Pagkamatay ng isang doktor na pulis makaraang sumailalim sa disinfection sa isang quarantine facility, pinai-imbestigahan
Pinai-imbestigahan ni ACT-CIS Partylist Representative NiƱa Taduran sa Philippine National Police at Department of Health ang pagkamatay ng isang doktor na pulis makaraang sumailalim sa disinfection sa isang quarantine facility sa Pasig City.
Nais ding malaman ng House Asst Majority Leader kung anong klaseng kemikal, at gaano karami ang ginamit sa disinfection ni Doctor-Police Captain Casey Gutierrez at ng dalawa pang pulis na sina SSF Steve Rae Salamanca and Cpl. Ruinie Toledo, mga miyembro ng PNP Medical Corps, na ngayon ay napag-alamang nasa PNP General Hospital.
Nakarating kay Taduran ang ulat na ang tatlo ay naisugod sa pagamutan makaraang sumailalim sa disinfection sa Philippine Sports Arena na ginawang quarantine facility. Namatay si Gutierrez noong Mayo 30, 2020, anim na araw makalipas ma-disinfect.
Kailangan din aniyang maimbestigahan ang disinfection area sa Philsports Arena, kung ito ay sumusunod sa guidelines ng DOH.
<< Home