Thursday, July 30, 2020

-Inisnab ng DILG ang isang hearing sa Kamara

Sinisi ni Anakalusugan Rep Michael Defensor si Interior Secretary Eduardo Año dahil sa hindi nito pagsipot sa hearing ng House Committee on Good Government and Public Accountability hinggil sa isyu tungkol sa mga locally stranded individual LSI.


Inatasan kaagad ni Defensor ang komite na magpadala ng isang strongly worded na sulat para sa secretary ng Department of Interior and Local Government dahil sa pang-iinsulto nito sa komite dahil sa hindi nito pagsipot o pagpadala man lamang ng kinatawan sa hearing.


Pagtatanong pa ni Defensor kung bakit at anong nangyari na ang kagawarang incharge ay wala upang magbigay ng paliwanag hinggil sa problema.


Dapat daw maipaliwanag nila ito kung may problema, sa pondo o sa assistance at hindi pwedeng hindi sila magsalita tungkol dito sa isyu na ito.


Si Defensor ang nag-preside sa hearing kahapon.


Dahil dito, nagbanta ang solon na may budget deliberations ang Kongreso at kung ganito ang performance ng DILG sa ngayon na merong mga stranded at sa darating na panahon at sa palagay daw niya, hindi lang ang buong komite kundi ang buong Kongreso na ang gagawa ng pamamaraan patungkol sa budget ng DILG.

-Pagbebenta ng produkto gamit ang electronic platform, papatawan na ng 12% VAT

Papatawan na ng Value Added Tax (VAT) ng pamahalaan ang mga digital service providers na gumagamit ng digital at electronic platforms tulad ng Netflix, Spotify, Lazada, Shopee at iba pa.


Sinabi ni Albay Rep Joey Salceda, chairman ng House Committee on Ways and Means, na inaprubahan na ng kaniyang komite ang panukalang batas  para pagbayarin ng 12 % VAT ang mga dayuhan at lokal na kumpanya na nagbebenta ng mga produkto gamit ang digital at electronic platforms.


Ang nasabing bill ay naglalayong amiyendahan ang Section 105-A ng National Internal Revenue na may probisyon sa mga non-resident digital service providers na magbayad ng tax sa gobyerno.


Ayon kay Salceda, ang mga malalaking kumpanya katulad ng Netflix at Spotify na nagbebenta sa Pilipinas ay dapat magbayad na ng 12% VAT.


Ngunit hindi na raw magbayad ang mga ito ng income tax dahil hindi naman sila nirequire na magkaroon ng domicile dito sa ating bansa.


Kung maging batas, inaasahan na kikita ang pamahalaan ng P10 bilyon sa buwis.

Wednesday, July 29, 2020

-Nadagdagan pa ng apat ang kaso ng COVID-19 sa Kamara, dahilan para umabot na sa 27

Nakapagtala pa ng apat na dagdag na kaso ng coronavirus disease sa House of Representatives dahilan para umabot na sa 27 ang kabuuang kasong naitala rito.


Kinumpirma ito ni House Secretary General Jose Luis Montales nitong Lunes.


Ayon kay Montales na miyembro ng House security staff ang panibagong nagpositibo matapos na sumailalim sa swab test nitong Linggo bilang parte ng protocol para sa State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Naka-isolate naman na ang staff na nagpositibo. Nasabihan ito nitong Lunes, ani Morales.


Kabilang din sa bilang ng nagpositibo sa COVID-19 ang nauna nang naiulat na si Deputy Speaker Johnny Pimentel.


Samantala, dalawang miyembro naman ng House housekeeping staff ang nagpositibo rin sa COVID-19.


Agad na ikinasa ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga nagpositibo sa sakit.

Tuesday, July 28, 2020

-Tuloy ang palitan ng speaker sa Kamara batay sa napag-usapan — Speaker Cayetano

Ipinahayag ni House Speaker Alan Peter Cayetano na tuloy ang palitan ng Speaker sa Kamara de Representantes sa Oktubre at walang magbabago sa napag-usapan.


Sinabi ni Cayetano na personal commitment daw niya ito kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang head ng koalisyon at dahil dito, hihintayin niya kung ano ang sasabihin ng Pangulo.


Ayon kay Cayetano, tuloy ang napagkasun­duan nila ni Marinduque Rep Lord Allan Velasco.


Idinagdag pa ng Speaker na wala naman umanong nagbago sa kanilang mga napagkasunduan at ang usapan daw naman nila na hindi na magpapalit lahat ng ibang chairman at kung sakali man, isa o dalawa lamang dito at ang Speaker.


Sa kasunduan daw na inayos ni Pangulong Duterte, magsisilbi siya sa loob ng 15 buwan habang si Velasco ay sa huling 21 buwan ng administrasyon hangang sa 30 Hunyo 2022.


Si Velasco ay kilalang malapit sa presidential daughter na si Davao City Mayor Sara Duterte.

-COVID-19 patients, dapat ipadala na sa mga ospital sa probinsiya

Nag-alala si ACT-CIS Partylist Representative Niña Taduran sa mga pasyenteng may Covid-19 na hindi na matanggap sa mga ospital sa Metro Manila. 


Dahil dito, iminungkahi ng solon na ilipat na sa mga pagamutan sa kalapit lalawigan ang mga pasyenteng hindi na matanggap sa mga ospital sa Metro Manila dahil puno na ng mga pasyenteng may Covid. 


Ayon sa kanya, kailangang mailagay sa tamang pasilidad ang mga pasyenteng may Covid-19. Gayundin, hindi na aniya kakayanin ng mga healthcare workers sa Metro Manila ang mga dumaraming pasyente sa kanilang ospital.


Idinagdag pa ng mamanabatas na kung wala nang available rooms sa mga hospital sa Metro Manila, bakit hindi daw dalhin ang mga pasyente sa pagamutan sa labas ng NCR at gamitin ang One Hospital system ng DOH para malaman kung saan puwedeng dalhin ang mga pasyente.


Hindi rin daw puwedeng magdagdag lang ng Covid beds ang Metro Manila hospitals ngunit hindi naman nila madagdagan ang mga healthcare workers nila.


Dahil dito, hiningi ni Taduran ang kooperasyon ng mga pinuno ng local government units sa mga lugar ng ospital na paglilipatan ng mga pasyente.

Monday, July 27, 2020

-Kabuhayan, Kaligtasan, at Kaunlaran ang kabuuan ng SONA ng Pangulo, ayon sa isang solon

Naging malinaw ang Pangulong Rodrigo Roa Duterte // sa kanyang State of the Nation Address o SONA // sa paglahad niya ng mga administration priorities // sa susunod na mga araw, linggo at buwan.


