Paratang na karagadagang P1.6B diumano ang para sa 22 Deputy Speakers sa loob ng 2020 GAB, pinabuaanan ni Speaker Cayetano
Mariing pinabulaanan ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang balita na nanggaling sa isang blogger na may request na karagadagang P1.6B ang para sa 22 Deputy Speakers sa loob ng 2020 General Appropriations Bill (GAB).
Sinabi ni Cayetano na fake news ang balita dahil hindi sa distrito o sa constituents ng mga Deputy Speaker mapupunta ang nasabing pondo.
Paliwanag ni Cayetano, para sa pagpopondo sa research ng legislative ang additional funding, dagdag na mga empleyado at komite gayundin sa improvement ng facilities.
Layon aniya ng hinihiling na dagdag na pondo na maging pro-people ang pasilidad ng Kamara gayundin ang mabigyan ng budget ang Congressional Policy and Budget Research Department para sa epektibo at mabilis na pagbuo ng mga panukala.
Magugunita na sa proposed P14 Billion na pondo ng House of Representatives para sa 2020, ay humirit ng dagdag na P1.6 Billion si House Committee on Accounts Chairman Abraham Bambol Tolentino para maipagpatuloy ang mga programa ng Kamara.
<< Home