Monday, March 20, 2017

First Aid, dapat ituro sa mga estudyante

Nanindigan si 1-Ang Edukasyon partylist Rep Salvador Belaro nang inihayag niya sa isang press release na hindi sapat na ang alam lamang umano ng mga Pilipino hinggil sa pagresponde sa sakuna ay ang pagsugod ng biktima sa ospital kundi marapat ding malalaman nito ang paggawad ng agarang first aid.

Sinabi ni Belaro na dapat alam ng bawat estudyante at ng kanilang mga magulang kung paano magbigay ng first aid o paunang lunas sa mga nalulunod, inaatake sa puso, at nagging biktima ng sakuna.

Idinagdag pa ng mambabatas na ang mga school nurse, school doctors, at health o physical education teachers ay ang mangunguna sa pagturo ng fisrt aid sa mga paaralan at sa barangay na  nakapaligid sa mga eskuwelahang ito ay may maraming residente na ang trabaho ay nars o doctor, at ang barangay mismo ay mayroong health center o may malapit na ospital.

Kaya naman daw walang dahilan para hindi matutunan ng mga estudyante at mga magulang kung paano iligtas ang buhay ng tao kung kaya at seryosohin nila ang pagdalo sa mga first aid training.

Ayon sa kanya, mababawasan daw ng Malaki ang dami ng mga “dead on arrival” sa mga ospital kung sa bahay o ibang lugar kung saan nagana pang sakuna ay nabigyan na agad ng first aid ang pasyente.

Ayon pa sa mambabatas, may sinisingil daw na kontribusyon sa mga estudyante kada taon para sa Philippine National Red Cross (PNRC) kaya’t dapat tumulong ang PNRC sa mga first aid training.

Dapat dumami pa raw ang mga Red Cross Youth groups at kahit mga bata at mga kasapi ng Parents Teacher Association (PTA), dapat marunong din sila ng first aid.
Free Counters
Free Counters