Pagkakaantala ng repatriation ng mga OFWs, inimbistegaha na ng Kamara
Idinaos na ang pagsisiyasat ng Kamara de Reppresentantes hinggil sa pagkakaantala ng repatriation ng libu-libong mga overseas Filipino workers, kasama na rin ang mga namatay dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Isinagawa ang pagdinig noong nakaraang Biyernes ng House Committee on Public Accounts sa pangunguna ni Anakalusugan partylist Rep Mike Defensor, ang chairman ng investigating committee.
Sa naturang pagdinig, inanyayahan ang mga opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ang Inter-Agency Task Force against Covid-19 (IATF), Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Transportation (DoTr), iilang ambassador na nakatalaga sa Middle East, at mga OFW representative.
Sinabi ni Defensor na ang hearing ay isinagawa upang masolusyunan ang problema sa repatriation ng mga OFW, at sa mga concerned agency dahil nagtataka umano ang mga lider ng Kamara kung bakit naaantala ang pag-uwi ng mga stranded na mga kababayan natin.
Idinagdag pa ni Defensor na ang mga labi ng mga Filipinong namatay sa Saudi Arabia ay nakaantabay pa ring maiuwi dito sa bansa.
Dahil dito, hinikayat ni Defensor ang mga stranded na OFWs na i-communicate nila ang kanilang mga concern at katanungam sa kangyang komite sa pamamagitan ng Facebook pages ng House at ng kanyang partylist group na Anakalusugan.
<< Home