Pagtatakda ng petsa ng pagbubukas ng klase, maaari nang gawin ng Pangulo
Bibigyang kapangyarihan na ang Pangulo na magtakda ng ibang petsa ng pagbubukas ng klase sakaling may state of emergency o state of calamity matapos itong pumasa sa ikatlo at pinal na pagbasa.
Ang HB06895 na mag-aamiyenda sa RA07797 o “An Act To Lengthen the School Calendar From Two Hundred Days to Not More Than Two Hundred Twenty Class Days” ay inaprubahan ng Kamara de Representantes bago ito mag-adjourn noong nakaraang Biyernes.
Inaprubahan din sa Senado sa ikatlong pagbasa ang kanilang bersiyon ng panukala.
Kasalukuyang nakasaad sa R.A. 7797, na ang unang araw ng class opening ay sa pagitan ng unang Lunes ng June at huling araw ng Agosto.
Magugunitang itinakda na ng Department of Education ang pagbubukas ng klase ngayong Agosto 24.
<< Home