Mahigpit na batas kontra e-cigarettes ipinanawagan sa Kongreso
Hinimok ng Philippine Legislators Committee on Population and Development Foundation (PLCPD) ang Kongreso na agad na magpasa ng isang batas na mag reregulate sa paggamit ng mga electronic cigarettes o e-cigarettes sa bansa.
Sa ginanap na Media Dialogue kanina hinggil sa masamang epekto ng sigarilyo at vape, iginiit ni Mr. Romeo Dongeto ang Executive Director ng PLCPD na kailangan na talagang magpatupad ng isang maghipit na batas kontra e-cigarettes para ma proteksyunan ang mga kabataan partikular ang kanilang kalusugan.
Ayon pa kay Dongeto, base aniya sa datos ng Department of Health (DOH) aabot isang milyon na ang mga vape users sa bansa kung saan isa sa bawat limang gumagamit nito ay mga kabataan na nasa edad 10 hanggang 19.
Dagdag pa ni Dongeto, isang maling paniniwala din aniya na mas safe gamitin ang vape kesa sa mga heated tobacco products kung pagbabasehan ang pagaaral ng World Health Organization (WHO) na mas peligroso ito sa kalusugan dahil sa taglay nitong addictive liquids tulad ng nicotine at iba pang toxic substances.
Sa ngayon ay may mga nakabinbin ng panukala sa kamara na layong paigitingin ang pag manufacture, importation, distribution distribution ng mga electronic nicotine at non-nicotine delivery delivery systems tulang vape.
Matatandaan na kamakailan ay ipinagutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagbawal ang importasyon at paggamit ng vapig product sa mga pampublikong lugar sa bansa.
<< Home