Dapat P60,000 ang entry-level salary ng mga nurse para manatili sila sa bansa - Defensor
Ipinahayag ng isang mambabatas na ang tanging paraan lamang upang manatili ang mga nurse sa ating bansa ay ang pagtaas ng kanilang entry-level na sahod sa P60,000 kada buwan.
Nagbabala si Anakalusugan Partylist Rep Mike Defensor na maaring kakaharap ang bansa ng isang matinding shortage ng mga nurse sa hinaharap sa sandaling tapos na ang COVID-19 pandemic dahil ang demand ng mga nabanggit na health worker sa ibang bansa ay lalung tataas.
Ayon kay Defensor, vice-chairman House committee on health, makikita natin pagdating ng panahon na ang mga mayayamang bansa sa buong mundo ay magkukumahog sa pagpapalawak ng kanilang kapasidad sa public health systems at palalakasin nila ang kanilang recruitment ng Philippine-educated nurses sa sandaling matapos na itong COVID-19 pandemic na ito.
Hinikayat ng solon ang Kongreso na doblehin ang minimum salary ng mga nurse sa P60,000 maging sa public man o sa private na mga ospital upang ang mga ito ay maingganyong dito na lamang sa Pilipinas sila magtrabaho at hindi na mangibang-bansa.
<< Home