Thursday, November 28, 2019

Cayetano: May mga tao na gusto lamang siya at ang administrasyong Duterte siraan sa hosting ng 30th SEA Games

Kinumpirma ni Phiippine Southeast Asian Games Organizing Committee o PHISGOC Chairman at House Speaker Alan Peter Cayetano na may mga tao na gusto siyang siraan at ang administrasyon Duterte sa hosting ng bansa sa 30th Southeast Asian Games.
Sa kaniyang pagdalo sa 44th National Prayer Breakfast sa Clob Filipino sa San Juan, sinabi ni Cayetano na kilala nito ang mga nasa likod ng smear campaign na layong siraan at i-descredit ang pamahalaan sa international community.
Nagbanta naman si Cayetano na isisiwalat niya ang lahat ng kaniyang mga nalalaman pagkatapos ng SEA Games at nagbanta na kakasuhan ng PHISGOC ang mga ito.
Samantala, iginiit ng lider ng Kamara na kusa itong haharap kung ipapatawag sa anomang imbestigasyon at hinamon ang mga kritiko na gawin siyang accountable sa kalalabasan sa hosting ng bansa sa SEA Games.
Matatandaan na inulan si Cayetano ng batikos bilang chairman ng PHISGOC matapos ang kaliwat kanang aberya na naranasan ng mga banyagang atleta nang dumating ang mga ito sa bansa bukod pa sa isyu sa pagkain at accomodation ng mga SEA Games Athletes.

Localized holidays sa mga lugar na pagdarausan ng SEA Games, iminungkahi

Iminungkahi ni House Committee on Games & Amusements Member at ACT-CIS Rep Jocelyn Tulfo na magpatupad ng localized holidays sa mga piling probinsya at lungsod na pagdarausan at pagsasagawaan ng mga palaro para sa 30th SEA Games. 
Hinimok ni Tulfo ang Ehekutibo na maglabas ng kautusan para ideklarang non-working holiday ang mga piling lugar na  venue para sa SEA Games tulad sa Binan Laguna, Clark Pampanga, Subic Zambales, San Juan La Union, Calatagan Batangas, Santa Rosa City, Tagaytay, Imus Cavite, at Los Baños Laguna at ilang mga lungsod sa Metro Manila mula December 1 hanggang 11. 
Pero kung sa tingin naman ng gobyerno ay napakahabang bakasyon ang December 1 to 11 na walang pasok ay hinikayat na kahit tatlong araw ay magdeklara ng walang pasok. 
Inirekomenda ng mambabatas ang December 2-Lunes at December 6-Biyernes na walang pasok para magkaroon ng dalawang long weekends at December 11 naman sa closing ceremony ng SEA Games. 
Bukod sa layuning makabawas sa traffic at hindi maapektuhan ang publiko ng event ay hinikayat naman ng kongresista na panoorin at i-cheer din ang mga atletang Pilipino. 
Naniniwala ang mambabatas na paraan din ito para makabawi ang pamahalaan sa mga negatibong feedback ng publiko sa SEA Games.

Ayusin ang pagbibigay ng balita hinggil sa SEA Games sa bansa, panawagan ni Salo sa media

Nananawagan si Kabayan Partylist Rep Ron Salo, Chairman ng House Committee on Public Information sa mga media entities na ayusin ang pagbibigay ng balita sa nagaganap sa 2019 Southeast Asian Games sa bansa.
Sinabi ni kaniyang privilege speech sa plenaryo kahapon na nakababahala na panay negatibong balita ang lumalabas sa mga foreign at local media entities hinggil sa paghahanda ng bansa sa SEA Games.
Ayon pa sa mambabatas, magdudulot ng negatibong impression sa international community kung panay puna ang ibabalita ng media sa SEA Games at hindi ipinalalabas sa mga news report ang development at kaayusan ng preparasyon dito ng pamahalaan.
Kinondena rin ni Salo ang mga fake news sa preparasyon sa SEA Games na layong siraan ang pamahalaan sa international community.
Dahil dito, nananawagan si Salo sa sambayanan na magkaisa at suportahan ang pamahalaan at ang mga atletang pinoy para sa matagumpay na kampanya sa SEA Games.

Speaker Alan Peter Cayetano nanindigan na walang kurapsyon sa PHISGOC

Nanindigan si House Speaker Alan Peter Cayetano na wala siyang ibinulsa o kinita sa ano mang pondo na may kaugnayan sa hosting ng Pilipinas para sa 30th SEA games.
Ginawa ni Cayetano ang pahayag sa pagdalo nito bilang panauhin sa 44th Philippine National Prayer breakfast na ginanap sa Club Filipino sa San Juan City kanina.
Sinabi ni Cayetano na ni singkong duling ay wala siyang kinita sa SEA games at sa katunayan aniya ay abonado pa nga sila sa PHISGOC ng magkaroon ng dalawang buwang delay sa sahod ng mga empleyado nito dahil sa pagkakaantala ng pondo.
Ayon pa kay Cayetano, hindi siya natatakot na humarap sa anumang imbestiyasyon dahil malinis ang kanyang konsesnya ngunit labis siyang nasasaktan dahil sa kabila aniya ng kanilang pagpupursige sa SEA Games ay napakaraming mga naglalabasang fake News na ibinabalita pa ng ilang media.
Aminado si Cayetano na may nangyari sa pagsundo ng mga players ng ibang bansa savairport kung saan hindi na bago ito dahil nangyari na umano ito sa kanila ni pangulong Duterte na 30 minuto silang nag antay sa ibang bansa.
Dahi dito, hinikayat ni Cayetano ang lahat na sama samang magdasal at magkaisa tungo sa ikatatagumpay ng hosting ng bansa.

