Tuesday, June 30, 2020
Ang pag-ere ng mga programa ng ABS-CBN sa Channel 43 matapos ipatigil sa cease and desist order o CDO na inisyu ng National Telecommunications Commission o NTC ay nasilip ng mga mambabatas pagkatapos mapaso ang kanilang prankisa.
Sa pagdinig ng House committee on legislative franchise at committee on good government and public accountability nitong Lunes, sinabi ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba na maglalabas na rin ang ahensiya ng alias cease-and-desist order laban sa Channel 43.
Naunang kinuwestiyon ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang patuloy na pag-ere ng Channel 43 gayong kasama ito sa CDO na inisyu ng NTC noong 5 Mayo 2020.
Malinaw daw sa kanya na ito ay isang palabag sa kapangyarihan ng Kongreso dahil ito ay violation sa kanilang constitutional mandate umano na sila lang ang magbibigay ng prankisa.
Inamin ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba kay Defensor, kasama ang Channel 43 sa original na CDO dahil ang prankisa na ginamit para sa digital broadcasting ng ABS-CBN ay napaso na noong 4 Mayo 2020.
Sinabi ni Cordoba noong nalaman nila na umeere pa rin sila sa Channel 43 kahit paso na ang kanilang franchise at kasama ito sa CDO na inisyu ng NTC noong 5 May 2020 ay sumulat sila sa Office of Solicitor General dahil nasa Korte Suprema na ang isyu.
Nagtanong at humingi daw sila ng guidance sa Office of Solicitor General, ayon pa ka Codona, at itong guidance na ito ay natanggap nila noong Lunes ng umaga lamang at ang sabi ng OSG, tama nga, kasama nga ito at puwede po ang alias cease and desist order.
Sa panig ni Defensor, hindi na kailangan maglabas ang NTC ng alias CDO dahil kailangan lamang ipatupad ng NTC ang kanilang unang CDO na nilalabag umano ng ABS-CBN sa patuloy na pag-ere sa Channel 43.
Kaugnay nito lumabag, umano, sa batas ang ABS-CBN mula nang inilipat ang mga programa sa channel 43.
Apela ni Katigbak sa mga mambabatas: Patas na pagtrato sa franchise hearing ng ABS-CBN sa Kamara
Umapela na naman ang ABS-CBN president at CEO na si Carlo Katigbak sa Kamara de Representantes na itrato ang kanilang channel gaya ng pagtrato nito sa ibang channel ng mag-aplay ng legislative franchise ang mga ito.
Ginawa ni Katigbak ang apela sa joint hearing ng House committees on Legislative Franchise at on Good Government and Public Accountability kung saan iginiit ng ilang kongresista na dapat itigil na ang TVplus at SkyCable kung saan umere ang mga programa ng ABS-CBN 2.
Ikinatuwiran ni Katigbak ang 11 milyong subscribers na tumatangkilik umano sa kanilang TVplus at SkyCable at kung pinutulan ng serbisyo ang mga ito ay halos aabot 55 milyong katao ang mawawalan ng access sa kanilang entertainment, news at impormasyon.
Ayon kay Katigbak may mga channel na pinayagan ng House na magpatuloy ang operasyon habang dinidinig pa ang aplikasyon nito na magkaroon ng prangkisa.
Nais ng ilang mambabatas na ihinto ng ABS-CBN ang pagpapalabas ng mga programa nito gamit ang TVplus, isang digital box na tumatanggap ng digital signal para lumabas ito sa telebisyon.
Sunday, June 28, 2020
Mangutang muna ang gobyerno para mabawasan ang budget gap nito na dulot ng COVID-19 pandemic
Ipinanukala ni House Ways and Means Committee chairman at Albay Rep Joey Salceda sa pamahalaan na humiram muna ito ng pera upang mabawasan ang ‘budget gap’ nito na dulot ng COVID-19 pandemya, at ipasa ng Kongreso ang mga proposal sa pananalapi para mabayaran ang mga uutangin.
Sinabi ito ni Salceda matapos niyang punahin ang ‘budget deficit’ ng bansa sa unang limang buwan ngayong 2020 na ayon sa kanya ay umabot na sa P562.2 bilyon, halos 695 na beses ang laki kaysa sa P809 milyong budget gap, sa kagayang panahon noong nakaraang taon.
Batay sa ulat ng Bureau of the Treasury (BTr), umabot na sa P1.665 trilyon ang nailabas ng gobyerno at patuloy itong lumulobo, habang ang kita naman nito ay bumagsak sa P1.102 trilyon noong katapusan ng Mayo.
Ayon sa ekonomistang mambabatas, nangyayari ang budget deficit kapag higit na malaki ang gastos kaysa perang pumapasok.
Idinagdag pa niya na may ilang revenue measures na nakahain sa Kamara na makakatulong para isulong ang credit rating ng Pilipinas upang makautang ito ng may higit na mababang patong na interes.
Kasama sa mga ito ang panukalang buwis sa digital economy na inihain niya kamakailan at inaasahang magbibigay ng P29.1 bilyon sa pamahalaan, at ang panukalang buwis sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) na magbibigay naman ng P45 bilyon sa gobyerno taun-taon.
Cayetano: Kasama sa 2021 budget ang pondo para sa Covid-19 at economic stimulus package
Maglalaan ng pondo ang Kamara de Representantes para sa procurement ng Covid-19 vaccines sa panukalang 2021 budget ng pamahalaan.
Sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na maaari nating taguriang Covid-related programs ang pondong ito para kung ang vaccine ay hindi pa available, maaaring gamitin muna ang laang pera sa testing o pambili ng medical supplies at hindi na kailangan pang bumalik sa Kongreso para sa additional appropriation.
May iilang mga laboratoryo na inaasahang makapag-develop ng isang vaccine sa loob ng isang taon at dapat handa ang gobyerno para dito, dagdag pa ng Speaker.
Paano kung available na ang vaccine at hindi magsu-supply ang laboratoryo kung hindi muna mabayaran kaagad ito, pagtatanong ng House Leader, kaya dapat umanong handa ang budget para dito, paliwanag pa niya.
Isasama rin ng Kamara ang economic stimulus appropriations sa budget para sa susunod na taon na siya namang gagamitin paratulinhan ang mga apektadong sektor na maka-recover galing pandemya.
Pagkakaantala ng repatriation ng mga OFWs, inimbistegaha na ng Kamara
Idinaos na ang pagsisiyasat ng Kamara de Reppresentantes hinggil sa pagkakaantala ng repatriation ng libu-libong mga overseas Filipino workers, kasama na rin ang mga namatay dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Isinagawa ang pagdinig noong nakaraang Biyernes ng House Committee on Public Accounts sa pangunguna ni Anakalusugan partylist Rep Mike Defensor, ang chairman ng investigating committee.
Sa naturang pagdinig, inanyayahan ang mga opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ang Inter-Agency Task Force against Covid-19 (IATF), Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Transportation (DoTr), iilang ambassador na nakatalaga sa Middle East, at mga OFW representative.
