Monday, March 27, 2017

KATROPA SA KAMARA (KSK)

GOOD MORNING PHILIPPINES, // MAGANDANG UMAGA BAYAN, // MAGANDANG UMAGA KATROPA // AT SA LAHAT NA MGA TAGAPAKINIG NGAYON // DITO SA ATING HIMPILANG DWDD, // KATROPA RADIO!

SABADO NA NAMAN NGAYON PO // MGA KATROPA // ANDITO NA NAMAN PO KAMI // PARA MAGTANGHAL NG ATING PALATUNTUNAN // SA LOOB NG ISANG ORAS // DITO SA ATING LINGGUHANG PALATUNTUNANG // PINAMAGATANG // KATROPA SA KAMARA.
 

TERENCE MORDENO GRANA PO LAMANG, // ANG INYONG HOST // AT KAAGAPAY // DITO SA ATING PROGRAMA // AT TAYO AY MAGIGING MAGKASAMA // DITO SA HIMPILANG DWDD, // KATROPA RADIO, // 1134 SA TALAPIHITAN // NG INYONG MGA RADYO // AT TAYO PO AY SINASAMAHAN // NI ENGINEER RONALD ANGELES (LEONOR NATAP OR DEXTER) // SA ATING TECHNICAL BOOTH.

ANG KATROPA SA KAMARA // AY MAPAPAKINGGAN, // EKSKLUSIBO, // DITO LAMANG SA // DWDD, // KATROPA RADIO, // ONSE TRENTA'Y KUWATRO KHZ SA DIAL // NG ATING MGA RADYO.

MAGHAHATID NA NAMAN PO KAMI SA INYO // NG MARAMING MGA IMPORMASYON // NA ATING NAKALAP // SA MABABANG KAPULUNGAN // (HOUSE OF REPRESENTATIVES) // AT MGA KAGANAPAN SA KAMARA DE REPRESENTANTES // TERENCE PO LAMANG, // ANG INYONG REGULAR NA KAAGAPAY // AT GABAY SA HIMPAPAWID.

SIYA NGA PALA, // PAALAALA PO LAMANG, // LINGGO PO BUKAS // AT ITO AY ARAW NG ATING PANGINOON // AT MARAPAT LAMANG NA BIGYAN NATIN SIYA // NG TUWIRANG PAGPAPAPURI // AT PAGPAPASALAMAT // PARA SA MGA BIYAYANG // PINAGKAKALOOB NIYA // AT TINANGGAP NATIN.

OKEY, // SA PAUMPISA NG ATING PALATUNTUNAN // IBIBIGAY KO NA ANG MGA ATING NAKALAP NA MGA IMPORMASYON // SA KAMARA DE REPRESENTANTES:

(READ THE HEADLINES OF THE NEWS ITEMS.)

HUWAG KAYONG BIBITIW, // KAMI PO AY BABALIK KAAGAD // MATAPOS ANG ILANG MGA PAALAALA // MULA SA ATING HIMPILAN. (STATION ID)

(INSTITUTIONAL MESSAGES)

KAMI PO AY MATUTUNGHAYAN DIN // SA LIVE STREAMING: // SA WWW.DWDD.COM.PH AT SA FACEBOOK: // FACEBOOK.COM/KATROPADWDD AT SA TWITTER: // HASHTAG/// #KATROPA

SA ATING PAGBABALIK, // KAYO PO AY NAKIKINIG SA // PATATUNTUNANG // KATROPA SA KAMARA // DITO LAMANG SA HIMPILANG // DWDD, // KATROPA RADIO, // 1134 SA TALAPIHITAN NG INYONG MGA RADYO // AT TERENCE MORDENO GRANA PO LAMANG // AT TAYO AY SINASAMAHAN NI ENGINEER RONALD ANGELES //  SA ATING TECHNICAL SIDE.

TULOY-TULOY NA PO TAYO // SA MGA BUOD NG BALITA // NA ATING NAKALAP. (READ THE BODIES OF THE NEWS)

ORAS, // HATID SA ATIN NG KATROPA RADIO, // ALAS SIYETE E MEDYA NG UMAGA (MESSAGE)

KAMI PO AY MATUTUNGHAYAN DIN // SA LIVE STREAMING: SA // WWW.DWDD.COM.PH // AT SA FACEBOOK: SA // FACEBOOK.COM/KATROPADWDD // AT SA TWITTER NAMAN: HASHTAG // #KATROPA

WALA NA PO TAYONG ORAS // AT KAMI AY MAMAMAALAM NA MUNA // PANSAMANTALA SA INYO. // MARAMING SALAMAT // AT INYO PO KAMING PINAHINTULUTANG // PUMASOK SA INYONG MGA TAHANAN // SA PAMAMAGITAN NG ATING PALATUNTUNANG // KATROPA SA KAMARA.

DAGHANG SALAMAT USAB // SA ATONG MGA KAHIGALAANG MGA BISAYA // NGA NAMINAW KANATO KARONG TAKNAA. // ITO PO ANG INYONG LINGKOD // - KINI ANG INYONG // KABUS NGA SULUGUON, // TERENCE MORDENO GRANA, // KASAMA SI ENGINEER RONALD ANGELES // SA ATING TECHNICAL SIDE.

AT SA NGALAN DIN // NG LAHAT NA MGA BUMUBUO // NG PRODUCTION STAFF // SA ATING PALATUNTUNAN, // KAMI PO AY NAGSASABING: // PAGPALAIN SANA TAYONG LAHAT // NG ATING PANGINOONG MAYKAPAL, // GOD BLESS US ALL, // PURIHIN ANG ATING PANGINOON.

Tuesday, March 21, 2017

Buksan ang mabuhay lanes sa mga light truck – Cong Belaro

Sinabi ni 1-Ang Edukasyon partylist Rep Salvador Belaro na dapat i-advise ang mga light truck na ipinagbabawal sa EDSA, magmula noong Marso a-15 hanggang a-15 ng Hunyo, na pumasok sa mga Mabuhay Lanes at iba pang mga roadway links.