Bilang reaksiyon dito, // sinabi ni House Majority Leader at Leyte Rep Martin Romualdez na // nakita niya na ang misyon ng Pangulo ay nahahati sa tatlong bahagi.


Ang una ay ang maprotektahan ang sambayanang Pilipinas sa gutom at paghihikahos na dulot ng COVID-19 pandemic.


Ang pangalawa ay ang maisalba ang buhay ng tao at mabawasan ang bilang sa populasyon na magkakasakit ng coronavirus.


At ang pangatlo ay ang maisulong ang mga budgetary measures na kinakailangan // upang ganap na maipatupad ng pamahalaan ang isang responsive at sustainable recovery program.


Ayon kay Romualdez, sa madaling salita, // ito ay Kabuhayan, Kaligtasan, at  Kaunlaran.


Walang duda, dagdag pa ng mambabatas, // na ang bansa ay kasalukuyang kumakaharap ng giyera laban sa COVID-19, // isang hindi nakikitang kalaban // at ang ating commander-in-chief na si Pangulong Duterte // ay malinaw na naglatag ng mga battle plan // para tayo ay maging matagumpay sa ating laban sa bandang huli.


Dahil dito, nanawagan ang solon sa bawat mamamayan // na maging bahagi ang bawat isa // sa kabuuang tugon ng gobyerno // na labanan ang pandemyang ating kinakaharap.

Sunday, July 26, 2020

COVID-19 recovery roadmap at 2021 budget ang maging sentro ng mga panukalang talakayin ng Kamara — Romualdez

Ipinahayag ni House Majority Leader Martin Romualdez na ang pagpasa ng 2021 national budget at ng COVID-19 roadmap for recovery ang magiging sentro ng Second Regular Session ng 18th Congress.


Sinabi ni Romualdez na inaasahan niya na ilatag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong detalye ng kanyang COVID-19 roadmap at ang iba pang mga kailangang measures mamayang hapon sa kanyang State of the Nation Address o SONA.


Ayon sa kanya, sisikapin nila sa Kamara de Reprentantes na ulitin ang bilis ng pagtalakay ng budget na kanilang pinasa para taong ito.


Ang dating panukalang budget ay ipinasa nila sa third and final reading, September 20, isang buwan matapos itong isinumite ng Department of Budget and Management.


Ito na ang pinaka-mabilis na budget approval na ginawa ng Kamara sa kasaysayan nito.


Idinagdag pa ng Majority Leader ng Kamara na itutuloy ng House ang pagtalakay sa ilan pang mga panukala na hiniling ng Pangulo noong dati niyang SONA.

Thursday, July 23, 2020

Handa na ang Batasan Complex para SONA sa Lunes

Dadaan muna sa dalawang COVID-19 tests // ang mga mambabatas, opisyales at mga staff member // na papayagang mag-attend sa Lunes sa // pang-limang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte // sa Batasan Plenary Hall.


Sinabi ni Deputy Secretar-General Ramon Ricardo Roque na // ang mga SONA attendees ay dadaan muna // sa reverse transcription polymerase chain reaction // o (RT-PCR) tests sa ika-dalawamput-anim ng Hulyo // at sa ika-dalawamput-pito naman para sa rapid tests.


Ayon pa kay Roque, // mayroong sari-sariling collection venue naman // ang mga para Senado at mga para sa Malakanyang.


Idinagdag pa niya na // hindi pinapayagan ang Media coverage ng Second Regular Session opening // at sa SONA.


Ang sesyon ay mag-oumpisa dakong alas diyes ng umaga // at ito ay inaasahang mag-aadjourn matapos ang opening speech ni Speaker Alan Peter Cayetano // at ang SONA naman ay magaganap dakong alas kuwatro ng hapon.


Sinabi ni House Secretary-General Jose Luis Montales na // ang less than 25 members ng House na mag-aattend sa opening ng session // ay ang maging present lamang din sa plenaryo sa SONA.


Mahigpit na ipapatupad din ang mga health protocol // kagaya ng paggamit ng face mask at face shield // at maglalagay din ng floor markings sa lahat ng mga entrance // batay na rin sa social distancing policy // at gayun din, limitado sa apat lamang ang puwede sa mga elevator.


Sinabi naman ni House Sergeant-at-Arms Ramon Apolinario na // umpisa ngayong araw na ito ay magpapatupad na sila // ng lockdown sa buong Batasan Complex.

Mataas na kompensasyon para sa mga doktor ng pamahalaan, ipinanukala

Itinutulak ngayon sa Kamara de Representantes // angpanukala na mag-aalok at maghihikayat // sa mga lisensiyadong medical doctor sa bansa // ng mataaas at desenteng kompensasyon // at mga benepisyo kada buwan // lalo na ngayong COVID-19 pandemic.


Sa HB03924 na inihain ni Quezon City Rep Anthony Peter Crisologo, // layon nito na i-encourage ang mga lisensiyadong medical physician // na mag-trabaho at i-offer ang kanilang serbisyo sa gobyerno // sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga benepisyo at minimum compensation // na hindi bababa sa Salary Grade 24 // na may buwanang sahod na nasa pagitan ng // P80,000 at P90,000.


Sinabi ni Crisologo na ito ay mag-aaplay // sa lahat na mga doctor na regular employees // ng mga Local Governmet Units LGUs at ng national goverment // na nagsi-serbisyo bilang mga medical practitioner // ng hindi bababa sa apatnapung oras kada linggo.


Idinagdag ng solon // na kung sila ay ma-aassign sa mga malalayo at depressed o conflict areas, //sila ay makatatanggap ng subsistence allowance at hazard pay.


Ayon sa kanya, //?may malaking pangangailan ng mga doktor ang ating bansa sa kasalukuyan // lalo na at tayo ay nasa gitna ng ating pakikipaglabang puksain // ang pandemyang ating kinakaharap.

Wednesday, July 22, 2020

Tanging korte lamang ang may kapangyarihan na desisyunan ang mga diumanong paglabag ng ABS-CBN

Iginiit ng isang mambabatas // na ang korte lamang ang may kapangyarihan // na desisyunan ang mga nasilip na paglabag ng ABS-CBN


Mariing iginiit ni Albay Rep Edcel Lagman // na tanging ang korte lamang ang makakapagpasya // sa mga nasilip na franchise violation ng ABS-CBN.


Ayon kay Lagman, // hayaan na lamang ang korte na magpasya at magpataw ng mga penalty // kapag napatunayan ang paglabag.