Sinabi ni Defensor na ang hearing ay isinagawa upang masolusyunan ang problema sa repatriation ng mga OFW, at sa mga concerned agency dahil nagtataka umano ang mga lider ng Kamara kung bakit naaantala ang pag-uwi ng mga stranded na mga kababayan natin.
Idinagdag pa ni Defensor na ang mga labi ng mga Filipinong namatay sa Saudi Arabia ay nakaantabay pa ring maiuwi dito sa bansa.
Dahil dito, hinikayat ni Defensor ang mga stranded na OFWs na i-communicate nila ang kanilang mga concern at katanungam sa kangyang komite sa pamamagitan ng Facebook pages ng House at ng kanyang partylist group na Anakalusugan.
Pagtuturo ng GMRC at Values Education sa elementary at high school, ibinalik na ng Pangulo
Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11476 na nagsasaad na dapat isama sa K-12 curriculum ang komprehensibong Good Manners and Right Conduct o GMRC at Values Education program kapalit ng Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP) subject.
Ituturo ang GMRC bilang hiwalay na subject mula Grade 1 hanggang Grade 6 at kasama sa daily learning activities sa kindergarten pupils.
Noong 2013 ay inalis ang GMRC bilang regular subject sa ilalim ng K-12 program.
Ang Values Education ay ituturo na bilang regular subject mula Grades 7 to 10, at integrated sa kasalukuyang subjects sa Grades 11 to 12.
Estado ng distribusyon ng kuryente sa Iloilo City, sisiyasatin ng Kamara
Matapos maghain si AKO BISAYA Rep Sonny Lagon ng House Resolution No. 785 na humihikayat na imbestigahan ang status ng distribusyon ng elektrisidad sa Iloilo City, nagdesisyon ang Kamara na panghimasukan na ang isyung ito.
Sinabi ni Lagon na ang concern lang talaga niya ay yung mga consumers ng siyudad na sana hindi sila maapektuhan, lalo na ngayong pandemic.
Ang problema niya aniya ay yung mga long brownouts na nangyayari sa Iloilo City kung kayat dapat lamang na masolusyunan ito para hindi na magdusa pa ang mga mamamayan ng siyudad.
Bukod dito, ayon pa sa kanya, apektado na rin ng madalas at mahabang brownout ang ginagawang COVID-19 testing doon.
Napag-alaman din daw niya na ang mga ospital ay lumilipat na lamang sa mahabang oras na manual work kapag nawawalan ng kuryente kaya nababalewala ang kanilang effort sa COVID testing.
Hindi rin umano nila magamit ang kanilang automated analyzers dahil sa low capacity ng kanilang generators kaya noong isang linggo ay nakapag test lamang sila ng maximum na 400.
Wednesday, June 24, 2020
Pagpaparehistro ng mga online seller sa BIR at pagpapabayad ng income tax ng mg ito, hiniling na ipagpaliban
Hiniling ni Quezon City Rep Precious Hipolito-Castelo sa Bureau of Internal Revenue na ipagpaliban muna nito ang memorandum circular na inaatasan ang mga online seller na magparehistro at magbayad ng income tax at iba pang buwis.
Sa isang resolusyon na inihain ni Castelo, sinabi nito na dahil sa community quarantine restrictions na ipinatutupad bunsod ng Covid-19 pandemic, hindi maipagkakaila na ang e-commerce nag-boom dahil maraming mga negosyo ang nag-shift mula sa traditional o face-to-face selling tungo sa online o digital selling.
Ayon kay Castelo, maraming umusbong na mga maliliit na negosyo dahil sa pandemya kagaya ng pagbibenta at delivery ng mga pangangailangan ng komunidad.
Marami pa ring takot na lumabas sa kani-kanilang mga bahay kaya bumibili na lamang ang mga ito sa online businesses.
Sa inilabas umanong memorandum ng BIR maaaring marami ang hindi na lamang magtinda sa takot na mas malaki pa ang ibayad nilang buwis kaysa sa kanilang kikitain.
Pagkatapos umano ng pandemya, maaaring tsaka na lamang ituloy ng BIR ang pagpaparehistro sa mga online sellers.
Bawat barangay, dapat may mental health desk sa kanilang mga tanggapan
Dapat magkaroon at ipinagagana na sa kasalukuyan ng bawat barangay sa buong bansa ang kani-kanilang mental health desk, batay sa itinatakda ng Republic Act 11036 o ang Mental Health Act.
Sinabi ni House Committee on People’s Participation Chairperson at San Jose Del Monte City Rep Rida Robes, na ang kanyang panawagan sa lahat na tumulong ay sa pamamagitan na rin ng pagbibigay ng kanilang panahon o anumang donasyon sa iba’t ibang non-governmental organizations gaya ng National Suicide Prevention Lifeline na tumutugon sa anumang mental health issues.
Ayon sa lady solon, ngayong patuloy na nararanasan ang COVID-19 pandemic, bukod sa pagkakaroon ng hakbang para kontrolin kundi man ganap na puksain ang nasabing sakit, dapat din itong tutukan ng mga local government unit.
Idinagadag pa ng mambabatas, na isa ring aktibong mental health advocate, na mismong ang World Health Organization (WHO) ay nagpahayag ng pagkabahala sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga taong tinataaman ng matinding depresyon mula sa masa-mang epekto ng coronavirus, hindi lamang sa lipunan kundi maging sa bawat indibiduwal.
Dahil dito, hinimok niya ang bawat miyembro ng pamilya at kahit ang mga magkakaibigan na laging magkaroon ng komunikasyon sa bawat isa, habang mahalaga rin na ang mga barangay ay makaagapay sa idudulog na mental health problem sa kanila.
Tuition at miscellaneous fees ng mga pribadong paaralan, dapat babaan muna sa loob ng new normal
Humiling si Pampanga Rep Juan Miguel Arroyo sa mga paaralan, partikular na rito sa mga pribadong institusyon na babaan nila ang kanilang mga sinisingil na mga miscellaneous fee pati na rin ang kanilang mga tuition fee sa kabuuan dahil ang mga estudyante sa buong bansa ay nag-umpisa pa lamang matutong mag-adjust pa lamang sa online learning sa loob ng new normal.
Sinabi ni Arroyo na dapat babaan din muna ang mga laboratory fees, library, medical at dental, information technology, audiovisual, athletics at insurance na napaulat na ang mga ito ay ikinakarga pa rin ng ilang mga eskuwelahan kahit walang face to face learning dahil sa community quarantine.
Kahit ang mga drinking water, dagdag pa ni Arroyo, ay sinisingil pa sa mga mag-aaral.
Napag-alaman umano niya ang mga ito dahil sa mga complaint na kanyang natatanggap sa magmula sa mga magulang at mga estudyante mismo.
Matatandaang hinikayat at pinaki-usap na ng Commission on Higher Education (CHED) sa mga institusyon na hindi muna mangolekta ng tuition fees at suspendihin muna ang mga penalty para sa mga late payments.
Samantala, sinabi naman ni Education Secretary Leonor Briones na sa ilalim ng bagong blended learning program ng DepEd, ang mga mag-aaral ay hindi na kailangang magkaroon ng access pa sa computer o sa internet dahil puwede silang gumamit ng telebisyon o radyo.
