Speaker Cayetano: Desisyon ng Pangulo na i-ban ang vape at ang importasyon nito sa bansa supportado ng Kamara
Suportado ni House Speaker Alan Peter Cayetano at ng ilang miyembro ng mababang kapulungan ng kongreso ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na iban ang importasyon ng vape at paggamit nito sa mga pampublikong lugar sa bansa.
Sinabi ni Speaker Cayetano na nais lamang ng Pangulo na mapangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan laban sa masamang epekto na dinudulot sa paggamit ng vape katulad sa paninigarilyo.
Kaugnay nito ay naghain si Deputy Majority Leader Marlyn Alonte sa Kamara de Represntantes ng panukala na layong palawakin ang pag-ban sa vape sa pamamagitan ng pagkakaroon ng batas sa pagri-regulate sa vape o e-cigarettes tulad sa mga tobacco o sigarilyo.
Bukod dito layon din ng panukala na amiyendahan ang Tobacco Regulation Act kung saan tulad ng sigarilyo ay i-ri-regulate na rin ang packaging, paggamit, pagbebenta, pamamahagi at advertisement ng lahat ng electronic nicotine delivery systems at electronic non-nicotine delivery systems.
Una nang sinabi ni House Committee on Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey Salceda, papatawan na nila ng buwis ang vape at heated tobacco products matapos na linawin ni Pangulong Duterte na ang total ban dito ay pagbabawal lamang ng paggamit ng vape o e-cigarette sa mga pampublikong lugar.
<< Home