabi rin ni Deputy Speaker Vilma Santos-Recto na marapat lamang na suklian ang mataas na remittances at ambag ng mga OFW sa ekonomiya ng atinga bansa.
Sa katunayan, aniya, noong nakaraang taon ay umabot sa higit 235 billion pesos ang ipinadalang pera ng nasa 2.3 million OFWs.
Samantala, binigyang-diin naman ni House Speaker Alan Peter Cayetano na ang panukala ay resulta ng mga konsultasyon na naglalayong pag-isahin ang responsibilidad ng concerned government agencies tulad ng OWWA at POEA sa halip na paikut-ikutin pa ang OFWs at ituro sa kung sinu-sinong opisyal kapag humihingi ng tulong

Monday, September 16, 2019

ML Romualdez: Pagtatag ng Department of Disaster Resilience o DDR, sinigurong maaprubahan ngayong 18th Congress

Tiniyak ng ilang mga mambabatas ang agad na pag-apruba ngayong 18th Congress ng panukalang pagtatatag ng Department of Disaster Resilience o DDR na siyang solong ahensya na tutugon sa disaster response ng bansa. 
Ito ang siniguro ni House Majority Leader Martin Romualdez na siya ring Chairman ng Committee on Rules. 
Naniniwala ang mga mambabatas na mas magiging epektibo ang disaster risk reduction and management ng pamahalaan, mababawasan din ang epekto o pagkasira ng mga lugar na matatamaan ng kalamidad, gayundin ang pagtuturo na maging disaster resilient ang mga lokal na komunidad sa parehong natural disaster at climate change. 
Pinaliwanag ni Romualdez na kung magkakaroon ng ahensya na para lamang sa disaster ay ginagarantiya nito ang mas synchronized at closely coordinated sa lahat ng lugar sa bansa kung saan hindi na madidelay ang anumang tulong na kakailanganin ng isang lugar na winasak ng kalamidad. 
Iginiit naman ni House Deputy Speaker Raneo Abu ang agad na pagpapasa sa DDR upang agad na makapagresponde ang gobyerno sa kalamidad. 
Sa loob aniya ng isang taon, 20 tropical cyclones ang tumatama sa bansa wala pa dito ang lindol at iba pang natural calamities.

Rep Sarmiento: Paggawad ng Emergency Powers sa Pangulo, muling isinulong sa Kamara

Muling isinusulong ngayo sa Kamara  ang panukala na layong mabigyan ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte para solusyunan ang matinding daloy ng trapiko sa Metro Manila.
Ayon kay House Committee on Transportation Chairman Edgar Mary Sarmiento, ang panukala ay kahintulad parin ng Traffic Crisis Act na una nang inihain noong 17th Congress.
Kaugnay nito ay inihayag din ni Sarmiento na sa ngayon ay inilalatag na nila ang  master plan para solusyonan ang mabigat na  trapiko sa bansa.
Aniya, kabilang sa nakapaloob sa plano ang pagsasaayos ng dispatch ng mga bus na gawing centralized at synchronize upang maiwasan ang loading and unloading ng mga pasahero kung saan saan.
Dagdag pa dito  ay hiniling din ng mamababatas ang kooperasyon ng mga Local Government Officials sa pamamagitan ng pakikipagugnayan sa mga ahensya ng pamahalaan para sa harmonious implementation ng mga polisiya.
Sa huli ay nakiusap din si Sarmiento sa publiko na laging  pairalin ang disiplina sa pagmamaneho upang maiwasan ang lalong pagbigat ng trapiko sa mga lansangan.

Erice: Mga pribadong sasakyan, ipagbawal sa EDSA kung rush hour

Inirerekomenda ni Caloocan City 2nd District Rep. Edgar Erice, vice chairman ng House Committee on Metropolitan Development, na maipagbawal na sa EDSA ang pagbiyahe ng mga pribadong sasakyan kung rush hour.
Ang rekomendasyon ni Erice ay sa harap na rin ng inaasahang pagsisikip pa ng daloy ng trapiko sa papalapit na Christmas season.
Sinabi ni Erice na mula alas-sais hanggang alas-nueve ng umaga at mula alas-sais hanggang alas-nuebe ng gabi ay dapat ipagbawal ang mga private vehicle.
Ibig sabihin, mga pampublikong sasakyan o mass transport lang ang bibiyahe sa mga oras na ito sa EDSA o tatawaging "mass transport highway."
Tinukoy ng kongresista na nasa tinatayang 300,000 ang pribadong sasakyan na bumibyahe sa EDSA araw-araw. Mas marami ito sa 8,000 bus sa EDSA.
Idinagdag pa ng solon na kahit doblehin pa o triplehin pa ang mga buses at public utility vehicles dyan sa EDSA, maluwang pa rin ang EDSA at mas maraming mamamayan natin ang makikinabang.
Ayon pa sa kanya, maaari naman umanong pag-aralan kung mapapayagan ang mga motorsiklo at ride-hailing firm tulad ng Grab na bumiyahe sa EDSA kahit rush hour.
Ngunit, paglilinaw ni Erice, pansamantala at madaliang solusyon lamang ito habang hinihintay na matapos ang mga itinatayong imprastruktura at pagsasaayos ng railway system sa Metro Manila.
Nabatid sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na umabot na sa 405,882 ang average na bilang ng mga sasakyan sa EDSA simula nuong Enero hanggang Agosto ng kasalukuyang taon. Mas mataas iyan sa 383, 828 na sa mga sasakyan nuong 2018.