Maingat namang ipinunto ni Briones na karamihan sa mga respondent sa isinagawang online survey ng DepEd ay nagsasabi na sila ay capable na makaka-access sa internet.
Tuesday, June 23, 2020
Maaring i-ban ang mga dual citizen sa media shares
May kapangyarihan ang Kongreso ng Pilipinas na i-regulate ang pagmamay-ari ng mga dual citizen ng anumang media company sa bansa sa pamamagitan ng pag-ban ng mga ito upang maproteksiyunan ang interes ng bansa.
Sinabi ni Anakalusugan party-list Rep Mike Defensor na ang mga comprehensive hearing na isinagawa ng House committees on legislative franchises at on good government and public accountability hinggil sa proposed fresh grant ng isang 25-year franchise sa ABS-CBN Broadcasting Corporation ay nakapagpakita na kung ang isang Filipino na isang citizen din ng isa pang bansa ay pinayagan, ito ay inimical o banta sa ating national security at sa interes ng bansa.
Ayon pa kay Defensor, taliwas umano ito sa probisyon ng Saligang Batas na ang media ay dapat 100-percent owned and managed ng mga Filipino o cooperatives o mga corporation na minamay-ari ng mga Filipino.
Ang naturang constitutional prohibition ang na-highlight sa mga hearing hinggil sa ABS-CBN franchise proposal dahil si Ginoong Eugenio Lopez lll, ang kasalukuyang chairman emeritus at dating chairman/president/general manager ng network ay isang dual citizen - isang Filipino at at the same time isang Americano.
Magugunita, ayon sa kanya, na sinabi sa kanila ng Department of Justice (DoJ) noong isang linggo na ang Kongreso ay may kapangyarihang i-flesh out ang constitutional mandate tungkol sa ownership of media ng mga Filipino.
Kinastigo ng Kamara ang mga opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa sablay na pamamahagi ng ayuda sa gitna ng COVID-19 pandemic
Sa inihaing House Resolution 973 ni Speaker Alan Peter Cayetano na may layuning alamin kung ano ang naging sanhi sa mabagal na distribusyon ng Special Amelioration Program (SAP) cash subsidy sa mga mahihirap na naapektuhan ng COVID crisis, kinuwestiyon ng mga mambabatas ang naging pamamaraan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa naturang atas para sa kagawaran.
Upang hindi na maulit pa ang nabanggit na insidente at mapabilis na ang pamamahagi ng ikalawang tranche ng cash aid ng pamahalaan sa mga nawalan ng trabaho, mga nagugutom na mahihirap na pamilya lalo na sa Metro Manila, pinapag-papaibayo ng mga solon ang pagaaral ng departamento para sa napipintong distribusyon.
Ipinahihimay din ang mabagal at mahabang paraan ng DSWD na naging kumplikado sa unang sigwada ng SAP distribution kung saan may 30 steps at 5 layers of approval na tumagal ng tatlong linggo.
Samantalang marami rin umano ang tumanggap ng ayuda na hindi kuwalipikado habang ang mga nangangailangan ay naitsapuwera sa cash subsidy.
Sa ilalim ng “Bayanihan to Heal as One Act” ay ipamimigay ang emergency subsidy na nagkakahalaga mula sa P5,000 hanggang P8,000 kada buwan sa may 18 milyong low income households sa loob ng dalawang buwan.
Gayunman ang pamamahagi ng 2nd tranche ng ayuda para sa Mayo hanggang Hunyo ay hindi pa naibibigay.
Tapusin na ang pagdinig ng prangkisa ng ABS-CBN, apela ng isang solon
Umapela si Buhay party-list Rep Lito Atienza kay House Speaker Alan Peter Cayetano na tapusin na ang pagdinig at gumawa na ng resolusyon kaugnay sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN.
Sinabi ni Atienza na masyado nang mahaba at matagal ang ginagawang pagdinig para lamang sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN na kung saan paulit-ulit na lamang ang mga tanong at akusasyon na ibinabato ng mga oppositor nito.
Binigyang diin pa ni Atienza, nagmistulang prosekusyon at hindi na hearing ang nasabing pagdinig na kung saan ay ini-intimidate o tinatakot pa ang mga testigo o opisyal ng ABS-CBN.
Ayon sa mambabatas, minsan ay pambabastos na ang ginagawa ni SAGIP partylist Rep Rodante Marcoleta sa isang bisita sa joint hearing ng House committees on legislative franchises at good government and public accountability.
Si Atienza ay co-author ng isang resolusyon na humihiling sa Kamara na aksiyunan na ang aplikasyon ng ABS-CBN para sa prangkisa nito at napapanahon na upang pagbotohan na sa plenaryo.
Monday, June 22, 2020
Pagdinig sa ABS-CBN franchise, ipininagpaliban muna sa June 29
Ipininagpaliban muna ng Kamara de Representantes ang pagdinig nito sa prangkisa ng media giant na ABS-CBN at itinakda ito sa susunod pa na linggo.
Sinabi ni House legislative franchises panel chairman at Palawan Rep Franz Alvarez na ito ay upang mabigyan ng sapat na panahon ang media network at ang iba pang mga ahensiyang may kaugnayan dito na makapagsumite ng mga kinakailangang dokumento at upang mabigyan din ng sapat na panahon ang mga mambabatas na makapagtanong hinggil sa naturang mga dokumento.
Ang susunod na hearing ng House committees on good government and public accountability at legislative franchises ay nakatakda sa June 29.
Naka-eskidyul sanang magpatuloy sa pagdinig ang nasabing mga komite ngayong araw na ito at sa Miyerkules ngunit napagpasyahan ng mga ito na ipagpaliban muna batay sa mga nabanggit na kadahilanan.
Pag-ban sa mga provincial bus, dapat taggalin na - Salceda
Nanawagan si House Ways and Means chairman, Albay Rep. Joey Sarte Salceda na tanggalin na ang ‘provincial bus ban’ pang mabilis na makabangon ang ekonomiya ng bansa mula sa pagkakadapa nito dahil sa COVID-19 pandemic.
Nagbabala rin si Salceda laban sa mga “mapagsamantalang gawain” ng ilang kasapi sa sektor ng transportasyon, lalo na sa sobrang taas ng singil sa pamasahe.
Napakasamang panahon ito upang manlamang tayo sa kapwa natin, diin niya.
Sinabi ni Salceda na ang ‘provincial bus ban’ ngayon ay lalo lamang nagdadagdag pahirap sa mga taong kailangang makapagtrabaho.
Ayon sa kanya, hindi umano tayo nakakakilos dahil walang masakyan kaya hindi makakabangon ang ating ekonomiya.
Ang mga mamamayan ang makina ng ekonomiya aniya at kung hindi sila makakagalaw, hindi rin kikilos, susulong at babangon ang ating ekonomiya.
Basta panatilihin natin aniya ang akmang mga pangkalusugang pamantayan, hayaan nating makakilos ang mga mamamayan.
Dapat daw konsiderahin din ang makabuluhang ‘transport system’ na kailangan ng mga pasahero.