Ayon kay Belaro, ang pagtulong sa mga maliliit na truck para makapag-navigate ay makapagbibigay pa ng binipisyo sa operasyon ng mga maliliit ding mga negosyo at ang kanilang mga income ay hindi pa masyadong maapektuhan at mahahadlangan din ang posibleng pagka-wala ng mga trabaho.

Nagkataong si Belaro ang may-akda ng HB04240 o ang panukalang Small Trucks for Business Mobility Act.

Iminungkahi ni Belaro sa MMDA at sa grupo ng mga freigth forwarder na mag-devise ang mga ito ng technical na mga pamamaraan upang mapabilis ang pagsumite ng mga cargo manifest at iba pang mga dokumento ng mga exempted na truck sa ban.

Kung ma-impormahan umano ang MMDA ng cargo manifest para sa mga scheduled deliveries, ito ay makapag-bibigay ng mabilis na identification ng mga exempted light trucks.

Ayon pa sa kanya, ang mga computer science college ay maaari ding makakatulong sa MMDA sa pag-develop ng mobile applications na magagamit nito sa traffick operations.

Mainit na pagsalubong!

Ang pang-apat na highest-ranking official ng bansa na si House of Representative Speaker Pantaleon Alvarez at ang labindalawang kanyang mga kasamahang mambabatas ay malugod at mainit na tinanggap ng mga mamamayan ng Oriental Mindoro noong madaling araw ng ika-17 ng Marso 2017 at ng mga ama at haligi ng lalawigan na sina Rep Reynaldo Umali, Rep Doy Leachon, Gov Alfonso Leachon at ang iba pang mga opisyal ng pamahalaan ng lalawigan.

Ang pagbisita ng delegasyon ay tinaguriang the First House of Representatives Western and Eastern Nautical Highway Expidition – kasama ang Calapan, Oriental Mindoro bilang pinaka-unang point of entry via Batangas port.

Sinabi ni Committee on transportation chairman Catanduanes Rep Cesar Sarmiento, ang sampung araw na inspection tour ay inaasahang magkapag-bigay sa mga mambabatas ng first hand perspective hinggil sa estado ng Roll On-Roll off (RORO) projects ng pamahalaan, ang kondisyon ng road network at ng transportation system ng mga lalawigan.

Ayon pa kay Sarmiento, habang ang 2018 budget season ay nalalapit na, nais muna daw nilang madetermina kung mayroong potensiyal at existing infrastructure at tourism projects ay may mga pangangailan pa ng suportang pondo galing sa national budget.

Ang iba pang mga miyembrong sumasama sa caravan ay sina Deputy Speaker at Batangas Rep Roneo Abu, Deputy Speaker at South Cotabato Rep Ferdinand Hernandez, Majority Floor Leader at Ilocos Norte Rep Rodolfo Farinas, Deputy Majority Floor Leader at Pampanga rep Juan Pablo Rimpy Bondoc, Public Works Committee Chairman at Zamboanga City Rep Celso Lobregat, Good Government Committee Chairman at Surigao del Sur Rep Johnny Pimentel, Zmboanga City Rep Manuel Jose Dalipe, Misamis Occidental Rep Henry Oaminal, Samar Rep Edgar Sarmiento, Negros Oriental Rep Arnolfo Teves, at Welfare of Children Committee Chairperson at Zamboanga del Sur Rep Divina Grace Yu.

Magna Carta of Student-Athletes, binalangkas na sa Kamara

Hinirang ng House committee on youth and sports development Chair na ni Abono partylist Rep Conrado Estrella III si Antipolo Rep Chiqui Roa-Puno bilang tagapangulo ng technical working group (TWG) na magpa-fine tune ng HB00583 o ang panukalang Magna Carta of Student-Athletes.

Ang panukala na inihain ni Deputy Speaker at Taguig City Rep Pia Cayetano ay originally drafted ng kinatawan at ng kanyang staff noong siya ay isang miyembro pa ng Senado.

Sinabi ni Cayetano na ang isang bill of rights para sa student-athletes ay dapat lamang na tutugon sa mga issue at concern na hinarap ng mga atletang estudyante sa matagal nang panahon at wala pa umanong batas na nagpo-promote at pumuprotekta ng kanilang pangkalahatang kapakanan.

Idinagdag pa ni Cayetano na layunin din ng naturang panukala na maggawad ng nararapat na pagkilala at proteksiyon sa mga karapatan at general welfare ng mga student-athlete.

Sinabi naman ni Cynthia Hernandez, supervising education program coordinator ng Commission on Higher Education (CHED) sa isang pagdinig na ang layunin ng panukala ay kapuri-puri kayat kanyang ipinanukala na ma-amiyendahan ang na RA010676 o ang Student-Athletes Protection Act na ipinasa  noong 2014 pa.

Sinabi naman ni Lanao del Norte Rep Mohamad Khalid Dimaporo na sa kabila ng pagpasa ng RA010676, ang implementing rules and regulations (IRR) nito ay hindi pa rin mapasahanggang ngayon na-promulgate.

Inaatasan kaagad ng komite ang CHED at ang Department of Education (DepEd), sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Sports Commission (PSC), na magsagawa ng IRR base sa RA010676.

Harry Roque: nanawagan ng kahinahunang pampulitikal ngayong kuwarisma

Nanawagan si Kabayan partylist Rep Harry Roque sa lahat ng mga puwersang pulitikal para sa Lenten meditation at reflection lalu na sa gitna ng mga impeachment charges na ibinabato laban sa Pangulo at sa Bise Presidente ng kanya-kanya nilang mga supporter.

Nakiusap si Roque kay Magdalo partylist Rep Gary Alejano na mag-withdraw ito sa kanyang complaint upang mahadlangan ang sinasabi niyang isang unavoidable political turmoil na magpa-paralyze sa pagsasabatas ng Kamara.

