Monday, May 30, 2016

Niratipikahan ng ang panukalang magbabawal sa reappointment ng mga JBC member

Unanimous ang pag-ratipika ng Kamara sa bicameral report hinggil sa panukalang magbabawal sa pagtatalaga muli o reappointment ng mga miyembro ng Judicial and Bar Council (JBC) sa dating mga posisyon nito.

Nakapaloob sa naturang bicameral report ang HB06040 at SB02419 na kagyat na inaksiyunan ng plenaryo ng Mababang Kapulungan at ito ay ipapasa na sa tanggapang ni Pangulong Benigno Aquino III para sa enactment ito para maging ganap nang batas.

Ang panukala kung maging batas na ay makikilala sa katawagang Judiciary Independence Enhancing Act ay magiging batas sa loob pa rin ng 16th Congress.

Proklamasyon nina President-Elect Duterte and VP Rbbredo, inaasahan mamayang hapon

Ipinahayag ni Senator Aquilino Koko Pimentel III na ang napipintong proklamasyon nina President-elect Rodrigo Duterte at Vice President-elect Leni Robredo sa pamamagitan ng Joint Canvass Committee ay isasagawa mamayang hapon.

Ang planong proklamasyon ay isasagawa ngayong hapon ng Lunes, ayon pa kay Pimentel ng kanyang sinabi na maganda umano at natapos noong nakaraang Biyernes ang canvassing kung kaya’t nagkaroon ng pagkakataon ang mga staff ng naturang komite na maisaayos ang Joint Committee Report.

Si Duterte ang nanalo sa presidential race na nagtamo ng 16,601, 997 na boto habang si Robredo naman ay nakakuha ng 14,418,817 na boto sa pagka-vice president at ang National Board of Canvassers (NBOC) nagtapos ng kanilang bilangan na umabot sa 167 Certificates of Canvass (COCs).

Monday, May 23, 2016

OWWA Act nilagdaan na bilang isang ganap nan a batas

Pinasalamatan ni Tarlac Representative Susan Yap si Pangulong Benigno Simeon Aquino III sa paglagda nito ng panukalang magtatatag ng isang panibagong karta ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) kamakailan lamang.

Sinabi ni Yap, may akda ng panukala, na ang RA10801 ay magtatalaga ng mga guideline para sa mga bagay hinggil sa OWWA, ang madato nito, ang layunin at objectives, membership, collection ng mga kontribusyon at ang pag-aavail ng mga benepisyo at mga serbisyo nito.

Ayon pa kay Yap, ang bagong batas na ito ay magbibigay kaseguruhan din na ang batas hinggil OWWA ay kakatawan sa mga palisiya tungkol sa pagpopondo nito, kasama na ang management ng ponding ito, ganun na rin sa mga programa at service administration nito.

Batay sa batas na ito, ang OWWA ay sasailalim sa pangangasiwa ng Department of Labor and Employment (DOLE) na pamumunuan at nasa control ng Board of Trustees na siyang tatayo bilang policy-making body at ang Board of Trsutees naman ay binubuo ng Seretary ng DOLE bilang chairman, OWWA Adminitrator bilang vice chairperson, Secretaries of Foreign Affairs (DFA), Budget and Management (DBM), at Administrator ng Philippine Oversear Employment Administration (POEA) bilang mga miyembro ng naturang lupon.

Sapat na suportang legal para sa mga enforcement officers, aaprubahan na sa pinal na pagbasa

Aaprubahan na sa pngatlo at pinal na pagbasa bago sumapit ang ika-30 ng Hunyo ng kasalukuyang taon ang panukalang batas na magpapaibayo sa probisyon na maggagawad ng libreng suporta sa mga law enforcement officer na tinataya ang kanilang mga buhay sa pagtupad lamang ng kanilang mga tungkulin.

Sa HB06413, gagawaran ng libreng legal assistance ang sinumang opisyal at miyembro ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na nag-alay ng kanilang mga buhay para lamang maprotektahan ang mga mamamayan at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan ng lipunan.

Malimit kasi na nakaksuhan ang mga law enforcer sa prosecutor’s office, korte, administrative o alinmang competent body dahil sa mga insidente o mga insidenteng may kaugnayan sa kanilang pag-perform ng kanilang official duty.

Ang nabanggit na panukala na inihain nina Representatives Felix William Fuentebella, Silvestre Bello, George Arnaiz, Lino Cayetano, Jose Christopher Belmonte at Niel Tupas ay inisponsor at inaprubahan sa ikalawang pagbasa sa plenaryo bago ang Kongreso nag-adjourn noong Pebrero para magbigay-daan para sa katatapos pa lamang.