Sunday, June 21, 2020
Gigisahin ng Kamara ang mga opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa sablay na pamamahagi ng ayuda sa gitna ng COVID-19 pandemic
Naghain ng House Resolution (HB) 973 si Speaker Alan Peter Cayetano upang alamin kung ano ang naging sanhi sa mabagal na distribusyon ng Special Amelioration Program (SAP) cash subsidy sa mga mahihirap na naapektuhan ng COVID crisis.
Gayundin upang hindi na maulit pa ang insidente at mapabilis na ang pamamahagi ng ikalawang tranche ng cash aid ng pamahalaan sa mga nawalan ng trabaho, mga nagugutom na mahihirap na pamilya lalo na sa Metro Manila.
Ipinahihimay ni Cayetano ang mabagal at mahabang paraan ng DSWD na aniya’y naging kumplikado sa unang sigwada ng SAP distribution kung saan may 30 steps at 5 layers of approval na tumagal ng tatlong linggo.
Samantalang marami rin umano ang tumanggap ng ayuda na hindi kuwalipikado habang ang mga nangangailangan ay naitsapuwera sa cash subsidy.
Sa ilalim ng “Bayanihan to Heal as One Act” ay ipamimigay ang emergency subsidy na nagkakahalaga mula sa P5,000 hanggang P8,000 kada buwan sa may 18 milyong low income households sa loob ng dalawang buwan.
Gayunman ang pamamahagi ng 2nd tranche ng ayuda para sa Mayo hanggang Hunyo ay hindi pa naibibigay.
Friday, June 19, 2020
Panukalang pagpataw ng parusa sa mga biktima ng hazing, lalo lang magpapahirap sa pagresolba ng mga kaso
Marami umanong magiging komplikasyon kung pati ang mga biktima ng hazing ay makakasuhan at maparurusahan.
Sinabi ni Ako Bikol partylist Rep Alfredo Garbin Jr. na isa sa principal authors ng Anti-Hazing Law, mas mahihirapan na maiusad ang kaso dahil hindi madali na tumestigo ang biktima laban sa kanyang sarili.
Malinaw din aniya sa criminal procedure sa bansa na walang sino man ang maoobliga na tumestigo laban sa kanyang sarili.
Ayon sa kanya, magkakaroon ng mga komplikasyon, mahihirapan sa pagprosecute at paano kung namatay yong victim?
Una nang ipinapanukala ni Rep Fidel Nograles na parusahan na rin ang mga willing victim ng hazing para mabawasan ang pagsali sa mga fraternity o katulad na organisasyon.
Pero ayon kay Garbin, bagamat may ilang biktima ng hazing na pumayag sa pagmamaltrato o pag-abuso sa kanya, karaniwan na ito ay dahil napuwersa silang pumayag.
Binigyang-diin ng kongresista na ang makabubuting gawin ngayon ay pairalin ng maayos at sundin ang itinatakda ng Anti Hazing Act of 2018 lalo na sa mga obligasyon ng bawat eskuwelahan at komunidad para masigurong hindi mangyayari ang ano mang uri ng hazing sa kanilang hurisdiksyon.
Masyado pa aniyang maaga na baguhin na naman ang Anti Hazing Law na kaka-amiyenda lang nuong nakaraang taon.
Thursday, June 18, 2020
Sisilipin ng Kamara ang mabagal na distribusyon ng SAP at upang mapadali and para sa 2nd tranche
Pinai-imbestigahan ng mga lider ng Kamara de Representantes ang kalituhan at matagal na pamimigay ng pondong social amelioration program sa mga mahihirap na pamilya.
Batay sa House Resolution 973 na kanilang inihain, nais din nila na humanap ng paraan upang mapabilis ang pamimigay ng ikalawang tranche ng SAP.
Sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na nanguna sa paghahain ng resolusyon, kailangang tulungan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang mapadali ang paghahatid nito ng tulong sa mga mahihirap na pamilya.
Ang mabagal na pamimigay umano ng SAP ay taliwas sa prinsipyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbigay ng mabilis at maayos na serbisyo sa publiko.
Nais ng resolusyon na silipin ang 30 steps at limang layer of approval na ginamit ng DSWD sa pamimigay ng unang tranche ng SAP na nagkakahalaga ng P5,000-P8,000 bawat pamilya.
Nagpatupad umano ang DSWD nahindi kinonsulta ang mga LGU base sa bilang ng 2015 national census
Dahil sa limitadong bilang ng nais na tulungan ng DSWD, nagkagulo umano ang mga lokal na pamahalaan kung sino ang uunahing bigyan dahil hindi lahat ay maaaring bigyan.
May mga tama at maling pamamaraan sa pagtulong sa ating mga kababayan. Dapat tignan natin kung paano mai-improve, hindi lang ung SAP, kundi pati ang 4Ps, at mga assistance sa mga biktima ng sakuna,” dagdag pa ni Cayetano.
Kasama ni Cayetano na naghain ng resolusyon sina House Deputy Speakers Luis Raymund Villafuerte Jr. (Camarines Sur), Raneo Abu (Batangas), Dan Fernandez (Laguna), Neptali Gonzales II (Mandaluyong), at Representatives Theresa Collantes (Batangas), Cristal Bagatsing (Manila), Ruth Mariano-Hernandez (Laguna) and Manuel Luis Lopez (Manila).
Wednesday, June 17, 2020
Pagdaos ng face-to-face na klase sa mga eskuwelahan, iminungkahi
Hiniling ni Davao Rep Pantaleon Alvarez sa Department of Education (DepEd) na ikonsiderang payagan ang pagdaos ng face-to-face na klase sa mga area na may low risk ang COVID-19 infection at limitado ang digital capacity.
Sinabi ni Alvarez na hindi lahat ng kayang gawin sa Metro Manila at mga highly-urbanized area ay maaaring gawin sa iba pang bahagi ng bansa.
Ayon pa sa dating Speaker ng Kamara, maaaring ang online at broadcast materials na iminungkahi ng DepEd ay makatutulong ngunit ang mga ito ay hindi madaling makamtan ng karamihang mga guro, estudyante at mga pamilya.
Nauna nang inanunsyo ng DepEd na walang magaganap na face-to-face classes hanggang wala pang bakuna laban sa COVID-19.
Hindi rin umano lahat ng magulang, dagdag pa ng solon, ay may kakayanan na bumili ng laptop, tablet at iba pang gadgets na kailangan upang makapag-aral ang kanilang mga anak at hindi rin lahat ay mayroong internet connection.
Ang paglipat umano sa digital age ay nangangailangan ng sapat na panahon para magawa at sa sitwasyon ng Pilipinas ay hindi maaaring gawin ng biglaan.
Tuesday, June 16, 2020
Huwag munang buwisan ang mga online sellers, apela ng isang solon sa gobyerno
Umapela si ACT-CIS Partylist Rep Eric Go Yap sa pamahalaan na huwag munang buwisan ang mga online sellers at mga kumikita ng maliit.
Ang pakuusap ni Yap ay bunsod na rin ng patuloy na nararanasang COVID-19 pandemic na dinaranas ngayon ng bansa.