Ayon sa kanya, ang impeachment at counter-impeachment ay magre-resulta lamang ng banta ng legislative paralysis sa pagpasa ng kanyang mga pet bill – kasama na nga ang Universal Health Care Act, Freedom of Information Act, at ang National School Lunch Program – para maging batas.

Inulit pa niyang sabihin ang dati na niyang pahayag na ang impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte ay mabibigo lamang dahil sa naniniwala umano siya na kailangan pang magkaroon ng marami pang case building para ito ay magtagumpay, particular na rito ang hinggil sa extralegal killings.

Ayon sa kanya, bagamat ina-appreciate niya si Alejano at ang Magdalo dahil gumamit ang mga ito ng constitutional means upang mai-unseat ang sitting president sa halip na gumamit sila ng mga marahas na aksiyon kagaya ng pagpapasabog ng mga building kagaya ng mga ginawa noon.

Sa kabilang dako naman daw, ang administrasyon ay mayroong numero upang ma-impeach si Vice-President Robredo ngunit ang masasabi lang daw niya na ang mga binitiwang salita ng pangalawang pangulo ay hindi naman daw supesiyente para maipruweba ang betrayal of public trust para sa Pangulo.

Kaya naki-usap umano siya sa Speaker na habang ang majority ay may numero para i-impeach si Robredo sa Kamara, dapat seguruhin din nila na maseguro ang kombiksiyon sa Senado para mapangalagaan ang integridad at reputasyon ng House of Representatives ngunit ito ay nangangailangan muna ng case building.

a new radio show in town

Monday, March 20, 2017

Impeachment rap laban kay Pangulong Duterte, isang kalokohan - Speaker Alvarez

Napgahayag ng kompiyansa si House Speaker Pantaleon Alvarez na ang impeachment complaint na inihain ng Magdalo partylist na kinatawan ni Rep Gary Alejano laban kay Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi magtatagumpay.

Sa isang panayam, sinabi ni Alvarez na hindi lamang ang mga paratang at gawa-gawa lamang at walang ebidensiya upang masuportahan ang mga ito kundi pati na rin ang kasaysayan ng mga nagdaang impeachment complaints laban sa nakaraang Pangulo ay hindi makakatulong ng mabuti.

Simple lang na maituturing ito, stupidity, period, ang sambit ni Alvarez.


Magkayaunpamang, sinabi ng Speaker na ang impeachment complaint ay dadaan sa prescribed procedure sa Kamara de Representantes. 

Maari umanong ang complaint ay nakasunod sa mga requirement ng proper form ngunit sinabi niya na ito ay definitely hindi makakasunod sa requirement for sufficiency in substance upang ito ay mag-prosper.

Sinabi ni Alvarez na huwag na lamng makarating doon sa numbers at ang pag-uusapan na lang ay yung substance, sapagkat dito pa lamang, hindi na papasa at malinaw na malinaw umano ito na kasing linaw ng sikat ng araw.

Sa nakatala, inakusahan sa complaint si Pangulong Duterte ng culpable violation of the Constitution, betrayal of public trust, graft and corruption, at ang paging responsible sa mga pagpatay na may kaugnayan sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Sinabi ni Alvarez na bilang isang abogado, madali umanong magsulat ng culpable violation of the constitution ngunit sa pagprueba ng mga ito ay ibang usapan na at hinggil naman sa ibang mga paratang, ang mga ito naman walang mga basehan.

Ang Saligang Batas ay nagre-require ng at least one-third na boto ng lahat na mga miyembro ng Kamara para susugan ang isang favorable resolution sa Articles of Impeachment, o dili kaya ay i-override ang contrary resolution.

First Aid, dapat ituro sa mga estudyante

Nanindigan si 1-Ang Edukasyon partylist Rep Salvador Belaro nang inihayag niya sa isang press release na hindi sapat na ang alam lamang umano ng mga Pilipino hinggil sa pagresponde sa sakuna ay ang pagsugod ng biktima sa ospital kundi marapat ding malalaman nito ang paggawad ng agarang first aid.

Sinabi ni Belaro na dapat alam ng bawat estudyante at ng kanilang mga magulang kung paano magbigay ng first aid o paunang lunas sa mga nalulunod, inaatake sa puso, at nagging biktima ng sakuna.

Idinagdag pa ng mambabatas na ang mga school nurse, school doctors, at health o physical education teachers ay ang mangunguna sa pagturo ng fisrt aid sa mga paaralan at sa barangay na  nakapaligid sa mga eskuwelahang ito ay may maraming residente na ang trabaho ay nars o doctor, at ang barangay mismo ay mayroong health center o may malapit na ospital.

Kaya naman daw walang dahilan para hindi matutunan ng mga estudyante at mga magulang kung paano iligtas ang buhay ng tao kung kaya at seryosohin nila ang pagdalo sa mga first aid training.

Ayon sa kanya, mababawasan daw ng Malaki ang dami ng mga “dead on arrival” sa mga ospital kung sa bahay o ibang lugar kung saan nagana pang sakuna ay nabigyan na agad ng first aid ang pasyente.

Ayon pa sa mambabatas, may sinisingil daw na kontribusyon sa mga estudyante kada taon para sa Philippine National Red Cross (PNRC) kaya’t dapat tumulong ang PNRC sa mga first aid training.

Dapat dumami pa raw ang mga Red Cross Youth groups at kahit mga bata at mga kasapi ng Parents Teacher Association (PTA), dapat marunong din sila ng first aid.

Alvarez: hindi rubber stamp ang Kamara

Nais ni House Speaker Pantaleon Alvarez na sa kanyang liderato ng House of Representatives, ito ay maalaala bilang isang institusyong nakapagbigay ng soluswyon sa mga suliranin ng bansa at ito ay tuturinging hindi isa lamang rubber stamp ng Executive Branch.

