Magna Carta of Student-Athletes, binalangkas na sa Kamara
Hinirang ng
House committee on youth and sports development Chair na ni Abono partylist Rep
Conrado Estrella III si Antipolo Rep Chiqui Roa-Puno bilang tagapangulo ng technical
working group (TWG) na magpa-fine tune ng HB00583 o ang panukalang Magna Carta
of Student-Athletes.
Ang
panukala na inihain ni Deputy Speaker at Taguig City Rep Pia Cayetano ay
originally drafted ng kinatawan at ng kanyang staff noong siya ay isang
miyembro pa ng Senado.
Sinabi ni Cayetano na ang isang bill of rights para sa student-athletes
ay dapat lamang na tutugon sa mga issue at concern na hinarap ng mga atletang
estudyante sa matagal nang panahon at wala pa umanong batas na nagpo-promote at
pumuprotekta ng kanilang pangkalahatang kapakanan.
Idinagdag pa ni Cayetano na layunin din ng naturang panukala na maggawad
ng nararapat na pagkilala at proteksiyon sa mga karapatan at general welfare ng
mga student-athlete.
Sinabi naman ni Cynthia Hernandez, supervising education program coordinator
ng Commission on Higher Education (CHED) sa isang pagdinig na ang layunin ng
panukala ay kapuri-puri kayat kanyang ipinanukala na ma-amiyendahan ang na RA010676
o ang Student-Athletes Protection Act na ipinasa noong 2014 pa.
Sinabi naman ni Lanao del Norte Rep Mohamad Khalid Dimaporo na sa kabila
ng pagpasa ng RA010676, ang implementing rules and regulations (IRR) nito ay
hindi pa rin mapasahanggang ngayon na-promulgate.
Inaatasan kaagad ng komite ang CHED at ang Department of Education
(DepEd), sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Sports Commission (PSC), na
magsagawa ng IRR base sa RA010676.
<< Home