Garin: Fake news tungkol sa bakuna ang dahilan kung bakit natatakot at nag-aalinglangan ang mga magulang na pabukanahan ang kanilang mga anak
Isinisi ni dating Health Secretary at ngayo'y Iloilo Representative Janette Garin sa mga nagpapakalat ng fake news tungkol sa bakuna ang pagbabalik ng sakit na Polio sa bansa.
Ayon kay Garin, dahil sa mga umaastang eksperto sa Dengvaxia ay tumaas ang bilang ng mga natatakot o nag-aalinlangan nang magpabakuna.
Pinalabas umano nila sa media na dapat katakutan ang epektibong bakuna na ngayo'y ginagamit sa dalawampu't isang bansa kasama na ang Estados Unidos at European Union.
Nakompromiso rin aniya ang school immunization program habang mas pinipili na ng mga magulang na huwag magpunta sa doktor at sa barangay health centers na nagresulta sa outbreaks gaya ng tigdas, Japanese encephalitis, dengue at ngayon ay polio.
Paliwanag pa ni Garin, sa halip na magdeploy ng health experts ang DOH at pigilan ang pag-usbong muli ng polio ay mas umiral ang takot na masampahan ng kaso sa pagsasabi ng katotohanan.
Pagmamalaki pa ng kongresista, noong 2014 kung kailan nauso ang polio sa Syria at Pakistan dahil sa kawalan ng tiwala sa vaccination program ay agad kumilos ang DOH at binakunahan ng anti-polio ang mga bata sa mga paaralan.
<< Home