Sinabi ni Yap, chairman ng House Committee on Appropriations, na bagamat kailangang-kailangan pa ng gobyerno ng pondo, dapat munang pag-aralan ng mabuti ng Department of Finance (DOF) at Bureau of Internal Revenue (BIR) ang plano dahil marami ang maaapektuhan lalo na ang mga maliliit na nagbebenta ng mga gamit o pagkain sa internet.
Ayon sa kanya, dapat linawin ng DOF at BIR kung sino ang mga dapat magbayad ng buwis at sino ang hindi at kung ito ba ay depende sa kung magkano ang kanyang kinikita.
Aminado ang mambabatas na walang kapera-pera ang gobyerno ngayon at kailangan nito ng pagkukunan ng pondo para pansweldo sa mga kawani ng pamahalaan, pondo para sa mga proyekto at operating expenses sa susunod na taon.
Ang dapat umanong pagtuunan ng pansin ng gobyerno ay ang malalaking malls, supermarkets, restaurants, boutiques, at iba pang tindahan na nasa online business na rin ngayon na milyon-milyon ang kinikita sa isang buwan.
Monday, June 15, 2020
Warrantless arrest sa dalawang Muslim sa Manila, kinondena ng isang mambabatas
Kinondena ni Deputy Speaker at Basilan Rep Mujiv Hataman ang diumanong warrantless arrest ng dalawang Muslims sa Manila at ang illegal search sa kanilang tahanan noong Independence Day celebration.
Kinuwestiyon ni Hataman ang handling ng operasyon laban kina Saadudin Alawiya at Abdullah Maute na diumanoy mga drug suspects ng Manila Police District.
Sinabi ni Hataman na nag-pahayag lamang siya ng pagkabahala laban sa pamamaraan ng ng mga law enforcer sa pag-handle sa sitwasyon.
Sinugod umano ng mga anti-drug agent ng MPD ang bahay ng mga suspect na hindi man lamang ang mga ito nagpakilala ng kanilang pagiging mga kagawad ng pulis at nagsagawa kaagad ng search sa bisinidad kahit wala silang taglay na search warrant at tuluyang inaresto ang dalawa.
Dahil dito, nananawagan si Hataman sa liderato ng Philippine National Police na imbestigahan ang naturang insidente dahil base sa mga pahayag, mayroon diumanong panga-abuso ng kapangyarihan sa parte ng mga otoridad.
Sunday, June 14, 2020
Paglabag sa prangkisa ng ABS-CBN, pinai-imbestigahan
Naghain sina presidential son at Davao City Rep Paolo Duterte, House committee on accounts chairman Abraham Tolentino at House committee on appropriations chairman Eric Yap ng House Resolution 853 na may layuning imbestigahan ang umano’y mga paglabag ng ABS-CBN sa prangkisa na ibinigay ng Kongreso rito.
Ang pagsingil sa publiko sa pay-per-view Kapamilya Box Office channel sa pamamagitan ng ABS-CBN TV Plus ay humahakot ng malaking ganansiya ang kumpanya at the expense of the public habang ginagamit naman nito ang air frequencies na pinagagamit ng gobyerno ng libre, saad ng resolusyon.
Batay sa pa rin dito, itinuloy umano ng ABS-CBN ang operasyon ng pay-per-view channel sa pamamagitan ng free-to-air signals sa kabila ng utos ng National Telecommunications Commission na itigil ito habang wala pang guidelines, isang paglabag sa terms ng legislative franchise nito.
Paglabag din umano sa Konstitusyon ang pagbibigay ng ABS-CBN ng Philippine Depository Receipts sa mga dayuhan.
Ang House committee on Legislative Franchise ang inatasan ng resolusyon na magsagawa ng pagdinig sa mga paglabag ng ABS-CBN, ang parehong komite na tumatalakay sa prangkisa ng istasyon.
Wednesday, June 10, 2020
Special session para maipasa ang economic stimulus bill upang mapabilis ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa, iminungkahi
Iminungkahi ni Cagayan de Oro Rep Rufus Rodriguez kay Pangulong Rodrigo Duterte na magpatawag ng special session para maipasa ng Kongreso ang P1.3 trilyong economic stimulus bill na magagamit upang mabilis na mapaangat ang ekonomiya.
Marapat lamang umano na sa lalung madaling panahon ay maipasa ang economic stimulus package na ito upang matulungan ang ibat ibang mga sektor na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Hindi na dapat hintaying umabot pa sa Agosto matapos mag-convene ang Kongreso para aksiyunan ang naturang inisyatibo dahil ang oras ay mahalaga.
Ayon kay Rodriguez mahalaga na matulungan ang mga apektadong sektor upang hindi na lalong lumala pa ang problema ng bansa.
Inaprubahan na ng Kamara de Representantes ang economic stimulus package na Accelerated Recovery and Investments Stimulus for the Economy (ARISE) bill bago nag-adjourn ang session noong nakaraang linggo.
Nakasaad sa panukala ang paglalagay ng pondo para sa cash for work upang tulungan ang mga nawalan ng trabaho, pautang para sa Micro, Small, and Medium Enterprises gayundin sa agriculture and fishery sector.
May nakalaan din dito na P650 bilyon para sa enhanced Build, Build, Build infrastructure program ng Duterte administration sa susunod na taon.
Fake FB accounts, pinai-imbestigahan ni Rep Crosilogo
Pinai-imbestihan ni Quezon City Rep Anthony Peter "Onyx" Crisologo ang dumaraming mga fake, fictitious at hoax na mga Facebook account batay sa kanyang inihaing resolusyon.
Sinabi ni Crisologo na bumulusok ang dami ng mga lumabas na peke at huwad na FB accounts lalu na nitong nakaraang ika-7 ng kasalukuyang buwan kung saan, ito ay nakatawag-pansin sa mga FB user.
Nagpahayag ng pagkabahala ang solon na maaring ang mga dummy o pekeng FB accounts ay makaka-kompromiso sa karapatan ng mga tao sa privacy at ito ay lubhang delikado kung ang mga ito magamit sa iligal na mga gawain.
Idinagdag pa ng solon na marapat lamang na malaman ang tunay na intensiyon ng mga gumagawa nitong mga bugos na FB account upang makapag-sagawa ang mga apektado at ang pamahalaan ng karampamtang aksiyon para maresolbahan ang nabanggit na isyu.
Monday, June 08, 2020
Pinahahanap ang mga nasa likod ng nagsulputang mga dummy account sa facebook, pinaha-hanap ng isang mambabatas
Nanawagan si House Committee on Public information Vice-Chair at Kabayan partylist Rep Ron Salo sa National Bureau of Investigation (NBI) na hanapin, imbestigahan at sampahan ng kaukulang kaso ang mga nasa likod ng nagsulputang dummy accounts sa facebook.
Sinabi ni Salo na dapat maisapubliko at maparusahan ang mga cybercriminals na ito na naghahasik ng takot sa publiko.
Nais din ng mambabatas na maisiwalat ang pagkakakilanlan ng mga financier at kliyente ng ganitong online modus na nagdudulot ng pangamba sa mga mamamayan.