Sinabi ng lider ng Kamara na gusto lang niyang maalaala ang House under his leadership na hindi naman siya rubber stamp ng Executive branch at ang Kamara ay hindi sunud-sunuran lamang sa gusto ng Executive branch, isang House of Representatives na ina-address yung problema ng ating bayan.

Sinabi ni Alvarez hindi niya pinangarap na maukupahan ang pang-apat na pinakamataas na posisyon sa ating bansa ngunit dahil nasa kanya na ang trabaho, handa umano siyang gawin ang anumang nararapata na gawin na walang takot sa anumang maging konsekuwensiya.

Idinagdag pa niya na kailangan lang huwag matakot at gawin lamang ang iniisip kong tama at harapin ang anumang maging kahihinatnan matapos ang aking termino at kung kailangang makulong, di makulong dahil kumandidato ka, so, panindigan mo yan sapagkat ang leadership ay hindi para sa mga duwag,

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, ang Kamara ay nakapagpasa ng kotrobersiyal na panukala, ang death penalty bill sa gitna ng matinding pagtutol ng Simbahang Katoliko, human rights advotates at biilan pang mga non-gevernment organization.

Sinabi niya na gagawin niya ang anumang nararapat na gawin sapgkat wala naman siya umanong mga ambisyon polotikal at siya ay magri-retire sa politika pagkatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon pa rin sa kanya, pagka-meron kang umanong ambisyon na ganoon, wala kang magagawang trabaho na maayos kasi mag-iingat ka kung kaya’t  ayaw niya ng ganun dahil sa kanya, ang priority niya, we will be able to institute reforms dito sa bansa natin.

Mas estriktong PPP program, isinusulong sa Kamara

Tataguriang "Golden Age" ng public infrastructure ang susunod na anim na taon kapag naisabatas ang panukala sa Public-Private Partnership (PPP) program dahil lalong dumami ang bilang ng mamumuhunan mula sa pribadong sektor na nakibahagi sa mga infrastructure projects ng gobyerno matapos maisabatas ang Build-Operate-Transfer (BOT) law, sa pag-amiyenda sa Republic Act No. 7718 noong 1994.

Sa pagdinig ng House committee on public works and highways sa pamumuno ni Zaboang City Rep Celso Lobregat, bumuo ng isang technical working group (TWG) ang komite para pag-isahin ang mga panukalang batas para lalong patatagin at palakasin ang PPP.

Tungkulin ng TWG na pag-isahin ang mga panukala (HBs 163, 348, 1346 at 1944) na naglalayong patatagin at palakasin ang PPP na iniakda nina, Quezon City Rep Feliciano Belmonte Jr., Deputy Speaker Romero Quimbo, Antipolo Rep Romeo Acop at Baangas Rep Vilma Santos-Recto ayon sa pagkakasunod; HB 778 na magtatatag sa PPP Authority na inihain ni Albay Rep Joey Salceda; at HB 2727 na naghihikayat ng mas marami pang proyekto ng PPP at pagtatatag ng PPP Guaranty Fund na inihain ni Magdalo Rep Gary Alejano.

Binigyang-diin ni Cong Lobregat ang probisyon ng 1987 Saligang Batas na gumagaratiya sa polisiya ng estado na kilalanin ang tungkulin ng pribadong sektor bilang pangunahing mekanismo para magsulong ng pambansang kaunlaran na hihikayat sa pagtatatag ng PPP at maggagawad ng mga insentibo sa mga lalahok dito sa pangunguna at pagpopondo ng pamahalaan.

Hinikayat ni dating Speaker Belmonte ang pribadong sektor na makibahagi sa mga infrastructure projects ng gobyerno na nagbigay-daan sa pagsasabatas ng Build-Operate-Transfer (BOT) law at naging dahilan ng pagdami ng pribadong pamuhunan sa infrastructure development ng bansa.

Gayunman, idinagdag niya na kailangan pa ring amiyendahan ang batas para mas lalong tumugon sa kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya.

Ang panukala naman ni Rep Quimbo ay naglalayong palawakin ang sakop ng  PPP kasama ang Joint Venture and Operation and Maintenance contracts sa pamamagitan ng pagtanggal ng 50% porsyentong puhunan mula sa gobyerno maliban sa Joint Venture projects, at dagdag na halaga naman ng puhunan para sa PPP projects.

Samantala ang HB 1346 Rep Acop ay naglalayong palakasin ang PPP sa pagtugon sa iba’t ibang usapin kaugnay ng legal framework sa batas na magbibigay ng proteksyon sa pridabong mamumuhunan. Kasunod ang pagsasabatas ng BOT-PPP law, sinabi ni Acop na lalong nadagdagan ang partisipasyon ng mga pribadong sektor na sumali sa mga government infrastructure projects, lalo na sa industriya ng elektrisidad at transportasyon.

Layunin naman ng HB 778 ni Cong Salceda na mapahusay at mapalakas ang hayag na transaksyon, kahusayan sa pagganap ng obligasyon sa mga proyekto, at paglalagay ng karagdagang tulak at lakas sa PPP program sa pamamagitan ng matibay na kooperasyon sa pagitan ng publiko at pribadong sektor.

Libreng Wi-Fi, kasado na

Naging bungad ng talakayan ang usapin ng internet speed sa ginanap na pagdinig ng House committee on Information and Communications Technology (ICT) matapos na aprubahan ang  panukalang batas na magbibigay ng libreng Wi-Fi sa mga pampublikong lugar sa buong kapuluan. Natanong ang NTC at Telcos kung magkano ang pondong kakailanganin upang matiyak na magiging mabilis ang internet speed sa bansa kung ikokonsidera ang kasalukuyang 1.8 bilyong pisong pondo para sa kasalukuyang proyekto ng DICT ng libreng Wi-Fi.