Komento naman ni Lagman // sa pinagdaanan ng ABS-CBN sa mga naganap na congressional inquiry, // mistulang nahatulan na sa kamara ang network // base sa pagtatanong na ginawa ng mga kasamahan niyang mambabatas.


Punto ni Lagman, // hindi dapat pahintulutan ang in aid of persecution sa kongreso.


Matatandaan na // iimbestigahan pa ng house blue ribbon committe ang ABS-CBN deal sa AMCARA // at kasama sa mag-iimbestiga ay ang NBI.

Financial assistance na P100,000 para sa naiwang pamilya ng mga OFW na namatay dahil sa COVID-19, ipinanawagan

Nanawagan si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez sa pamahalaan // na pagkalooban ng P100,000 cash assistance // ang naiwang pamilya ng nasa 301 Overseas Filipino Worker o OFW // na namatay dahil sa sa COVID-19.


Mungkahi ni Rodriguez // na idagdag sa proposed Bayanihan 2 o // We Recover as One Law ang ayuda // bilang pagbabalik loob sa kabayanihan ng mga pinoy worker.


Giit ni Rodriguez, // hindi matatawaran ang serbisyo ng mga OFW // sa gitna ng umiiral na COVID-19 pandemic // na naging dahilan ng kanilang pagkasawi.


Punto ni Rodriguez, // iba pa ang mungkahi niyang ayuda // sa assistance naman na ibibigay ng DOLE at OWWA // sa pamilya ng mga biktima.


Nanawagan naman si Rodriguez // sa mga local government units // na magpaabot din ng tulong sa mga constituents nila // na kasama sa COVID-19 casualty sa ibang bansa.

Dalawang venue ang naka-set up sa Lunes para sa SONA) ng Pangulo

Dalawang venue ang naka-set up sa Lunes // para sa gaganaping ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte. 


Sa isinagawang briefing via Zoom, // sinabi ni RTVM Executive Director Demic Pabalan na // dalawang venues ang aktibo sa SONA, // ang Mababang Kapulungan at ang Malakanyang. 


Paliwanag ni Pabalan, // ginawa nila ito sakaling magkaroon ng mga last-minute changes o aberya // sa araw ng SONA ng Pangulo. 


Aniya, // ikinukunsidera din nila ang magiging resulta ng swab at rapid test // ng mga dadalo sa SONA. 


Sakaling mataas ang bilang ng mga magpositibong guest sa gagawing testing // ay posibleng mag-switch over sila sa Malakanyang // at doon na magsagawa ng kanyang ulat sa bayan si Pangulong Duterte. 


Hindi naman ito ipinagbabawal dahil // ilang Pangulo ng bansa na rin noon ang nagsagawa // ng kanilang SONA sa labas ng Batasan // at naging tradisyunal na lamang na gawin ang SONA // sa plenaryo ng Kamara. 


Samantala, sa ikatlong pagkakataon // ay si Bb Joyce Bernal ulit ang magiging director ng SONA ng Pangulo. 


Ipagbabawal naman na ang live-singing // ng Lupang Hinirang at sa halip ay video playback na lamang // ang gagawin kung saan mga bata na kumakatawan sa Luzon, Visayas at Mindanao // ang kakanta ng pambansang awit. 


Sinabi naman ni House SecGen Atty Jose Luis Montales // na wala na ring welcoming committee na sasalubong at kakamay sa Pangulo // sa pagdating nito sa Lunes bilang pagsunod na rin sa health protocols. 


Posibleng diretso na ito sa Speaker's Office // para maghintay o kaya naman ay sa mismong plenaryo na // para maghatid ng kanyang ulat sa bayan.

Monday, July 20, 2020

Kompletong talaan ng mga namatay sa Bilibid, dapat isiwalat

Hiniling ni ACT-CIS Partylist Representative // Niña Taduran ang buong listahan ng mga napaulat na nasawi // sa loob ng New Bilibid Prisons. 
Nais din ni Taduran // na isailalim sa otopsiya ang mga namatay na bilanggo, // kasama na ang mga sinasabing nasawi sa Covid-19. 
Sinabi niya na nakakapagduda umano ang pangyayari // at kung bakit napakagaling naman yata umanong pumili ng virus // dahil sa diumanong pagkamatay ng high profile inmate // na si Jaybee Sebastian bunga ng Covid-19. 
Pinaiimbigahan kaagad ito ni Taduran // sa National Bureau of Prisons NBP // at sa Department of Health DOH // at humihingi rin siya ng buong medical report ng kaso ni Sebastian // simula ng unang araw na ito diumano // ay nagkaroon ng Covid-19 infection. 
Ayon sa kanya, hindi naman maaaring pina-cremate agad // at wala nang detalye na ibibigay sa atin // dahil dapat ma-account din lahat ng high profile criminals // at kung sakaling may anomalya, // dapat ay may managot dito.
Hinihingi rin ng mambabatas sa DOH // na magpalabas ito ng panuntunan // kaugnay ng pag-ootopsiya sa mga namatay // na may kinalaman sa Covid-19.

eCommerce Bureau na poprotekta sa online consumers, pasado na sa Kamara

Inaprubahan na ng House committee on trade and industry // ang panukalang magtatatag ng Electronic Commerce Bureau // na may layuning poprotekta sa mga online consumer at mga merchant.
Sinabi ni Valenzuela Rep Wes Gatchalian // na ang panukala ay magri-regulate // sa lahat na mga trasaksiyong pang-komersiyo ng business-to-business // at business-to-consumer sa pamamagitan ng internet retail,// kasama na rito ang online travel, online media, ride hailing services at digital financial services.
Ayon kay Gatchalin na siya ring may-akda ng panukala, // ang consumer-to-consumer transactions, o yong kinokonsiderang petty, // one-off, o paminsan-minsang mga low value transaction // ay hindi sakop dito sa panukala.
Idinagdag pa ng solon // na ang eCommerce Bureau // ay ang siyang magsilbeng central authority // kung saan ang mga consumer at ang mga merchant // ay dudulog kung sila ay magkaroon ng problema // na may kaugnayan sa eCommerce transaction // para sa out-of-court resolution ng mga ito.
Nais ng panukala // na gawing liable ang mga online platform // kagaya ng Lazada, Shopee at Zalora // kung ang mga ito ay nagbibenta ng mga item // na hindi nagko-comply sa batas at walang kaukulang registration // sa mga angkop na regulatory agency.
Ipapasa na ng komite ang panukala sa plenary // para aprubahan ito sa pangalawa at pangatlong pagbasa.

