DS Gonzales: Ikinagulat ang ipinakitang paumpisang performance ng Kamara
Impressive ang pinapakitang sipag ng mga kongresista sa pamumuno ni Speaker Alan Cayetano dahil sa average na 247 ‘record high attendance’ ng mga solons sa sesyon ng kamara.
Sinabi ni Deputy Speaker Neplatiali II na nitong 18th Congress lamang ito nangyari sa Kamara de Representantes.
Ang record-high attendance na ito ay naitala sa loob ng 18 na session days na ginawa mula Hulyo 22 hanggang September 10, batay sa opisyal na record ng House Committee on Rules.
Ibig sabihin nito, matindi ang dedikasyon, disiplina at kasipagan ang ginagawa ngayon ng mga kongresista
Maging si Deputy Speaker Gonzales ay napahanga sa ipinapakitang dedikasyon ng mga kapwa kongresista na gampanan ang kanilang legislative duties para masiguro ang hangarin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ligtas at komportableng buhay para sa madlang Pinoy.
Ayon pa kay Gonzales na matagal nang nagsilbi bilang kongresista at naging Majority Floor Leader na rin ng Kamara, ngayon lang daw ito nangyari na mataas ang average ng attendance ng mga kongresista sa sesyon, na kung dati, extended vacation ang mga kongresista kapag nasa-sandwich ang mga holidays,
Matatandaang 266 na kongresista ang dumalo sa sesyon noong August 13 matapos ang Eid al-Adha Day, at 259 naman ang nasa sesyon noong August 27, matapos ang pagdiriwang ng National Heroes Day.
Sa kasalukuan, patuloy pa ang deliberasyon sa 2020 National Budget sa plenaryo natapos itong maaprubahan sa commitee level noong September 6, kaya naman asahan na ng taumbayan na makakalusot ang pambansang badyet sa kamara bago ang October 4 na adjourment nila.
Malaki ang pasasalamat ni Gonzales sa liderato ni Cayetano dahil sa pagiging hands-on speaker nito at pagsiguro na mahawakan ng mga kwalipikadong kongresista ang mga mahahalaga at malalaking komite upang masiguro na maayos ang takbo at proseso ng pagdinig ng mga ito.
<< Home