Paki-usap ni Ramirez Sato kay Speaker Alvarez: huwag padalus-dalos
Naki-usap si Occidental Mindoro Rep Josephine
Ramirez-Sato kay House Speaker Pantaleon Alvarez na isaalang-alang nito ang
kanyang plano na alisin ang committee chairmanship ng mga mambabatas na bomuto noong
nakaraang lingo laban sa Death Penalty bill.
Sinabi ni
Ramirez-Sato na kung ito at matuloy, ang unang maging biktima ng parusang
kamatayan ay ang Kamara de Representantes bilang isang institusyon dahil ang
kalayaan at demokrasya ng institusyon ay ang unang mabaliwala.
Sa
kanyang kaso umano, siya ay itinalaga bilang miyembro ng makapangyarihang
Commission on Appointments bilang isang designated member ng Liberal Party at
ang naturang komisyon ay isang
constitutioinal body kung saan ang mga miyembro nito ay nakabatay din sa proportional
representation ng mga political party sa House of Representatives at kung siya
daw ay alisin base sa kanyang boto, ito ay isang paglabag sa independence ng
Commission, ayon sa konstitusyon.
<< Home