Tuesday, March 21, 2017

Harry Roque: nanawagan ng kahinahunang pampulitikal ngayong kuwarisma

Nanawagan si Kabayan partylist Rep Harry Roque sa lahat ng mga puwersang pulitikal para sa Lenten meditation at reflection lalu na sa gitna ng mga impeachment charges na ibinabato laban sa Pangulo at sa Bise Presidente ng kanya-kanya nilang mga supporter.

Nakiusap si Roque kay Magdalo partylist Rep Gary Alejano na mag-withdraw ito sa kanyang complaint upang mahadlangan ang sinasabi niyang isang unavoidable political turmoil na magpa-paralyze sa pagsasabatas ng Kamara.

Ayon sa kanya, ang impeachment at counter-impeachment ay magre-resulta lamang ng banta ng legislative paralysis sa pagpasa ng kanyang mga pet bill – kasama na nga ang Universal Health Care Act, Freedom of Information Act, at ang National School Lunch Program – para maging batas.

Inulit pa niyang sabihin ang dati na niyang pahayag na ang impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte ay mabibigo lamang dahil sa naniniwala umano siya na kailangan pang magkaroon ng marami pang case building para ito ay magtagumpay, particular na rito ang hinggil sa extralegal killings.

Ayon sa kanya, bagamat ina-appreciate niya si Alejano at ang Magdalo dahil gumamit ang mga ito ng constitutional means upang mai-unseat ang sitting president sa halip na gumamit sila ng mga marahas na aksiyon kagaya ng pagpapasabog ng mga building kagaya ng mga ginawa noon.

Sa kabilang dako naman daw, ang administrasyon ay mayroong numero upang ma-impeach si Vice-President Robredo ngunit ang masasabi lang daw niya na ang mga binitiwang salita ng pangalawang pangulo ay hindi naman daw supesiyente para maipruweba ang betrayal of public trust para sa Pangulo.

Kaya naki-usap umano siya sa Speaker na habang ang majority ay may numero para i-impeach si Robredo sa Kamara, dapat seguruhin din nila na maseguro ang kombiksiyon sa Senado para mapangalagaan ang integridad at reputasyon ng House of Representatives ngunit ito ay nangangailangan muna ng case building.
Free Counters
Free Counters