Mainit na pagsalubong!
Ang
pang-apat na highest-ranking official ng bansa na si House of Representative
Speaker Pantaleon Alvarez at ang labindalawang kanyang mga kasamahang
mambabatas ay malugod at mainit na tinanggap ng mga mamamayan ng Oriental
Mindoro noong madaling araw ng ika-17 ng Marso 2017 at ng mga ama at haligi ng
lalawigan na sina Rep Reynaldo Umali, Rep Doy Leachon, Gov Alfonso Leachon at
ang iba pang mga opisyal ng pamahalaan ng lalawigan.
Ang pagbisita
ng delegasyon ay tinaguriang the First House of Representatives Western and
Eastern Nautical Highway Expidition – kasama ang Calapan, Oriental Mindoro
bilang pinaka-unang point of entry via Batangas port.
Sinabi
ni Committee on transportation chairman Catanduanes Rep Cesar Sarmiento, ang
sampung araw na inspection tour ay inaasahang magkapag-bigay sa mga mambabatas
ng first hand perspective hinggil sa estado ng Roll On-Roll off (RORO) projects
ng pamahalaan, ang kondisyon ng road network at ng transportation system ng mga
lalawigan.
Ayon
pa kay Sarmiento, habang ang 2018 budget season ay nalalapit na, nais muna daw
nilang madetermina kung mayroong potensiyal at existing infrastructure at
tourism projects ay may mga pangangailan pa ng suportang pondo galing sa
national budget.
Ang iba
pang mga miyembrong sumasama sa caravan ay sina Deputy Speaker at Batangas Rep
Roneo Abu, Deputy Speaker at South Cotabato Rep Ferdinand Hernandez, Majority
Floor Leader at Ilocos Norte Rep Rodolfo Farinas, Deputy Majority Floor Leader
at Pampanga rep Juan Pablo Rimpy Bondoc, Public Works Committee Chairman at
Zamboanga City Rep Celso Lobregat, Good Government Committee Chairman at
Surigao del Sur Rep Johnny Pimentel, Zmboanga City Rep Manuel Jose Dalipe,
Misamis Occidental Rep Henry Oaminal, Samar Rep Edgar Sarmiento, Negros
Oriental Rep Arnolfo Teves, at Welfare of Children Committee Chairperson at
Zamboanga del Sur Rep Divina Grace Yu.
<< Home