Umpisa pa lamang ay mali na ang pagtanggap ni Robredo sa drug czar position - Lagman
Sinabi ni Albay Rep. Edcel Lagman na simula pa lamang ay mali na ang pagtanggap ni Vice President Leni Robredo sa posisyon bilang drug czar.
Ayon kay Lagman, mali ang "serious take" ni Robredo sa posisyon bilang drug czar habang si Pangulong Duterte, mala-biro lamang ang pagbibigay ng posisyon sa bise presidente.
Ipinunto pa ni Lagman na ang pwesto ni Robredo isa lamang "off-the-cut reaction" sa palagiang pambabatikos nito sa war on drugs ng administrasyon.
Dagdag pa ng kongresista, hindi umano hahayaan ng Pangulo na magtagumpay ang opposition ni Vice President sa war on drugs na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nasusugpo ng administrasyon.
Matatandaang wala pang isang buwan sa pwesto si Robredo bilang drug czar matapos sibakin ni Pangulong Duterte kagabi dahil sa issue ng distrust.
<< Home