Mahigpit na batas kontra e-cigarettes ipinanawagan sa Kongreso

Hinimok ng Philippine Legislators Committee on Population and Development Foundation (PLCPD) ang Kongreso na agad na magpasa ng isang batas na mag reregulate  sa paggamit ng mga electronic cigarettes o e-cigarettes sa bansa.
Sa ginanap na Media Dialogue kanina hinggil sa masamang epekto ng sigarilyo at vape, iginiit ni Mr. Romeo Dongeto ang Executive Director ng PLCPD na kailangan na talagang magpatupad  ng isang maghipit na batas kontra e-cigarettes para ma proteksyunan ang mga kabataan partikular ang kanilang kalusugan.
Ayon pa kay Dongeto, base aniya sa datos ng Department of Health (DOH) aabot  isang milyon na ang mga vape users sa bansa kung saan isa sa bawat limang gumagamit nito ay mga kabataan na nasa edad 10 hanggang 19.
Dagdag pa ni Dongeto, isang maling paniniwala din aniya na mas safe gamitin ang vape kesa sa mga heated tobacco products kung pagbabasehan ang pagaaral ng World Health Organization (WHO) na mas peligroso ito sa kalusugan dahil sa taglay nitong addictive liquids tulad ng nicotine at iba pang toxic substances.
Sa ngayon ay may mga nakabinbin ng panukala sa kamara na layong paigitingin ang pag manufacture, importation, distribution distribution ng mga electronic nicotine at non-nicotine delivery delivery systems tulang vape. 
Matatandaan na kamakailan ay ipinagutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagbawal ang importasyon at paggamit ng vapig product sa mga pampublikong lugar sa bansa.

Wednesday, November 27, 2019

Salceda: Hayaan na lamang ang Senado na mag-imbestiga sa performance ng PHISGOC para sa SEA Games

Nananawagan ngayon si Albay Rep. Joey Salceda na hayaan na lamang ang Senado na mag-imbestiga sa perfomance ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee o PHISGOC para sa 2019 SEA Games.
Sinabi ni Salceda na posibleng hindi umusad kung may resolusyon na ihahain sa Kamara para imbestigahan si House Speaker Alan Peter Cayetano na siya ring Chairman ng PHISGOC.
Ayon kay Salceda, nakahanda ang mga kongresista para suportahan ang kanilang Speaker dahil nakita nila kung paano pinaghandaan ng huli ang SEA Games.
Kumpiyansa ang mambabatas na magkakaroon ng pagbabago sa sentimyento ng publiko sa opening ceremonies ng SEA Games sa November 30. 
Matatandaang sinabi kamakailan ng Malakanyang na isa si Cayetano sa iimbestigahan sa mga nangyaring aberya sa pinakamalaking sporting event sa bansa ngayong taon.

Tuesday, November 26, 2019

Pag-oobliga sa paglalagay ng rainwater harvesting facilities sa bawat proyekto sa Metro Manila, lusot na Komite

Lusot na sa House Committee on Metro Manila Development ang panukalang batas na mag-oobliga sa paglalagay ng rainwater harvesting facilities sa lahat ng development projects sa Metro Manila.
Sakop ng unnumbered bill ang lahat ng mga public, private, commercial, institutional, at residential developments sa loob ng kalakhang Maynila sa layong mabawasan ang matinding pagbaha dulot ng malalakas na pag-ulan.
Sa ilalim ng panukala, ang Department of Human Settlements and Urban Development at mga Local Government Units o LGUs ang naatasang magmonitor kung sinusunod ba ang kautusan.
Hawak din ng LGUs ang pasya kung ire-revoke ang building permit ng mga developers na bigong sumunod sa panukala.
Hindi bababa sa P500,000 na multa sa loob ng isang taon ang kakaharapin ng mga developers na walang rainwater harvesting facilities.

Umapela si House Speaker Alan Peter Cayetano sa mga kritiko na tigilan na ang bashing sa SEA Games.

Sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na ang hosting ng bansa ng Southeast Asean Games o SEA Games ay hindi lang naman kay Pangulong Duterte, sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA), sa Philippine Olympic Committee (POC) o kaya ay sa Philippine South East Asian Games Organizing Committee (PHISGOC). 
Ayon kay Cayetano ang hosting na ito iy sinagawa ng buong Pilipinas at ng mga Pilipino kaya apela nito ay magtulungan ang lahat. 
Nilinaw naman ni Cayetano na ayos lamang na batikusin kung may mapansing mali ang Philippine SEA Games organizing Committee o PHISGOC para maitama ang mga pagkakamali at maisaayos ang trabaho nito pero kung ang pakay ng kritisismo ay dahil ayaw kay Pangulong Duterte, ipinunto nito na ang sariling bansa ang binabanatan ng mga kritiko.
Iginiit nito na alam ng mga atletang nakapaglaro na sa SEA Games, Asian Games, at kahit sa Olympics, na hindi maiiwasan ang ilang aberya  sa international competitions.
Una nang humingi ng paumanhin si Cayetano sa mga delegasyon sa SEA Games na nagka-problema pagdating sa Pilipinas.

African swine fever sa bansa, kinumpirma ng DA sa Kamara na bumaba na

Kinumpirma ng Department of Agriculture sa Kamara de Representantes na bumaba na ang kaso ng African Swine Fever sa Pilipinas.
Sa joint meeting ng House Committees on Agriculture and Food at House Committee on Local Government, sinabi ni Bureau of Animal Industry Director Ronnie Domingo na nakatulong ang mainit na klima sa pagbaba ng kaso ng ASF sa bansa.
Paliwanag nito, takot ang ASF sa dry season katulad sa Pilipinas.
Nakatulong din sa pagbaba ng ASF ang pagiging mulat ng mga magbababoy at ng lokal na pamahalaan sa problema sa pamamagitan ng pagpapatupad ng kanya-kanyang control measures.
Samantala, umapela naman ang mga pork producers sa mga LGUs na tanggalin na ang pork ban na ipinapatupad dahil hirap na umano silang maibenta ang mga baboy dahil sa ilang mga lalawigan na nagsara ng kanilang mga borders.
Iminungkahi naman ni DA Undersecretary Ariel Cayanan na magkaroon ng dayalogo ang mga hog raisers at pork producers sa LGUs upang ikunsidera ang pagluwag sa pagpasok ng mga baboy sa kanilang lugar lalo na kung wala na rin namang banta ng ASF.

