Hataman at Sangcopan: Humiling ng mga benepisyo at tulong para sa mga rebel returnees para mahadlangan ang violent extremism sa Mindanao
Ipinanukala ng dalawang kongresista sa Minadanao ang pagtatatag ng isang programa para mahadlangan at malabanan ang biyolenteng extremism at ito ay kilalaning Program for Preventing and Countering Violent Extremism o PCVE.
Ang naturang programa ay may layuning mahadlangan ang violent extremism sa bansa sa pamamagitan ng paggamit ng mga pamamaraan upang mabawasan ang appeal ng radicalism sa mga kabataan na may kaakibat na isang reintegration process para sa mga extremists sa lipunan.
Sa paghain nina Deputy Speaker Mujiv Hataman ng lone district ng Basilan at Anak Mindanao partylist Rep Amihilda Sangcopan ng HB04585, ito ay bunsod na rin ng mga nagaganap na pambobomba sa ilang bahagi ng Mindanao.
Sinabi nina Hataman at Sangcopan na walang puwang ang violent extremism sa isang peace-loving na lipunan kagaya ng sa atin.
Ayon kay Hataman, ang bill na ito ay para maiwasan at ma-address ang violent extremism at terorismo, at ma-engganyo ang mga miyembro ng mga grupong ito na magbalik-loob na sa lipunan at iwanan na ang ganitong klase ng pamumuhay.”
Noong buwan ng Hunyo ng taong kasalukayan, binomba ang isang kampo militar sa Indanan, Sulu at ito ang kauna-unahang nakompirmang kaso na isang Filipino ang perpetrator ng isang suicide bombing sa bansa at ito ay sinundan pa ng ilan pang mga pambobomba sa ibang dako pa ng Mindanao.
<< Home