Dapat ilatag ang bagong template para sa itatayong evacuation centers na resistant sa COVID-19
Pinaglalatag ni House Deputy Speaker Johnny Pimentel ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng bagong template para sa pagtatayo ng emergency evacuation centers na resistant sa COVID-19.
Ang rekomendasyon ng kongresista ay bunsod na rin ng inaasahang sunud-sunod na kalamidad tulad ng mga bagyong tatama sa bansa.
Ayon kay Pimentel, hindi nila gugustuhin na ang mga evacuation centers pa ang maging dahilan ng mabilis na pagkalat ng virus partikular na sa mga komunidad na kinakailangang ilikas agad dahil sa baha.
Dahil dito, hihimukin daw niya ang NDRRMC at ang Inter-Agency Task Force (IATF) na maglatag ng mga bagong standards at guidelines para sa mga bagong evacaution centers na resistant sa mga highly contagious respiratory diseases.
Hindi na aniya maaaring ilagay sa mga temporary shelters, school buildings at gymnasiums ang mga residente kapag bumagyo dahil wala ditong sapat na precautionary measures laban sa COVID-19.
<< Home