Pagsibak ng Pangulo kay VP Robredo bilang co-chair ng ICAD, tama lang - Barbers

Naniniwala si House Committee on Dangerous Drugs Chairman Robert Ace Barbers na tama lamang ang ginawang pagsibak ni Pangulong Duterte kay Vice President Leni Robredo bilang Co-Chair ng Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD). 
Paliwanag ni Barbers, nawalan na ng kumpyansa at tiwala ang Pangulo kay Robredo kaya wala nang dahilan para ipagpatuloy nito ang trabaho sa ICAD. 
Wala na ring rason ang gobyerno para atasan pa si Robredo ng maseselang posisyon sa pamahalaan matapos na unahing humarap sa media at makipagugnayan sa UN at Estados Unidos gayong wala namang kinalaman ang mga ito sa problema ng bansa. 
Ayon kay Barbers, inaasahan na niya ito dahil walang humpay ang pambabatikos ni Robredo sa anti-drug war ng pamahalaan. 
Sa halip na magpanukala at magbigay ng solusyon si Robredo kung paano makakatulong sa kampanya kontra iligal na droga sa bansa ay siya pang numero unong bumabanat dito.

Nakatakdang atas na pagbubuwis ng bubuuing Department of Water Resources, lusot na sa Committee on Ways and Means

Nakalusot na sa House Committee on Ways and Means ang probisyon sa Department of Water Resources (DWR) na nagtatakda ng buwis at iba pang singil sa bubuuhing departamento.
Inaprubahan ng komite ang Section 30 ng panukala na nagtatakda sa regulatory unit ng patas at rasonableng pagtatakda ng tariff rates at iba pang charges sa serbisyo sa tubig, pagkakabit ng koneksyon sa tubig, pagkakaroon ng waste water treatment facility at water management.
Ang Water Regulatory Commission ang siyang magtatakda ng singil sa buwis batay sa rate-setting methodology at bayarin sa serbisyo na siya namang inaprubahan ng kalihim ng DWR.
Tinitiyak ng probisyon ang katatagan ng ekonomiya gayundin ang return of investment ng bansa.
Ang pagtatatag ng DWR na nauna nang inaprubahan sa komite ang siyang magiging pangunahing ahensya na responsable sa pamamahala ng mga water resources .

Mga nararanasang aberya sa SEA Games, ihiningi ng paumanhin na may apela sa mga kritiko ni SpeakerCayetano

House Speaker Alan Peter Cayetano humingi ng paumanhin sa mga nararanasang aberya sa SEA GAMES, Cayetano may apela rin sa mga kritiko
Humingi ng paumanhin si Philippine South East Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) Chairman at House Speaker Alan Peter Cayetano sa mga delegasyon ng SEA games na nakaranas ng aberya pagdating sa bansa.
Ayon kay Cayetano, hindi na raw mauulit pa ang aberya sa mga ito at makasisiguro ang mga atleta na magiging makabuluhan para sa lahat ang paghohost ng Pilipinas sa SEA Games.
Giit pa nito, hindi talaga maiiwasan ang ilang aberya sa international competitions at alam aniya ito ng mga atletang nakapaglaro na sa SEA Games, Asian Games, at maging sa Olympics.
Kasabay nito umapela din ang lider ng kamara sa mga kritiko na tigilan na ang pambabash sa SEA games at sa halip ay magtulungan na lamang ang lahat dahil pangalan aniya ng bansa ang nakasalalay dito.
Paglilinaw pa ni Cayetano, ok lang naman aniya na batikusin kung may napansing mali sa PHISGOC para maitama ito pero kung ang pakay aniya ng kritisismo ay dahil ayaw lamang kay Pangulong Rodrigo Duterte, ipinunto nito na ang sariling bansa ang binabanatan ng mga ito.

Umpisa pa lamang ay mali na ang pagtanggap ni Robredo sa drug czar position - Lagman

Sinabi ni Albay Rep. Edcel Lagman na simula pa lamang ay mali na ang pagtanggap ni Vice President Leni Robredo sa posisyon bilang drug czar.
Ayon kay Lagman, mali ang "serious take" ni Robredo sa posisyon bilang drug czar habang si Pangulong Duterte, mala-biro lamang ang pagbibigay ng posisyon sa bise presidente.
Ipinunto pa ni Lagman na ang pwesto ni Robredo isa lamang "off-the-cut reaction" sa palagiang pambabatikos nito sa war on drugs ng administrasyon.
Dagdag pa ng kongresista, hindi umano hahayaan ng Pangulo na magtagumpay ang opposition ni Vice President sa war on drugs na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nasusugpo ng administrasyon.
Matatandaang wala pang isang buwan sa pwesto si Robredo bilang drug czar matapos sibakin ni Pangulong Duterte kagabi dahil sa issue ng distrust.

DDR bill, pasado na sa House panel - Rep Yedda Marie Romualdez

Pinahayag kanina ni Tingog partylist Rep Yedda Marie Romualdez na pasado na sa Committee on Ways and Means ang sunstitute bill na magtatatag ng Department of Disaster Resilience o DDR matapos itong dumaan at inaprunahan din ng  Committee on Government Reorganization noong nakaraang linggo.
Sinabi ni Romualdez, chairperson ng House Committee on Welfare of Children at prinsipal na may-akda ng panukala, kasama ang kanyang asawa na si House Majority Leader at Leyte Rep Martin Romualdez, na ang panukala ay sinirtipikahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang isang urgent bill matapos ito ay naabutan na lamang ng 2019 elections noong 17 Congress.
Ayon pa sa mambabatas, ang public clamor para magpasa ng ganitong panukala ang nag-udyok matapos mangyari ang serye ng mga sakunang dulot ng lindol.
Ang panukala ay may layuning magtatag ng bagong departamento na siyang tututok sa disaster preparedness ng pamahalaan.
Ito ay maglilipat ng kapangyarihan ng Pagasa, Phivolcs, Mines and Geosciences Bureau at ng Bureau of Fire Protection dito sa naturang panukalang departamento para lalong mapaigting ang paghahanda at pagtugon ng pamahalaan sa panahon ng kalamidad.
Matatandaan na ang DDR bill ay isa sa mga nabanggit ng Pangulo sa kaniyang 2019 SONA na dapat ipasa sa lalong madaling panahon ng Kongreso.