Sinabi ni NTC Deputy Commissioner Edgardo Cabarios na 30 bilyon pisong halaga ang kakailanganin kung isasama sa pagtatayo ang 100,000 Wi-Fi hotspots sa buong kapuluan sa loob ng sampung taon.

Layunin ng mga panukala na magkaroon ng libreng free Wi-Fi sa lugar gaya ng national government offices, public primary at secondary schools, gusali sakop ng state universities and colleges, public libraries, parks at plazas, barangay centers, public hospitals at rural health units, at mga public transportation terminals.

Ayon kay Tarlac Rep Victor Yap, chair ng ICT Committee, matutugunan ng panukala ang problema ng bansa sa interconnectivity sa pagbibigay ng wireless access points sa lahat ng pangunahing pampublikong lugar sa pamamagitan ng broadband hotspots na ikakabit sa DICT o private Internet Service Providers sa lugar.

Sinabi ni Yap na hinihiling sa ilang panukala na magkaroon ng minimum internet speed na 10 mbps para sa free public Wi-Fi. Mahalaga aniya ito dahil kahit libre ang WiFi, bale-wala rin ito kung mabagal ang koneksyon.

Ayon kay Yap, isang halimbawa umano ang karanasan ng DepEd na mayroon silang sapat na pondo para sa higher bandwidth ngunit sa kasamaang-palad, hindi makapagbigay ang Telcos ng mabilis na signal ngunit maari umano itong mabago kung may requirement sa internet speed.

Ayon sa mambabatas, karapatang-pantao ang internet access sa naging klasipikasyon ng United Nations na itinuring na isa ito sa pinakamakapangyarihang instrumento sa 21st century upang madagdagan ang libreng pamamahayag at impormasyon na hihikayat sa mga mamamayan na makilahok sa pagtatatag ng demokratikong pamayanan.

Ang mga panukala para sa libreng Wi-Fi ay ang mga sumusunod: HB 515 ni Bagong Henerasyon partylist Rep Bernadette Herrera-Dy, HB 616 na iniakda ni Bataan Rep Geraldine Roman, HB 660 na inihain ni Kabataan Rep Sarah Jane Elago, HB 1954 ni Batangas Rep Vilma Santos-Recto, HB 1957 ni Paranaque City Rep Gus Tambunting, HB 2836 ni Ifugao Rep Teddy Brawner Baguilat, Jr, at HB 3250 na iniakda ni Pangasinan Rep Marlyn Primicias-Agabas.

Idinagdag ni Yap na marami ang makikinabang sa libreng WiFi na inaasahang magpapatatag ng ekonomiya sa pagpasok ng mga bagong negosyo at pamunuan, paglago sa larangan ng turismo, pagpapalaganap ng mga mahahalagang impormasyon bilang bahagi ng komunikasyon, gayun na rin para sa mabilisan at agarang pagtugon sa mga nangangailangan sa panahon ng kalamidad at iba pang panganib. 

Sa plenaryo kagabi ay aprubado na sa ikalawang pagbasa ang panukala sa libreng wi-fi na hayagang pinasalamatan ni Rep. Tambunting.

Sa loob ng 83 session days, Kamara ay nakapagpasa ng 183 importanteng mga panukala

Members of the House of Representatives, heeding the call of Speaker Pantaleon D. Alvarez to be instruments of meaningful change, have managed to pass 186 relevant and necessary legislative measures over the past 83 session days of the 17th Congress.

At the opening of the 17th Congress on July 25, 2016, the Speaker exhorted House members to be instruments of change and give President Rodrigo Duterte the necessary legislation which will be his tools to effect genuine change in the country.

The 186 approved bills and adopted resolutions form part of the 794 measures processed by the House during the past 83 session days, or an average of 10 measures processed per session day, according to statistical data provided by the House committee on rules.

Also included in the 794 processed measures are: 317 referral of resolutions on inquiries; 283 measures substituted /consolidated; and eight measures in the Calendar of Business.

A total of 6,239 measures were filed, 5,317 of which are bills and 922 are resolutions. Moreover, 181 committee reports were filed by the different House panels.

The breakdown of the 186 approved measures: two enacted into law namely, Republic Act 10924 or “An Act Appropriating Funds For The Operation Of The Government Of The Republic Of The Philippines From January 1 To December 31, 2017” and RA 10923 or “An Act Postponing The October 2016 Barangay And Sangguniang Kabataan Elections, Amending For The Purpose Republic Act No. 9164, As Amended By Republic Act No. 9340 And Republic Act No. 10656”; two Concurrence with the Senate on amendments to HB 4631 or An Act Renewing For Another 25 Years The Franchise Granted To GMA Network, Inc. (Formerly Republic Broadcasting System, Inc.) and HB 4637 or An Act Extending For 25 Years The Franchise Granted To Smart Communications, Inc. (Formerly Smart Information Technologies, Inc; 82 approved on third and final reading; 45 approved on second reading; and 55 adopted resolutions.

Of the 82 approved bills on third reading, 22 are of national significance, including House Bill 4727 or An Act Imposing The Death Penalty On Certain Heinous Crimes, Repealing For The Purpose Republic Act No. 9346, Entitled 'An Act Prohibiting The Imposition Of Death Penalty In The Philippines', And Further Amending Act No. 3815, As Amended, Otherwise Known As The 'Revised Penal Code', And Republic Act No. 9165, Otherwise Known As The 'Comprehensive Dangerous Drugs Act Of 2002'. The bill was approved last March 7, 2017 by a vote of 217-54, with one abstention.

