Pagtukoy sa pumatay sa mga bayani, iminungkahi
Iminungkahi ng
isang mambabatas sa Kamara de Representantes na bumuo ng isang espesyal na
lupon o commission na bibigyan ng kapangyarihang isaayos ang kasaysayan hinggil
sa pagkamatay ng iilang mga bayani kagaya nina Gat Andres Bonifacio, Heneral
Antonio Luna at Senador Benigno “Ninoy” Aquino, Jr.
Sa panukala
ni Buhay Partylist Representative Jose Atienza, Jr., ang HB06332, itatatag ang
Historical Fact-Finding Commission na siyang magsasagawa ng pagsisiyasat sa mga
high-profile at hindi pa nareresolbang pagkamatay o kamatayan ng mga nabanggit
na bayani.
Sinabi ni
Atienza na napapanahon nang magtatag ng Historical Fact-Finding Commission para
malaman na kung sino talaga ang pumatay sa ilang mga magagaling na bayani ng
bansa.
Idinagdag pa
ni Atienza na mapalad umano ang ating bansa dahil ito ay nagkaroon ng
kasaysayan na puno ng kuwento ng katapangang ipaglaban ang kalayaan ng ating
Inang Bayan.
<< Home