Project Gintong Alay para sa mga atletang pinoy, nais ibalik ng isang mambabatas

Iminungkahi ngayon ni House Majority Leader at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez na ibalik ang Project Gintong Alay ng dekada 70 para mapataas ang competitiveness ng mga atletang pinoy na sasabak sa mga international sporting event.
Kaya naman nananawagan ngayon si Romualdez, na siya ring Chairman ng makapangyarihang House Committee on Rules sa pamahalaan, pribadong sektor at mga corporate sports patrons  na magpakita ng malasakit sa mga atletang pinoy at tulungan sila na makamit ang tagumpay para sa bayan.
Sa ilalim ng Project Gintong Alay na unang inilunsad taong 1979, bibigyan ng pagkakataon ang mga private corporations na mag-adopt ng atleta sa ibat-ibang larangan ng palakasan para buhusan ng suporta hanggang sa maging world class competitors ang mga ito.
Kung maibabalik ang programa, ang corporate sponsors na ang sasagot sa allowance, pagkain, nutritional needs, at gagastos sa mga international sporting events na dadaluhan ng bawat atleta na sakop ng programa.
Ilan sa mga tanyag na atleta na produkto ng Project Gintong Alay ay sila track and field superstars na si Lydia de Vega na may bansag na Asia's Sprint Queen, Elma Muros, ang two-time Olympian na si Isidro del Prado at ang champion swimmer na si Eric Buhain.

Friday, November 22, 2019

Timing ng pagkuwestiyon ni Senator Drilon sa pagpagawa ng cauldron sa SEA Games, pinunâ ni Rep Defensor

Pinunâ ni Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor ang timing ng pagkuwestyon ni Senator Franklin Drilon sa halaga ng ginastos ng pamahalaan sa pagpapagawa ng cauldron na gagamitin para sa hosting bansa sa 2019 SEA Games.
Para kay Defensor, mali ang timing ng pagkuwestyon sa halaga ng cauldron dahil napapahiya dito ang bansa lalo pa at nakatutok ngayon ang International Community kung papaano pinaghahandaan ng pamahalaan ang SEA Games.
Panawagan pa ni Defensor, huwag na sanang ilagay ng ilang mga opisyal sa kahihiyan ang bansa dahilan lamang sa political interest ng iilan at pag-usapan nalamang ito pagkatapos ng event.
Hindi naman kinontra ng Kongresista kung may mga kwestyon ang oposisyon sa paghahanda ng pamahalaan sa SEA Games dahil bahagi naman ito ng demokrasya pero sana raw ay ilagay ito sa lugar.
Samantala, nilinaw naman ni Defensor na nasa P42-M lamang ang buong ginastos sa pagpapagawa ng cauldron na dihamak na mas mura sa budget ng Singapore na naglaan ng P62-M at Indonesia na naglaan din ng P85-M para sa pagpapagawa din ng cauldron.

Atienza: Tandem dapat ang mahalal na President at Vice nito gaya ng imiiral na format ngayon sa America

Iminumungkahi ngayon ni Buhay Party-list Rep. Lito Atienza na maging "tandem" na ang ihahalal na Pangulo at Pangalawang Pangulo ng bansa gaya ng format ngayon sa umiiral sa Amerika.
Ang mungkahi ay ginawa matapos ipahayag kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala itong tiwala kay Vice President Leni Robredo mula nang tanggapin nito ang posisyon bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti- Illegal Drugs o ICAD.
Ani Atienza, maiiwasan ang disunity sa pagitan ng dalawang pinaka-matataas na opisyal ng bansa kung magka-alyado at magkasundo ang mga ito sa pamamahala.
Hindi lamang yan, mungkahi din ng Atienza na gawin din ang kaperahas na political set-up sa mga lokal na opisyal gaya ng magka-alyadong Governor at Vice Governors, at Mayor at Vice Mayors.
Sa huli, kung mabigyan ng pagkakataon, iginiit ni Atienza na maghahain siya ng panukala para maamiyendahan ang 1987 constitution para mahalal ang magka-alyadong Pangulo at ikalawang Pangulo ng bansa.

Speaker Cayetano: Desisyon ng Pangulo na i-ban ang vape at ang importasyon nito sa bansa supportado ng Kamara

Suportado ni House Speaker Alan Peter Cayetano at ng ilang miyembro ng mababang kapulungan ng kongreso ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na iban ang importasyon ng vape at paggamit nito sa mga pampublikong lugar sa bansa.
Sinabi ni Speaker Cayetano na nais lamang ng Pangulo na mapangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan laban sa masamang epekto na dinudulot sa paggamit ng vape katulad sa paninigarilyo. 
Kaugnay nito ay naghain si Deputy Majority Leader Marlyn Alonte sa Kamara de Represntantes ng panukala na layong palawakin ang pag-ban sa vape sa pamamagitan ng pagkakaroon ng batas sa pagri-regulate sa vape o e-cigarettes tulad sa mga tobacco o sigarilyo. 
Bukod dito layon din ng panukala na amiyendahan ang Tobacco Regulation Act kung saan tulad ng sigarilyo ay i-ri-regulate na rin ang packaging, paggamit, pagbebenta, pamamahagi at advertisement ng lahat ng electronic nicotine delivery systems at electronic non-nicotine delivery systems.
Una nang sinabi ni House Committee on Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey  Salceda, papatawan na nila ng buwis ang vape at heated tobacco products matapos na linawin ni Pangulong Duterte na ang total ban dito ay pagbabawal lamang ng paggamit ng vape o e-cigarette sa mga pampublikong lugar.

Relief goods para sa sinalanta ng kalamidad, libre na sa freight service fee sa paghatid sa mga lugar na nasalanta

Pumasa na sa ikalawang pagbasa ang panukala batas na may layuning ilibre sa bayad ang mga ibabiyaheng tulong o relief goods sa mga lugar na nasalanta ng kalamidad. 
Ayon sa inaprubahang House Bill 5070 na inihain ni Bulacan Rep Florida Robes, walang dapat singilin sa freight services ng paghahatid ng relief goods para sa mga biktima ng natural o man-made disasters.
Tatawaging Relief Goods Free Transportation Act ang panukala at inaatasan nito ang Office of the Civil Defense (OCD) sa pakikipag-ugnayan ng Philippine Postal Corporation (PPC) at lahat ng freight companies, common carriers, private carriers, freight forwarders, at iba pa na huwag maningil sa mga nakarehistrong relief organization para sa pagbiyahe ng relied goods sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.
Layunin din ng panukala ang mabilis ngunit sistematikong relief operations na magliligtas sa buhay ng mga biktima ng sakuna.
Naniniwala ang mga nagtulak ng panukala na kung magiging libre ang paghahatid ng relief goods, magagarantiya nito ang mabilis at sasapat ang ayuda sa mga indibidwal at komunidad na naapektuhan ng trahedya.