Wednesday, May 18, 2016

Iilan pang mga kahahalal pa lamang na mga kongresista, nagsumite na rin credentials


Dalawang nahalal muling mga kongresista at tatlong mga neophyte members ng incoming 17th Congress ay nagtungo sa Kamara de Representantes kamakailan lamang upang magsumite ng kani-kanilang mga credential na magpapatunay na sila ay nanalo bilang mga representante ng kanilang mga legislative district.

Si dating Speaker Arnulfo Fuentebella at si Representative Federico Sandoval II ng Malabon, ganun din sina Representatives Alberto Ungab ng Davao City, Manuel Jose Dalipe ng Zamboanga City at Johnny Pimentel ng Surigao del Sur ay nagsumite sa Office of the House Secretary General ng kanilang mga original copy ng kanilang Certificates of Canvass of Votes and Proclamation (CCVP) na inisyu ng Provincial, City o District Board of Canvassers, kasama ang kanilang Oath of Office na nilagdaan ng otorisadong opisyal.

Si Fuentebella ng Nationalist People’s Coalition (NPC) ang nagwagi sa pagka-kongresista laban sa mang-aawit na naging politiko na si Imelda Papin ng Liberal Party (LP) para kakatawan sa 4th District ng Camarines Sur, samantalang si Sandoval naman ng LP ay ang nanalo laban sa kanyang karibal na si Teresa Oreta ng LP para kumatawan sa Lungsod ng Malabon.

Sa parte naman ni Ungab, siya ang hinirang na panalo sa isa sa mga distrito ng Davao City at siya ay kapatid ni outgoing Representative Isidro Ungab ngunit si Dalipe naman ang kakatawan sa isa sa mga distrito ng Zamboanga City at si Pimentel naman ay ang hahalili kay third-termer Florencio Garay na tumakbo sa pagka-gubernador sa Surigao del Sur.

Matatandaang sina John Marvin “Yul Servo” Nieto at Edward Maceda ng Manila at si Rosanna Ria Vergara ng Nueva Ecija ay nagsumite rin ng kani-kanilang mga election documents na magpapatunay ng kanilang pagkapanalo sa eleksiyon kay Secretary General Marilyn Barua-Yap noong nakaraang Biyernes.

Monday, May 16, 2016

Pagtatanim ng punong kahoy para sa susunod na salinglahi, ipinanukala

Kumpiyansa ang mambabatas na sa darating na labing-pitong Kongreso ng Pilipinas o sa 17th Congress ay mabibigyan ng prayoridad at ang pagpapalawig at ang proteksiyon ng ating kagubatan.

Sinabi ni Partylist Represenative Francisco Ashley Acedillo na nasaksihan na umano natin ang bagsik at bangis ng kalikasan at ang global warming at climate change ay naging tunay nang banta sa sangkatauhan kung kaya’t marapat lamang umanong gawin na rin natin ang ating parte bilang mga mamamayan para kontrahin ang problema sa tinatawag na diversity loss para sa future generations.

Maraming mga inihaing panukala na tinalakay ang Committee on Reforstation na kung hindi man maipapasa ngayong kasalukuyang Kongreso ay seguradong ihahain muli sa pagbukas ng susunod na 17th Congress.

Dalawa sa mga panukala ang inaasahang ihain muli at ito ay ang HB03556 na maguutos sa mga mag-aaral na magtanim ng sampung punong kahoy kada taon nina Representative Rufus at Maximo Rodriguez at ang HB00972 na magre-require sa lahat na mga graduating na mga estudyante sa elementary, high school at college na magtanim ng sampung puno bawat isa bilang pagsunod sa requirement para sa graduation na inihain naman nina Partylist Representatives Acedillo at Gary Alejano.

Iilang mga bagong halal na kongresista, nagsumite na ng Certificates of Proclamation

Tatlong mga bagong halal na kongresista na ang nakapagsumite ng kani-kanilang mga certificate of proclamation kay House of Representatives Secraetary General Atty. Marilyn Barua-Yap.

Sina congressman-elect John Marvin “Yul Servo” Nieto ng 3rd district ng Manila at Edward Maceda ng 4th district na naturang lungsod din at sila ay nag-courtesy call kay Secretary Barua-Yap upang magsumite nga kanilang mga election document na nagpapatunay na sila nanalo noong nakaraang eleksiyon noong ika-9 ng Mayo 2016.

Samantala, si Rosanna Ria Vergara naman ng 3rd district ng Nueva Ecija ay nakapagsumite na rin ng kanyang mga dokumento na nagapaptunay na siya ay nanalo sa election bilang reprensentante ng nabanggit na congressional district.

