Dating radio and tv frequencies ng ABS-CBN, iminungkahing gamitin para sa alternative distance learning platforms
Ipinanukala ni House Deputy Speaker LRay Villafuerte na gamitin ng pamahalaan ang dating radio and tv frequencies ng ABS-CBN para sa alternative distance learning platforms ngayong pasukan.
Kasama sa inihaing HR01044 ni Villafuerte ang paghahanap ng lahat ng paraan para maisagawa ang distance learning kabilang na ang pagamit sa mga nabakanteng frequency ng Kapamilya Network.
Sinabi ni Villafuerte na maaari ring gamitin ang mga unused frequencies para sa COVID-19 prevention and control pati na sa risk reduction and preparedness tuwing may kalamidad.
Nauna nang pinanawagan ng ABS- CBN sa NTC na huwag munang bawiin ang lahat ng mga assigned radio frequencies kung saan sakop ang 42 television stations, 23 radio stations at 10 digital broadcast channels.
Si Villafuerte ay isa sa 70 kongresista na bumuto ng NO para sa ABS- CBN franchise application.
<< Home