Other bills approved this year are:  House Bill 2158 or An Act Rationalizing And Expanding The Powers And Duties Of The Social Security Commission And The Social Security System, Further Amending For The Purpose Republic Act No. 1161, As Amended By Republic Act No. 8282, Otherwise Known As The ‘Social Security Act Of 1997’; HB 4636 or An Act Granting The Iloilo Baptist Church, Inc. A Franchise To Construct, Install, Establish, Operate And Maintain Radio And Television Broadcasting Stations In The Philippines; HB 4767 or An Act Extending The Validity Of The Philippine Passport, Amending For The Purpose Section 10 Of Republic Act 8239, Otherwise Known As The "Philippine Passport Act Of 1996"; HB 4814 or An Act Granting Amnesty In The Payment Of Estate Tax; HB 4815 or An Act Simplifying The Estate Tax Rate Amending For The Purpose Section 84 of The National Internal Revenue Code Of 1997, As Amended; and HB 4903 or An Act Simplifying The Donor's Tax Rate Amending For The Purpose Section 99 Of The National Internal Revenue Code Of 1997, As Amended.

House Bill 5063 or An Act Granting The Pangasinan Gulf Waves Network Corporation A Franchise To Construct, Install, Establish, Operate And Maintain Radio And Television Broadcasting Stations Throughout The Philippines; HB 5064 or An Act Renewing For Another 25  Years The Franchise Granted To Subic Broadcasting Corporation Under Republic Act No. 7511 Entitled "An Act Granting The Subic Broadcasting Corporation A Franchise To Construct, Install, Operate And Maintain Radio Broadcasting And Television Stations In The Philippines"; HB 5175 or An Act Renewing For Another 25  Years The Franchise Granted To Beta Broadcasting System, Inc., Under Republic Act No. 8026, Entitled "An Act Granting The Beta Broadcasting System Corporation A Franchise To Construct, Operate And Maintain Radio Broadcasting Stations In The Island Of Luzon"; and HB 5176 or An Act Renewing For Another 25 Years The Franchise Granted To Sarraga Integrated And Management Corporation To Construct, Install, Operate And Maintain For Commercial Purposes Radio And Television Broadcasting Stations In The Philippines"; and HB 5177 or An Act Renewing For Another 25 Years The Franchise Granted To Infocom Communications Network, Inc. (Presently Known As Now Telecom Company, Inc.) To Construct, Establish, Operate And Maintain Mobile Radio Systems.

In addition to these, the House last year approved on third reading the following: HB 335 or An Act Authorizing The Court To Require Community Service in Lieu of Imprisonment for the Penalty of Arresto Menor, Amending for the Purpose Chapter 5, Title 3, Book I of Act No. 3815, as Amended, Otherwise Known As the Revised Penal Code; HB 1344 or “An Act Prescribing Stricter Penalties on the Crime of Delivering Prisoners From Jail and Infidelity in the Custody Of Prisoners, Amending for the Purpose Articles 156, 223 and 224 of Act No. 3815, As Amended, Otherwise Known as the Revised Penal Code of the Philippines; HB 4100 or An Act Mandating Higher Education Institutions and Techno-Vocational Institutions to Insure the Safety and Security of the Academic Community From Internal and External Threats, thereby Creating a Crime Prevention Committee for This Purpose”; HB 3955 or An Act Mandating the Government to Pay the Capital Gains Tax and the Documentary Stamp Tax Due in Addition to the Just Compensation For the Sale of Real Property in the Exercise of the State's Power of Eminent Domain, Amending for the Purpose Sections 24(D) and 196 Of Republic Act No. 8424, as Amended, Otherwise Known as the National Internal Revenue Code Of 1997”; HB 477 or An Act Declaring January 23 of Every Year A Special Working Holiday in the Entire Country to Commemorate the Declaration of the First Philippine Republic”; HB 416 or An Act Allowing Home Economics Graduates to Teach Home Economics Subjects and Home-Economics-Related Technical Vocational Subjects in All Public and Private Elementary and Secondary Educational Institutions; HB 336 or An Act Excluding From the Application of the Indeterminate Sentence Law Those Convicted of Criminal Offenses Against a Minor, Amending For the Purpose Act No. 4103 Otherwise Known as the Indeterminate Sentence Law; HB 64 or An Act Strengthening Compliance with Occupational Safety And Health Standards And Providing Penalties for Violations Thereof”; and HB 4144 or An Act Seeking To Amend Section 145 (C) Of The National Internal Revenue Code By Imposing A Two-Tier Excise Tax Structure On Cigarettes.

Meanwhile, The House also approved on third reading  59 local bills, mostly about establishing national high schools and national technical-vocational schools in barangays, creating and dividing barangays, naming and renaming of roads, and establishing multi-species marine hatcheries in municipalities, among others.

The House also managed to pass on third reading the much-awaited increase in the monthly pension of the Social Security System pensioners under the Social Security Act of 1997 as embodied in House Joint Resolution 10.

Meanwhile, 45 measures were approved on second reading this year by the House, 11 of which are national bills and 34 are local bills.

The 11 national bills are: HB 5224 or An Act Strengthening The Rules On The Proper Use And Display Of Our National Symbols And The Rendition Of The National Anthem, Repealing For The Purpose Republic Act No. 8491, Otherwise Known As The "Flag And Heraldic Code Of The Philippines"; HB 5269 or An Act Institutionalizing The National School Feeding Program For Public Kindergarten And Elementary Pupils And Appropriating Funds Therefor; HB 5152 or  Act Requiring Higher Education Institutions To Report Participation And Program Support Expenditures In All College Athletic Programs; HB 5159 or An Act Strengthening The Provision Of Emergency Health Care Service To Patients, Further Amending For The Purpose Batas Pambansa Bilang 702, As Amended, Entitled "An Act Prohibiting The Demand Of Deposits Or Advanced Payments For The Confinement Or Treatment Of Patients In Hospitals And Medical Clinics In Certain Cases"; HB 5240 or An Act Instituting A National Land Use And Management Policy, Providing The Implementing Mechanisms Therefor; HB 5000 or An Act Providing For The Regulation And Supervision Of Payment Systems; and HB 5225 or An Act Mandating The Provision Of Free Wi-Fi Internet Access In Public Areas; HB 5241 or An Act Declaring December 8 Of Every Year A Special Non-Working Holiday In The Entire Country To Commemorate The Feast Of The Immaculate Conception Of Mary, The Principal Patroness Of The Philippines; HB  735 or An Act Including A National Artist As A Member Of The National Commission For Culture And Arts, Amending For The Purpose Republic Act No. 7356, Otherwise Known As The "Law Creating The National Commission For Culture And Arts"; HB 5211 or An Act Renewing For Another 25 Years The Franchise Granted To Gateway U.H.F. Television Broadcasting, Inc., Presently Known As Gateway Television Broadcasting, Inc.; and HB 5212 or An Act Renewing For Another 25 Years The Franchise Granted To Filipinas Broadcasting Association, Inc., Presently Known As Word Broadcasting Corporation.

