Atienza: Tandem dapat ang mahalal na President at Vice nito gaya ng imiiral na format ngayon sa America
Iminumungkahi ngayon ni Buhay Party-list Rep. Lito Atienza na maging "tandem" na ang ihahalal na Pangulo at Pangalawang Pangulo ng bansa gaya ng format ngayon sa umiiral sa Amerika.
Ang mungkahi ay ginawa matapos ipahayag kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala itong tiwala kay Vice President Leni Robredo mula nang tanggapin nito ang posisyon bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti- Illegal Drugs o ICAD.
Ani Atienza, maiiwasan ang disunity sa pagitan ng dalawang pinaka-matataas na opisyal ng bansa kung magka-alyado at magkasundo ang mga ito sa pamamahala.
Hindi lamang yan, mungkahi din ng Atienza na gawin din ang kaperahas na political set-up sa mga lokal na opisyal gaya ng magka-alyadong Governor at Vice Governors, at Mayor at Vice Mayors.
Sa huli, kung mabigyan ng pagkakataon, iginiit ni Atienza na maghahain siya ng panukala para maamiyendahan ang 1987 constitution para mahalal ang magka-alyadong Pangulo at ikalawang Pangulo ng bansa.
<< Home