Maglalaan na ang gobyerno ng dagdag na pondo para sa polio vaccine sa susunod na taon
Sinabi ni Deputy Majority Leader Bernadette Herrera, naglaan na ang House Committee on Appropriations ng additional na P250 Million sa 2020 para sa bakuna sa sakit na polio sa mga batang may edad 5 taon pababa.
Kukunin ang alokasyon para sa bakuna sa polio sa ilalim ng emergency fund ng Department of Health.
Ayon kay Herrera-Dy, binawi ng World Health Organization (WHO) ang pagkakaalis sa atin sa mga bansang polio free.
Subalit nanawagan naman ang lady solon sa mga magulang na kahit itinuturing pa rin na polio-free ang bansa ay hindi ito dapat ipagsawalang bahala at pabakunahan pa rin ang mga anak.
Nilinaw ng solon na hindi ito experiment lang dahil napatunayan nang epektibo ang polio vaccine mula pa noong Sept. 29, 1979 kung saan aabot sa 2 bilyong mga bata ang nakaiwas sa sakit.
<< Home