Cha-cha, tatalakayin ng Kamara matapos ang SONA

Nasa agenda na ng Kamara  // ang pagtalakay sa pag-amiyenda // ng 1987 Constitution // kahit ang bansa ay kumakaharap ngayon // sa COVID-19 pandemic.
Ito ang napagpasyahan // ng mga mambabatas // batay na rin sa resolusyong ipinasa // ng 1,488 na mga miyembro // ng League of Municipalities of the Philippines // (LMP) // para itulak ang pagpapalit ng Saligang Batas // na aamiyenda sa ilang probisyon // hinggil sa ekonomiya.
Sinabi ni House Committee on Constitutional Amendments chairman // Rufus Rodriguez // na magpapatawag siya // ng isang virtual meeting // sa loob ng dalawang linggo // ng kanilang sesyon // upang talakayin ang panukala ng mga town mayors // alinsabay na rin // sa ilan pang mga nakabinbin // na mga measure sa komite.
Layon ng charter change // na payagan ang ilang foreign investments // ng 100% na pagmamay-ari ng banyaga // sa mga lupain ng Pilipinas // na bawal sa 1987 Constitution.
Ngunit pinangambahan // ng ilang mga tagamasid // na baka maisuko natin // sa mga banyaga // ang nalalabing patrimonya ng bansa // kung tanggalin ang // 60-40 ownership restriction // sa ilang industriya.
Maaari rin daw isingit dito // ang term extension para kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Planong pulungin ni Rodriguez // ang panel matapos ang State of the Nation Address // (SONA) ng Pangulong Duterte sa ika-27 ng Hulyo.
Matagal nang tutol // ang ilang sektor sa mungkahing cha-cha, // na dati nang ginagamit // para tumungo ang gobyerno sa pederalismo.

Pagbili ng mga learning modules para sa blended learning, hindi dapat ipasa sa mga guro

Hindi dapat ipasa sa mga guro ang mga gastusing learning modules na gagamitin ngayong pasukan.
Sinabi ni Deputy Majority Leader Bernadette Herrera-Dy na mayroon namang ninety billion five pesos na budget ang department of education para sa mooe o ang maintenance and other operating expenses sa ilalim ng 2020 general appropriations act.
Ayon kay Herrera-Dy, maaaring kunin mula sa pondong ito ang pang-gastos sa pagpapa-imprinta ng mga modules na kailangan sa iiral ngayong blended system.
Kinuwestiyon ng mambabatas ang deped matapos matukoy na maliban sa kanilang pang araw araw na gastos para sa kanilang pagtuturo, mula pa sa kanilang sariling mga bulsa ang ipanturo.
Nanawagan ang ibang mga guro sa social media ipang mangalap ng donasyong bandpaper at iba pang mga gamit at materyales para sa pagturo at iba pang mga learning modules.
Naniniwala ang kongresista na ang deped sana ang humanap ng solusyon sa pagpapa-imprinta ng mga learning modules at ang mga guro ay kinakapos na rin sa gitna ng pandemya.

Thursday, July 16, 2020

Paalaala ni Marcoleta sa Meralco: may kapangyarihang ang Kongreso na i-revoke ang prangkisa nito

Pinaalalahanan ni Deputy Speaker and SAGIP Rep Rodante Marcoleta reminded the Manila Electric Company (Meralco) na may kapangyarihan an Kongreso na i-revoke ang prangkisa nito kung maipruweba na nilabag nila ang kanilang franchise terms.
Ginawa ni Marcoleta ang pahayag doon sa isinagawang hearing ng House Committee on Good Government and Public Accountability hinggil sa pagtaas ng electricity cost habang ang banda ay nasa enhanced community quaratine.
Sinabi ng mambabatas na dapat humanap ng mga pamaraan ang Meralco na maibaba ang cost ng elektisidad dahil ito naman ang mandato ng kanilang franchise terms.
Sinabihan niya ang kumpanya na ihinto nila ang pagpasa ng halaga ng systems loss sa mga consumer nito.
Bakit daw yung systems loss kailangan pang balikatin ng mga mamamayan, pagtatanong pa solon.
Inaakala umano niya na maaaring hanapan ito ng magandang kaparaanan ng Meralco para huwag nang balikatin ito ng mga mamamayan dahil sila naman dapat ang bumalikat ng systems loss kasi sila yung may negosyo.

Magulo at nakaaalarmang datos kaugnay ng sitwasyon sa COVID-19, pinaaayos ng isang solon

Nananawagan si ACT-CIS Party-list Representative Nina Taduran sa Department of Health (DOH) na umayos ito sa harap ng magulo at nakaaalarmang datos kaugnay ng sitwasyon sa COVID-19 sa bansa.
Nais din ni Taduran na maging tapat at eksakto ang datos na inihaharap ng DOH sa publiko.
Sinabi ng mambabatas na hindi daw nakapag-labas ng updated na datos hinggil sa mga kaso ng COVID-19 noong nakaraang araw ng Linggo at nang sumunod na araw, siya ay nasurprisa sa malaking paglukso ng numero ng positive cases na umabot sa 2,124 at bigla na lamang na pinalitan nila ang reporting.
Wala na raw ‘yung fresh at late cases, at ang additional positive cases na lamang ang lumabas.
Kaya nagtatanong siya tuloy kung bakit bigla na lamang na-realize ng DOH na dapat i-separate ang fresh cases sa late cases o dili kaya ay mga bagong fresh cases lamang ang kanilang inilabas para sa linggong ito.

Wednesday, July 15, 2020

Biktima ng hindi pag-ere ng ABS-CBN ng political ads, hindi lamang si Pangulong Duterte

Hindi nag-iisa si Pangulong Rodrigo Duterte na naging biktima ng ABS-CBN at tila na-estafa, nang hindi umere ang political ads, kundi maging ang ibang mga senador at kandidato mula noong 2010 pa.
Inamin ito ng isang opisyal ng ABS-CBN sa pagdinig ng Kamara sa isyu ng prankisa ng dambuhalang media network.
Ang mga ads na hindi nai-ere ng kompanya ay mula sa presidente, bise president, at mga senador noong eleksiyon at para sa presidente noong 2010.
Sinabi ni ABSCBN president at CEO Carlo Katigbak noong siya ay tinanong ni Dasmariñas City Rep Elpidio Barzaga na wala daw silang information noong 2010, pero malamang na nangyari rin daw to tulad noong 2013 and 2016.
Nauna nang nag-atubili si Katigbak kung magbibigay siya ng detalya pero iginiit ni Barzaga na nangyari rin ang kaso kay Senator Migz Zubiri noong eleksiyon ng 2013.
Ani Barzaga, ang lumalabas na complaint ay tinatanggap daw nila ang bayad pero hindi naman nila inere ang mga political ads, tuloy tanong nito na kung ano ba talaga ang proseso ng network.
Napilitan si Katigbak na aminin ang hindi pag-ere ng ads noong nakaraang mga eleksiyon mula 2010, 2013 at 2016 na ikinagalit ni Duterte.
Ayon kay Katigbak. ang isyu ng hindi pag-ere ay nangyari rin sa mga senador —  gaya nina Ralph Recto, Migs Zubiri, Francis Tolentino, Francis Pangilinan at Leila de Lima.
Inamin ni Katigbak na nangyari rin ang insidente sa mga kandidato para sa bise presidente noong 2016 kasama ang kasalukuyang House Speaker Alan Peter Cayetano, dating senador Bongbong Marcos at Antonio Trillanes IV at sa dating Camarines Sur congresswoman Leni Robredo na ngayon ay bise presidente.

