Monday, July 20, 2020

Kompletong talaan ng mga namatay sa Bilibid, dapat isiwalat

Hiniling ni ACT-CIS Partylist Representative // NiƱa Taduran ang buong listahan ng mga napaulat na nasawi // sa loob ng New Bilibid Prisons. 
Nais din ni Taduran // na isailalim sa otopsiya ang mga namatay na bilanggo, // kasama na ang mga sinasabing nasawi sa Covid-19. 
Sinabi niya na nakakapagduda umano ang pangyayari // at kung bakit napakagaling naman yata umanong pumili ng virus // dahil sa diumanong pagkamatay ng high profile inmate // na si Jaybee Sebastian bunga ng Covid-19. 
Pinaiimbigahan kaagad ito ni Taduran // sa National Bureau of Prisons NBP // at sa Department of Health DOH // at humihingi rin siya ng buong medical report ng kaso ni Sebastian // simula ng unang araw na ito diumano // ay nagkaroon ng Covid-19 infection. 
Ayon sa kanya, hindi naman maaaring pina-cremate agad // at wala nang detalye na ibibigay sa atin // dahil dapat ma-account din lahat ng high profile criminals // at kung sakaling may anomalya, // dapat ay may managot dito.
Hinihingi rin ng mambabatas sa DOH // na magpalabas ito ng panuntunan // kaugnay ng pag-ootopsiya sa mga namatay // na may kinalaman sa Covid-19.
Free Counters
Free Counters