Establisamiyentong lumalabag sa GCQ, ipasara ng tuluyan
Nananawagan si ACT-CIS Partylist Representative NiƱa Taduran sa pamahalaan na parusahan at tuluyang ipasara ang mga establisamiyentong lumalabag sa panuntunan ng community quarantine.
Nakarating sa kaalaman ni Taduran na ilang mga pasugalan ang nananatiling bukas at nagsasagawa ng operasyon, lalu na ang pagbubukas ng VIP o private rooms para sa kanilang mga suking kliyente.
Nalaman ito ng mambabatas makaraang magreklamo ang pamilya ng isang 80 taong gulang na lola na nakakatakas ang matanda sa bahay kasama ang mga amigang senior citizen para magsugal.
Sinabi ng mambabatas na nakatanggap daw siya ng impormasyon na isang casino ang tamatanggap ng parokyano na karamihan ay mga senior citizen kahit may ipinatutupad sa general community quarantine.
Ayon sa kanya, naiintindihan niyang nais lang ng mga taong maglibang sa harap ng stress dahil sa pandemya ngunit maaari naman aniya itong gawin sa bahay kasama ang pamilya.
<< Home