Ang tatlong mga neophyte members ng Kamara de Representates ay dumaan sa kaunting briefing na isinagawa sa tanggapan ng House secretary general at sila binigyang kanya-kanyang mga member kits.

Thursday, May 12, 2016

Bagong halal na mga Kinatawan, magsumite muna ng mga dokumento bago maisama sa Roll of Members

Kinakailangang magsumite ang mga bagong halal na Kongresista ng mga dokumento na magpapatunay na sila ay hinalal bago maisama ang kanilang mga pangalan sa Roll of Members ng 17th Congress.

Ito ang pinahayag ni House of Representative Secretary General Marily Barua Yap ng kanyang sinabi na ang mga kinatawan ng bawat legislative district ay kailangang magsumite ng original na kopya ng Certificate of Canvass of Votes and Proclamation (CCVP) na inisyu ng Provincial, City o District Board of Canvassers, kasam na rin ang kanilang mga Oath of Office na nilagdaan ng duly authorized official.

Samantala, ang mga party-list representatives ay kailangang magsumite naman ng Certificate of Proclamation ng kanilang Party-list na inisyu naman ng COMELEC National Board of Canvassers at isang valid proofing kanilang pagkatalagabilang official nominee ng kanilang party-list at kasama na rin ang kanilang Oath of Office.

Ayon pa kay Yap, ang kanilang terms of Office bilang mga miyembro ng 17th Congress ay maguumpisa sa July 1, 2016 at ang kanyang tanggapan ay umpisa nang tatanggap ng mga credential.

Ang mga bagong kinatawan ay bibigyan ng orientation hinggil sa proseso na nirerequire para sa kanilang assumption into office.

Wednesday, May 04, 2016

Marapat nang wakasan ang labor contractualization sa bansa, Nograles

Humihingi ng suporta sa kanyang mga kapwa kongresista ang tagapangulo ng House Committee on Labor and Employment na maipasa na ang iilang mga nakabinbing panukala sa Kongreso na tutuldok o wawakas sa kagawiang kilala sa katawagang “endo” o yaong tinatawag na labor contractualization.

Sinabi ni Davao City Representative Karlo Alexei Nograles, chairman ng nabanggit mna komite na at least may tatlong mga panukalang inihain sa Mababang Kapulungan na tumatalakay sa mga deperensiya sa PD 442 o ang inamiyendahang Labor Code of the Philippines at bigyan ng alternatibong solusyon ang political gridlock ng mga manggagawa at ng mga employer sa usaping contractualization na mas kilala sa katawagang “endo” o end of contract.

Ayon pa kay Nograles, ang mga bill na ito ay may layuning ma-institutionalize ang iilang mga approach na ginagamit ng Department of Labor and Employment upang tugunan ang isyu ng endo o contractualization na parang katumbas na rin sa pag-iwas sa mga labor laws on standards and occupational safety and health standards, security of tenure, ang right to self-organization at ang collective bargaining agreements.

Maagang pagboto ng mga may kapansanan o PWD at senior citizen, itinulak

Marapat lamang na maipursige ang pagkakaroon ng batas na magmamando sa maagang pagboto ng mga Senior Citizen at ng mga may kapansanan o ng mga PWD during idinaraos ang eleksiyong nasyunal at local.


Ito ang mariing ipinupursige ni Cebu Representative Gabriel Luis Quisumbing sa kanyang mga panukalang batas na inihain sa Kamara de Representantes na may magkaka-ugnay na paksa na tinatalakay ng Committee on Suffrage and Electoral Reforms na pinamunuan ni Capiz Representative Fredenil Castro.

Sinabi ni Quisumbing na dahil sa pisikal na kondisyon ng mga PWD at ng mga Senior Citizen, sila napapagkaitan sa kanilang mga karapatan o right of suffrage tuwing araw ng halalan dahil sila nakikipagsabayan sa mga botante upang makaboto at alam naman natin umano na ang suffrage o pagboto ay ang tinatawag na lifeblood of a democracy.



Si Quisumbing ang may akda ng sumusunod na dalawang mga panukalang tinatalakay sa nabanggit na komite: ang HB04545 na kilalang “the early voting for senior citizens act,” at ang HB04546 “the early voting for persons with disabilities (PWDs) act.”

Umaasa si Quisumbing na kung hindi man pumasa at maging ganap na batas ang kang kanyang mga panukala ngayong kasalukuyang 16th Congress na siyang magtatapos sa ika-10 ng Hunyo ng kasalukuyang taon, mabibigyan ng prayoridad ng susunod na 17th Congress ag kayang inisyatibang magbibenipisyo sa milyon-milyong mga Senior Citizens at PWDs.