Meanwhile, pending approval on second reading are five national bills: HB 3988 or An Act Providing For The Conjugal Partnership Of Gains As The Governing Regime In The Absence Of A Marriage Settlement Or When The Regime Agreed Upon Is Void, Amending For The Purpose Article 75 Of Title Iv Of Executive Order No. 209, As Amended By Executive Order No. 227, Otherwise Known As The Family Code Of The Philippines; HB 3177 or An Act Penalizing Influence Peddling And For Other Purposes; HB 4149 or An Act Exempting From The Population And Land Area Requirements The Conversion Of A Municipality Into A Component City If It Has A Locally Generated Average Annual Income Of At Least P250,000,000.00, Amending For The Purpose Section 450 Of Republic Act No.7160, As Amended, Otherwise Known As The Local Government Code Of 1991; HB 4113 or An Act Increasing The Maternity Leave Period To 100 Days For Female Workers In The Government Service And In The Private Sector, And Granting An Option To Extend For An Additional 30 Days Without Pay; and HB 4982 or An Act Prohibiting Discrimination On The Basis Of Sexual Orientation Or Gender Identity Or Expression (Sogie) And Providing Penalties Therefor.

Lastly, the breakdown of the 55 adopted resolutions:  35 regular resolutions; 15 reports on resolutions; four concurrent resolutions; and one report on resolution of inquiry (Committee Report No. 14 on House Resolution 105 : Resolution Calling For An Investigation, In Aid Of Legislation, On The Proliferation Of Drug Syndicates At The National Bilibid Prison, adopted October 19, 2016).

Tuesday, March 14, 2017

Paki-usap ni Ramirez Sato kay Speaker Alvarez: huwag padalus-dalos

Naki-usap si Occidental Mindoro Rep Josephine Ramirez-Sato kay House Speaker Pantaleon Alvarez na isaalang-alang nito ang kanyang plano na alisin ang committee chairmanship ng mga mambabatas na bomuto noong nakaraang lingo laban sa Death Penalty bill.

Sinabi ni Ramirez-Sato na kung ito at matuloy, ang unang maging biktima ng parusang kamatayan ay ang Kamara de Representantes bilang isang institusyon dahil ang kalayaan at demokrasya ng institusyon ay ang unang mabaliwala.

Sa kanyang kaso umano, siya ay itinalaga bilang miyembro ng makapangyarihang Commission on Appointments bilang isang designated member ng Liberal Party at ang naturang  komisyon ay isang constitutioinal body kung saan ang mga miyembro nito ay nakabatay din sa proportional representation ng mga political party sa House of Representatives at kung siya daw ay alisin base sa kanyang boto, ito ay isang paglabag sa independence ng Commission, ayon sa konstitusyon.

Pagbibigay ng insentibo para sa mga indie film, isinusulong

Nagsagawa ng pagdinig ang House committee on public information kamakailan lamang, sa pamumuno ni Act Teacher Rep Antonio Tino, na tumalakay ng mga panukala na umaapekto sa Philippine film industry.

Tinalakay sa nabanggit na pagdinig ang HB01557, HB01570 at HB03134 na may layuning magbibigay ng insentibo sa mga filmmaker ng Philippine independent films na nagbibigay karangalan sa mga notable international film competition.

Isa sa mga insentibo na igagawad sa indie film filmmakers ay P5 milyong sa film production o sa kumpanyang nag-produce ng award-winning full-length feature o documentary film at P3 milyong para sa short feature o documentary film; tax exemption sa screening ng pelikula at sa commercial exhibition at automatic rating grade ng A na magbibigay din ng insentibo sa producer na kayumbas sa amusement tax na ipinapataw at kinokolekta sa mga graded film.

Ang pinaka-objective ng mga panukalang kanilang tinalakay ay upang i-encourage ang mga filmmaker na mag-produce ng quality films, lumahok sa mga film festival at upang makapag-develop at makapag-produce ng indi films.

Monday, March 13, 2017

Pagbabawal ng softdrinks sa mga public school, hiniling sa Kongreso

Maaalis na sa mga canteen ng mahigit sa apatnapu’t anim (46k) na libong mga public school sa buong bansa sa sandaling maapruhan na ang HB04039 na kilalaning “Healthy Drinks in Public Schools Act.”

Sa HB04039 na inihain ni 1-Ang Edukasyon partylist Rep Salvador Belaro, layon nito na mapabuti ang diyeta o diet ng may mahigit sa dalampu’t siang milyong mga Filipinong magaaral nan aka-enrol sa mga public school sa pamamagitan ng pag-regulate, kung hindi man tuluyang maipagbabawal, ang pagbenta ng mga sugar-sweetend beverage kagaya ng softdrinks at energy drinks sa lahat ng mga kantina sa pampublikong elementarya at sekondaryang mga paaralan sa buong bansa.

Ayon kay Rep Belaro, batay sa World Health Organization (WHO) survey na ginanap noong nakaraang taong 2016, natukoy ang sugary drinks kagaya ng softdrinks at energy sports drinks bilang mga major contributor sa obesity o sobrang katabaan at sakit na diabetes.