Duda naman ng mga biktima na mga trolls at hackers ang gumagawa ng ganitong uri ng coordinated cyber crimes kaya dapat mag-ingat ang taumbayan.
Nanawagan din ito sa Facebook na imbestigahan ang naglipanang dummy accounts at magpatupad ng mas mahigpit na panuntunan laban sa ganitong uri ng insidente.
Pinare-recall ang Anti- Terror Bill sa committee level sa Kamara
Nanawagan si Agusan del Norte Rep Lawrence Fortun sa liderato ng kamara na bawiin at ibalik sa committee level ang kontrobersyal na Anti-Terror Bill dahil sa depektibong mga probisyon nito.
Ayon kay Fortun, maraming mambabatas na pabor sa panukala ang nag-widraw bilang mga co-authors ng Naturang panukala at pinababawi din ang yes votes nila sa plenaryo.
Dagday pa ni Fortun, patuloy umano na humihina ang suporta ng panukala sa kamara at nadaragdagan ang mga mambabatas na tumututol dito kasama ng 36 na iba pang kongresista na naunang bumoto ng "No" sa plenaryo.
Mungkahi ni Fortun na ibalik sa committee level ang panukala upang ma-amiyendahan o dili kaya ay mapalitan ng bagong bersyon kasabay ng paghimok sa Department of Justice at sa Integrated Bar of the Philippines na magsumite ng bagong draft.
Matatandaan na inadopt ng buo ng kamara ang bersyon ng senado sa Anti-Terror Bill na nauna nang sinertipakahang urgent ni Pangulong Duterte.
Pagkamatay ng isang doktor na pulis makaraang sumailalim sa disinfection sa isang quarantine facility, pinai-imbestigahan
Pinai-imbestigahan ni ACT-CIS Partylist Representative Niña Taduran sa Philippine National Police at Department of Health ang pagkamatay ng isang doktor na pulis makaraang sumailalim sa disinfection sa isang quarantine facility sa Pasig City.
Nais ding malaman ng House Asst Majority Leader kung anong klaseng kemikal, at gaano karami ang ginamit sa disinfection ni Doctor-Police Captain Casey Gutierrez at ng dalawa pang pulis na sina SSF Steve Rae Salamanca and Cpl. Ruinie Toledo, mga miyembro ng PNP Medical Corps, na ngayon ay napag-alamang nasa PNP General Hospital.
Nakarating kay Taduran ang ulat na ang tatlo ay naisugod sa pagamutan makaraang sumailalim sa disinfection sa Philippine Sports Arena na ginawang quarantine facility. Namatay si Gutierrez noong Mayo 30, 2020, anim na araw makalipas ma-disinfect.
Kailangan din aniyang maimbestigahan ang disinfection area sa Philsports Arena, kung ito ay sumusunod sa guidelines ng DOH.
Sunday, June 07, 2020
Dapat P60,000 ang entry-level salary ng mga nurse para manatili sila sa bansa - Defensor
Ipinahayag ng isang mambabatas na ang tanging paraan lamang upang manatili ang mga nurse sa ating bansa ay ang pagtaas ng kanilang entry-level na sahod sa P60,000 kada buwan.
Nagbabala si Anakalusugan Partylist Rep Mike Defensor na maaring kakaharap ang bansa ng isang matinding shortage ng mga nurse sa hinaharap sa sandaling tapos na ang COVID-19 pandemic dahil ang demand ng mga nabanggit na health worker sa ibang bansa ay lalung tataas.
Ayon kay Defensor, vice-chairman House committee on health, makikita natin pagdating ng panahon na ang mga mayayamang bansa sa buong mundo ay magkukumahog sa pagpapalawak ng kanilang kapasidad sa public health systems at palalakasin nila ang kanilang recruitment ng Philippine-educated nurses sa sandaling matapos na itong COVID-19 pandemic na ito.
Hinikayat ng solon ang Kongreso na doblehin ang minimum salary ng mga nurse sa P60,000 maging sa public man o sa private na mga ospital upang ang mga ito ay maingganyong dito na lamang sa Pilipinas sila magtrabaho at hindi na mangibang-bansa.
Matatanda, manggagawa na bumalik sa trabaho, mga may sakit at frontliners, dapat unahin sa COVID-19 testing
Ang panukalang batas ni Iloilo Rep Janette Loreto- Garin na may layuning unahing mabigyan ng COVID-19 reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) testing ang mga mahihinang miyembro ng lipunan ay pumasa na sa pangalawang pagbasa sa Kamara de Representantes bago ito mag-adjourn
Sinabi ni Garin na kailangan unahing bigyan ng COVID-19 RT- PCR test ang mga manggagawa na bumalik sa trabaho, ang matatanda at mga may sakit.
Sa kanyang sponsorship speech para sa HB06707 na pinalitan ng HB06865 o ang Crushing COVID Act, iginiit ni Garin ang pagsasagawa ng testing sa mga tao lalong-lalo sa mga manggagawa na babalik sa trabaho.
Sa kanyang panukala, ang mga taong may comorbidities, mga buntis, healthcare workers, food handlers, mga nagtitinda sa palengke, grocery stores at supermarket, mga kasambahay, salon workers, media people, factory, at construction workers ay kinakailangang sumailalim sa COVID-19.
Aniya, dapat magkaroon ng “pooled PCR testing” na ang samples ng isang grupo ay isinasailalim sa pagsusuri sa pamamagitan ng PCR.
Sinabi ng mambabatas, kung negatibo ang grupo, nakatipid na ang gobyerno sa test kits.Kung positibo, hahatiin ang grupo at bibigyan ulit ng test hangang makuha ang ilang positibo sa COVID-19.
Aniya, kung isang milyon ang isasailalim sa test, kailangan lamang ang isang daang libong test kit.
Giit ni Garin ang “pooled testing” ay makatutulong na makatipid ang gobyerno at maaaring magamit ang pondo sa ibang bagay na makatutulong sa iba pang importanteng programang pangkalusugan.
Binawi ni Salceda ang kanyang yes vote sa inaprubahang Anti-Terror Bill
Sinulatan ni Albay Rep Joey Salceda si House Secretary-General Atty. Jose Luis Montales upang ang kaniyang pagsang-ayon sa HB06875, o ang Anti-Terrorism Law na ipinasa sa ikatlong pagbasa ng Kamara ay gawin na lamang abstention.
Sinabi ni Salceda sa kaniyang sulat kay Montales na i-withdraw nito ang kanyang yes vote na nak-record sa kanya at i-rehistro ito na isang abstention.
Nangangamba ang kongresista dahil ang bersyon ng Senado ang inadapt ng Kamara at hindi na ito padadaanin sa bicameral conference at ito ay tiyak wala ng pagkakataon ang kanyang yes vote with reservations.
Ang HB06875 ay pagsususog sa Human Security Act of 2007, ang kasalukuyang Anti-Terrorism Law at pinapalawak nito ang kahulugan ng terorismo na maaaring magsapanganib aniya sa proteksyon sa mamamayan.
Ang ilan aniyang probisyon dito ay taliwas umano sa isinasaad ng human rights at 1987 Constitution.
