Sunday, July 26, 2020

COVID-19 recovery roadmap at 2021 budget ang maging sentro ng mga panukalang talakayin ng Kamara — Romualdez

Ipinahayag ni House Majority Leader Martin Romualdez na ang pagpasa ng 2021 national budget at ng COVID-19 roadmap for recovery ang magiging sentro ng Second Regular Session ng 18th Congress.


Sinabi ni Romualdez na inaasahan niya na ilatag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong detalye ng kanyang COVID-19 roadmap at ang iba pang mga kailangang measures mamayang hapon sa kanyang State of the Nation Address o SONA.


Ayon sa kanya, sisikapin nila sa Kamara de Reprentantes na ulitin ang bilis ng pagtalakay ng budget na kanilang pinasa para taong ito.


Ang dating panukalang budget ay ipinasa nila sa third and final reading, September 20, isang buwan matapos itong isinumite ng Department of Budget and Management.


Ito na ang pinaka-mabilis na budget approval na ginawa ng Kamara sa kasaysayan nito.


Idinagdag pa ng Majority Leader ng Kamara na itutuloy ng House ang pagtalakay sa ilan pang mga panukala na hiniling ng Pangulo noong dati niyang SONA.

Free Counters
Free Counters