Dating radio and tv frequencies ng ABS-CBN, iminungkahing gamitin para sa alternative distance learning platforms

Ipinanukala ni House Deputy Speaker LRay Villafuerte na gamitin ng pamahalaan ang dating radio and tv frequencies ng ABS-CBN para sa alternative distance learning platforms ngayong pasukan.
Kasama sa inihaing HR01044 ni Villafuerte ang paghahanap ng lahat ng paraan para maisagawa ang distance learning kabilang na ang pagamit sa mga nabakanteng frequency ng Kapamilya Network.
Sinabi ni Villafuerte na maaari ring gamitin ang mga unused frequencies para sa COVID-19 prevention and control pati na sa risk reduction and preparedness tuwing may kalamidad.
Nauna nang pinanawagan ng ABS- CBN sa NTC na huwag munang bawiin ang lahat ng mga assigned radio frequencies kung saan sakop ang 42 television stations, 23 radio stations at 10 digital broadcast channels.
Si Villafuerte ay isa sa 70 kongresista na bumuto ng NO para sa ABS- CBN franchise application.

Tuesday, July 14, 2020

Pagpapabilis ng internet lalo na sa mga probinsiya, ipinanukala

Iminungkahi ni House ways and means committee chairman at Albay Rep Joey salceda na palawakin ang satellite technology at pabilisin pa ang internet lalo na sa mga probinsiya.
Ito ay nakapaloob sa kanyang panukalang batas na inihain sa Kamara de Representantes, ang HB07081, na tataguriang Satellite-Based Technologies Promotion Act of 2020.
Sinabi ni Salceda na chairman ng House tax panel na susuportahan ng HB 7081 ang higit na matibay na digital economy lalo na ang sektor ng mga work-from-home o mga nagtatrabaho mula sa kanilang mga tahanan sa gitna ng pandemya.
Bukod pa dito, tututukan din aniya nito ang distance learning program ng mga paaralan ngayong may pandemya.
Aamyendahan at luluwagan ng din ng panukalang batas ang mga paghihigpit sa paggamit ng teknolohiyang satellite na ngayon ay bukas lamang sa mga kumpanyang pang-telekumunikasyon gaya ng isinasaad ng Executive Order No. 467 noong taong 1998.
Idinagdag pa niya na ginawa ng COVID-19 na mahalagang bahagi ang internet connectivity sa pagbangon ng ating ekonomiya.
Paliwanag pa ng solon na mawawalang saysay ang work-from-home kung wala ito na sadyang mahalaga at kailangan sa pagbangon ng ating bansa.

Dapat unahin ng Kamara ang pag-amiyenda sa Centenarian Act—solon

Iminungkahi ni Ang Probinsyano party-list Rep Alfred Delos Santos sa Kamara na dapat unahin ang amiyenda sa Centenarian Act na nagbibigay ng pinansiyal na insentibo sa mga senior citizens lalo ngayong panahon ng pandemya.
Sinabi ni Delos Santos na dapat palawakin ang benepisyo para sa mga seniors.
Ayon sa kanya, ang pag-amiyenda sa nabanggit na batas ay makapagbibigay ng karagdagang mga benepisyo sa ating mga senior citizen na isinasaad naman sa batas.
Sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), nagsa­sabi ito na ang dumaraming senior citizens sa bansa sa kabila na nanatili ang median age na nasa 23 taong gulang lamang noong 2010.
Paliwanag pa ni De Los Santos na ang seniors ay 4.57 milyon noong 2000 at naging 7.55 milyon na noong 2015.
Ayon sa PSA 38 porsiyento ng mga seniors ay 70 taong gulang pataas.
Iginiit pa ng mambabatas na habang lumalaki ang populasyon ng mga lolo at lola, huwag dapat silang paghintayin pa nang matagal para sa mga benepisyong para sa kanila naman. 
Sa House Bill No. 4067 na inihain ni Delos Santos, gusto niyang i-advance na ang P100,000 cash incentive para sa mga umabot 100 years old.
Aniya, dapat ibigay na ang P25,000 sa mga 70 anyos; sa mga 80 anyos; sa 90 anyos; at ang P100,000 pagdating ng 100 anyos.

Monday, July 13, 2020

Rep Vilma Santos-Recto, handang harapin kung anuman ang maging kahihinatnan sa kanya sa pabor niyang boto sa ABS-CBN franchise

Sinabi ni Deputy Speaker at Batangas Rep Vilma Santos-Recto na haharapin niya kung anuman ang maging kahihinatnan ng kanyang pagboto ng pabor sa franchise renewal ng ABS-CBN Corporation.
Ayon kay Santos-Recto, nangyari na umano ito sa kanya noong bomoto siya ng ‘no’ sa death penalty dahil sinabi daw sa kanya na kailangan masuportahan ang major bill na yon at sa kasawiang palad ay inalis ang chairmanship ng committee dahil nanindigan siya sa boto niyang ‘no’ doon.
Inalis siya bilang House Committee on Civil Service and Professional Regulation chairperson noong inaprubahan ng 17th Congress ang Death Penalty Bill noong 2017.
Ngunit wala pa naman daw pasabi hinggil sa parusa galing sa House Leadership sa gitna ng espekulasyon na ang mga bomoto ng pabor sa franchise ay ipi-penalize.
Samantala, sinabi naman ni Legislative Franchises Committee Chairman at Palawan Rep Franz Alvarez na naging pinal na ang desisyong tanggihan ang franchise application dahil wala naman umanong miyembro ng Kamara ang nag-move for reconsideration matapos ang 24 oras.