Kabilang sa probisyong nakapaloob sa panukala na pinagdududahan ni Salceda ày ang posibilidad na maapektuhan ang right to privacy ng bawat mamamayan, maaaring isailalim sa surveillance at wiretapping ang mga pinaghihinalaang individual o miembro ng terror group.
Tutol din si Salceda sa probißyong nakapaloob sa Section 29 ng Anti-Terrorism Act na ang mga pinaghihinalaan pa lamang ay maaari ng ikulong ng hanggang 14 araw na maaaring umabot pa ng 10 araw na taliwas sa Article 7, Section 18 ng Constitution kahit hindi umiiral ang privilege of the writ of habeas corpus ang isang tao ay maaari lamng makulong ng hanggang tatlong araw kung walang kaso.
Anti-discrimination bill, aprubado na sa Kamara de Reprentantes
Mabilis na pumasa sa third reading sa Kamara de Representates ang HB06676 o ang Anti-Discrimination Bill na layong protektahan ang mga confirmed, suspected, probable, unrecovered at survivors ng COVID-19 cases laban sa anumang uri ng pangaabuso at diskriminasyon.
Sa oras na maging ganap na batas, ang mga lalabag ay mahaharap sa parusang pagkakakulong na isang taon hanggang sampung taon at multa ng hindi bababa sa P200,000 hanggang P1 million.
Sinabi ni House Majority Leader at Leyte Rep Martin Romualdez na ang pagka-pasa sa pangatlo at pinal na pagbasa ng nabanggit na panukala ay upang matugunan ang mga problemang dulot ng pangaabuso at diskrimasyon dahil sa ating kinakaharap na krisis.
Pagtatakda ng petsa ng pagbubukas ng klase, maaari nang gawin ng Pangulo
Bibigyang kapangyarihan na ang Pangulo na magtakda ng ibang petsa ng pagbubukas ng klase sakaling may state of emergency o state of calamity matapos itong pumasa sa ikatlo at pinal na pagbasa.
Ang HB06895 na mag-aamiyenda sa RA07797 o “An Act To Lengthen the School Calendar From Two Hundred Days to Not More Than Two Hundred Twenty Class Days” ay inaprubahan ng Kamara de Representantes bago ito mag-adjourn noong nakaraang Biyernes.
Inaprubahan din sa Senado sa ikatlong pagbasa ang kanilang bersiyon ng panukala.
Kasalukuyang nakasaad sa R.A. 7797, na ang unang araw ng class opening ay sa pagitan ng unang Lunes ng June at huling araw ng Agosto.
Magugunitang itinakda na ng Department of Education ang pagbubukas ng klase ngayong Agosto 24.
Palabasin na ang mga senior citizen upang makapaghanapbuhay
Nanawagan si Senior Citizen Partylist Rep Francisco Datol. Jr. sa pamahalaan na payagang makapagtrabaho ang mga healthy senior citizens o dili kaya ay makalabas man lamang ng bahay ang mga ito.
Sa inihaing House Resolution 931 at House Resolution 950, ni Datol, kasalukuyang chairman ng House Committee on Senior Citizen, ang panawagang ito ay nakalahad, bilang mga hakbang habang may pandemic.
Ang panawagang ito ng kongresista ay para sa IATF kontra COVID-19 para payagang lumabas ng kani-kanilang tahanan ang mga senior citizen na wala namang underlying medical conditions na nagpapataas ng panganib na mahawahan ng kumakalat na coronavirus.
Ayon sa kanya, hindi naman kasi lahat ng seniors ay mahina ang kalusugan o mayroong sakit sa puso, diabetes, or immunity compromised.
Maraming senior ang very healthy naman umano kahit tumanda na kung kayat dapat payagan naman sana sila lumabas sa mga kasalukuyang quarantine levels.
Binigyang-diin pa ng mambabatas na kapag hindi na pinapalabas ang mga senior citizen ay ‘di man sila aniya mamatay sa COVID-19 ay mamamatay naman sila dahil hindi sila nakakapag-hanapbuhay o dahil sa kalungkutan sa kanilang mga tahanan.
Unang inihain ni Datol ang HR 931 patungkol sa pagpapayag sa healthy seniors na lumabas ng bahay kung saan, layunin nito na imbestigahan ng angkop na komite ng Kamara ang pagpapatupad ng quarantine measures.
Ang ikalawang resolusyon, HR 950 ay tungkol naman sa pag-postpone na pagbubukas ng mga klase sa mga paaralan hanggang wala pang aprubadong bakuna para sa tao sa Pilipinas.
Panukalang libreng swab testing sa COVID-19, pasado na
Pumasa na sa pangatlo at pinal na pagbasa ang panukalang batas para sa libreng swab testing sa COVID-19 ng mga vulnerable na miyembro ng lipunan tulad ng mga senior citizen, buntis, frontliners at iba pa.
Sa sandaling lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte, magbibigay magbibigay na ang pamahalaan ng libreng Polymerase Chain Reaction (PCR) testing sa mga pasyente at healthcare workers na may sintomas at wala pero may history ng travel at contact sa isang hinihinalang may COVID; non-health frontliners na nagresponde sa COVID; mga taong may co-morbidities o may mga sakit na mas madaling tamaan ng virus, holder ng quarantine passes na siyang lumalabas ng bahay para bumili ng pangangailangan ng kanilang pamilya at iba pa.
Sa mga non-health frontliners ay mga pulis, sundalo, bumbero, barangay health workers at officials, mga nagtatrabaho sa piitan, nagtatrabaho sa swabbing at testing workers.
Samantala, ang mga banyaga na dumarating sa bansa ay kailangang sumailalim din sa PCR test at ang gastusin dito ay dapat ng mga itong bayaran.
Thursday, June 04, 2020
May dual citizenship na Filipino, hindi puwedeng magmamay-ari ng media
Sinabi ni Anakalusugan partylist Rep Mike Defensor na hindi dapat payagan ang mga Filipino na nagtataglay ng anumang foreign citizenship na magmamay-ari o mamahala ng anumang media entity sa bansa.
Ayon pa kay Defensor, ang pagre-require ng Saligang Batas na siyento porsiyentong Filipino ang pagmamay-ari media ay naayon naman sa pambansang interes at kalimitan nito ay para sa rasong national security.
Ngunit tanggap naman ni Defensor na ang constitutional provision hinggil sa 100% Filipino ownership ng media ay hindi specifically bumabawal sa mga dual citizen na magmay-ari o mamahala ng isang media entity.
Bagamat ayon sa kanya, ang diea ng naturang probisyon, kung basahin alinsabay sa pagbabawal laban sa dual allegiance, ito nagdedikta na ang isang Filipino na magtagtaglay ng isa pang foreign citizenship ay hindi pinapayagang magmamay-ari o mamamahala ng isang media entity.
Inihalimbawa ni Defensor na kung ang isang Filipino at ito ay Chinese citizen din at may-ari o nagpatakbo ng isang television network station o isang newspaper nitong panahong ito na ang Pilipinas at ang China ay nasa tug-of-war hinggil sa West Philippine Sea, saang side ito papanig?
