-Kabuhayan, Kaligtasan, at Kaunlaran ang kabuuan ng SONA ng Pangulo, ayon sa isang solon
Naging malinaw ang Pangulong Rodrigo Roa Duterte // sa kanyang State of the Nation Address o SONA // sa paglahad niya ng mga administration priorities // sa susunod na mga araw, linggo at buwan.
Bilang reaksiyon dito, // sinabi ni House Majority Leader at Leyte Rep Martin Romualdez na // nakita niya na ang misyon ng Pangulo ay nahahati sa tatlong bahagi.
Ang una ay ang maprotektahan ang sambayanang Pilipinas sa gutom at paghihikahos na dulot ng COVID-19 pandemic.
Ang pangalawa ay ang maisalba ang buhay ng tao at mabawasan ang bilang sa populasyon na magkakasakit ng coronavirus.
At ang pangatlo ay ang maisulong ang mga budgetary measures na kinakailangan // upang ganap na maipatupad ng pamahalaan ang isang responsive at sustainable recovery program.
Ayon kay Romualdez, sa madaling salita, // ito ay Kabuhayan, Kaligtasan, at Kaunlaran.
Walang duda, dagdag pa ng mambabatas, // na ang bansa ay kasalukuyang kumakaharap ng giyera laban sa COVID-19, // isang hindi nakikitang kalaban // at ang ating commander-in-chief na si Pangulong Duterte // ay malinaw na naglatag ng mga battle plan // para tayo ay maging matagumpay sa ating laban sa bandang huli.
Dahil dito, nanawagan ang solon sa bawat mamamayan // na maging bahagi ang bawat isa // sa kabuuang tugon ng gobyerno // na labanan ang pandemyang ating kinakaharap.
<< Home