Saturday, July 11, 2020

Isa na namang empleyado ng Kamara, nagpositibo sa COVID-19

Isang na namang kawani ng House of Representatives Secretariat na nakatalaga sa Legislative Security Bureau ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Ito ang ika-labingtatlo nang empleyado ng Kamara na nagkaroon ng nabanggit na sakit.
Sinabi ni House Secretary General Atty Jose Luis Montales na nitong Sabado, iniulat sa kanya ng hepe ng naturang security staff na ito ay nagpositibo sa COVID-19.
Batay sa advise na kanyang natanggap, ayon pa ka Montales, ang naturang miyembro ng security ay naka-assign sa office at barracks ng security bureau.
Idinagdag pa ng secretary-general na huling pumasok sa trabaho ang staff member noong Hulyo 6.
Kasalukuyang naka home quarantine na umano ang pasyente at isinasagawa na rin ang contact tracing nito.

Wednesday, July 08, 2020

Open at transparent ang pagtalakay ng Kamara sa ABS-CBN franchise

Tinuring ni House Speaker Alan Peter Cayetano na naging “open and transparent” ang pagtalakay ng Kamara sa ABS-CBN Franchise na siya ring dapat na gawin sa iba pang kumpanya na nag-aaply ng prangkisa sa Kongreso.
Sinabi ni Cayetano na nagkaroon na ng 12 hearing ang ABS-CBN franchise renewal application kung saan binusisi nang mabuti ang mga isyu na pinupukol sa network.
Sa naging pagdinig ay tinanong ang ABS-CBN ukol sa akusasyon ng pagiging “media bias” nito at sinabi ni Cayetano na susulatan niya ng personal ang broadcast network para hingin ang paliwanag nito sa naging paraan ng coverage ng network noong 2016 presidential election.
Ano bang ibig sabihin ng media bias, pagtatanong ng Speaker, at dahil lahat daw ng politiko, kapag kinriticize ng network, sasabihin naman nila na biased kayo against us, pero trabaho niyo to hold us accountable. 
Saan naman daw ang linya at  when do we cross the line? It’s a good discussion sa ating lahat, paliwanag ni Cayetano.
Natalakay na umano ang usapin sa tax, labor at labor issues sa hearing at ang huli  na pag-uusapan sa ABS-CBN franchise ay kung ang media ay gagamitin ang public airwaves para suportahan o tatargetin ang isang kandidato.
Iginiit pa niya na these are allegations, so we have to hear all of the sides.

Dapat i-compensate ng Ayala isang unit ang mga Iloilo coastal community para sa oil spill

Sinabi ni AnaKalusugan Rep Mike Defensor na dapat i-compensate ang mga community ng may-ari ng power barge na nakapagpa-sabog at nagpakalat ng langis sa baybayin ng Iloilo City dahil nag-suffer and mga ito ng econimic loss bunsod ng nabanggit na accidental discharge.
Ayon kay Defensor na kasalukuyang ng House committee ng accounts at dating environment and natural resources secretary, umaasa din sila sa Kamara na gagastusan ng AC Energy na siyang operator ng power barge ang cleanup ng spill.
Ang AC Energy ay isang power arm ng conglomerate na Ayala Corporation.
Iginiit ng mambabatas na nagpapataw ng estriktong liability ang Oil Compensation Law of 2007 o ang RA 9483 para sa mga oil pollution dmage at ito ay gumagarantiya ng sapat na reparation ng lubhang apektado at napinsalang mga mamamayan lalu na yaong mga dumidepende sa pangingisda at seashell harvesting.
Idinagdag pa ni Defensor na batay sa batas, ang mga mayari ng sasakyang pandagat na naging sanhi ng pollution damage o nakapag-gawa ng matinding perwisyo at napipintong banta ng naturang damage o pinsala.
Batay sa ulat ng Philippine Coast Guard, ang pagsabog ng fuel storage tank ng Power Barge 102 noong nakaraang Biyernes na naging sanhi ng pagtagas ng may 251,000 litro ng petroleum kinabukasan sa baybayin ng Baranga Barrio Obrero sa Iloilo.

Tuesday, July 07, 2020

Botohan tungkol sa ABS-CBN, puwede nang isagawa sa susunod na pagdinig ng komite sa Kamara

Ipinahayag ni House Committee on Legislative Franchises Chairman Franz Alvarez na titignan ng komite kung maaari nang tapusin ang hearing tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN at magkaroon ng botohan sa susunod na pagdinig.
Ipinaliwanag ni Alvarez na bagamat joint hearing ang kanilang ginagawa kasama ng House Committee on Good Government, ang botohan ay para lamang sa 46 miyembro ng House Committee on Legislative Franchises at sa 44 pang House officials na kinokonsidera bilang ex-officio members.
Ayon sa kanya, kung “No vote” ang mananalo ay nangahulugang katapusan na ng prangkisa ng ABS-CBN, subalit kung manalo ang “Yes Vote” ay iaakyat ang isyu sa House Plenary na pagbobotohan muli ng 302 member ng Kamara.
Ang sesyon ng Kamara ay babalik pa sa Hulyo 27 kaya dito pa lamang masisimulan ang deliberasyon sa ABS-CBN sakaling umakyat ito sa plenaryo.

Dapat ilatag ang bagong template para sa itatayong evacuation centers na resistant sa COVID-19

Pinaglalatag ni House Deputy Speaker Johnny Pimentel ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng bagong template para sa pagtatayo ng emergency evacuation centers na resistant sa COVID-19.
Ang rekomendasyon ng kongresista ay bunsod na rin ng inaasahang sunud-sunod na kalamidad tulad ng mga bagyong tatama sa bansa.
Ayon kay Pimentel, hindi nila gugustuhin na ang mga evacuation centers pa ang maging dahilan ng mabilis na pagkalat ng virus partikular na sa mga komunidad na kinakailangang ilikas agad dahil sa baha. 
Dahil dito, hihimukin daw niya ang NDRRMC at ang Inter-Agency Task Force (IATF) na maglatag ng mga bagong standards at guidelines para sa mga bagong evacaution centers na resistant sa mga highly contagious respiratory diseases.
Hindi na aniya maaaring ilagay sa mga temporary shelters, school buildings at gymnasiums ang mga residente kapag bumagyo dahil wala ditong sapat na precautionary measures laban sa COVID-19.