Wednesday, November 20, 2019

Department of Disaster Resilience Bill, lusot na sa committee level sa Kamara

Ipinasa na kahapon sa committee level sa Kamara de Representantes ang panukalang batas na magtatag ng Department of Disaster Resilience matapos nga ang sunod-sunod na pagtama ng kalamidad sa Pilipinas.
Ang panukala ay pasado na sa House Committee on Government Re-organization na layong magtatag ng bagong departamento na siyang tututok sa disaster preparedness ng pamahalaan.
Ito ay maglilipat ng kapangyarihan ng Pagasa, Phivolcs, Mines and Geosciences Bureau at ng Bureau of Fire Protection dito sa naturang panukalang departamento para lalong mapaigting ang paghahanda at pagtugon ng pamahalaan sa panahon ng kalamidad.
Matatandaan na ang DDR bill ay isa sa mga nabanggit ng Pangulo sa kaniyang 2019 SONA na dapat ipasa sa lalong madaling panahon ng Kongreso.

Martial Law sa Mindanao, malaking naitulong sa pagresolba sa problema ng iligal na droga sa Misamis Occidental

Malaki ang naitulong ng Martial Law sa pagresolba sa problema ng iligal na droga sa Mindanao lalo na sa Misamis Occidental.
Ayon kay Deputy Speaker Henry Oaminal ng 2nd District, Misamis Occidental, malaki ang ginampanan ng Martial Law sa paglutas sa kanilang problema sa iligal na droga matapos itong mabuwag matapos magkaroon ng raid sa Ozamis City kung saan napatay ang ilang miyembro ng pamliya Parojinog.
 Aniya, kung hindi umiral ang Martial Law ay mahihirapan silang sugpuin ang problema ng iligal na droga sa kanilang lugar lalo pa at sobrang malala na ang kalakalan ng ipinagbabawal na gamot doon.
 Bukod sa problema sa iligal na droga, batid din ni Oaminal na malaki ang naitulong ng Martial Law sa peace and order lalo na sa problema sa mga rebeldeng NPA na ngayon ay humuhupa na sa kanilang lugar.
 Sa huli, bagamat nais nito na huwag nang magkaroon ng Martial Law Extension sa Mindanao, giit ni Oaminal na tatalima ito sa anomang rekomendasyon ng Department of National Defense sa kung dapat na nga bang ihinto ang batas military sa rehiyon.

Mandatory Driver's Re-education Program, isinusulong sa Kamara

Isinisulong ngayon ni Ilo-ilo 3rd Rep Lorenz Defensor sa Kamara ang panukala na layong isailalim sa re-education program ang lahat ng mga driver na naisyuhan ng lisensya ng Land Transportation Office o LTO.
Batay sa House Bill 3196 na inihain ni Defensor, ang mga driver na nagmamaneho ng lahat ng klase ng motorized vehicles ay oobligahin na sumailalim sa isang araw na mandatory re-education program isang beses kada limang taon.
Nakasaad din sa panukala na ang mga driver na dadaan sa naturang programa ay bibigyan ng certificate of attendance na magiging requirement naman para sa pagrerenew ng lisensya.
Kaugnay nito ay aatasan din sa ilalim ng panukala ang Strategic Planning and Policy Group ng LTO na bumuo ng modules ng programa na saklaw sa Basic LTO policies at mga roadsafety regulations.
Batid ni Defensor na mayroon nang Drivers Academy ang LTO sa ngayon pero hindi anya ito sapat kung ang pagbabasihan ang tumataas na bilang ng mga naitatalang aksidente sa kalsada na sanhi ng human error.

Salceda: Pagbibigay ng “special powers” sa Pangulo, makaka-abilis sa mga proyekto sa ilalim ng Build Build Build Projects

Sinusulong ngayon ni Albay Rep. Joey Salceda ang pagbibigay ng "special powers" kay Pangulong Duterte para mapabilis ang mga itinatayong proyekto at imprastraktura sa ilalim ng Build Build Build Projects. 
Sinabi ni Salceda na wala itong pinagkaiba sa emergency powers pero tinawag niya na lamang itong special powers dahil wala naman daw umiiral na emergency sa bansa. 
Sa ilalim ng special powers ay mapagkakalooban si Pangulong Duterte ng kapangyarihan na mapabilis ang mga Build Build Build projects. 
Karaniwan aniyang nagiging mabagal ang mga proyekto dahil sa procurement process at problema sa right of way lalo na sa mga pribadong lugar o subdivisions. 
Aminado ang mambabatas na mabagal ang implementasyon ng mga proyekto pero hindi naman bigo ang BBB projects tulad ng sinasabi ni Senator Franklin Drilon.

Retirement sa edad na 56 para sa mga empleyado ng gobyerno, lusot na sa komite ng Kamara

Inaprubahan na ng House Committee on Government Enteprises ang panukala para sa optional retirement ng mga government officials sa edad na 56 taong gulang mula sa kasalukuyang 60 taong gulang.  
Layunin ng panukala na gawing mabilis ang turn over ng mga posisyon sa pamahalaan para mabigyang pagkakataon ang mga batang professionals na makahawak din sa mga matataas na pwesto. 
Sa kabilang banda ay itinatakda pa rin sa 65 taong gulang ang mandatory retirement age ng mga kawani ng pamahalaan. 
Sa kabilang banda ay pinaaapruba na rin agad ni Ako Bicol Partylist Rep Alfredo Garbin sa Kamara ang iba pang panukala para sa mga government employees. 
Pinamamadali na rin ng kongresista ang pagpasa sa House Bill 82 o pagupdate sa monthly pension ng mga retirado ng gobyerno at iba pang benepisyo sa ilalim ng Government Service Insurance System (GSIS). 
Kasama din sa pinaaapruba agad sa komite ang House Bill 83 na layong itaas sa P3,200 ang pension ng mga SSS pensioners na may 10 taong accredited services at P4,400 pensyon naman sa mga kawani ng gobyerno na nakapag-serbisyo ng 20 taon.

