Minority Leader Abante: Dagdag sa 2020 budget ng MMDA, hiniling
Sinabi ni House minority leader at Manila 5th District Rep Bienvenido Abante na karapatdapat mabigyan ng sapat na pondo ang Metro Manila Development Authority (MMDA).
Ipinahayag ito ni Abante kasunod ng nangyaring pagbawas sa pondo ng MMDA para sa 2020 na mayroon lamang P 4.11 billion mula sa kasalukuyang budget na P 7.61 billion.
Ayon pa sa mambabatas, ang malaking cut sa 2020 budget ng MMDA ay tiyak makakapekto sa operasyon ng ahensya partikular sa 697 million pesos na inilaang budget para sa salary increase ng nasa 8,000 empleyado nito.
Kaugnay nito, ikinagulat din ng kongresista na mula sa 9,000 monthly salary ng traffic enforces ay nakakapag-uwi lamang ang mga ito ng 8,000 kita buwan-buwan at wala ring benipisyong natatanggap tulad ng GSIS at security of tenure.
Bukod pa dito ay napagalaman din na 25% lamang ng mga MMDA empolyees ang mayroong plantilla positions habang 75 % naman ay nagtarabaho sa ilalim ng job order basis lamang.
Dahil dito, sinabi ni Abante na sa sobrang liit ng kanilang kinikita ay hindi aniya nakakapagtaka kung bakit tumtanggap ng lagay o nasasangkot sa pangngotong ang ilang mga traffic enforces .
Sa huli ay umaasa si Abante na ikonsedera din ng kanyang mga kapwa mambabatas sa mayorya ang panawagang ito na dagdagan pa ang pondo ng MMDA dahil hindi aniya makaturungan ang sitwasyon ng mga empleyado nito.
<< Home