Posisyon ng ABS-CBN na ipinaalis diumano ng kongresita ang news and current affairs nito, hindi katanggap-tanggap—solon

Sinabi ni Good Government and Public Accountability Vice Chair at Anakalusugan Partylist Representative Michael Defensor na hindi katanggap-tanggap ang position paper ng ABS-CBN kung saan nakasaad na ipinaaalis diumano ng kongresista ang news and public affairs ng giant network
Iginiit ni Defensor na hindi aniya kailanman sinabi niya na alisin ang news and public affairs ng network dahil sa pagiging bias.
Paliwanag ng kongresista, nagkaroon pa nga sila ng huddle o pag-uusap sa pagdinig noong June 25 ng kinatawan ng ABS-CBN at humingi pa sa kanya ng tulong para maiwasan ang pagpapasara sa TV Plus upang mapanatili ang trabaho ng kanilang mga empleyado.
Kanya ding sinabi na umabot sana sila sa isang sitwasyon na payagan muna ang pag-ere ng ilang programa nila sa black box habang ongoing pa ang imbestigasyon.
Agad namang sinabi ni ABS-CBN News Head Regina Ging Reyes na ‘noted’ ang sentimyento ni Defensor na siya namang hindi nagustuhan ng kongresista.
Dahil dito, inako na ni ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak ang responsibilidadat pagsabi sa mga kongresista na ire-review nila ang statement at magsusumite ulit sila ng panibago.

Establisamiyentong lumalabag sa GCQ, ipasara ng tuluyan

Nananawagan si ACT-CIS Partylist Representative Niña Taduran sa pamahalaan na parusahan at tuluyang ipasara ang mga establisamiyentong lumalabag sa panuntunan ng community quarantine. 
Nakarating sa kaalaman ni Taduran na ilang mga pasugalan ang nananatiling bukas at nagsasagawa ng operasyon, lalu na ang pagbubukas ng VIP o private rooms para sa kanilang mga suking kliyente.
Nalaman ito ng mambabatas makaraang magreklamo ang pamilya ng isang 80 taong gulang na lola na nakakatakas ang matanda sa bahay kasama ang mga amigang senior citizen para magsugal. 
Sinabi ng mambabatas na nakatanggap daw siya ng impormasyon na isang casino ang tamatanggap ng parokyano na karamihan ay mga senior citizen kahit may ipinatutupad sa general community quarantine.
Ayon sa kanya, naiintindihan niyang nais lang ng mga taong maglibang sa harap ng stress dahil sa pandemya ngunit maaari naman aniya itong gawin sa bahay kasama ang pamilya.

Sunday, July 05, 2020

Pagbubotohan na ang kahihinatnan ng ABS-CBN

Matapos ang labing-isang pagdinig tungkol sa aplikasyon ng ABS-CBN na magkamit muli ng prangkisa nito, pinahayag ng House Legislative Franchises committee na dumidinig nito na pagpapasyahan na ng nito ang kahihinatnan ng franchise application ngayong linggong ito.
Ipinahayag ng naturang committee noong nakaraang Sabado na maaaring pagbubotohan na nito ang aplikasyon ng ABS-CBN para sa isang panibagong 25-year franchise mamaya.
Noong ika-2 ng Hulyo, ang panel na nagsagawa ng mga hearing hinggil sa ABS-CBN franchise, kasama ang House Committee on Good Government and Public Accountability ay ang huling diskusyon sa mga isyu laban sa ABS-CBN.
Kinumpirma ni chairman Franz Alvarez na posibleng pagbubotohan na ng mga lawmaker ngayong araw na ito kung matapos nilang pug-usapan ang pinaka-last topic, ang alegasyong bias reporting ng ABS-CBN.

Pagdinig sa ABS-CBN franchise, tatapusin na

Ang kapalaran ng ABS-CBN sa pamamagitan ng gagawing botohan kung dapat pa bang mabigyan ng  panibagong 25 taong prangkisa upang makapagpatuloy ng operasyon ang media giant sa bansa.
Sinabi ni House Committee on Legislative Franchises Chairman at Palawan 1st District Rep Franz “Chicoy” Alvarez na mamaya (sa Lunes, Hulyo 6) ay posibleng tapusin na ang pagdinig.
Sinabi ni Alvarez na tapusin na lang ang hearing, kung matapos na magtanong lahat mamaya (sa Monday), last hearing na yun.
Ang komite ni Alvarez at ni 1st District Bulacan Rep Jose Antonio Sy-Alvarado, chairman ng House Committee on Good Government ang nagsasagawa ng pagdinig sa ABS-CBN.
Ayon naman kay Sy-Alvarado, matapos ang pagdinig ay magbobotohan na ang mga Kongresista kung dapat ba o hindi na mabigyan ng prangkisa ang network o tuluyan nang tuldukan ang operasyon nito.
Kaugnay nito, umaasa naman si ABS-CBN President and Chief Executive Officer Carlo Katigbak na papaboran ng mga Kongresista na mabigyan pa ng pagkakataon ang network na makapagpatuloy ng operasyon na mahabang panahon na itong kaagapay ng mga pamilyang Pilipino.

Dapat aksiyunan na agad ng Kamara ang Bayanihan II bill

Dapat ipasa na agad ng Kamara de Representantes ang panukalang Bayanihan II sa pagbabalik ng sesyon nito sa huling linggo ng buwan.
Sinabi ni San Jose del Monte, Bulacan Rep Florida Robes, isa sa may-akda ng House bill 6953, mahaba pa ang laban ng gobyerno sa coronavirus disease 2019 at sa epekto nito.
Kailangan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sapat na kapangyarihan upang maipatupad ang extraordinary ngunit mahalagang measures para maprotektahan at matulungan ang ating mga kababayan sa panahong ito hanggang madevelop ang isang gamot o bakuna para sa COVO-10, ayon pa kay Robes.
Kailangan din umano ang economic stimulus programs para matulungang makabangon ang mga negosyo at empleyadong naapektuhan ng ipinatupad na quarantine.

Friday, July 03, 2020

Meralco: Walang mapuputulan ng kuryente hanggang Sept 30

Sa padinig na isinagawa ng Committee on Enery sa Kamara de Rapresentantes noong nakaraang Huwebes, pinalawig pa ng Manila Electric Co. (Meralco) ang suspensyon sa disconnection activities hanggang katapusan ng Setyembre.
Magigunitang nauna nang inanunsyo nito na walang mapuputulan ng kuryente hanggang buwan ng Agosto.
Sa naturang hearing, sinabi ni Meralco president and CEO Ray Espinosa na walang mangyayaring putulan hanggang sa Setyembre 30.
Batay sa patuloy na House investigation, nagbigay ng update si Meralco vice president Victor Genuino kung saan tumugon umano sila sa direktiba ng Energy Regulatory Commission at Department of Energy sa payment extension at installment payments ngayong community quarantine period.
Ang mga bill aniya na ni-release magmula noon pa ay nakabase sa actual readings na kanilang nakamtan galing sa mga metro.
Paliwanag pa ng opisyal, nakalagay sa bill ng buwan ng Hunyo ang mga katagang “meter has been read and it is clearly stated at the front of the bill.”

