Dapat unahin ng Kamara ang pag-amiyenda sa Centenarian Act—solon
Iminungkahi ni Ang Probinsyano party-list Rep Alfred Delos Santos sa Kamara na dapat unahin ang amiyenda sa Centenarian Act na nagbibigay ng pinansiyal na insentibo sa mga senior citizens lalo ngayong panahon ng pandemya.
Sinabi ni Delos Santos na dapat palawakin ang benepisyo para sa mga seniors.
Ayon sa kanya, ang pag-amiyenda sa nabanggit na batas ay makapagbibigay ng karagdagang mga benepisyo sa ating mga senior citizen na isinasaad naman sa batas.
Sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), nagsasabi ito na ang dumaraming senior citizens sa bansa sa kabila na nanatili ang median age na nasa 23 taong gulang lamang noong 2010.
Paliwanag pa ni De Los Santos na ang seniors ay 4.57 milyon noong 2000 at naging 7.55 milyon na noong 2015.
Ayon sa PSA 38 porsiyento ng mga seniors ay 70 taong gulang pataas.
Iginiit pa ng mambabatas na habang lumalaki ang populasyon ng mga lolo at lola, huwag dapat silang paghintayin pa nang matagal para sa mga benepisyong para sa kanila naman.
Sa House Bill No. 4067 na inihain ni Delos Santos, gusto niyang i-advance na ang P100,000 cash incentive para sa mga umabot 100 years old.
Aniya, dapat ibigay na ang P25,000 sa mga 70 anyos; sa mga 80 anyos; sa 90 anyos; at ang P100,000 pagdating ng 100 anyos.
<< Home