Ito na umano, dagdag pa ng mambabatas, ang sitwasyon sa pangangailangan ng siyento posiyentong Filipino ownership upang maiwasan ang dual allegiance nito.
Lusot na sa Kamara ang Financial Institution Strategic Transfer
Aprubado na rin ng House Defeat COVID-19 AdHoc Committee ang House Bill 6622 o ang Financial Institutions Strategic Transfer o FIST Bill.
Sa ilalim ng panukala ay tutulungan nito ang mga bangko at iba pang financial institutions laban sa impact ng COVID-19 sa kanilang financial operations lalo pa’t sa kasagsagan ng pandemic ay maraming financial institutions ngayon ang delayed sa pangongolekta ng mga pautang at mas tumataas ang mga nagse-settle ng loan sa pamamagitan ng kanilang mga non-performing assets tulad ng mga real properties at ibang pag-aari.
Batay sa Bankers Association of the Philippines, tumaas sa 20% mula sa 5% ang non-performing loans sa loob lamang ng isang buwan.
Para maibalik ang pagiging financial intermediation ng mga financial institutions, hinihikayat ang mga ito na ibenta ang mga NPAs sa asset management companies sa ilalim ng Financial Institutions Strategic Transfer Corporations (FISTC) upang makapag-generate ng pera.
Ang mga pribadong sektor, government financial institutions, at GOCCs naman ay hinihimok na mag-invest sa FISTC upang makatulong sa pagrehabilitate ng mga bumagsak na negosyo.
Bibigyan naman ng mga insentibo tulad ng exemption sa pagbabayad ng buwis, at mababang halaga ng registration at transfer fees ang mga NPAs o non-performing assets na ililipat mula sa financial institutions papuntang FISTC.
Anti-discrimination bill, aprubado na sa Kamara de Reprentantes
Mabilis na nakalusot sa Kamara de Representates ang HB 6676 o Anti-Discrimination Bill na layong protektahan ang mga confirmed, suspected, probable, unrecovered at survivors ng COVID-19 cases laban sa anumang uri ng pangaabuso at diskriminasyon.
Sa oras na maging ganap na batas ang mga lalabag ay mahaharap sa parusang pagkakakulong na isang taon hanggang sampung taon at multa ng hindi bababa sa P200,000 hanggang P1 million.
Sinabi ni House Majority Leader at Leyte Rep Martin Romualdez na matapos talakayin ang nabanggit na panukala, ang rekomendasyon ay naka-iskedyul kaagad para sa plenary deliberations upang matugunan ang mga problemang dulot ng pangaabuso at diskrimasyon dahil sa ating kinakaharap na krisis.
Mga panukala ng defeat COVID-19 ad hoc committee sa Kamara, aprubado na
Inaprubahan na ng Defeat COVID-19 Ad Hoc Committee at ng Committee on Banks, ng Economic Stimulus Response Package Sub-committee, at ng Peace and Order Subcommittee ang mga report hinggil sa Financial Institutions Strategic Transfer Bill (FIST), ang Philippine Economic Stimulus Act (PESA), at ang Anti-Discrimination Bill.
Sinabi ni House Majority Leader at Leyte Rep Martin Romualdez na matapos talakayin ang mga nabanggit na panukala, ang mga committee report at ang mga rekomendasyon ay naka-iskedyul na para sa plenary deliberations upang matugunan ang ating kinakaharap na krisis.
Ayon kay Romualdez, sa ilalim ng liderato ni Speaker Alan Peter Cayetano, walang humpay at pursigedo ang Kamara na makapag-tatag ng isang ligtas, adaptive at resilient na bansang lalaban sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagsagawa ng clear-cut at klarong pagsasabatas.
Idinagdag pa ng solon na nasa sa kanila nakaatang ang resposibilidad na isagawa ang misyong ito na yumayakap at maninilbihan sa mga may pangangailangan at ang pagbibigay liwanag ng pag-asa at mapalakas ang komunidad ng negosyo.
Ayon pa kay Romualdez, ang liderato ng Kapulungan ay committed na gumawa ng mabuti at makapag-likom ng sapat na lakas upang tayo ay makapanumbalik na tumayo sa sarili nating mga paa.
Accelerated recovery and investment stimulus for economy o ARISE, itinutulak sa Kamara
Pinahayag ni House Ways and Means Chair Albay Rep. Joey Sarte Salceda na itulak at palakasing muli ng P1.3 trilyong pondo ng Accelerated Recovery and Investment Stimulus for the Economy (ARISE) ang gulong ng ekonomiya ng bansa upang makabawi sa pagkalugmok dulot ng pananalasa ng COVID-19.
Sinabi ni Salceda na ang ARISE na dating Philippine Economic Stimulus Act o PESA ay isa sa may mga pinakamalaking suporta sa mga batas na inihain sa mababang kapulungan kamakailan, dahil sa umabot sa 267 ang co-authors nito.
May P586 bilyon sa pangkalahatang halaga ang nakatoka para sa taong 2020 at P10 bilyon naman nito ay gagastahin sa malawakang ‘testing’, upang pawiin ang alinlangan at takot ng publiko, lalo na sa hanay ng mga manggagawa.
Inaprubahan kaagad ng Defeat COVID-19 ADHOC panel ng nagdaang linggo ang ARISE para sa plenaryo.
Ayon kay Salceda, co-chair ng Economic Stimulus Package subcommittee ng Defeat COVID-19 panel, ang proposal ay naglalaman ng mahahalagang pamamaraan upang makabangon ang ekonomiya at malunasan ang takot ng mga mamamayan sa pamamagitan ng mga kongkretong pagkilos tungo sa matatag na kabuhayan.
Monday, June 01, 2020
The end is near ang sinambit ni SolGen Calida hinggil sa ABS-CBN
Bagama’t paunang ipinahayag ni Solicitor General Jose Calida kahapon na hindi siya dapat mag-discuss ng tungkol sa kanyang nakabinbing kaso laban sa ABS-CBN doon sa Korte Suprema dahil sa sub judice rule, nakapag-sabi pa ito na “the end is near” na ang naturang giant network habang kanya namang pinagsabihan ang mga biggest stars nito hinggil sa kanilang pag-criticize tungkol sa shotdown nito.
Pinaalalahanan ni Bulacan Rep Jose Antonio Sy-Alvarado, chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability si Calida na ang pagdinig isinasagawa in aid of legislation at napagkasunduan ng mga representante na hindi sila dapat mag-violate sa sub judice rule.
Ngunit inilatag ni Calida ang diumanong mga violation ng dating franchise ng ABS-CBN kagaya halimbawa ng issuance ng isang investment instrument na taliwas sa foriegn ownership restrictions ng bansa sa mass media.
Ihinahalitulad ng Solicitor General ang kanyang hakbang na ito sa kanyang ginawa sa pagpa-detine kay Sen Leila de Lima dahil sa drug charges at ang pagkaka-alis kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pamamagitan ng quo warranto petition, mga kahalintulad na hakbang sa ABS-CBN shotdown.
Nakatakdang ang susunod na joint hearing ng House Committee on Legislative Franchises at ng House Committee on Good Government and Public Accountability ay sa darating na Miyerkules.