Open at transparent ang pagtalakay ng Kamara sa ABS-CBN franchise
Tinuring ni House Speaker Alan Peter Cayetano na naging “open and transparent” ang pagtalakay ng Kamara sa ABS-CBN Franchise na siya ring dapat na gawin sa iba pang kumpanya na nag-aaply ng prangkisa sa Kongreso.
Sinabi ni Cayetano na nagkaroon na ng 12 hearing ang ABS-CBN franchise renewal application kung saan binusisi nang mabuti ang mga isyu na pinupukol sa network.
Sa naging pagdinig ay tinanong ang ABS-CBN ukol sa akusasyon ng pagiging “media bias” nito at sinabi ni Cayetano na susulatan niya ng personal ang broadcast network para hingin ang paliwanag nito sa naging paraan ng coverage ng network noong 2016 presidential election.
Ano bang ibig sabihin ng media bias, pagtatanong ng Speaker, at dahil lahat daw ng politiko, kapag kinriticize ng network, sasabihin naman nila na biased kayo against us, pero trabaho niyo to hold us accountable.
Saan naman daw ang linya at when do we cross the line? It’s a good discussion sa ating lahat, paliwanag ni Cayetano.
Natalakay na umano ang usapin sa tax, labor at labor issues sa hearing at ang huli na pag-uusapan sa ABS-CBN franchise ay kung ang media ay gagamitin ang public airwaves para suportahan o tatargetin ang isang kandidato.
Iginiit pa niya na these are allegations, so we have to hear all of the sides.
<< Home