DS Hataman, nananawagan kay Mayor Isko na tulungan na lang ang Basilan na i-promote ang Basilan na ligtas na ito puntahan

Nananawagan si Deputy House Speaker Mujiv Hataman kay Manila Mayor Isko Moreno na tulungan ang mga taga Basilan na ipromote na ligtas puntahan at mababa na ang banta ng terorismo doon. 
Ang pahayag ay ginawa matapos magbanta si Mayor Isko na ipapadala nito sa Basilan ang mga police scalawags sa Maynila.
Ani Hataman, naiintindihan nito ang punto ni Mayor Isko subalit iba na aniya ngayon ang reputasyon ng Basilan kumpara sa mga nagdaang panahon kung saan prone sa terorismo ang lugar.
Punto pa ni Hataman, ligtas na ngayon sa Basilan kaya nananawagan ito ng tulong sa mga kagaya ni Mayor Isko na ipromote ang lugar nila sa mga turista at mga investors na maglagak ng puhunan doon.
Nananawagan din ito na kung maaari ay iwasan na sana ang mga pahayag na nagdudugtong sa Basilan sa mga isyu ng karahasan dahil mahirap aniyang tanggalin ang masamang impresyon sa lahat.

Fernando: Gawing "mabuhay lanes" o express routes ang lahat ng daan sa Metro Manila

Hiniling ni Marikina Rep. Bayani Fernando na gawing "mabuhay lanes" o express routes ang lahat ng daan sa Metro Manila. 
Sinabi ni Fernando na dating MMDA Chairman, dapat na linisin ang lahat ng daan at kalye sa lahat ng uri ng obstruction para gawing mabuhay lanes. 
Sa Metro Manila lang aniya ay mayroong 5800 kms pero 20% lamang ng mga kalye ang nagagamit. 
Maliban dito, pinabibigyang prayoridad din ni Fernando sa MMDA ang mga bus sa EDSA. 
Aniya, dapat na hinahayaang tumakbo ang bus sa mga EDSA dalawang beses na mas mabilis kumpara sa ibang sasakyan. 
Sinabi nito na kahit nakastoplight ay titigil ang ibang mga sasakyan habang ang bus ay puwedeng tuluy-tuloy. 
Katuwiran ng mambabatas, mas marami kasing dalang tao ang bus at maaari ng iwan ng mga tao ang kanilang sasakyan dahil may mas mabilis na alternatibong transportasyon.

Tuesday, November 19, 2019

Gobyerno, inaasahang kikita ng P45 Bilyon kada taon sa pagbubuwis sa POGO

Inaasahang kikita ang gobyerno ng P45 Billion kada taon sa pagbubuwis sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) kada taon. 
Ito ay matapos aprubahan kahapon ng House Ways and Means Committee ang House Bill 5257 o ang pagpapataw ng buwis sa mga POGO na nag-o-operate sa bansa. 
Ayon kay House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda, hindi hamak na mas maganda ang POGO tax kumpara sa ASIN tax dahil hindi masasagasaan ang ordinaryong mamamayan. 
Sa ilalim ng panukala, papatawan ng 5% franchise tax ang annual gross income ng mga POGO. 
Papatawan din ng 25% withholding tax sa mga POGO workers na may minimum threshold na P600,000. 
Nakasaad din sa panukala na ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang mag-i-isyu ng lisensya sa mga POGO hubs na nakaregister sa Bureau of Internal Revenue (BIR). 
Sa kasalukuyan ay P2.2 Billion lamang ang kinikita ng gobyerno kada taon mula sa mga POGO dahil sa regulatory fee na sinisingil ng PAGCOR.

Wakasan ang demand sa iligal na droga sa pamamagitan ng compulsory rehabilitation, suhestiyon ni Rep Mike Defensor kay ICAD co-chair VP Robredo

Inirekomenda ni House Committee on Health Vice Chairperson Mike Defensor kay Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) Co-Chair at Vice President Leni Robredo na wakasan ang demand sa iligal na droga sa pamamagitan ng compulsory rehabilitation. 
Iminungkahi ni Defensor na gawin ni VP Robredo ang demand reduction strategy tulad ng preventive education drive laban sa iligal na droga at pagkakaroon ng access sa rehabilitation services na subsidized ng gobyerno. 
Ayon sa kongresista, ang paraan na ito ay napatunayang naging epektibo sa ibang mga bansa para bumaba ang demand sa iligal na droga. 
Batay aniya sa tala ng Dangerous Drugs Board (DDB), sa libu-libong drug users sa bansa ay nasa 5,447 drug abusers lamang ang sumailalim sa rehabilitasyon ng 54 na private at public treatment facilities sa bansa. 
Kung madadagdagan ang limitadong bilang ng rehabilitation center sa bansa at mabibigyan ng access sa pagpapagamot ang mga drug users ay makakatulong ito para mapababa ang demand sa droga. 
Dahil dito, hiniling ni Defensor kay Robredo na aksyunan ang paglalagay ng isang rehab center sa bawat probinsya. 
Sa 2020 budget naman, nasa P1.18 billion lamang ang pondo para sa operasyon ng 21 rehabilitation facilities sa buong bansa ng Department of Health.

Mungkahi ni Minority Leader Abante, isara lahat na mga U-turn slots sa EDSA

Inirekomenda ni House Minority Leader at Manila Rep. Bienvenido Abante na isara ang lahat ng U-turn slots sa kahabaan ng EDSA para lumuwag ang traffic.
Ayon kay Abante, kailangan na ang pagsasara ng mga U-turn slots sa pangunahing kalsada dahil na rin sa pagdami ng bilang ng mga sasakyan sa bansa.
Paliwanag ni Abante, nagkaroon lamang noon ng U-turn slots sa EDSA sa ilalim na rin ng proposal nang dating MMDA Chairman at Marikina Rep. Bayani Fernando dahil kakaunti pa lang naman ang mga sasakyan.
Pero ngayon ay tatlong beses na ang itinaas sa bilang ng mga sasakyan sa EDSA kaya dapat na isara na lamang muli ang mga U-turn slots.
Sa kabilang banda, iminungkahi pa ni Abante na ilaan naman ang fast lane sa carpools sa oras na matanggal na ang U-turn sa EDSA.
Nauna na rin nanawagan ang mambabatas sa Palasyo ng Malacanang na pag-aralang mabuti ang 4-day work week scheme ngayong panahon ng kapaskuhan para mabawasan naman ang lalong pagbagal ng daloy ng trapiko sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan.

