Buksan ang mabuhay lanes sa mga light truck – Cong Belaro
Sinabi ni
1-Ang Edukasyon partylist Rep Salvador Belaro na dapat i-advise ang mga light
truck na ipinagbabawal sa EDSA, magmula noong Marso a-15 hanggang a-15 ng Hunyo,
na pumasok sa mga Mabuhay Lanes at iba pang mga roadway links.
Ayon kay
Belaro, ang pagtulong sa mga maliliit na truck para makapag-navigate ay makapagbibigay
pa ng binipisyo sa operasyon ng mga maliliit ding mga negosyo at ang kanilang mga
income ay hindi pa masyadong maapektuhan at mahahadlangan din ang posibleng
pagka-wala ng mga trabaho.
Nagkataong
si Belaro ang may-akda ng HB04240 o ang panukalang Small Trucks for Business
Mobility Act.
Iminungkahi
ni Belaro sa MMDA at sa grupo ng mga freigth forwarder na mag-devise ang mga
ito ng technical na mga pamamaraan upang mapabilis ang pagsumite ng mga cargo
manifest at iba pang mga dokumento ng mga exempted na truck sa ban.
Kung
ma-impormahan umano ang MMDA ng cargo manifest para sa mga scheduled
deliveries, ito ay makapag-bibigay ng mabilis na identification ng mga exempted
light trucks.
Ayon pa
sa kanya, ang mga computer science college ay maaari ding makakatulong sa MMDA
sa pag-develop ng mobile applications na magagamit nito sa traffick operations.
<< Home