Hataman at Sangcopan: Humiling ng mga benepisyo at tulong para sa mga rebel returnees para mahadlangan ang violent extremism sa Mindanao

Ipinanukala ng dalawang kongresista sa Minadanao ang pagtatatag ng isang programa para mahadlangan at malabanan ang biyolenteng extremism at ito ay kilalaning Program for Preventing and Countering Violent Extremism o PCVE.
Ang naturang programa ay may layuning mahadlangan ang violent extremism sa bansa sa pamamagitan ng paggamit ng mga pamamaraan upang mabawasan ang appeal ng radicalism sa mga kabataan na may kaakibat na isang reintegration process para sa mga extremists sa lipunan.
Sa paghain nina Deputy Speaker Mujiv Hataman ng lone district ng Basilan at Anak Mindanao partylist Rep Amihilda Sangcopan ng HB04585, ito ay bunsod na rin ng mga nagaganap na pambobomba sa ilang bahagi ng Mindanao.
Sinabi nina Hataman at Sangcopan na walang puwang ang violent extremism sa isang peace-loving na lipunan kagaya ng sa atin.
Ayon kay Hataman, ang bill na ito ay para maiwasan at ma-address ang violent extremism at terorismo, at ma-engganyo ang mga miyembro ng mga grupong ito na magbalik-loob na sa lipunan at iwanan na ang ganitong klase ng pamumuhay.”
Noong buwan ng Hunyo ng taong kasalukayan, binomba ang isang kampo militar sa Indanan, Sulu at ito ang kauna-unahang nakompirmang kaso na isang Filipino ang perpetrator ng isang suicide bombing sa bansa at ito ay sinundan pa ng ilan pang mga pambobomba sa ibang dako pa ng Mindanao.

Rep. Tutor: Nananawagan sa mga Media network na tulungan ang pamahalaan para maibalik ang tiwala sa vaccination program

Hinihimok ngayon ni Bohol Rep. Alexie Tutor, Vice Chairman ng House Committee on Health ang mga Media Network sa Pilipinas na tulungan ang gobyerno na maibalik ang tiwala ng taumbayan sa vaccination program ng pamahalaan.
Ang panawagan ay ginawa matapos maitala ang patuloy na pagtaas ng dengue cases pati narin ang posibilidad ng pagbabalik ng polio virus at iba pang sakit sa bansa.
Minungkahi ng kongresista na magkaroon ng trending na anti-polio at pro-vaccination ads sa radio, tv at print media nang saganun ay makalikha ng kamalayan ang publiko sa importansya ng pagpapabakuna.
Iminungkahi pa rin nito sa Radio TV Malacanang na gumawa ng "convincing" na radio at TV ad at paulit-ulit itong i-broadcast, kasama ang apela mula mismo kay Pangulong Rodrigo Duterte na target ang mga magulang para pabakunahan ang lahat ng kanilang anak.
Nakikiusap din ang kongresista sa mga producer ng teleserye at noontime shows na isama sa kanilang mga programa ang ilang minutong pagpapalaganap ng impormasyon hinggil sa pagiging ligtas ng bakuna.
 Sa huli, umaapela din ang mambabatas sa Department of Interior and Local Government (DILG) na pakilusin lahat ng barangay upang mapabakunahan ang lahat ng dapat mabakunahan sa bansa.

Friday, September 13, 2019

DS Gonzales: Ikinagulat ang ipinakitang paumpisang performance ng Kamara

Impressive ang pinapakitang sipag ng mga kongresista sa pamumuno ni Speaker Alan Cayetano dahil sa average na  247 ‘record high attendance’ ng mga solons sa sesyon ng kamara.
Sinabi ni Deputy Speaker Neplatiali II na nitong 18th Congress lamang ito nangyari sa Kamara de Representantes.
Ang record-high attendance na ito ay na­itala sa loob ng 18 na session days na ginawa mula Hul­yo 22 hanggang September 10, batay sa opisyal na record ng House Committee on Rules.
Ibig sabihin nito, matindi ang dedikasyon, disiplina at kasipagan ang ginagawa ngayon ng mga kongresista
Maging si Deputy Speaker Gonzales ay napahanga sa ipinapakitang dedikasyon ng mga kapwa kongresista na gampanan ang kanilang legislative duties para masiguro ang hanga­rin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ligtas at komportableng buhay para sa madlang Pinoy.
Ayon pa kay Gonzales na matagal nang nagsil­bi bilang kongresista at naging Majority Floor Leader na rin ng Kamara, ngayon lang daw ito nangyari na mataas ang average ng attendance ng mga kongresista sa sesyon, na kung dati, extended vacation ang mga kongresista kapag nasa-sandwich ang mga holidays,
Matatandaang 266 na kongresista ang dumalo sa sesyon noong August 13 matapos ang Eid al-Adha Day, at 259 naman ang nasa sesyon noong  August 27, matapos ang pagdiriwang ng National Heroes Day.
Sa kasalukuan, patuloy pa ang deliberasyon sa 2020 National Budget sa plenaryo natapos itong maaprubahan sa commitee level noong September 6, kaya naman asahan na ng taumbayan na makakalusot ang pambansang badyet sa kamara bago ang October 4 na adjourment nila.
Malaki ang pasasalamat ni Gonzales sa liderato ni Cayetano dahil sa pagiging hands-on speaker nito at pagsiguro na mahawakan ng mga kwalipikadong kongresista ang mga mahahalaga at malalaking komite upang masiguro na maayos ang takbo at proseso ng pagdinig ng mga ito.
Free Counters
Free Counters