Mga panukala ng defeat COVID-19 ad hoc committee sa Kamara, aprubado na
Inaprubahan na ng Defeat COVID-19 Ad Hoc Committee at ng Committee on Banks, ng Economic Stimulus Response Package Sub-committee, at ng Peace and Order Subcommittee ang mga report hinggil sa Financial Institutions Strategic Transfer Bill (FIST), ang Philippine Economic Stimulus Act (PESA), at ang Anti-Discrimination Bill.
Sinabi ni House Majority Leader at Leyte Rep Martin Romualdez na matapos talakayin ang mga nabanggit na panukala, ang mga committee report at ang mga rekomendasyon ay naka-iskedyul na para sa plenary deliberations upang matugunan ang ating kinakaharap na krisis.
Ayon kay Romualdez, sa ilalim ng liderato ni Speaker Alan Peter Cayetano, walang humpay at pursigedo ang Kamara na makapag-tatag ng isang ligtas, adaptive at resilient na bansang lalaban sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagsagawa ng clear-cut at klarong pagsasabatas.
Idinagdag pa ng solon na nasa sa kanila nakaatang ang resposibilidad na isagawa ang misyong ito na yumayakap at maninilbihan sa mga may pangangailangan at ang pagbibigay liwanag ng pag-asa at mapalakas ang komunidad ng negosyo.
Ayon pa kay Romualdez, ang liderato ng Kapulungan ay committed na gumawa ng mabuti at makapag-likom ng sapat na lakas upang tayo ay makapanumbalik na tumayo sa sarili nating mga paa.
<< Home