Friday, September 20, 2019

Rep Eric Go Yap: Appointment of Mr Bantag bilang Director-General ng Bureau of Corrections, aprubado sa kanya

Malugod na tinanggap ni ACT-CIS Partylist Rep Eric Go Yap ang appointment ni dating ParaƱaque City Jail warden Gerald Bantag bilang bagong Director-General ng Bureau of Corrections.
Sinabi ni Yap na sa kabila ng mga kontrobersiyang bumabalot sa BuCor at sa mga panawagan para sa paghirang ng isang competent at isang corrupt-free na lider nito, siya ay umaasa na si Bantag ay kuwalipikado sa posisyon.
Ayon sa kanya, panahon na marahil umano para magkaroon ng isang mamumuno sa BuCor na may karanasan at kabisado ang bawat sulok ng ahensyang ito.
Idinagdag pa niya na hangad daw ng mga mamamayan na hindi lang niya basta takpan ang mga umaalingasaw na katiwalian sa loob ng BuCor, sa halip ay dapat mahanap nya ang pinagmumulan nito at ayusin ito agad. 
Ayon pa sa kanya, tiwala umano siya sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtatalaga kay Mr. Bantag sa kabila ng mga napabalitang kaso na kinakaharap nito.
Ngunit hinamon niya si Director-General Bantag na linisin ang ahensya at tiyakin na hindi ito magiging kasangkapan ng katiwalian.
Free Counters
Free Counters