Panukalang maglalaan ng pondo para sa mga batang naulila na nasa pangangalaga ng DSWD, aprubado na sa komite ng Kamara
Inaprubahan na ng House Committee on the Welfare of Children ang consolidated bill na maglalaan ng P50,000 na special trust fund para sa bawat batang napabayaan o naulila ng mga magulang na ngayon ay nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sinabi ng chairperson ng komite na si Tingog party-list Rep. Yedda Marie Romualdez, makukuha ng mga beneficiaries ang laman ng trust fund sa pagtuntong nila sa edad na 18 taong gulang kung saan maaari na silang kumalas sa puder ng DSWD.
Ayon kay Romualdez, karapatan ng mga ulila na mabigyan ng special trust fund at madama ang tulong ng gobyerno.
Ang trust fund account ay ipapangalan naman sa benepisyaryo sa ilalim ng Memorandum of Agreement (MOA) na pinasok ng DSWD at ng chosen trust entity.
Maaalis lamang ang account na ito kung ang beneficiary ay namatay o nasasangkot sa mga iligal ba gawain o krimen.
<< Home