Wednesday, November 13, 2019

Maagang pagkakapasa ng P41.1 T proposed national budget, sisikapin ng Kogreso para maaksiyunan ang mga nakabinbing panukala bago mag-break sa December 18

Positibo si House Speaker Alan Peter Cayetano na mas maagang maisasabatas ang P4.1 T proposed national budget bill para magkaroon pa ng panahon ng kongreso na maaksyunan ang mga nakabinbing na panukalang batas bago ang session break sa December 18.
Sinabi ni Cayetano na susundan ng mga kongresista ang timeline ni Senate Committee on Finance Chairperson Sonny Angara na isagawa ang budget bi-cam sa huling linggo ng Nobyembre.
Dahil diyan, target ng kongreso na mai-transmit sa Office of the President ang budget bill sa December 5 para makagawa pa ng ibang accomplishments ang mga mambabatas sa natitirang session days bago ang holiday break.
Kaya naman magpupulong ngayong araw ang house small group na siyang tumanggap sa individual amendments ng mga kongresista sa General Appropriations Bill o GAB para magpasya kung kailangan pabang magconvene ng mas malaking meeting ang kamara para tulungan sa paghahanda ang Committee on Appropriations sa bicam.
Sa kabila niyan ay tiniyak ni Cayetano na malinis sa pork barrel insertions ang pambansang pondo sa susunod na taon.

Panukalang maglalaan ng pondo para sa mga batang naulila na nasa pangangalaga ng DSWD, aprubado na sa komite ng Kamara

Inaprubahan na ng House Committee on the Welfare of Children ang consolidated bill na maglalaan ng P50,000 na special trust fund para sa bawat batang napabayaan o naulila ng mga magulang na ngayon ay nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sinabi ng chairperson ng komite na si Tingog party-list Rep. Yedda Marie Romualdez, makukuha ng mga beneficiaries ang laman ng trust fund sa pagtuntong nila sa edad na 18 taong gulang kung saan maaari na silang kumalas sa puder ng DSWD.
Ayon kay Romualdez, karapatan ng mga ulila na mabigyan ng special trust fund at madama ang tulong ng gobyerno.
Ang trust fund account ay ipapangalan naman sa benepisyaryo sa ilalim ng Memorandum of Agreement (MOA) na pinasok ng DSWD at ng chosen trust entity.
Maaalis lamang ang account na ito kung ang beneficiary ay namatay o nasasangkot sa mga iligal ba gawain o krimen.

Maagang pagkakapasa ng P41.1 T proposed national budget, sisikapin ng Kogreso para maaksiyunan ang mga nakabinbing panukala bago mag-break sa December 18

Positibo si House Speaker Alan Peter Cayetano na mas maagang maisasabatas ang P4.1 T proposed national budget bill para magkaroon pa ng panahon ng kongreso na maaksyunan ang mga nakabinbing na panukalang batas bago ang session break sa December 18.
Ani Cayetano, susundan ng mga kongresista ang timeline ni Senate Committee on Finance Chairperson Sonny Angara na isagawa ang budget bi-cam sa huling linggo ng Nobyembre.
Dahil diyan, target ng kongreso na mai-transmit sa Office of the President ang budget bill sa December 5 para makagawa pa ng ibang accomplishments ang mga mambabatas sa natitirang session days bago ang holiday break.
Kaya naman magpupulong ngayong araw ang house small group na siyang tumanggap sa individual amendments ng mga kongresista sa General Appropriations Bill o GAB para magpasya kung kailangan pabang magconvene ng mas malaking meeting ang kamara para tulungan sa paghahanda ang Committee on Appropriations sa bicam.
Sa kabila niyan ay tiniyak ni Cayetano na malinis sa pork barrel insertions ang pambansang pondo sa susunod na taon.

Panukalang parusahan ang mga biktima ng hazing, lalo lang magpapahirap sa pagresolba ng kaso

Marami umanong magiging komplikasyon kung pati ang mga biktima ng hazing ay makakasuhan at maparurusahan.
Ayon kay Ako Bikol partylist Rep. Alfredo Garbin Jr., na isa sa principal authors ng Anti-Hazing Law, mas mahihirapan na maiusad ang kaso dahil hindi madali na tumestigo ang biktima laban sa kanyang sarili.
Malinaw din aniya sa criminal procedure sa bansa na walang sino man ang maoobliga na tumestigo laban sa kanyang sarili.
"I think there will be complications. Mahihirapan sa pagprosecute. Paano kung namatay yong victim?"ayon kay Garbin.
Una nang ipinapanukala ni Rep. Fidel Nograles na parusahan na rin ang mga willing victim ng hazing para mabawasan ang pagsali sa mga fraternity o katulad na organisasyon. 
Pero ayon kay Garbin, bagamat may ilang biktima ng hazing na pumayag sa pagmamaltrato o pag-abuso sa kanya, karaniwan na ito ay dahil napuwersa silang pumayag. 
Binigyang-diin ng kongresista na ang makabubuting gawin ngayon ay pairalin ng maayos at sundin ang itinatakda ng Anti Hazing Act of 2018 lalo na sa mga obligasyon ng bawat eskuwelahan at komunidad para masigurong hindi mangyayari ang ano mang uri ng hazing sa kanilang hurisdiksyon.
Masyado pa aniyang maaga na baguhin na naman ang Anti Hazing Law na kaka-amyenda lang nuong nakaraang taon.

Monday, November 11, 2019

Tatalima daw si Speaker Cayetano sa term-sharing agreement sa pagitan niya at ni Rep Lord Allan Velasco

Tiniyak ni House Speaker Alan Peter Cayetano na tatalima ito sa term-sharing agreement sa pagitan nila ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.
Sa isang panayam kahapon, siniguro ni Cayetano na walang pagbabago sa gentleman’s agreement at naniniwala ito sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na naunang nagpanukala sa term-sharing scheme.
Sinabi din nito na kung mayroon mang pagbabago sa kasunduan, silang dalawa ni Velasco ang unang mag-uusap.
Pinayuhan ni Cayetano si Velasco na ngayon pa lamang ay maghanda na ito dahil sa malaking hamon ang naghihintay sa pag-upo nito bilang Speaker na kanyang termino sa 18th Congress.