Thursday, July 02, 2020

Kamara, umaantabay sa komunikasyon galing sa Palasyo kung ito ay magpasya ng special session para sa Bayanihan II

Nangako ang liderato ng Kamara de Representantes na aprubahan nila ang panukalang Bayanihan to Recover as One bill o ang Bayanihan II bill upang matulungan si Pangulong Rodrigo Duterte na makapag-kickstart ang ating ekonomiya at mapa-igting ang paglaban ng pamahalaan sa pagkalat ng COVID-19.

Sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na susuportahan nila ang Pangulo na seguruhin ang survival ng ating bansa at ng ating mga mamamayan dito sa ating hinaharap na pandemya.

Ayon pa kay Cayetano, sila sa House Majority ay nasa full agreement na lahat sila ay magta-trabaho para sa pagpasa ng Bayanihan II.

Dahil dito, inaaantabayanan nila ang official communication galing sa Malakanyang kung sakaling mag-desisyon ang Pangulo na sila ay magdaos ng special session para dito.

Nag-apologize si Rep Remulla sa animo’y pagbabaliwala niya sa tugtog ng Lupang Hinirang

Humingi ng dispensa si House Senior Deputy Majority Leader at Cavite Rep Jesus Crispin Remulla kaugnay sa video na kumakalat sa social media kung saan nagsusulat siya habang tumutugtog ang Lupang Hinirang bilang pagsisimula ng House joint panel hearing sa ABS-CBN franchise issue.
Sinabi ni Remulla na nais niyang mag-apologize para sa nasabing insidente dahil may sinusilat siyang note noong nagpa-flag ceremony sila.
Mabilis niyang sinabi na hindi niya ginawang excuse ang kayang pagsusulat ng note dahil mayroon lamang umanong sumagi sa kanyang isip para mga katanungan niya para gabing iyon.
Siya humihingi ng dispensa sa ating mga kababayan, dagdag pa nito.
Inakusahan naman umano ni Remulla na nagmula ang naturang video sa tauhan ng ABS-CBN.
Sa Republic Act 8491 or the Flag and Heraldic Code of the Philippines, mandato na ang lahat ay dapat kumanta ng national anthem kung ito ay isinasagawa sa public gathering.

Wednesday, July 01, 2020

OFWS na stranded, dapat nang makauwi

Umapela ang ilang mga kongresista kay Pangulong Rodrigo  Duterte na gawan ng paraan para maiuwi ang libo-libong overseas Filipino workers (OFWs) na ilang linggo nang nabibinbin sa ibang bansa at sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sinabi ni House Majority Leader at Leyte Rep Martin Romualdez na naghahanap ng paraan ang liderato ng Kamara na matugunan ang pag-uwi ng OFWs na stranded sa mga airport, bus terminal, at daungan.
Ani Romualdez, chairman ng House committee on rules, magkakaroon ng imbestigasyon ang  House Committee on Accounts sa pamumuno ni Anakalusugan party-list Rep Mike Defensor.
Binigyang diin ni Romualdez ang kahalagahan ng dagdag na flights para makauwi ang OFWs.
Ayon naman kay Defensor, iimbitahan nila ang lahat ng opisyal na may kinalaman sa kapakanan ng OFWs.
Ang pagdinig ay dadalohan ng ilang kongresista pero ang karamihan ay sa pamamagitan ng video conference.

Bagong sakit na swine flu na natuklasan sa China, dapat mapag-handaan na

Nanawagan si ACT-CIS partylist Rep Niña Taduran sa pamahalaan na maghanda sa bagong swine flu na natuklasan sa China at may kapabilidad na maging pandemya. 
Ayon sa Taduran, mas maiging bawasan muna ang importasyon ng karne ng baboy at magsagawa ng estriktong quality control sa pinapapasok na karne sa bansa.
Ang bagong G4 strain ng H1N1 swine flu ay nakaapekto na sa sampung porsiento ng mga manggagawa sa China na nag-aalaga o nagkakatay ng maysakit na baboy.  
Nanawagan din ang mambabatas na bantayan ang mga lokal na nag-aalaga ng ating mga babuyan, pati na rin ang kanilang mga baboy upang matiyak na ang bagong swine flu ay hindi pa nakakaapekto sa mga ito. 

Pagkakaroon ng regional quarantine facility, isinusulong ng Cebu solon

Humingi ng saklolo si Cebu City 2nd District Rep. Rodrigo Abellanosa sa Department of Health (DOH) na tugunan ang kakulangan ng health workers, ambulansya at medical supplies sa lalawigan kasunud na rin ng patuloy na paglobo ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19).
Ayon kay Abellanosa dapat na agad nang umaksyon ang DoH para mapigilan ang pagdami pa ng covid cases.
Ang apela ay ipinarating din ni Abellanosa sa Cebu Medical Society.
Sinabi naman ni Environment Secretary Roy Cimatu, na siyang nangangasiwa sa COVID-19 response sa Cebu City, na 30 percent dagdag na health worker ang kailangan sa lalawigan at inirekomenda din nya na isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang buong lalawigan.
Sinabi nito na ang isolation centers na inilagay sa mga barangay ang siyang nagbigay daan para tumaas ang mga kaso ng COVID-19 sa Cebu kaya naman kanilang ililipat sa mas malayong mga lugar ang isolation centers.
Dinepensahan din ni Cimatu ang pagtatalaga ng dagdag na military personnel sa lalawigan na nakatutulong umano sa pagbabantay ng mga checkpoints para mabantayan ang mga residente na patuloy na lumalabas ng kanilang mga bahay.
Samantala, isinulong naman ni Abellanosa ang pagsasabatas ng House Bill 7005, o ang Mandatory Quarantine Facilities Act of 2020 na naglalayong magtayo ng Regional quarantine facilities.

Isang na naman kawani ng Kamara ang nag-positibo sa COVID-19

Isa na namang empleyado ng Kamara de Representantes ang kinormimang nag-positibo sa COVID-19.
Ibinunyag ito kahapon ni House Secretary General Jose Luis Montales ng kanyang sinabi na ang naturang kawani ay isang miyembro ng Internal Audit Affairs Department ng House of Representatives.
Ito ay ang ika-siyam nang House employee na naging positibo sa coronavirus disease.
Ang naturang empleyado ay huling nag-report sa kanilang tanggapan noong ika-24 ng Hunyo.
Ayon pa kay Montales, ipinatupad na nila ang mga tamang protocol sa handling ng kaso nito at ang close contact tracing nito.
Dahil dito, hinikayat ni Montales ang mga kawani ng Kamara na manatiling mapagmatyag at tuloy-tuloy pa ring sundin ang health and safety guidelines na ipinatutupad sa tanggapan.
Free Counters
Free Counters