Ayusin ang pagbibigay ng balita hinggil sa SEA Games sa bansa, panawagan ni Salo sa media
Nananawagan si Kabayan Partylist Rep Ron Salo, Chairman ng House Committee on Public Information sa mga media entities na ayusin ang pagbibigay ng balita sa nagaganap sa 2019 Southeast Asian Games sa bansa.
Sinabi ni kaniyang privilege speech sa plenaryo kahapon na nakababahala na panay negatibong balita ang lumalabas sa mga foreign at local media entities hinggil sa paghahanda ng bansa sa SEA Games.
Ayon pa sa mambabatas, magdudulot ng negatibong impression sa international community kung panay puna ang ibabalita ng media sa SEA Games at hindi ipinalalabas sa mga news report ang development at kaayusan ng preparasyon dito ng pamahalaan.
Kinondena rin ni Salo ang mga fake news sa preparasyon sa SEA Games na layong siraan ang pamahalaan sa international community.
Dahil dito, nananawagan si Salo sa sambayanan na magkaisa at suportahan ang pamahalaan at ang mga atletang pinoy para sa matagumpay na kampanya sa SEA Games.
<< Home