Tuesday, May 03, 2016

Financial literacy, dapat nang isama sa curriculum ng mga eskuwela

Itinulak ni Masbate Representative Scott Davis Lanete na maisama ang financial literacy o kaalamang pangpinansiyal sa mga leksiyon o school curriculum ng elementarya at high school.

Ipinaliwanag sa panukala ni Lanete, ang HB06293, na ang Financial literacy o kaalamang pinansiyal ay ang kapasidad na magamit ang knowledge at skills na gawing epektibo at may kaalaman hinggil sa money management decisions.

Ayon sa kanya, ang personal financial literacy ay binubuo ng malawak na paksa hinggil sa pera, mga pang-araw-araw na kaalaman kagaya ng pagbabalanse ng checkbook at pagpaplano ng kinabukasan tungkol sa pera pati na rin ang pagpaplano para sa pagriretiro.


Idinagdag pa ni Lanete na bagamat ang literacy na siyang kaalaman sa pagbasa at pagsulat ay pundamental na bahagi ng educational system, ang financial literacy naman ay napapag-iwanan lamang sa mga paksang aralin ng mga mag-aaral.

Pagtukoy sa pumatay sa mga bayani, iminungkahi

Iminungkahi ng isang mambabatas sa Kamara de Representantes na bumuo ng isang espesyal na lupon o commission na bibigyan ng kapangyarihang isaayos ang kasaysayan hinggil sa pagkamatay ng iilang mga bayani kagaya nina Gat Andres Bonifacio, Heneral Antonio Luna at Senador Benigno “Ninoy” Aquino, Jr.

Sa panukala ni Buhay Partylist Representative Jose Atienza, Jr., ang HB06332, itatatag ang Historical Fact-Finding Commission na siyang magsasagawa ng pagsisiyasat sa mga high-profile at hindi pa nareresolbang pagkamatay o kamatayan ng mga nabanggit na bayani.

Sinabi ni Atienza na napapanahon nang magtatag ng Historical Fact-Finding Commission para malaman na kung sino talaga ang pumatay sa ilang mga magagaling na bayani ng bansa.

Idinagdag pa ni Atienza na mapalad umano ang ating bansa dahil ito ay nagkaroon ng kasaysayan na puno ng kuwento ng katapangang ipaglaban ang kalayaan ng ating Inang Bayan.

Monday, May 02, 2016

Paksang paggawa o labor subjects, dapata isama sa college curriculum

Nais ni Paranaque Representative Gus Tambunting na isama sa tertiary education curriculum o sa kolehiyo ang paksa tungkol sa paggawa o ang labor bilang isang regular na subject upang mapag-aralan at malaman ng mga estudyantre ang mga karapatan at pribilihiyo ng mga manggagawa at ganun na rin para sa mga labor management kasama na rin ang kanilang mga responsibilidad sa lipunan.

Sinabi ni Tambunting na mahalaga para sa bawat nagnanais na magtrabaho at sa mga miyembro ng labor management na malaman ang kanilang mga rights at obligations batay sa Labor Code para ganap nilang ma-appreciate at maipatupad ang mga intensiyon nito.

Ayon pa kay Tambunting na ang kinabukasan ng labor force ay mapangalagaan at maseguro ang proteksiyon ng kanilang mga karapatan.

Mga magreretiro sa AFP, mabibigyan ng oportunidad bilang civilian professionals

Ipinanukala ng dalawang kinatawan Magdalo Partylist sa Kongreso na sina Reps. Gary Alejano at Francisco Ashley Acedillo sa kanilang inihaing bill, ang HB05925 na kilalaning “Military Transition System Act” na mabigyan ng pagkakataon ang mga magagaling na mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines para sa high value jobs matapos silang magretiro sa military service.


Sinabi nina Alejano at Acedillo na batay sa Presidential Dcree No. 1650, ang military personnel ay magreretiro na sa serbisyo sa edad na singkuwenta’y sais o Fifty Six (56) ngunit ang kanilang pagiging produktibo ay lumalampas pa sa kanilang retirement age.



Makabubuti umano kung mabigyan din sila ng tsansang makapamahagi ng kanilang kagalingan o ng kanilang skills at expertise bilang mga civilian professionals.


Idinagdag pa ng mga may-akda ng nabanggit na panukala na ang Military Transition System Board na itatatag batay sa panukala ay nakadesinyo upang ma-professionalize ang mga miyembro ng military at maipagpaibayo ang kanilang career development matapos silang magretiro sa kanilang paninilbihan sa militar.
Free Counters
Free Counters