Sa pangkaraniwan umano, ang isang lata ng isang sugary drinks ay naglalaman ng 40 gramong free sugars ay katumbas sa sampung (10) kutsarita ng table sugar na masyadong mataas sa inirekomenda ng WHO na ang healthy intake lang daw ng asukal sa katawan ay kailangang 5% ng pang-araw-araw na energy intake lamang o katumbas ng 6 na kutsarita ng table sugar.

Nabahala si Belaro na ang mga estudyanteng may subra-sobrang intake ng asukal sa kanilang mga katawan na nakakamit nila dito sa mga unhealthy junk drinks dahil saw ala naman silang opsiyon na inumin sa kanilang mga canteen kundi ang softdrinks lamang.

Didinggin pa ng House committee on basic education and culture ang panig ng mga apektado ng nabanggit na panukala para sa posibleng pagba-ban ng softdrinks sa mga public school kagaya ng mga may-ari ng canteen at mga softdrink companies.

Thursday, March 09, 2017

Katropa sa Kamara (KSK)

MAGANDANG UMAGA BAYAN, MAGANDANG UMAGA PILIPINAS AT MAGANDANG UMAGA PO SA INYONG LAHAT, MGA GILIW NAMING MGA TAGAPAKINIG DITO SA HIMPILANG DWDD, KATROPA RADIO, IBA TAYO!

ARAW NG SABADO NGAYON, A  UNO NG ABRIL, TAONG DALAWANG LIBO AT LABING PITO, NARIRITO PO KAMI AT TAYO AY MAGING MAGKAKASAMA SA LOOB NG ISA AT KALAHATING ORAS DITO SA ATING MAGIGING LINGGUHANG PALATUNTUNANG PINAMAGATANG KATROPA SA KAMARA.

AKO PO SI TERENCE MORDENO GRANA, ANG INYONG MAGIGING HOST AT KAAGAPAY DITO SA ATING PALATUNTUNANG KATROPA SA KAMARA AT TAYO AY MAGING MAGKAKASAMA DITO SA HIMPILANG DWDD, KATROPA RADIO, 1134 SA TALAPIHITAN NG INYONG MGA RADYO AT TAYO PO AY SINASAMAHAN NGAYON NI ENGINEER RONALD ANGELES SA ATING TECHNICAL BOOTH.

ANG KATROPA SA KAMARA AY ATING MAPAPAKINGGAN, EKSKLUSIBO, DITO LAMANG SA ATING HIMPILANG DWDD, KATROPA RADIO, 1134 KHZ SA ATING MGA RADYO.

SA ATING MAIDEN PRESENTATION NGAYON, MAGHAHATID PO KAMI SA INYO NG MARAMING MGA IMPORMASYON NA ATING NAKALAP PARA DITO SA ATING PROGRAMA, AT ITO PO ANG INYONG LINGKOD, TERENCE MORDENO GRANA, ANG INYONG REGULAR NA KAAGAPAY AT GABAY SA HIMPAPAWID.

LINGGO PO BUKAS AT PINAALALAHANAN PO NAMIN KAYO NA ITO PO AY ARAW NG ATING PANGINOON AT MARAPAT LAMANG NA BIGYAN NATIN SIYA NG TUWIRANG PAGPAPAPURI AT PAGPAPASALAMAT SA ARAW NA ITO PARA SA MGA BIYAYANG PINAGKAKALOOB NIYA SA ATING LAHAT.

(READ THE NEWS ITEMS.)

HUWAG KAYONG AALIS, BABALIK PO KAMI MATAPOS ANG ILANG MGA PAALAALA GALING SA ATING HIMPILAN. (STATION ID)

ANG HIMPILANG ITO AY BAHAGI NG CIVIL RELATIONS SERVICE, ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES, DWDD, KATROPA RADIO, AY KASAPI NG KBP, ANG KAPISANAN NG MGA BRODKASTER SA PILIPINAS.

ORAS, HATID SA ATIN NG KATROPA RADIO, ALAS DIYES E MEDYA. (MESSAGE)

SA ATING PAGBABALIK, KAYO PO AY NAKIKINIG SA PATATUNTUNANG KATROPA SA KAMARA DITO SA HIMPILANG DWDD, KATROPA RADIO, 1134 SA TALAPIHITAN NG INYONG MGA RADYO AT ITO PO ANG INYONG LINGKOD, TERENCE MORDENO GRANA NA SINASAMAHAN NI ENGINEER RONALD ANGELES SA ATING TECHNICAL SIDE.

ANG HIMPILANG ITO AY BAHAGI NG CIVIL RELATIONS SERVICE, ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES, DWDD, KATROPA RADIO, AY KASAPI NG KBP, ANG KAPISANAN NG MGA BRODKASTER SA PILIPINAS.

WALA NA PO TAYONG ORAS AT KAMI AY MAMAMAALAM MUNA PANSAMANTALA SA INYO. MARAMING SALAMAT AT INYO PO KAMING PINAHINTULUTANG PUMASOK SA INYONG MGA TAHANAN AT SA INYONG MGA PUSO SA PAMAMAGITAN NG ATING PALATUNTUNANG KATROPA SA KAMARA.

DAGHANG SALAMAT USAB SA ATONG MGA KAHIGALAANG MGA BISAYA NGA NAMINAW KANATO KARONG TAKNAA. ITO PO ANG INYONG LINGKOD - KINI ANG INYONG KABUS NGA SULUGUON, TERENCE MORDENO GRANA, KASAMA SI ENGINEER RONALD ANGELES SA ATING TECHNICAL SIDE.

AT SA NGALAN DIN NG LAHAT NA MGA BUMUBUO NG PRODUCTION STAFF SA ATING PALATUNTUNAN, KAMI PO AY NAGSASABING: PAGPALAIN SANA TAYONG LAHAT NG ATING PANGINOONG MAYKAPAL, PURIHIN ANG ATING PANGINOON.
Free Counters
Free Counters