Monday, June 08, 2020

Pinahahanap ang mga nasa likod ng nagsulputang mga dummy account sa facebook, pinaha-hanap ng isang mambabatas

Nanawagan si House Committee on Public information Vice-Chair at Kabayan partylist Rep Ron Salo sa National Bureau of Investigation (NBI) na hanapin, imbestigahan at sampahan ng kaukulang kaso ang mga nasa likod ng nagsulputang dummy accounts sa facebook.
Sinabi ni Salo na dapat maisapubliko at maparusahan ang mga cybercriminals na ito na naghahasik ng takot sa publiko.
Nais din ng mambabatas na maisiwalat  ang pagkakakilanlan ng mga financier at kliyente ng ganitong online modus na nagdudulot ng pangamba sa mga mamamayan.
Duda naman ng mga biktima na mga trolls at hackers ang gumagawa ng ganitong uri ng coordinated cyber crimes kaya dapat mag-ingat ang taumbayan.
Nanawagan din ito sa Facebook na imbestigahan ang naglipanang dummy accounts at magpatupad ng mas mahigpit na panuntunan laban sa ganitong uri ng insidente.
Free Counters
Free Counters