Umapela si House Speaker Alan Peter Cayetano sa mga kritiko na tigilan na ang bashing sa SEA Games.
Sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na ang hosting ng bansa ng Southeast Asean Games o SEA Games ay hindi lang naman kay Pangulong Duterte, sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA), sa Philippine Olympic Committee (POC) o kaya ay sa Philippine South East Asian Games Organizing Committee (PHISGOC).
Ayon kay Cayetano ang hosting na ito iy sinagawa ng buong Pilipinas at ng mga Pilipino kaya apela nito ay magtulungan ang lahat.
Nilinaw naman ni Cayetano na ayos lamang na batikusin kung may mapansing mali ang Philippine SEA Games organizing Committee o PHISGOC para maitama ang mga pagkakamali at maisaayos ang trabaho nito pero kung ang pakay ng kritisismo ay dahil ayaw kay Pangulong Duterte, ipinunto nito na ang sariling bansa ang binabanatan ng mga kritiko.
Iginiit nito na alam ng mga atletang nakapaglaro na sa SEA Games, Asian Games, at kahit sa Olympics, na hindi maiiwasan ang ilang aberya sa international competitions.
Una nang humingi ng paumanhin si Cayetano sa mga delegasyon sa SEA Games na nagka-problema pagdating sa Pilipinas.
<< Home