Rep Velasco: Term-sharing sharing sa pagitan niya at ni Speaker Cayetano ay tuloy pa rin

Iginiit ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na tuloy parin ang term sharing sa pagitan nila ni House Speaker Alan Peter Cayetano.
Sa isang panayam ngayong umaga, sinabi ni Velasco na ito ang nakasaad sa gentlemen's agreement na binuo sa pagsisimula ng 18th Congress at kumpiyansa ito na magaganap ang kasunduan.
Sa ngayon ay maaga pa para pag-usap ang term sharing at tututukan raw muna ni Velasco ang kaniyang trabaho bilang Chairman ng House Committee on Energy lalo na sa pagbibigay mura at reliable na kuryente sa mga Pilipino.
Tiniyak naman ni Velasco na magkakaroon muli ng botohan sa pagka- speaker sa ilalim ng term sharing agreement.

Kaawaawang sitwasyon ng mga atleta sa bansa, pinaiimbestigahan sa Kamara

Pinasisiyasat ni Cavite Rep Elpidio Barzaga sa House Committee on Youth and sports ang aniya’y "sorry state" ng mga Pinoy athletes sa bansa.
Sa House Resolution 505 na inihain ni Barzaga, nais nitong paimbestigahan  kung totoong bang nakakatanggap ng kinakailangang tulong mula sa pamahalaan ang mga atleta sa bansa.
Sa kabila kasi ng sinasabing financial support ay may  mga nagrereklamong national athletes na hindi sapat ang natatanggap nilang allowance at tulong mula sa gobyerno na dahilan ng pag-alis ng mga magagaling na atleta sa bansa. 
Partikular dito ang kaso ng Filipino Chess Grand Master Wesley So, na nagchampion sa World Fischer Chess Championship sa ilalim ng bandila ng Amerika matapos na madismaya sa sistema ng sports sa Pilipinas.
Ayon kay Barzaga, umaasa siya na sa pamamagitan ng naturang imbestigasyon ay masisiguro kung angkop ang mga umiiral na batas para  mga atleta at kung  alin sa mga ito ang  dapat ng  repasuhin.

Conference committee report hinggil sa pagpapaliban ng barangay at SK elections 2022, niratipikahan na ng Kamara

Niratipikahan na ang bicameral committee report kagabi ng Kamara de Representantes o ang pinal na bersiyon ng panukang batas, ang HB04933 at ang Senate version na magri-reschedule ng May 2020 barangay at sangguniang kabataan (SK) elections na gagawin nang December 2022.
Sa panukala, ang mga barangay at SK officials ay mabibigyan ng pagkakataon na makapag-papatuloy ng pagpapatupad ng kanilang iba’t ibang mga palisiya at kompletohin ang kanilang mga programa na naapektuhan sa pagkabalam ng pondo sa paumpisa ng taon.
Ang pinal na kopya ng enrolled form ng panukala na kapwa niratipikahan ng Senado at Kamara ay ita-transmit na sa Palasyo ng Malakanyang para lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterete.

Panukalang bumuo ng trust funds para sa mga abandonadong kabataan, aprubado sa House Committee level ng Kamara

Lusot na sa house committee on Welfare of children na pinangungunahan ni Tingog Sinirangan Party list Rep. Yedda Marie Romualdez ang panukala na layong mapangalagaan ang ang kapakanan ng mga abandonandong bata sa bansa.
Sa ilalim ng House bill  No. 3  o ang Trust fund for the abandoned, neglected or voluntarily  Committed Child of 2019 na iniakda ni House Speaker Alan Peter Cayetano, lilikha ng trust fund accounts na ipapangalan sa mga abandoned children sa pilipinas. 
Gagamitin ang naturang pondo upang maibigay ang pangangailangan ng batang iniwan at ganun din ang masiguro ang kanilang kinabukasan.
Kaugnay nito ay kinonsolida din ng komite ang dalawang kaparehong panukala na House Bill Nos. 4218 at 5715    na iniakda naman nina Representatives Jose Antonio Alvarado at Florencio "Bem" Noel.

Pagbibigay ng relief assistance, patuloy pa rin na mino-monitor ng DSWD

Patuloy na nakatutok ang Department of Social Welfare and Development sa pagbibigay ng relief assistance para sa mga tinamaan ng lindol sa North Cotabato.
Katunayan, nagdagdag na ng tauhan ang DSWD Field Office 12 para umasiste sa pagbibigay ng tulong sa mga nakatira sa evacuation centers dooon.
Sa pinaka huling tala ng ahensya, nasa 11,830 na pamilya 56,646 katao ang pansamantalang nanunuluyan ngayon sa mga evacuation centers.
Nasa 52,728 na pamilya  257,053 katao naman ang buong bulang ng mga naapektuhan ng lindol sa 317 na barangay sa Regions 11 at 12.
Sa huling tala, nasa ₱35,262,286.92 worth of assistance na ang naibigay sa mga sinalanta ng lindol sa dalawang probinsya kasabay ng pagtiyak na magpapatuloy ang relief assistance ng gobyerno hangang sa makabawi ang mga apektadong residente.

Thursday, November 07, 2019

Speaker Cayetano: Pagsasapubliko ng proseso ng Bicam, posibleng makaapekto sa pag-apruba ng 2020 national budget

Posibleng maantala ang pag-apruba sa proposed 4.1 Trillion pesos na 2020 national budget kung gagawing bukas sa publiko ang bicameral conference committee nito.
Ito ang ikinabahala ni House Speaker Alan Peter Cayetano matapos irekomenda ni Senator Panfilo Lacson na isapubliko ang bicam proceedings ng pambansang pondo sa susunod na taon.
Sinabi ni Cayetano na kung gagawing bukas sa publiko ang bicam ay maraming mga mambabatas ang maaaring mag-grandstanding  dito at tiyak na magreresulta sa pagkakantala ng naturang panukala.
Paliwanag  pa ni Cayetano, naiiintindihan naman  nila ang motibo ni Lacson na maging transparent at tiyaking walang pork barrel ang national budget at iyon din naman umano ang ginagawa ng mga kongresista.
Sa huli ay iminungkahi ng lider ng kamara na dapat din munang magkaroon ng consensus ang mga senador at kongresista sa planong pagsasapubliko ng budget hearing sa Bicam dahil isang senador lang naman aniya ang nagsusulong dito.
Free Counters
Free Counters