Retirement sa edad na 56 para sa mga empleyado ng gobyerno, lusot na sa komite ng Kamara
Inaprubahan na ng House Committee on Government Enteprises ang panukala para sa optional retirement ng mga government officials sa edad na 56 taong gulang mula sa kasalukuyang 60 taong gulang.
Layunin ng panukala na gawing mabilis ang turn over ng mga posisyon sa pamahalaan para mabigyang pagkakataon ang mga batang professionals na makahawak din sa mga matataas na pwesto.
Sa kabilang banda ay itinatakda pa rin sa 65 taong gulang ang mandatory retirement age ng mga kawani ng pamahalaan.
Sa kabilang banda ay pinaaapruba na rin agad ni Ako Bicol Partylist Rep Alfredo Garbin sa Kamara ang iba pang panukala para sa mga government employees.
Pinamamadali na rin ng kongresista ang pagpasa sa House Bill 82 o pagupdate sa monthly pension ng mga retirado ng gobyerno at iba pang benepisyo sa ilalim ng Government Service Insurance System (GSIS).
Kasama din sa pinaaapruba agad sa komite ang House Bill 83 na layong itaas sa P3,200 ang pension ng mga SSS pensioners na may 10 taong accredited services at P4,400 pensyon naman sa mga kawani ng gobyerno na nakapag-serbisyo ng 20 taon.
<< Home