Alvarez: hindi rubber stamp ang Kamara
Nais ni House Speaker Pantaleon Alvarez na sa kanyang liderato ng House
of Representatives, ito ay maalaala bilang isang institusyong nakapagbigay ng soluswyon
sa mga suliranin ng bansa at ito ay tuturinging hindi isa lamang rubber stamp
ng Executive Branch.
Sinabi ng lider ng Kamara na gusto lang niyang maalaala ang House under his
leadership na hindi naman siya rubber stamp ng Executive branch at ang Kamara
ay hindi sunud-sunuran lamang sa gusto ng Executive branch, isang House of
Representatives na ina-address yung problema ng ating bayan.
Sinabi ni Alvarez hindi niya pinangarap na maukupahan ang pang-apat na
pinakamataas na posisyon sa ating bansa ngunit dahil nasa kanya na ang trabaho,
handa umano siyang gawin ang anumang nararapata na gawin na walang takot sa
anumang maging konsekuwensiya.
Idinagdag pa niya na kailangan lang huwag matakot at gawin lamang ang iniisip
kong tama at harapin ang anumang maging kahihinatnan matapos ang aking termino
at kung kailangang makulong, di makulong dahil kumandidato ka, so, panindigan
mo yan sapagkat ang leadership ay hindi para sa mga duwag,
Sa ilalim
ng kanyang pamumuno, ang Kamara ay nakapagpasa ng kotrobersiyal na panukala,
ang death penalty bill sa gitna ng matinding pagtutol ng Simbahang Katoliko,
human rights advotates at biilan pang mga non-gevernment organization.
Sinabi
niya na gagawin niya ang anumang nararapat na gawin sapgkat wala naman siya
umanong mga ambisyon polotikal at siya ay magri-retire sa politika pagkatapos
ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon pa rin sa kanya, pagka-meron kang umanong ambisyon na ganoon, wala
kang magagawang trabaho na maayos kasi mag-iingat ka kung kaya’t ayaw niya ng ganun dahil sa kanya, ang
priority niya, we will be able to institute reforms dito sa bansa natin.
<< Home